Love is something that everyone wanted.It makes someone special, loved, and happy.Sobrang sarap sa pakiramdam ng salitang LOVE, yung feeling na lagi ka daw nasa ulap kapag in love ka.But what if I told you that Hannah Kim, a 21 years old girl destined to choose either she love or someone special to her will die.Kung ikaw si Hannah, anong pipiliin mo? Love or....Die?? Love or Die Written By: Daniexxie_
View More"May nangyari ba nung wala ako?" Kanina pa 'ko tinatanong ni Dan hanggang sa makauwi na lang kami ng bahay.'Di ko kasi s'ya sinasagot tungkol dun dahil ayoko s'yang magalala at baka maisipan n'ya pang umalis ng trabaho."So may nangyari nga?Tell me ano yun?" Tinignan ko lang s'ya habang iniisip yung mga nangyari kanina."Wala nga yun." Saad ko bago pumasok ng kwarto ko.Pansin ko namang sumunod s'ya sa'kin kaya napabuntong hininga na lang ako."Galit ka ba sa--" "May trabaho na 'ko." Nilingon ko s'ya na agad ko namang pinagsisihan.Halos 1 inches na lang ata yung layo namin sa isa't isa at halos bumangga na nga rin yung mukha ko sa dibdib n'ya."Really?" Mahina n'yang saad dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa."Oo, bukas na 'ko mag sisimul--." Napatigil ako sa pagsasalita ng yakapin n'ya 'ko bigla."Well done."Saad n'ya na ikinangiti ko.Niyakap ko s'ya pabalik at dinama yung maiinit n'yang bisig.I feel safe and warm in his embrace.Natatakot tuloy ako sa mga posibleng mangyari na
"Nandito nanaman yan?" "Required ba talaga na kasama lagi ni Dan yan?""Ba't may kasama nanamang s'yang alalay?" Napayuko na lang ako sa mga sinabi ng mga katrabaho ni Dan.Sinama n'ya kasi ulit ako dahil may nag text nanaman sa'kin na unknown number.'Di ko naman inexpect na ang bilis pala magbago ng ugali ng mga taong nandito.Wala si Dan dito dahil nasa labas s'ya kasama yung manager nila dahil may kakausapin sila na related sa trabaho nila.Naiwan ako dito kasama yung mga katabaho ni Dan at sobrang nakakasakit yung mga pinagsasasabi nila.Naisipan ko na lang lumabas at mag libot libot na lang ulit dito sa loob ng building.'Di parin maalis sa isipan yung mga sinabi nung mga tao dun sa'kin kanina.Gusto kong magsalita rin pero baka mag cause lang ng gulo kaya 'wag na lang."Look who's here." Napalingon ako sa taong nagsalita sa harapan ko at napangiti ako dahil s'ya yung kahapong pogi na may ari ng building na 'to."Hello po!" Nag bow ako sa kan'ya dahil syempre mga dzai, may ari ng c
HANNAH'S POV"Okay lang ako, pumasok ka na." Tinulak ko s'ya papunta sa pintuan para lumabas na pero bumabalik parin s'ya sa loob habang paulit ulit akong tinatanong kung okay lang ba talaga raw akong maiwan na mag isa rito sa bahay."Are you sure??Ayaw mo ba talagang sumama sa'kin?" Umiling ako sa alok n'ya habang nakangiti para malaman n'ya na okay lang talaga ako."Mala-late ka na, Dan.Go na, okay lang nga ako." Hinawakan n'ya yung kamay ko kasi balak ko nanaman s'yang itulak papalabas ng pintuan."Come with me please." Pagmamakaawa n'ya na ikinabuntong hininga ko.Kulit naman netong Anghel ba 'to eh."Oo na, eto na po.Magbibihis na." Saad ko para matahimik na yung mundo n'ya.Parang wala talaga s'yang balak na umalis ng hindi ako kasama eh.Pagkatapos kong mag bihis ay agad agad ko s'yang hinila palabas ng bahay dahil baka ma-late pa s'ya ng dahil sa'kin.Wala parin akong trabaho ngayon dahil until now hindi parin sa'kin nag rereply o natawag yung pinag apply-an ko.Nagdadalawang isi
