Alas-dose na nga pala ng tanghali, pero marami pa ring customers sa coffee shop. Oo nga pala, bakit ba ako nagtataka na maraming tao sa ganitong oras, eh tanghali na, oras na para mag-lunch yung mga tao. Malapit lang kami sa mga buildings at university. Iniisip ko nga kung dito sa Christian College ko pag-aaralin si Sef ng college, eh. Mura lang naman yung tuition, afford ko naman, saka malapit sa bahay namin. Pero ang kaso nga lang, syempre matagal pa yun. Kakaumpisa pa lang ni Sefira na pumasok sa school. Masyado talagang advance mag-isip ang mga magulang. Yung parang hindi ka pa nga lumulublob sa pool, maiisip na agad nilang malulunod ka. Hay, ganyan talaga mag-isip ang mga nanay.
“Good afternoon, Ma’am!” Bati ko sa matandang customer na kaharap ko, habang tumitingin pa s’ya sa menu ng shop namin sa itaas.
“Hi, I would like to order a French vanilla latte. I like it cold and medium, please.” Sambit ng matandang babae sa akin.
“May I know your name, Ma’am?”
“It’s Lydia.” At sinulat ko na nga sa medium size ng cup yung pangalan n’ya.
“Is there anything else you like to add?”
“Nothing more.”
“Ok, Ma’am Lydia. It will take fifteen to twenty minutes for your order.”
“Ok, thank you.” At nilagay ko na nga sa pending orders yung order ni Madam. Dahil marami nga ang um-o-order, medyo natatagalan kami bago ma-deliver sa mga customers yung orders nila. Pero ang gusto ko sa mga customers na ‘to, matiyaga silang maghintay. Paano, yung iba pumupunta rito para mag-internet lang. Syempre hindi nila priority yung drinks or pastries, kaya patience talaga silang maghintay.
At matapos nga ang fifteen minutes, natapos na ring gawin ang order ni Ma’am Lydia.
“French Vanilla for Ma’am Lydia!” Sigaw ko habang nakataas ang kamay kong may hawak ng medium cup na may lamang french vanilla. Pero nakita kong nahirapang tumayo yung matanda. Lumabas muna ako ng counter, tapos ay binigay sa matanda ang order n’ya nang may ngiti. Naaalala ko kasi yung tatay ko, kapag nakakakita ako ng mga matatanda kahit babae o lalaki. Kapag nagsisilbi kasi ako sa mga elders, pakiramdam ko napagsisilbihan ko na rin yung tatay ko sa langit. Hindi kasi n’ya naranasang tumanda, eh. Kinuha na agad s’ya sa amin ni mama.
Ngunit gaya nga ng sinabi ko, busy kami ngayong tanghali. Pero sa kalagitnaan ng Pagtitimpla ko ng choco-latte, naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko. Nakalagay lang kasi sa bulsa sa harapan ng pantalon ko yun. Binaba ko muna yung cup na hawak ko, tapos kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa. Pagkakita ko,number lang yung tumatawag sa’kin. Pero sinagot ko na rin, baka kasi importante.
“Hello.” Tugon ko.
“Si Misis Rachel Assistio po ba ito?” Tanong ng babae sa telepono.
“Yes Ma’am, si Rachel nga po ito. Sino po kayo?”
“Ako po si Ginger, nurse po ako sa First Generation Elementary School. Kasi po si Sefira nasa clinic po, baka pwede n’yo pong sunduin muna saglit. Nilalagnat po kasi yung bata, saka masakit yung ulo.” Ha?! Si Sef nilalagnat? Ay naku, yan na nga ba ang kinakatakot ko. Kaya nga pinaiinom ko yan araw-araw ng vitamin C at pinapakain ng gulay, bakit naman nilagnat? At isa pa, usong-uso yung dengue ngayon. Kaya nga nilalagyan ko yan ng mosquito repelant na lotion bago pumasok, eh.
“Talaga po?” Tanong ko sa nurse habang nanlalaki sa pag-aalala yung mga mata ko. “Sige, pupunta na po ako d’yan.” Pinindot na nga ng nanginginig kong mga kamay yung end button, tapos ay agad itong nilagay sa bulsa ko. Nagpaalam na rin ako sa manager namin na under-time ako ngayon, para masundo ko si Sefira at mabantayan yung anak ko sa bahay.
