Home / Romance / Marry me, Teacher Luke / Chapter II: Unang Araw sa Eskwela

Share

Chapter II: Unang Araw sa Eskwela

Luke’s POV

“Good morning, Ma’am Ces!” Pagbati ko sa kasamahan kong guro, habang nilalapag ko ang bitbit kong backpack, sa ilalim ng lamesa ko. Nagmamadali na nga ako, kasi late na naman akong pumasok, alam ko na ngang may klase pa ako ng nine-thirty. Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat, kasi hindi rin naman ako nakikinig sa mga bati nila. 

Nilabas ko mula sa bag ko yung librong puro english poetries, dahil babasahin mamaya ng mga estudyante ko ‘to. Tapos ay naglabas rin ako ng tatlong lata ng chocochip cookies, pati mga makukulay na papel na gagamitin mamaya ng mga bata para sa artwork nila. 

Sa tingin ko, hindi naman marami yung mga dala ko para sa klase, pero itong si Ma’am Ces, kung makatitig naman para akong may ginawang krimen. Tinitignan ako, mula ulo hanggang paa, habang nakahawak pa sa temple ng salamin n’ya. 

“Oh, Luke! Ang dami mo namang dala-dala.” Sambit sa akin ni Ma’am Ces. 

“The Children need to learn in a pleasurable way.” Sagot ko kay Ma.am. Syempre, english teacher tayo, kaya dapat nagsasalita tayo ng english. “Iba na po kasi ang generation ngayon, dapat marunong kang makipaghalo-bilo sa mga bata. Dance with them as they study.”

“That’s nice, Sir Penafiel! I hope lahat ng mga kasamahan NATIN, ganyan din kung mag-isip.” 

“Hay, naku Ma’am,” Saad ng katabi ko sa cubicle na si Ma’am Ramsey. Busy rin s’ya kaka-type ng lesson n’ya sa laptop. “Sana nga. Kaya lang, kulang naman yung sweldo natin pambili ng mga kung anik-anik na yan.”

“Hay naku, totoo yan, Ma’am Ramsey. Binenta ko nga lang yung kaperahan ko, para may pambili ako ng mga gamit ng mga bata.”

“Umamin ka, pati chalk allowance mo, hindi mo pinambibili ng chalk, ano?”

Totoo naman, kaya napangiti ako sa sinabi ni Ms. Ramsey. Kulang na kulang talaga yung sweldo ng mga teachers. But one of the perks of being unmarried, is that your salary is all yours. Bahala ka kung paano mo gagastusin sweldo mo. For me, mas marami pa yata akong nagagastos para sa mga bata kaysa sa sarili ko. Pero ok lang, kasi para ko na rin silang mga anak. 

“Nga pala, Ma’am Ces, anong section pala yung advisery class ko?” Tanong ko habang sinasara yung backpack ko.

Kinuha ni Ma’am yung notebook sa lamesa n’ya, saka s’ya sumagot sa akin. “Kinder Banana, doon sa room 101.”

“Sige po, Ma’am punta na ‘ko sa klase.” Kinuha ko na nga yung mga gamit ko, at pumunta na sa first floor sa pinakaunang room.

Pagkarating ko sa room, biglang natigilan yung mga bata sa pag-iingay. Tahimik lahat, pati yung mga nagbabatuhan ng papel kanina, napaupo nung dumating ako. Grabe rin ang impact ng teacher, ano. Napapatigil mo yung mga nagkakagulo. Kaso, hindi naman palaging ganun. Nung high school nga ako, may nagbubugbugan pa sa mga kaklase ko, eh. Yun yung dahilan kung bakit ayaw kong magturo sa high school at college. 

At itong makukulit na ‘to, mas madali silang pakisamahan kesa sa mga teenagers. May chips ka lang na dala, ok na ‘tong mga maliliit. Ang teenagers, kahit anong gawin mo, hindi mo sila basta-basta mapapasunod. Sa generation nga ngayon, teacher pa yung may kasalanan kung bakit bagsak yung grades nila. Taga-compute lang kami, ano. 

“Good morning, mga kids.” Pagbati ko sa kanila habang naglalakad papuntang teachers table sa harapan. “I’am teacher Luke, your teacher in english class, and your adviser..”

“Good morning, teacher Luke. It was nice to meet you!” Sabay-sabay na pagbati sa akin ng mga estudyante ko, nang sila ay tumayo sa kani-kanilang upuan.

“It’s my pleasure to meet you too, guys. Have a sit.” At umupo na nga sila, matapos akong magsalita. “Bilang panimula ng ating klase, I want you guys to introduce yourself to me, one by one. Para naman makilala ko kayong lahat, ‘di ba?” Hay, gaya nga ng inaasahan ko, mag-iingay yung mga estudyante kapag introduce yourself na yung pinag-uusapan. Kanya-kanyang reaksyon, kanya-kanyang buka ng bibig. Kanya-kanyang sabing, ‘hala teacher!’ 

Pero bilang tatay ng mga ito, syempre gusto ko silang makilala. Kaya inumpisahan ko na ngang ituro, yung pinakauna sa upuan.

“Hi, classmate,” mahinang sambit ng batang babae, matapos s’yang tumabi sa akin at hinarap ang kanyang sarili sa kanyang mga kaklase. “My name is Alyanna. I’m…” Hindi na s’ya makapagsalita. Nakayuko na lang s’ya, tapos nakita ko sa mga kamay n’ya, nangangatog na. Tumutulo na rin yung pawis sa buong mukha n’ya, pagkatapos ay halos mangiyak-ngiyak na rin s’ya. Kaya hinawakan ko yung balikat n’ya, at ngumiti sa maamong mukha ng bata. “Teacher, hindi ko po kaya.” Bulong n’ya sa akin.

“It’ s ok, dear. Gusto mo na bang umupo?” Tumango s’ya matapos ko s’yang tanungin. Pagkaalis ko ng kamay ko sa balikat n’ya, agad s’yang umupo sa upuan at kinuha ang tumbler n’ya mula sa kanyang bag para uminom ng tubig. “Ok class, kung hindi n’yo kayang mag-english, ok lang , ha. Walang nakalagay sa board na pure english tayo.” Saad ko sa kanila.

Syempre, mga bata ‘tong mga ‘to. Akala yata nila pure english yung klase ko. Syempre hindi, ano. Dahil sa paalala ko, halos lahat sila tagalog na kung magpakilala. Nabanggit ng bawat isa yung mga edad nila, yung iba ay nagsambit ng kanilang mga talent, at yung iba naman ay ni-reveal sa klase ang gusto nilang propesyon kapag nasa edad na sila.

Pero ang tumatak talaga sa aking estudyante, ay itong babaeng medyo chubby, na nakatirintas ang buhok. Paglapit pa lang n’ya sa’kin, hindi man lang ngumingiti. Wala kang ekspresyon na makikita sa batang ‘to. Hindi s’ya maligalig tulad ng ka-edaran n’ya. Pagdating ko pa nga lang sa kwarto kanina ay s’ya  lang yung walang kinakausap na kaklase n’ya.

“Ok, what’s your name, hija?” Tanong ko sa kanya habang nakangiti.

“Sefira Assistio po, teacher.” Sagot sa akin ng bata.

“May gusto ka bang sabihin sa classmate mo? Or talent na gusto mong ipakita. Para naman makilala ka namin.”

“Gusto ko pong maging pulis.” Ngumiti tuloy ako sa sinabi n’ya. Bihira kaya akong makarinig na babae ang gustong maging pulis. Sa bagay, iba na yung generation ngayon.

“Alam mo, nung panahon ko, bihira ang babaeng gustong mag pulis. Pwede mo bang i-share sa amin kung bakit?”

“Kasi po, gusto kong hanapin si papa.” Gusto n’yang hanapin ang papa n’ya? Sa ganito ka-bata, nag-iisip na hanapin ang magulang? That made me confused.

“Bakit, nasaan ba papa mo?” 

“Kaya ko nga po hahanapin kasi hindi ko po alam, eh.” Grabe, nawindang naman ako sa sagot nitong batang ‘to. Nagtawan tuloy ang buong klase dahil sa way ng pagsagot n’ya sa akin. Ang lakas nga ng halakhak nila, eh. Abot hanggang sa kabilang section. Napapaliyad yung iba kakatawa, tapos yung iba naman nakatakip na yung bibig sa sobrang ngiti. Pati tuloy ako, napakamot na lang ng ulo.

“Well, at least napatawa tayong lahat ni Sefira.” Yes, I mean it. Akala ko, tahimik lang ‘tong batang ‘to. May tinatago rin naman palang kakulitan. “Ok, class, dahil lahat nag-participate ngayon, may cookies kayo from teacher Luke.” At lahat na nga ay naghiyawan ng napakalakas. Agad ring tumayo ang bawat isa sa kani-kanilang upuan nang buksan ko ang unang lata ng cookies, at hindi nakalimutang mag-thank you, nang mabigyan na sila ng meryenda. Una ngang nakatanggap si Sefira, kasunod na ang mga kaklase n’ya. Ganito talaga ang madalas kong ginagawa sa klase. Namimigay ako ng pagkain, tapos saka ako mag-di-discuss ng lesson. 

Sa araw na ito, tuturuan ko silang bumasa ng madali lang. Gamit ang librong isinulat ng namayapa kong kuya, tinuruan ko ang bawat isang magbasa. Baby step muna kami, sa madaling maintindihan ng mga bata. Napapangiti nga ako, eh, kasi hindi sila nahirapang magbasa ng tulang kinopya ko sa blackboard. Pina-explain o sa kanila yung meaning ng tula, at doon nga lang pumalya. Tinranslate ko na lang sa tagalog, at doon lang nila naintindihan yung meaning ng tulang binasa nila.

Pagkatapos ay pinasulat ko rin sila ng maikling tula para sa mga parents nila,para naman may maipapakita sila pag-uwi. Naglabas ako ng mga watercolors para magamit ng mga bata. Ang kalat nga lang, pero lilinisin din naman yan. Mas magandang may experience sila sa paggawa ng arts. Matapos ang ilang oras na pagtuturo, oras na nga para umuwi. Hindi ko makakalimutan ang kanilang mga ngiti, pati ang kanilang kakulitan sa maghapong ito. 

“Good job kayo kay teacher ngayong araw, mga kids.” Pagpupuri ko sa kanila. “I’m sorry to say, na kailangan n’yo nang umuwi. Don’t forget to show your poets to your parents, ok.”

“Goodbye, teacher Luke!” Sabay-sabay nilang sambit nang tumayo sila sa kani-kanilang pwesto. Lahat nga sila ay binigyan ako ng ngiti bago sila lumabas ng kwarto, pero ang hindi ko in-e-expect, pati itong si Sefira ay babati sa akin.

“Goodbye po, teacher Luke.” Paalam sa’kin ni Sefira nang lumapit s’ya sa akin, habang nakaupo ako sa teacher’s table.

“Take care sa pag-uwi, Sefira.” Sambit ko habang nilalagyan ko ng alcohol ang mga kamay ko. Akala ko ganun lang ang paalam sa akin ni Sefira. Pero matapos akong magsalita, bigla n’ya akong niyakap nang napakahigpit, yung parang ayaw n’ya na akong pakawalan. Ngayon lang ako nakatanggap ng yakap mula sa estudyante ko. Pakiramdam ko, naghihiyawan sa tuwa yun mga organs ko sa loob, nang makaramdam sila ng yapos ng isang bata. Sobrang nakaka-relax, parang nawala yung pagod ko dahil sa init ng mga kamay ni Sefira. Bagamat nanlalagkit na yung katawan n’ya sa sobrang init, napangiti naman ako sa init ng yakap n’ya. Nakakatuwa talaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status