Nakahiga lang ako ngayon sa sala habang nagaantay sa tawag o text ng kompanyang pinag apply-an ko.Bumababa na tuloy chance at confidence ko dahil wala akong balita kung pasok ba ko at natanggap o ano eh.Mag isa lang ako ngayon dito sa bahay dahil may trabaho si Dan.Lingguhan daw sahod nila kaya may panggagasgos kami kahit papaano."Wala ba talagang tatawag?Reply?E-mail man lang?" Kinakausap ko yung sarili ko habang nakatingin sa cell phone ko na nakapatong sa lamesa na maliit.Gusto ko ng makapagtrabaho para matulungan ko si Dan sa mga bayarin.'Di biro kuryente at tubig ngayon.Lalo na bilihin, kulang na kulang talaga yung sweldo teh.Parang 'di ka bubuhayin kahit meron kang pera eh.Nakita ko na nagbukas yung cell phone ko sabay ring neto.Agad akong napatayo at agad na kinuha yung phone.May tumawag na!Sila na kaya 'to?!Huminga muna ako ng maluwag bago sagutin yung tawag.Kinakabahan ako, tanggao kaya ako?Makakapag start na kaya ako??Pinindot ko na yung green at ini-loud speak."Good
Maaga akong gumising dahil ipaghahanda ko si Dan ng makakain n'ya bago pumasok ng trabaho.Grabe iba talaga nagagawa ng physical appearance, gumawa lang ng magandang entrance papasok ng interview room nakakuha na agad ng trabaho. 'Di lang bilang isang worker na nahihirapan dahil need ng promotion para lumaki ang sweldo, kundi isang Model.Akalain mo yun naunahan pa 'kong mag katrabaho."Aga mo naman magising, Mr.Model." Saad ko ng makita ko s'yang lumabas ng kwarto n'ya.Gulo-gulo pa yung buhok n'ya at nakapikit pa yung isang mata."Cute." Bulong ko sabay tawa ng mahina.Kita ko s'yang dumiretcho sa cr kaya napa kibit balikat na lang ako.Forda ignore ako ni Kuya.Nagluto ako ng pancake na gawa lang sa tig sampung pisong harina, itlog, at baking soda na nabili ko ng tingi rin.Pinag timpla ko na rin s'ya ng gatas.Oo, gatas.Model ko yan kaya bawal masira ang skin.Kaya dapat gatas lang.After kong matapos mag luto ay inihain ko na agad sa lamesa.Tumingin ako sa pintuan ng cr at sakto naman a
Apat na araw na ang nakakaraan nung lumipat kami rito sa bago naming inuupahan.Okay naman, walang maingay, istorbo, at kung ano ano pang ikababahala ko.Pwera na lang kay Dan.Lumiligalig at umiingay kasi s'ya noong mga nakaraang araw.Hanggang ngayon ganun parin s'ya, nasobrahan na ata sa pagiging Jolly.Mas mukhang tao na lalo s'yang kumilos kesa sa'kin.Nag rereklamo na rin s'ya teh pag inuutusan kong mag walis.Naknam."WIWOWWW!!WIWOOW!WIWOOOW!" Dinaig n'ya nanaman yung ambulansya ngayon.Need ba talaga mag ingay ng ganan kada lalabas s'ya ng kwarto?"Aalis ka?" Tanong n'ya sa'kin at tila ba pinagmamasdan n'ya yung suot ko mula ulo hanggang paa.Nakapang formal kasi ako dahil may interview ako ngayon.Bawal naman na nakatunganga lang kami rito diba.Pa'no kami mabubuhay neto.Need ko kumilos, paubos na rin yung pera na ibinigay sa'min nung amo namin nung nakaraang dalawang linggo."I see..." Saad n'ya bago pumasok ulit sa kwarto n'ya.Pa weird ng pa weird si Dan.Unti na lang aakalain ko na
Nakahanda na ang lahat ng gamit namin at aalis na kami rito sa Hotel.Medyo malaki laki nagastos ko rito sa Hotel pero okay lang siguro.Nadagdagan naman experience ko hihi."Bye, Tv! Bye, Soft Bed!, Bye Ref! Bye, Aircon! Bye--" "Hindi mo naman siguro balak na mag paalam sa kanilang lahat no?" Saad ni Dan sa'kin habang hawak hawak na yung mga bagahe namin.Panira ka naman ih."Umalis na nga tayo, epal 'to ih." Biro kong saad bago tumawa.Naglakad na kami dito sa corridor para makapunta ng Elevator.Nang makarating kami sa lobby ay syempre forda sauli ng susi ng ginamit naming kwarto.Sabi pa nga ni Ate bumalik daw kami haha...wala na po kaming pera.Nandito na kami ngayon ni Dan sa taxi at papunta na sa bagong bahay namin.Ewan pero na e-excite ako na nabo-broke.Wala na kasi akong pera..'Di rin nagtagal ay nakarating na rin kami ni Dan dito sa bagong bahay.Mga 10 minutes lang siguro byahe pag may sasakyan pero 20 minutes ang lakaran pag broke ka talaga.Pagkapasok namin ng bahay ay nagul