Mabuti at pumayag naman si Ma’am Mercy, kaya nagmadali akong hubarin yung apron na suot ko at dali-daling kinuha yung bag ko sa loob ng locker. Hindi na nga ako naglakad papuntang school, dahil nagmamadali nga ako kaya nag-tricycle na lang ako. Sa ten minutes kong byahe papuntang school, wala akong naisip ung hindi si Sefira. Paano kung nagsusuka yung anak ko roon? Paano kung mahimatay s’ya sa sobrang sakit ng ulo n’ya? Baka naman hindi sila pinakain nung recess? Or baka hindi n’ya nadala yung baon n’ya? Or baka may nakain yun na kung ano-ano? Hay, nakakapag-alala talaga.
Pero nandito na naman ako sa school, kaya hindi na ko ddapat nag-iisip ng kung ano-ano pa.
“Manong,” Pagbati ko sa guard. “Saan po ba yung clinic?”
‘Ay, doon po, sa building 1.” Hindi na nga ako nakapag-thank you sa guard at tumakbo ako nang pagkabilis-bilis.
Pagdating nga sa first floor ng building one, unang kwarto sa building na ‘to ang clinic ng school. Nabasa ko kasi sa taas ng pinto yung word na ‘CLINIC’ kaya agad na ‘kong pumasok. Walang ano-ano ay nadatnan kong nakahiga ang anak ko sa puting kama ng clinic, at nakayakap pa sa hotdog-pillow na tiyak akong binigay sa kanya kanina. Agad ko nga s’yang pinuntahan at hinawakan ang anyang noo upang tiyakin kung may lagnat ba ito. Mabuti naman at normal ang naramdaman kong init sa noo ni Sefira, tanda na wala s’yang lagnat.
“Good afternoon, Mrs. Assistion.” Bati sa akin ng nurse. Hawak-hawak n’ya yung medical board nang mahigpit, kalakip ang kulay itim na ballpen. Nakangiti s’ya nung binati n’ya ako, pati yung kasama n’yang lalaki, na naka-uniform ng teacher. Saan nanggaling ‘tong dalawang ito? Kanina pa yata sila rito, hindi ko lang napansin sa kakamadali. Pero yung lalaki, bagay sa maputi n’yang kutis ang kulay dilaw n’yang short-sleeve na barong, tapos ay humuhulma sa bilugan n’yang mukha ang square na salamin sa kanyang mata, ngunit natatakpan ng makapal n’yang kilay ang kayumanggi n’yang mga mata. Napakunot na lang ako ng kilay habang nakatitig sa lalaki at iniisip kung sino nga ba itong teacher na ‘to. Hindi kaya… “Mrs. Assistio, ako po si nurse Ginger, yung tumawag sa inyo.” Pagpukaw ng nurse sa atensyon ko.
“Nurse, kumusta na yung anak ko?” Tanong ko matapos akong umupo sa kama, katabi ni Sefira.
“Ok naman po si Sefira. Pinainom na po namin ng gamot. Sa ngayon need n’ya po muna magpahinga. Kaya po pinayuhan ako ni sir Luke na pauwiin na lang si Sefira.” Tumingin yung nurse sa kasama n’yang lalaki ng ilang segundo, pagkatapos ay binaling na ulit yung tingin sa akin. Wait, sinasabi ko nga ba. S’ya yung teacher na kinukwento ni Sefira sa’kin kagabi. Hindi ko akalaing sa ganito pa kami magkikita.
“Sir Luke?” Sambit ko habang nakatitig ang nanlalaki kong mga mata kay Luke.
“Mrs. Assistio, you can take Sefira home.” Saad ng guro sa akin. “Luke Penafiel nga pala, teacher ni Sefira sa English subject and at the same time, adviser din nila.”
“It is my pleasure to meet you, sir.” Tugon ko habang hinahaplos ang buhok ni Sefira, ngunit nakatugon pa rin ang paningin kay Luke. “Pwede ko na po bang ihatid si Sefira sa bahay?”
“Yes, of course. Her health is more important than anything else.” Sagot sa akin ni teacher Luke. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko, nang makita ko ang mga balahibo sa braso n’yang hitik na hitik sa muscle, nang mag-crossed arm ang guro. Teka lang, yung puso ko kumakabog? Meaning, malakas yung tibok tapos may halong panlalamig ng laman, na parang ayaw ko nang tumitig kay Luke kasi umiinit naman yung katawan ko sa labas kapag nakikita ko s’ya, kaya nag-iisip ako na baka namumula na ko dahil doon? Sick, mali ito. Nararamdaman ko na naman ulit yung P word.
“Well, sir Luke…” Ito naman, nakataas na nga yung kilay ko at tinatarayan ko na si Luke nang biglang…
“Mama!” Sumigaw si Sefira. Agad kong hinawakan ang kanyang pisngi at nakangiting iniharap ang maamo kong mukha sa anak ko. Pinagpapawisan na nga ang unica hija ko, kaya sure ito na effective yung gamot na binigay sa kanya.
“Anak! Kumusta yung pakiramdam mo? Huwag ka mag-alala, ha. Nandito na si mama, uuwi na tayo.” Lalo akong napangiti nang masilayan kong binuksan ni Sefira ang kanyang mga mata. Hinawakan nga n’ya ako sa braso at nakangiti rin nang makita n’ya ako.
“Ok lang ako, mama. Ikaw mama, hindi ba may work ka po?”
“Hay naku, h’wag mo nang isipin yun. Ang mahalaga, nandito na ang mama.”
“Eh, mama kaya naman po akong alagaan ni teacher Luke, eh. S’ya nga po yung nagdala sa’kin sa clinic. Nakita n’yo na po ba s’ya?”
“Hi, Sefira. How are you, my angel?” Hay naku, sumabat pa talaga si Luke. At tignan mo, lumalapit pa sa anak ko’t nginingitian si Sefira. Umupo rin s’ya sa tabi ni Sefira sa may uluhan, tapos ay hinaplos-haplos ang buhok ng anak ko.
“Teacher, mama ko po. Rachel po ang pangalan n’ya.” Tumingi sa akin si Luke nang ipakilala ako ni Sefira. Kaya agad akong tumingin sa nurse nang nakataas ang kaliwa kong kilay. Tinaas ng nurse yung kanang kamay n’ya ng kaunti, tanda ng aalis na s’ya’t iiwan na sa amin si Sef. “Mama…” Sambit ni Sefira nang hawakan n’ya ang kamay ko.
“Ano?” Syempre, m*****a tayo kunwari. Hindi ko pa rin tititigan yang si Luke.
“Si teacher Luke po.” Matapos ipakilala ni Sef si Luke, iniharap ko sa guro ang pinakamataray kong mukha. Nakataas yung kaliwa kong kilay, tapos hindi ako ngumingiti nung hinarap ko s’ya at ani mo’y kalahi ni Donya Victorina sa pagtataray.
“Pleasure to meet you, Mrs. Rachel.” Iniabot sa akin ni Luke ang kamay n’ya, para sana ay mag-shake hands kami. Pero hindi ko hinawakan yung malaki n’yang palad. Paano ko naman tatangapin yung friendly hand shake n’ya, eh kita mong ang sexy ng katawan ni Luke, braso pa lang. Bakat na bakat yung mga ugat sa braso n’ya, tapos fit na fit pa yung sleeve ng uniform n’ya sa bicep n’ya. Napahawak na nga lang ako sa tuhod ko at tumingin sa kanan. Ramdam ko yung pawis na tumutulo sa buong katawan ko. Ang lamig ng butil ng pawis ko, tapos ay nakakadagdag pa ng kaba yung pagngiti sa’kin ni Luke na nilalabas pa yung mapuputi n’yang ngipin. Ano na? Hindi ako pwedeng maging mahina. Buti na lang binaba na agad ni Luke yung kamay n’ya nung hindi ko s’ya pinansin. “Sef, I think you should go home with your mom.”
“Eh, teacher paano po yung lessons natin mamaya? Magbabasa pa po tayo ng mga poems, ‘di ba?”
“Mas kailangan mong magpahinga. Ok ganito na lang. Mamaya, kapag nakapagpahinga ka na sa bahay n’yo, tawagan mo ‘ko sa messanger, ha. Tapos doon tayo mag-usap ng lessons natin. Ok ba yun?”
“Sige po, teacher. Pwede po bang six na lang ng gabi ako tumawag?”
“Sure, no problem my angel.” Lalo tuloy akong nanghina nang makita kong niyakap ni Sefira si Luke, at niyakap din s’ya ng guro pabalik. Parang gustong-gusto s’ya ng anak ko. Hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ba ko na malapit si Sef sa teacher, eh.
“Sef, need na nating umuwi. Ipagluluto kita ng soup. Hindi ba gusto mo yung crab and corn? Dali na, bitiwan mo na si teacher.”
“Mama, pwede po ba nating isama si teacher sa bahay?”
“Ha? Eh, may klase pa yan si teacher Luke mo.”
“Sayang naman.” Saad ni Sefira nang iyuko n’ya ang nakabusangot n’yang mukha.
“Ok, my dear angel, I think it’s time to say goodbye.” Malambing na pagpaalam ni Luke.
“Good bye, daddy Luke.” Ha? Tama ba yung narinig kong binulong ni Sef sa teacher n’ya? Tinawag n’yang daddy? Ayan na nga ba ang sinasabi ko.
“Oh, ang aga n’yo naman yatang umuwi?” Tanong ni mama Millet ko sa amin matapos n’yang makita ang pagmumukha ko at ni Sefira pagbukas ko ng pinto. Naabutan ko nga palang nagwawalis si mama kaya medyo makalat pa yung sahig.“Lola!” Agad na tumakbo si Sefira sa kanyang lola at niyakap ito nang mahigpit.“Eh, paano kasi, nilagnat yang si Sef. Mabuti na lang natawagan ako ng nurse.”“Ito, nilagnat? Eh, mas malakas pa sa kalabaw itong batang ito, ah? Kita mo may payapos yapos pa.” Hinawakan ni mama yung noo ni Sefira, pagkatapos ay tinignan ako ng nanlalaki n’yang mga mata. “Oh, medyo umiinit na naman yung bata. Mabuti pa patulugin mo na lang muna ‘to, tapos ako na bahala at pumasok ka na sa trabaho.”“Ay, ma nag-undertime ako today para maalagan ko si Sefira.” Paliwanag ko sa nanay ko, habang naglalakad papalapit sa kanya. “Oh, sige ikaw na magpatulog kay Sef at ipagluluto ko s’ya ng sabaw para naman may mahigop s’ya bago uminom ulit ng gamot.”“Lola, may kwento po ako.” Hay naku, parang
“Mama, need na po nating umalis!” Paalala ko kay mama habang nasa kwarto ako’t tinatali ang maiksi kong buhok. Nakiusap kasi si mama sa akin kagabi na samahan muna s’yang mamalengke. Pero d’yan lang naman sa kanto. Need kasi naming makapalengke ng ibang ingredients sa lulutuin ni mama para sa karinderya n’ya. Ok lang naman sa’kin, kasi 10 AM naman yung duty ko, alas-kwatro pa lang ngayon. “Ok, five minutes, ready na ko.” Sagot naman sa’kin ng mama ko. At ito na nga mga mars, eksaktong five minutes natapos naman yung nanay ko. So, mga 4:10 AM kami naka-alis ng bahay, at 4:25 AM kami nakarating sa palengke. Sinimulan na nga naming bumili ng bawang, sibuyas, kamatis, upo, at kung ano-ano pang gulay na nasa listahan namin. Hindi na kami bumili ng karne, kasi marami pa naman sa bahay. Pati na rin isda, galunggong lang yung binili namin saka bangus. Pagdating kasi ng gabi, minsan nag-iihaw din si mama. Pagkatapos nga naming bilhin yung mga dapat naming mabili, pumunta muna ako sa bili
“Oh, I’m really sorry, Ma’am.” Paghingi ko ng pasensya sa babaeng customer. “Papalitan ko na lang po, I’m so sorry po talaga.” Nanghihina na nga yung mga tuhod ko n’yan. Daig ko pa yata yung nahampas ng baseball bat sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Ilang segundo pa, baka nakaluhod na ko nito. “Don’t say sorry, my dear. It’s just a reminder that you must be careful next time.” Ha? Ganun na lang yun? Hindi ba ko pagagalitan nito? “Yang mukha mong yan, nakaunot yung kilay mo. Gusto mo yata pagalitan kita, eh.” Nakangiting pagbibiro ni Dhalia. “Naku Ma’am, hindi po. Handa naman po akong palitan yung frapuccino n’yo.” “Hindi, eh. Gusto mo yata sumigaw ako rito nang malakas at pahiyain kita.” “Sorry po talaga, Ma’am.” “Don’t worry, hindi naman ako Karen. Saka isang lagok pa lang yung naiimon ko, ano. Nung nalasahan ko yung almond, tinigil ko na. Plus, I brought my meds with me. In case na hindi sinasadyang makakain ako ng bawal, at least meron akong gamot.” “Naku, pasensya na po t
Naalala ko, noong kabataan ko. Madalas akong nasasabihan noon ng aking ina, na maging maingat sa mga barkada. ‘Rachel, huwag kang basta-basta sasama sa mga barkada mong iyan, ha. Ikaw pinaaalalahana kita, hindi yan magiging mabuti para sa’yo.’ ‘Yan ang madalas kong marinig mula sa nanay ko. Kaya madalas kaming nagkakabanggaan tungkol d’yan, eh. Masyado kasing judgemental ang nanay, eh hindi naman lahat ng kinakasama ko, bad influence kung tawagin. Pero napaisip din ako, kung bakit ganito na lang yung sinasabi ng nanay ko sa akin. Hanggang sa na-realize ko na nga kung bakit. Makwento ko lang, noong unang panahon. Ay wow, matanda yarn? Chariz lang! Noong nagdadalaga pa lang kasi ako, teenager, kumbaga, nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa bar. College pa lang ako noon, mga first year. Wala pang senior high noong panahon ko, kaya maaga akong nag-college. Kakatapos pa lang ng midtern, umawra agad kami sa bar pagsapit ng gabi. Todo inom kami nung time na ‘yon, at talagang sinag
Luke’s POV “Good morning, Ma’am Ces!” Pagbati ko sa kasamahan kong guro, habang nilalapag ko ang bitbit kong backpack, sa ilalim ng lamesa ko. Nagmamadali na nga ako, kasi late na naman akong pumasok, alam ko na ngang may klase pa ako ng nine-thirty. Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat, kasi hindi rin naman ako nakikinig sa mga bati nila. Nilabas ko mula sa bag ko yung librong puro english poetries, dahil babasahin mamaya ng mga estudyante ko ‘to. Tapos ay naglabas rin ako ng tatlong lata ng chocochip cookies, pati mga makukulay na papel na gagamitin mamaya ng mga bata para sa artwork nila. Sa tingin ko, hindi naman marami yung mga dala ko para sa klase, pero itong si Ma’am Ces, kung makatitig naman para akong may ginawang krimen. Tinitignan ako, mula ulo hanggang paa, habang nakahawak pa sa temple ng salamin n’ya. “Oh, Luke! Ang dami mo namang dala-dala.” Sambit sa akin ni Ma’am Ces. “The Children need to learn in a pleasurable way.” Sagot ko kay Ma.am. Syempre, english te
Alas-singko na nga ng hapon at nag-out na rin ako sa trabaho. Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Kalahati na kasi ng buwan. Meaning, sweldo na ng mga empleyado. Kaya ayun, madaming kumain sa shop. Excited na nga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga, eh. So ayun, pili na nga ako sa sakayan ng tricycle. Medyo natagalan nga lang dahil mahaba ang pila, pero ok lang. Fifteen minutes lang, nakasakay na rin ako. Mabilis lang makasakay. Well, malapit lang naman sa bahay at sa school yung work ko. Kaya nga lang, pagod na ‘ko at hindi ko na kayang maglakad. Ten minutes lang, nakarating na ‘ko sa bahay. Pagpasok ko nga ay sinalubong agad ako ni Sefira. Naabutan ko s’yang kumakain habang nag-ce-cell phone. “Nandito na ‘ko!” Bati ko sa kanya habang inaalis yung sapatos ko sa may pinto. “Mama!” Agad na tinigil ni Sefira ang pagkain, tumayo at tumakbo papunta sa akin. Niyakap n’ya ako nang mahigpit, tapos ay iniharap ang anyang mukha nang may ngiti. “Kumusta naman ang first day?” Tanong ko sa