Alas-singko na nga ng hapon at nag-out na rin ako sa trabaho. Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Kalahati na kasi ng buwan. Meaning, sweldo na ng mga empleyado. Kaya ayun, madaming kumain sa shop.
Excited na nga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga, eh. So ayun, pili na nga ako sa sakayan ng tricycle. Medyo natagalan nga lang dahil mahaba ang pila, pero ok lang. Fifteen minutes lang, nakasakay na rin ako. Mabilis lang makasakay. Well, malapit lang naman sa bahay at sa school yung work ko. Kaya nga lang, pagod na ‘ko at hindi ko na kayang maglakad.
Ten minutes lang, nakarating na ‘ko sa bahay. Pagpasok ko nga ay sinalubong agad ako ni Sefira. Naabutan ko s’yang kumakain habang nag-ce-cell phone.
“Nandito na ‘ko!” Bati ko sa kanya habang inaalis yung sapatos ko sa may pinto.
“Mama!” Agad na tinigil ni Sefira ang pagkain, tumayo at tumakbo papunta sa akin. Niyakap n’ya ako nang mahigpit, tapos ay iniharap ang anyang mukha nang may ngiti.
“Kumusta naman ang first day?” Tanong ko sa kanya habang yakap-yakap din s’ya.
“Ok lang po, mama.”
“Naku, yang ok na yan, ginawa ko na yan sa lola mo! Baka may naka-away ka sa school, ha?” Nakakakaba yung mga ‘ok’ na sagot. Kapag tinatanong kasi ako ni mama ng ganyan dati, sinsabi ko ring ‘ok.’ Pero ayun, may binugbog na ‘kong kaklase ko. Nadadala nga ako noon sa guidance office, eh. Pero kapag tinatanong ko ni mama kung kumusta araw ko, sinasagot ko laging, ‘ok lang, mama.’
“Hindi mama, ok lang talaga. Kumain na po ikaw?” Ay, napakalambing naman ng anak kong magsalita.
“Gutom na nga ako, eh.”
“Halika na, mama, Kain na tayo. Upo ka na.” Hinatak na nga ako ni Sefira sa lamesa at pinaupo sa tabi n’ya. Kinuhanan n’ya ako ng plato, kutsa, tinidor, at yempre baso. Nilagyan din n’ya ng tubig yung baso ko, tapos ay binigay a akin yung kanin at ulam na nasa lamesa. “Kain na, mama. Tatawagin ko lang si lola.”
Napakaswerte ko naman at nagkaroon ako ng anak na masipag. Laging ganyan yang si Sef-Sef. Napakalambing na bata. Tinuturuan kasi ni mama yan na maging masipag. Apat na taon pa lang, pinagliligpit na yan ni mama ng higaan. Tapos, pinagpupunas pa yan ni mama ng lamesa at pinapatulong na magligpit ng mga pinagkainan. Ang swerte ko talaga kay Sefira.
“Oh, anak!” Bati sa akin ni mama pagkalabas n’ya ng kwarto. Kasama rin n’ya si Sef na lumabas, tapos nakahawak pa yung bata sa kamay n’ya. “Dumating ka na pala. Kumusta naman yung araw mo?”
“Ang dami naming customers kanina. Paano, sweldo na naman kaya marami yung mga lumalabas. Ikaw mama, kumusta naman po yung karinderya?”
“Gaya pa rin ng dati, marami pa ring kumakain. Nag-iisip na nga ako kung kukuha na ako ng tutulon’g sa akin.”
“Eh, mama, kaya mo na bang magpasweldo, if ever na may makuha ka?”
“Kaya naman. Yun nga lang, hindi ganung kalakihan yung sweldo.”
“Kung hindi mo na po kaya yung ginagawa n’yo sa karinderya, mabuti nang may kasama na kayo roon. Baka mamaya d’yan, mahimlay ka na lang sa sahig. Fifty-five ka na, sige ka.”
“Hay, sige na nga. Bukas na bukas magpapaskil na ko sa karinderya.” Yan ang gusto kong marinig mula kay mama.