Hapon na pero 'di parin kami nalabas ng kwarto.Nakatungannga lang ako sa tebisyon na nakapatay habang si Dan naman ay naghihintay ng tawag mula sa may ari ng bahay na balak naming upahan.'Di kami makalabas kasi baka mamaya nand'yan yung mga namasok sa dating bahay namin 'diba. " 'Di ka ba na bo-bored?" Napatingin ako sa kan'ya at ngumuso.Tinatanong pa ba yan?Halos mag mukha na kong ewan dito kakatitig sa tv na nakapatay sa sobrang bored bhie."Let's go outside." Tumayo s'ya sabay punta sa pintuan kaya napatayo rin ako.Nahihibang na ba s'ya?Alam kong Anghel ka pero-- "Trust me." Saad n'ya bago ngumiti sa'kin. 'Di ba s'ya napapagod kakangiti?"Oo na po."Ngumiti rin ako sa kan'ya bago ayusin ang sarili ko.Lumabas na kami ng room namin at walang takot n'yang nilakad yung corridor hanggang sa mapadpad kami sa elevator. Ba't parang ang lakas ng loob n'ya ngayon?" Because you trust me. " Saad n'ya bago tumabi sa gilid para paunahin akong makapasok sa loob ng elevator. Nakakapanibago...I
Naglalakad lakad kami ngayon at naghahanap ng for rent na karatula sa labas ng bahay.Tatlong oras na kaming naglilibot libot pero wala parin kaming mahanap.Medyo nagugutom na nga rin ako at feel ko mabubutas na yung pinaka baba ng sapatos ko kakalakad. " 'Di ka ba napapagod?" Tanong ko sa kasama ko na parang 'di man lang napapagod sa kakalakad.Grabe sana all ah. "Mmm..Hindi naman.Why?Pagod ka na ba?"Tanong n'ya sabay tigil sa paglalakad.Tumigil rin ako at tumingin sa kan'ya.Bumuntong hininga muna ako bago tumango.Hindi ba delikado 'tong ginagawa naten? "I guess...oo?"Patanong n'ya ring sagot sa'kin.Lumingon lingon ako sa lugar kung nasaan kami ngayon at biglang napatigil ng bigla akong may nakitang karatula. "House for rent..."Pagkabasang pagkabasa ko nun ay agad ko s'yang hinila papunta sa bahay kung saan 'ko nakita yung karatula. "May nahanap ka?" Tanong n'ya kaya nakangiti akong tumango sa kan'ya.Kung 'di pala s'ya tumigil edi 'di ko 'to makikita.May dulot talaga s'ya hehe.Wal
HANNAH'S POV"Pasensya na po, Aling Rita.Wala po talaga akong pambayad sainyo eh" Paghingi ko ng paumanhin sa may-ari ng tinitirahan kong bahay.Ngayon na kasi ang araw na maniningil siya at sakto naman na kulang na kulang ang perang hawak ko dahil ipinang bili ko na ito ng pagkain ko."Ay naku!Ganan na lang ba tayo kada pupunta ako dito??" Napayuko ako sa sinabi niya dahil sa sobrang hiya.Oo, ilang beses na nga itong nangyari at hiyang hiya na ko kay Aling Rita.Kung malaki ang sinasahod ko sa pagtatrabaho ko sa coffee shop eh mababayaran ko naman siya eh, kaso kulang talaga. "Pasensya na po talaga.Pangako po, babayaran ko po lahat ng di ko pa po nababayaran.Bigyan niyo po sana ako ng ilang araw" Pagmamakaawa ko na ikinabuntong hininga nya naman."Huli na 'to ha.Sinasabi ko sayo papalayasin na talaga kita." Umalis na siya pagkatapos nyang masabi 'yon.Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa naging usapan namin ni Aling Rita.'Di ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko sa totoo lang.A...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments