Chapter: Chapter VII: Mga Marites ng Taon“Oh, I’m really sorry, Ma’am.” Paghingi ko ng pasensya sa babaeng customer. “Papalitan ko na lang po, I’m so sorry po talaga.” Nanghihina na nga yung mga tuhod ko n’yan. Daig ko pa yata yung nahampas ng baseball bat sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Ilang segundo pa, baka nakaluhod na ko nito. “Don’t say sorry, my dear. It’s just a reminder that you must be careful next time.” Ha? Ganun na lang yun? Hindi ba ko pagagalitan nito? “Yang mukha mong yan, nakaunot yung kilay mo. Gusto mo yata pagalitan kita, eh.” Nakangiting pagbibiro ni Dhalia. “Naku Ma’am, hindi po. Handa naman po akong palitan yung frapuccino n’yo.” “Hindi, eh. Gusto mo yata sumigaw ako rito nang malakas at pahiyain kita.” “Sorry po talaga, Ma’am.” “Don’t worry, hindi naman ako Karen. Saka isang lagok pa lang yung naiimon ko, ano. Nung nalasahan ko yung almond, tinigil ko na. Plus, I brought my meds with me. In case na hindi sinasadyang makakain ako ng bawal, at least meron akong gamot.” “Naku, pasensya na po t
Last Updated: 2023-06-27
Chapter: Chapter VI: Coffee Lover Teachers “Mama, need na po nating umalis!” Paalala ko kay mama habang nasa kwarto ako’t tinatali ang maiksi kong buhok. Nakiusap kasi si mama sa akin kagabi na samahan muna s’yang mamalengke. Pero d’yan lang naman sa kanto. Need kasi naming makapalengke ng ibang ingredients sa lulutuin ni mama para sa karinderya n’ya. Ok lang naman sa’kin, kasi 10 AM naman yung duty ko, alas-kwatro pa lang ngayon. “Ok, five minutes, ready na ko.” Sagot naman sa’kin ng mama ko. At ito na nga mga mars, eksaktong five minutes natapos naman yung nanay ko. So, mga 4:10 AM kami naka-alis ng bahay, at 4:25 AM kami nakarating sa palengke. Sinimulan na nga naming bumili ng bawang, sibuyas, kamatis, upo, at kung ano-ano pang gulay na nasa listahan namin. Hindi na kami bumili ng karne, kasi marami pa naman sa bahay. Pati na rin isda, galunggong lang yung binili namin saka bangus. Pagdating kasi ng gabi, minsan nag-iihaw din si mama. Pagkatapos nga naming bilhin yung mga dapat naming mabili, pumunta muna ako sa bili
Last Updated: 2023-06-13
Chapter: Chapter V: Matinding Damdamin“Oh, ang aga n’yo naman yatang umuwi?” Tanong ni mama Millet ko sa amin matapos n’yang makita ang pagmumukha ko at ni Sefira pagbukas ko ng pinto. Naabutan ko nga palang nagwawalis si mama kaya medyo makalat pa yung sahig.“Lola!” Agad na tumakbo si Sefira sa kanyang lola at niyakap ito nang mahigpit.“Eh, paano kasi, nilagnat yang si Sef. Mabuti na lang natawagan ako ng nurse.”“Ito, nilagnat? Eh, mas malakas pa sa kalabaw itong batang ito, ah? Kita mo may payapos yapos pa.” Hinawakan ni mama yung noo ni Sefira, pagkatapos ay tinignan ako ng nanlalaki n’yang mga mata. “Oh, medyo umiinit na naman yung bata. Mabuti pa patulugin mo na lang muna ‘to, tapos ako na bahala at pumasok ka na sa trabaho.”“Ay, ma nag-undertime ako today para maalagan ko si Sefira.” Paliwanag ko sa nanay ko, habang naglalakad papalapit sa kanya. “Oh, sige ikaw na magpatulog kay Sef at ipagluluto ko s’ya ng sabaw para naman may mahigop s’ya bago uminom ulit ng gamot.”“Lola, may kwento po ako.” Hay naku, parang
Last Updated: 2023-06-01
Chapter: Chapter IV: Kwento ng Aming Unang PagkikitaAlas-dose na nga pala ng tanghali, pero marami pa ring customers sa coffee shop. Oo nga pala, bakit ba ako nagtataka na maraming tao sa ganitong oras, eh tanghali na, oras na para mag-lunch yung mga tao. Malapit lang kami sa mga buildings at university. Iniisip ko nga kung dito sa Christian College ko pag-aaralin si Sef ng college, eh. Mura lang naman yung tuition, afford ko naman, saka malapit sa bahay namin. Pero ang kaso nga lang, syempre matagal pa yun. Kakaumpisa pa lang ni Sefira na pumasok sa school. Masyado talagang advance mag-isip ang mga magulang. Yung parang hindi ka pa nga lumulublob sa pool, maiisip na agad nilang malulunod ka. Hay, ganyan talaga mag-isip ang mga nanay. “Good afternoon, Ma’am!” Bati ko sa matandang customer na kaharap ko, habang tumitingin pa s’ya sa menu ng shop namin sa itaas. “Hi, I would like to order a French vanilla latte. I like it cold and medium, please.” Sambit ng matandang babae sa akin. “May I know your name, Ma’am?” “It’s Lydia.” At sin
Last Updated: 2023-05-25
Chapter: Chapter III: Rachel, the Man Hater Alas-singko na nga ng hapon at nag-out na rin ako sa trabaho. Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Kalahati na kasi ng buwan. Meaning, sweldo na ng mga empleyado. Kaya ayun, madaming kumain sa shop. Excited na nga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga, eh. So ayun, pili na nga ako sa sakayan ng tricycle. Medyo natagalan nga lang dahil mahaba ang pila, pero ok lang. Fifteen minutes lang, nakasakay na rin ako. Mabilis lang makasakay. Well, malapit lang naman sa bahay at sa school yung work ko. Kaya nga lang, pagod na ‘ko at hindi ko na kayang maglakad. Ten minutes lang, nakarating na ‘ko sa bahay. Pagpasok ko nga ay sinalubong agad ako ni Sefira. Naabutan ko s’yang kumakain habang nag-ce-cell phone. “Nandito na ‘ko!” Bati ko sa kanya habang inaalis yung sapatos ko sa may pinto. “Mama!” Agad na tinigil ni Sefira ang pagkain, tumayo at tumakbo papunta sa akin. Niyakap n’ya ako nang mahigpit, tapos ay iniharap ang anyang mukha nang may ngiti. “Kumusta naman ang first day?” Tanong ko sa
Last Updated: 2023-05-16
Chapter: Chapter II: Unang Araw sa EskwelaLuke’s POV “Good morning, Ma’am Ces!” Pagbati ko sa kasamahan kong guro, habang nilalapag ko ang bitbit kong backpack, sa ilalim ng lamesa ko. Nagmamadali na nga ako, kasi late na naman akong pumasok, alam ko na ngang may klase pa ako ng nine-thirty. Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat, kasi hindi rin naman ako nakikinig sa mga bati nila. Nilabas ko mula sa bag ko yung librong puro english poetries, dahil babasahin mamaya ng mga estudyante ko ‘to. Tapos ay naglabas rin ako ng tatlong lata ng chocochip cookies, pati mga makukulay na papel na gagamitin mamaya ng mga bata para sa artwork nila. Sa tingin ko, hindi naman marami yung mga dala ko para sa klase, pero itong si Ma’am Ces, kung makatitig naman para akong may ginawang krimen. Tinitignan ako, mula ulo hanggang paa, habang nakahawak pa sa temple ng salamin n’ya. “Oh, Luke! Ang dami mo namang dala-dala.” Sambit sa akin ni Ma’am Ces. “The Children need to learn in a pleasurable way.” Sagot ko kay Ma.am. Syempre, english te
Last Updated: 2023-05-16