“Oh, ikaw naman, Sef. Kumusta yung school?” Muli kong tanong kay Sefira habang naglalagay ako ng kanin sa plato ko.
“Ok lang po, mama.” Sagot n’ya sa akin matapos lunukin yung pagkaing nginunguya n’ya.
“Yung totoo!?” Hay, naku. Pinandidilatan ko na nga lang s’ya ng mga mata.
“Ok na lang po.”
“Paanong ok? Kwento mo naman kasi yung mga ginawa n’yo kanina.” Saad ko bago isubo yung pagkaing nasa kutsara ko.
“Maiingay po yung mga classmate ko. Pero nung dumating si teacher, tumahimik na po sila.”
“Ah, eh, kumusta naman yung teacher mo? Mabait naman ba?”
“Ang bait po ni teacher. Nag-introduce yourself po kami kanina. Tapos binigyan n’ya pa po kami ng cookies. Tinuruan nga po n’ya kami nagbasa ng english, eh. Tapos pinagawa n’ya po kami ng card, para daw po mapakita namin sa mama at papa namin.” Bigla na lang may kinapa si Sefira sa bulsa ng short n’ya. At kinuha mula sa loob ang kulay dilaw na papel na nakatupi sa pinakamaliit nitong magagawa. Binigay n’ya sa akin ito, at syempre binuksan ko at binasa.
“I love you, mama! You’re good, and kind and best. Thank you, mama, love Sef.” Umabot tuloy sa tainga yung mga labi ko, nang mabasa ko ang sulat ni Sef. Nakakapawi naman ng pagod, kapag may natatanggap kang ganito mula sa anak mo. Sa makukulay na tinta ng watercolor, sa makapal na sulat ng marker, at sa hugis puso na dinrawing ni Sefira sa papel kung saan nakapaloob ang mismong mensahe ng anak ko, ay nagpapatunay na mula talaga sa puso ni Sefira ang paggawa nito. Niyakap ko tuloy si Sefira, at hinalikan pa s’ya sa noo, gawa ng umaapaw na agalakan sa aking puso. Bilang ina, nakakatuwa talaga kapag may na-a-appreciate sa atin, lalo na yung mismong anak pa natin yung gumawa.
“Thank you, baby. Galing naman ng artwork ng baby ko.”
“Nagustuhan nga rin po ni Sir Luke yan, eh.” Luke? Ewan ko kung bakit ako napakunot ng noo.
“Luke? Lalaki teacher mo?”
“Opo. Niyakap ko nga po s’ya kanina, eh.” Niyakap n’ya?
“Eh, bakit mo niyakap?”
“Eh anong problema kung lalaki ang teacher, ha? May masama rin ba sa yakap?” Tanong sa akin ni mama habang ngumunguya s’ya.
“Wala, nag-expect kasi akong babae yung teacher n’ya.”
“Yung totoo? Takot ka sigurong magkaroon ng ibang kinikilalang tatay si Sefira bukod sa totoo n’yang tatay.”
“Ma, huwag ka naman pong ganyan. Baka mamaya umiyak si Sef.”
“Hindi mama, ok lang po. Mabait po si Sir Luke. Gusto ko nga pong magkakilala kayo, eh.”
“Eh, bakit?”
“Kasi po, mahilig s’ya sa poems. Hindi po ba, mahilig ka rin sa poems?”
“Hindi naman ibig sabihin, dapat mo na akong ipakilala sa teacher mo.”
“Yung ibang parents nga po, kinakausap pa yung mga teachers, eh. Wala naman pong masama. Friend lang naman.”
“Hay naku, ayaw ko. Kung walang problema sa’yo, walang reason para kausapin ko yung teacher mo.”
“Si mama naman.”
“Rachel,” Sambit sa akin ni mama. “Huwag mo nang pigilan ang sarili mong kumilala ng iba. Bata ka pa rin, pwede ka pang magmahal ulit.”
“Pero mama, lahat naman ng mga lalaking yan iiwan din ako.”
“Paano ka nakakasiro? Isa lang ang ebidensya mo.”
Ito talagang nanay ko, parang wala akong sinabi five year ago. Sige nga, iniwan ka ng lalaking nakabuntis sa’yo. Ikaw na nagdadalang tao habang teenager pa, hindi mo na alam ano’ng gagawin. Mabaliw baliw ka na sa kakaisip ng solusyon sa problema, dumating pa nga sa puntong magpapalaglag ka pa, kahit anong suporta mula sa tatay ng anak mo wala kang mapala. Nung panahong kailangan ko s’ya, wala s’ya. Hindi ko hinihiling yung pera, ang gusto ko lang, sana nandito man lang s’ya nung panahong kailangan ko ng kalinga ng isang partner. Dalawa naman kaming nagkasala, pero bakit ako lang yung nahirapan?
Dumating sa punto na halos gusto ko na ring magpakamatay, dahil sa dami ng iniisip kong problema. Nakailang ulit akong nag-alanganin sa grades, naalis ako sa scholarship dahil hindi ko na-reach yung grades na pasado sa standard nila, si mama nagkasakit din ng malala, tapos buntis pa ‘ko. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko noon sa bata kapag lumabas. Gusto ko na nga lang s’yang ipalaglag, pero hindi lang natuloy, kasi maling gamot pampalaglag yung binigay sa akin sa Quiapo. At isa pa, kasalanan din sa Lord apag nagpa-abort ako.
Kaya nangako na lang din ako sa sarili ko.
“Ma, hindi mo ba natatandaan yung sinabi ko sa’yo, na kahit kailan, hindi na ‘ko magmamahal muli. Sa mga pinagdaanan ko, walang kahit na sinong lalaki ang tumulong sa atin. At ayaw ko nang mangyari yun, ma. Ayaw kong maging miserable na naman yung buhay natin, habang sila masayang masaya nung nakatakas sila sa responsibilidad. Kaya para hindi na maulit yun, hindi na lang ako magmamahal. Nasa akin na yung kailangan ko sa buhay, sapat na kayo para maging masaya ako. Kaya please, ma, huwag mo na akong pilitin pang mag-boyfriend ulit.” Saad ko sa malakas kong boses, sabay padabog-dabog na umakyat sa kwarto ko. Iyak ako nang iyak, nilabas ko lahat ng galit ko kay George sa pamamagitan ng pag-iyak. Sinalubsob ko yung sarili ko sa unan, at hinayaang tumulo nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Bumabalik na naman yung ala-ala ko sa nangyari sa akin, at yung puso ko, halos nabibiyak na. Parang dumudugo na hindi kayang gamutin ng kahit sinong doktor.
Ilang saglit pa, may kumatok sa pinto. Pinapasok ko na, kasi alam kong si mama naman yun. Pagkabukas ko ng pinto, umupo ako sa gilid ng kama, at tinabihan naman ako ng mama ko. Hindi naman ako galit sa kanya, kay George ako galit at sa mga lalaki.
“Anak, alam kong nasaktan ka sa nangyari. At sorry dahil may nasabi akong hindi maganda.”
“Wala ka naman pong nasabi na hindi maganda sa’kin. Galit ako sa mga lalaki na yan, dahil alam ko sa huli, iiwan ka lang nila kapag nabuntis ka na.”
“Anak, kung totoo yang sinasabi mo, sana hindi ka lumaking walang tatay. Nagkataon lang na namatay ang tatay mo bata ka pa. Pero naranasan mo namang magkatatay, hindi ba. Hindi naman ako hiniwalayan ng tatay mo nung nabuntis ako.”
“Ma, kasal kayo bago ka mabuntis.”
“Alam ko. Ang punto ko lang dito, hindi habang buhay, nandirito ako para alalayan ka. Hindi natin alam kung hanggang kailan ako rito sa mundo. Kailangan mo ng katuwang sa pa-aalaga kay Sefira, bukoda sa’kin.”
“Si mama naman, parang nagpapaalam na.”
“Syempre, totoo naman ang sinasabi ko. Maikli na lang ang panahon ko rito sa mundo.”
“Na-appreciate ko yung sinasabi mo, mama. Pero nangako na ‘kong hindi na ‘ko magmamahal ulit. Kapag nangako, dapat tinutupad. Saka isa pa, kaya ko namang palakihin si Sefira ng mag-isa.”
“Kung yan ang desisyon mo, wala akong magagawa. Pero hanggat kaya ko pa, nandirito ako para tulungan ka.”
‘Thank you, mama.” Niyakap ko si mama ng sobrang higpit, at hindi ko na s’ya pinakawalan pa hanggang sa makatulog ako.”
Alas-dose na nga pala ng tanghali, pero marami pa ring customers sa coffee shop. Oo nga pala, bakit ba ako nagtataka na maraming tao sa ganitong oras, eh tanghali na, oras na para mag-lunch yung mga tao. Malapit lang kami sa mga buildings at university. Iniisip ko nga kung dito sa Christian College ko pag-aaralin si Sef ng college, eh. Mura lang naman yung tuition, afford ko naman, saka malapit sa bahay namin. Pero ang kaso nga lang, syempre matagal pa yun. Kakaumpisa pa lang ni Sefira na pumasok sa school. Masyado talagang advance mag-isip ang mga magulang. Yung parang hindi ka pa nga lumulublob sa pool, maiisip na agad nilang malulunod ka. Hay, ganyan talaga mag-isip ang mga nanay. “Good afternoon, Ma’am!” Bati ko sa matandang customer na kaharap ko, habang tumitingin pa s’ya sa menu ng shop namin sa itaas. “Hi, I would like to order a French vanilla latte. I like it cold and medium, please.” Sambit ng matandang babae sa akin. “May I know your name, Ma’am?” “It’s Lydia.” At sin
“Oh, ang aga n’yo naman yatang umuwi?” Tanong ni mama Millet ko sa amin matapos n’yang makita ang pagmumukha ko at ni Sefira pagbukas ko ng pinto. Naabutan ko nga palang nagwawalis si mama kaya medyo makalat pa yung sahig.“Lola!” Agad na tumakbo si Sefira sa kanyang lola at niyakap ito nang mahigpit.“Eh, paano kasi, nilagnat yang si Sef. Mabuti na lang natawagan ako ng nurse.”“Ito, nilagnat? Eh, mas malakas pa sa kalabaw itong batang ito, ah? Kita mo may payapos yapos pa.” Hinawakan ni mama yung noo ni Sefira, pagkatapos ay tinignan ako ng nanlalaki n’yang mga mata. “Oh, medyo umiinit na naman yung bata. Mabuti pa patulugin mo na lang muna ‘to, tapos ako na bahala at pumasok ka na sa trabaho.”“Ay, ma nag-undertime ako today para maalagan ko si Sefira.” Paliwanag ko sa nanay ko, habang naglalakad papalapit sa kanya. “Oh, sige ikaw na magpatulog kay Sef at ipagluluto ko s’ya ng sabaw para naman may mahigop s’ya bago uminom ulit ng gamot.”“Lola, may kwento po ako.” Hay naku, parang
“Mama, need na po nating umalis!” Paalala ko kay mama habang nasa kwarto ako’t tinatali ang maiksi kong buhok. Nakiusap kasi si mama sa akin kagabi na samahan muna s’yang mamalengke. Pero d’yan lang naman sa kanto. Need kasi naming makapalengke ng ibang ingredients sa lulutuin ni mama para sa karinderya n’ya. Ok lang naman sa’kin, kasi 10 AM naman yung duty ko, alas-kwatro pa lang ngayon. “Ok, five minutes, ready na ko.” Sagot naman sa’kin ng mama ko. At ito na nga mga mars, eksaktong five minutes natapos naman yung nanay ko. So, mga 4:10 AM kami naka-alis ng bahay, at 4:25 AM kami nakarating sa palengke. Sinimulan na nga naming bumili ng bawang, sibuyas, kamatis, upo, at kung ano-ano pang gulay na nasa listahan namin. Hindi na kami bumili ng karne, kasi marami pa naman sa bahay. Pati na rin isda, galunggong lang yung binili namin saka bangus. Pagdating kasi ng gabi, minsan nag-iihaw din si mama. Pagkatapos nga naming bilhin yung mga dapat naming mabili, pumunta muna ako sa bili
“Oh, I’m really sorry, Ma’am.” Paghingi ko ng pasensya sa babaeng customer. “Papalitan ko na lang po, I’m so sorry po talaga.” Nanghihina na nga yung mga tuhod ko n’yan. Daig ko pa yata yung nahampas ng baseball bat sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Ilang segundo pa, baka nakaluhod na ko nito. “Don’t say sorry, my dear. It’s just a reminder that you must be careful next time.” Ha? Ganun na lang yun? Hindi ba ko pagagalitan nito? “Yang mukha mong yan, nakaunot yung kilay mo. Gusto mo yata pagalitan kita, eh.” Nakangiting pagbibiro ni Dhalia. “Naku Ma’am, hindi po. Handa naman po akong palitan yung frapuccino n’yo.” “Hindi, eh. Gusto mo yata sumigaw ako rito nang malakas at pahiyain kita.” “Sorry po talaga, Ma’am.” “Don’t worry, hindi naman ako Karen. Saka isang lagok pa lang yung naiimon ko, ano. Nung nalasahan ko yung almond, tinigil ko na. Plus, I brought my meds with me. In case na hindi sinasadyang makakain ako ng bawal, at least meron akong gamot.” “Naku, pasensya na po t
Naalala ko, noong kabataan ko. Madalas akong nasasabihan noon ng aking ina, na maging maingat sa mga barkada. ‘Rachel, huwag kang basta-basta sasama sa mga barkada mong iyan, ha. Ikaw pinaaalalahana kita, hindi yan magiging mabuti para sa’yo.’ ‘Yan ang madalas kong marinig mula sa nanay ko. Kaya madalas kaming nagkakabanggaan tungkol d’yan, eh. Masyado kasing judgemental ang nanay, eh hindi naman lahat ng kinakasama ko, bad influence kung tawagin. Pero napaisip din ako, kung bakit ganito na lang yung sinasabi ng nanay ko sa akin. Hanggang sa na-realize ko na nga kung bakit. Makwento ko lang, noong unang panahon. Ay wow, matanda yarn? Chariz lang! Noong nagdadalaga pa lang kasi ako, teenager, kumbaga, nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa bar. College pa lang ako noon, mga first year. Wala pang senior high noong panahon ko, kaya maaga akong nag-college. Kakatapos pa lang ng midtern, umawra agad kami sa bar pagsapit ng gabi. Todo inom kami nung time na ‘yon, at talagang sinag
Luke’s POV “Good morning, Ma’am Ces!” Pagbati ko sa kasamahan kong guro, habang nilalapag ko ang bitbit kong backpack, sa ilalim ng lamesa ko. Nagmamadali na nga ako, kasi late na naman akong pumasok, alam ko na ngang may klase pa ako ng nine-thirty. Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat, kasi hindi rin naman ako nakikinig sa mga bati nila. Nilabas ko mula sa bag ko yung librong puro english poetries, dahil babasahin mamaya ng mga estudyante ko ‘to. Tapos ay naglabas rin ako ng tatlong lata ng chocochip cookies, pati mga makukulay na papel na gagamitin mamaya ng mga bata para sa artwork nila. Sa tingin ko, hindi naman marami yung mga dala ko para sa klase, pero itong si Ma’am Ces, kung makatitig naman para akong may ginawang krimen. Tinitignan ako, mula ulo hanggang paa, habang nakahawak pa sa temple ng salamin n’ya. “Oh, Luke! Ang dami mo namang dala-dala.” Sambit sa akin ni Ma’am Ces. “The Children need to learn in a pleasurable way.” Sagot ko kay Ma.am. Syempre, english te