Home / Romance / Marry me, Teacher Luke / Chapter VI: Coffee Lover Teachers

Share

Chapter VI: Coffee Lover Teachers

Author: MikhaelRiver
last update Huling Na-update: 2023-06-13 23:48:13

“Mama, need na po nating umalis!” Paalala ko kay mama habang nasa kwarto ako’t tinatali ang maiksi kong buhok. Nakiusap kasi si mama sa akin kagabi na samahan muna s’yang mamalengke. Pero d’yan lang naman sa kanto. Need kasi naming makapalengke ng ibang ingredients sa lulutuin ni mama para sa karinderya n’ya. Ok lang naman sa’kin, kasi 10 AM naman yung duty ko, alas-kwatro pa lang ngayon. 

“Ok, five minutes, ready na ko.” Sagot naman sa’kin ng mama ko.

At ito na nga mga mars, eksaktong five minutes natapos naman yung nanay ko.  So, mga 4:10 AM kami naka-alis ng bahay, at 4:25 AM kami nakarating sa palengke. Sinimulan na nga naming bumili ng bawang, sibuyas, kamatis, upo, at kung ano-ano pang gulay na nasa listahan namin. Hindi na kami bumili ng karne, kasi marami pa naman sa bahay. Pati na rin isda, galunggong lang yung binili namin saka bangus. Pagdating kasi ng gabi, minsan nag-iihaw din si mama.

Pagkatapos nga naming bilhin yung mga dapat naming mabili, pumunta muna ako sa bilihan ng laruan, para bumili ng pasalubong kay Sefira. 

“Ate, magkano sa lutu-lutan ninyo?” Tanong ko sa babaeng nagtitinda, habang hawak-hawak ko yung laruang bibilhin ko. 

“150 lang ate, bilhin n’yo na.” Sagot sa akin ng tindera.

Ito na nga, binababa ko muna yung laruan at dumukot na nga ako ng pera sa bag ko. Pero pagkakita ko, wala yung wallet ko sa bag. Halungkat ako nang halungkat sa loob ng bag ko, pero wala talaga. Napatulala na nga lang ako’t nag-iisip kung ano na namang iresponsableng aksyon ang nagawa ko. Nagbayad ako kanina sa tricycle, hawak ko yung wallet ko, nung bumili ako ng isda, nasa akin pa rin yun. 

Naku, nanlalamig na nga yung katawan ko sa sobrang pag-aalala at hindi na nga ako makausap nang matino ng tindera. Halos wala na nga akong nakikita kung hindi yung itsura ng wallet kong nawawala. Kahit nga kaingayan ng palegke hindi ko na naririnig, eh. 

“Ate!” Sigaw ng tindera ng mga laruan na nagpabuhay ng diwa ko.

“Ha?” Sagot kong tila walang kamuang-muang sa daigdig.

“Bibili po ba kayo, kako?”

“Kasi…” 

“I’ll pay for that.” Bigla tuloy akong napatingin sa kanan, at hulaan n’yo kung sino yung nakita ko. Si Luke, oo si Luke Penafiel. Hay naku, nag-aalboroto na naman yung mga kalamnan ko, tapos nagsisimula nang uminit yung loob ng katawan ko. Ewan ko ba, bakit nakakainis makita yung makinis n’yang mukha. Nanlaki nga yung mata ko nung nakita ko s’ya, eh. 

“Ate, hindi po ako bibili, napadaan lang ako rito.” Palusot ko. Tinarayan ko nga si Luke, saka ako umalis, dala-dala ang pag-aalala ko sa nawawala kong wallet. 

“Rachel.” Pagtawag sa’kin ni Luke  habang hindi pa ko nakakalayo. Wait, natandaan n’ya yung pangalan ko? Naku Rachel, huwag ka magpa-apekto, pangalan lang yan, huwag mong bigyan ng malisya. 

“Salamat na lang, sir Luke.” Saad ko, nang lumingon ako kay Luke. “Pero hindi talaga ako bibili. Huwag mo nang bayaran, baka maubos pa yung pera mo. Take care, sir.” Aalis na sana ako, pero…

“Rachel.” Syempre, lumingon ulit ako. Pero this time, dahan-dahan s’yang naglakad papunta sa’kin. Grabeng bilis ng kabog ng dibdib ko, tapos para akong nakukuryente. Mga mars, tumindi pa yung kabog ng puso ko, nung hinawakan n’ya yung kaliwang kamay ko, at inangat ng dahan-dahan, hanggang sa matapat sa dibdib n’ya. Naku, ano ’to? Umiinit na rin yung paligid, tapos para na kong hihimatayin sa sobrang alinsangan ng panahon. Dagdag mo pa yung hindi ordinaryong bilis ng tibok ng puso ko, na para bang gusto ko nang umalis at umuwi na lang sa bahay para magpahinga.

“Sir, kung hindi n’yo pa bibitiwan yung kamay ko, tatawag na talaga ako ng guard.” Pagbabanta ko sa kanya. Ano’ng akala n’ya, ako yung tipo ng babaeng basta-basta na lag hahawakan ng kung sino-sino? Nagkamali lang ako sa una, pero hindi ako touchy girl, ano.

Ito pa, akalain mong sa pagbabanta kong tatawag ako ng guard, hindi talaga binitiwan ni Luke yung kamay ko. Nakatitig lang sa’kin yung mga mata n’ya na sobrang lagkit. Para nga akong tutunawin, eh. Tapos, nakita ko pang may dinudukot s’ya sa loob ng bulsa ng pantalon n’ya. Nataranta tuloy ako. Iniikot ko yung kaliwang kamay ko, habang nakangiwing pinu-push ng kanang kamay ko yung palad n’yang nakahawak nang mahigpit sa’kin. Pawis na pawis na yung kaliwang palapulsuhan ko sa pagkakakapit ni Luke. Wala na nga akong magawa kaya…

“Guard, may lalaki rito hina-harass ako! Gua-!” Sigaw ko habang lumilinga sa paligid. Pero bigla lang tinakpan ni Luke yung bibig ko. Nakakairita talaga, kaya ang ginagawa ko, kinagat ko yung palad n’yang nakatakip sa’kin at doon ako nag-success para pakawalan n’ya ko.

Binitiwan n’ya yung palapulsuhan ko, at inalis din n’ya yung marumi n’yang kamay sa bibig ko. At tuwang-tuwa ako, habang pinapanood s’yang shine-shake yung kamay n’yang kinagat ko, sabay sabi ng “ARAY!”

“Oh, ‘di ba?” Pagmamalaki ko sa kanya. “Sabi na kasi sa’yo bitiwan mo ko, eh.”

“Mi-miss Rachel,” saad n’ya sa akin habang hingal hingal sa kakatalon at kaka-alog ng kamay n’ya. “Ib-ibibigay k-ko lang naman s-sana sa’yo ‘to.” At nilabas na nga n’ya yung kanina pa n’ya dinudukot sa bulsa n’ya.  Napahawak ako sa bibig ko’t biglang nanlaki ang mga mata ko sa kahihiyan, nang makita kong nasa kanya pala yung wallet kong nawawala kanina pa. Dali-dali akong naglakad papunta kay Luke, at kinuha lang yung wallet ko sa nangangatog n’yang kamay, sabay alis na hindi man lang nagpaalam kay Luke. 

Pagkauwi nga namin sa bahay, inayos na namin ni mama yung pinapili. Para naman nakapag-start nang magluto si mama para sa karinderya n’ya. Hindi ko nga kinukwento kay mama yung nangyari kanina, pero si mama n’yo Milet, malakas ang pandinig.

“Huy ikaw, Rachel.” Sambit n’ya sa akin habang nilalabas isa-isa yung mga isda at nilalagay sa lababo. 

“Bakit po, ma?” Saad ko naman habang nilalagay yung mga gulay sa ref. 

“Ano na naman yung narinig kong sigaw kanina?”

“Ha? Wala namang sumigaw, mama.” Sus, nagsisinungaling pa talaga.

“Eh, sino yung tumatawag sa guard at in-announce pa sa buong baryo na hina-harass s’ya?”

“Aba mama, s’ya naman yung nauna.” Pagdepensa ko sa sarili ko. Totoo naman, eh. S’ya naman yung unang humawak sa’kin. “Kung hindi n’ya ko hinawakan at hindi s’ya dumukot-dukot pa sa bulsa n’ya, hindi sana ako nag-panic.”

“Sino ba yung nakaiwan ng wallet n’ya sa gulayan, ha? Nagmagandang loob lang naman yung tao na isauli yung wallet mo, pinagisipan mo pa ng masama.”

“Hindi mo naman ako masisisi, mama.”

“Hay naku, sinasabi ko sa’yo, makakatagpo mo yan ulit. Lagot ka, kapag ganyan.”

“Ma, hindi ko na yan papansinin kapag nakita ko yan ulit.”

“Ano ba yan, wala ka bang balak mag-sorry man lang sa tao? Kinagat mo pa yung kamay, akala mo naman may gagawing masama sa’yo.”

“Malay ko ba kung ano yung nasa loob ng bulsa n’ya. Kung pabango yun na pampahimatay o ano?”

“Oh, ngayon alam mo na yung intensyon ng tao. Magmamatigas ka pa rin?”

“Aba, magmamatigas talaga ako.”

Hindi na nga natapos yung pangungulit ni mama sa’kin na puntahan si Luke sa school para humingi ng sorry. Aba, hindi ko naman kasalanan na mag-isip ng masama, ano. Sa panahon ngayon, masami kayang masasamang tao. 

Pero tinapos ko na yung usapan namin. Sabi ko na lang, hihingi na ko ng sorry, kapag nakita ko si Luke ulit. Baka ma-late pa ko sa haba ng usapan naming mag-ina, ano. 

Isang oras nga lang akong nag-ready. Hinatid ko si Sefira muna sa school, tapos pumasok na rin ako sa work. Palinga-linga nga ako, baka kasi makatagpo ko na naman si Luke. Good thing, hindi ko s’ya nakita sa school. Kaya good mood ako, pagpasok ko sa trabaho.

Grabe nga yung customers namin ngayon, grupo-grupo silang pumupunta sa shop namin. Oo nga pala, araw ngayon ng sweldo kaya nagkakayayaang kumain at uminom sa mga shop na medyo may kamahalan. Nakalimutan ko rin na may malapit palang ATM dito sa amin kaya pagkatapos mag-withdrawng mga tao, deretso agad sila sa shop. 

Pero ito yung nakakainis. Ok na sana, eh. Nakalusot ako sa school. Pero nakita ko si Luke, nagwi-withdraw kasama ng mga co-teachers n’ya. Napalunok ako nang malala, tapos hinahagod ko pa yung lalamunan ko, at damang-dama yung maasim na pawis sa leeg ko. Tapos, nanlalamig pa yung buong katawan ko at pakiramdam ko, para akong lalagnatin sa sobrang panghihina ng mga kalamnan ko. Ikaw ba naman makita mo yung taong sinigaw sigawan mo kanina tapos wala naman palang kasalanan, eh. 

“Sir, punta lang po ako sa restroom.” Paalam ko sa manager ko.’

“Sure, bilisan mo lang, Short tayo sa staff today, kaya need namin yung service mo.”

“Ok po, sir.” Agad na nga akong nagtago sa banyo. Ni-lock ko yung pinto, at nagsimula na ngang nag-inarte sa loob ng CR. 

Madiin ko ngang hinilamusan yung mukha ko, na halos mabura na yung mata, ilong, kilay at pisngi ko. Tapos, sinabunutan ko rin yung sarili ko ng sobrang higpit, hanggang sa maramdaman ko yung paglagatok ng mga ugat ng bawat hibla ng buhok ko. 

“NAKAKAINIS!” Sigaw ko habang nakasabunot pa rin sa buhok ko’t nakapikit ang mata’t nakaliyad ang ulo ko sa sobrang pagkairita. Paano ba naman, yung sitwasyon pa rin kanina yung naiisip ko kapag nakikita ko yang si Luke. Kung bakit ba kasi nauso yang pampahimatay na pabangong yan. Kasalanan ng gumawa ng pabango yan, bakit ganyan na yung naiisip ko. Dagdag mo pa yung mga kidnap-ang napapanood ko sa mga teleserye at news. 

Tapos, naalala ko pa yung lasa ng kamay n’ya nung kinagat ko. Ang alat, parang binabad sa isang garapon ng asin yung palad n’ya, grabe. 

“Ano’ng gagawin ko?” Bulong ko sa sarili ko, habang kagat-kagat yung aking tintuturo at palakad-lakad sa loob ng banyo. “Paano kung gantihan n’ya ko? Paano kung paalisin n’ya si Sefira sa school dahil sa’kin? Kapag nag-PTA meeting, paano ko s’ya haharapin?” Yan ang mga tanong na sumasagi sa isip ko rito sa loob ng CR. Hindi ko pa kayang magsabi ng ‘sorry’ or ‘pasensya na’ or ‘patawad sa pagkagat ko sa kamay mo at nasigawan pa kita.’ No, that is not happening, not in my majestical, mysterical, supernatural dreams. Hindi ako hihingi ng tawad d’yan, bahala s’ya sa buhay n’ya.

“Rachel!” Ayan na, tinatawag na ko. Yung kaba ko mga mare, umabot na yata sa two hundred beats per minutes yung heart rate ko. Nangangatog na nga rin yung buong katawan ko nung narinig ko lang yung pangalan ko. At yung dalawa kong kamay, kaya na yatang magpuno ng dalawang timba sa sobrang pagpapawis. Nag-walking ba naman, eh, with matching panic pa yan. “Mars, ok ka lang?”

“Candice, ikaw ba yan?” Naku naman, sa sobrang kalituhan boses pala ng babae yung tumawag ng pangalan ko.

“Oo girl, narinig kitang sumigaw kasi kaya pinapuntahan ka sa’kin ni sir Kean. Ano, ok ka lang? Pakibukas naman yung pinto, oh.” Dali-dali ko na ngang binuksan yung pinto, dahil sa pakiusap ni Candice. Kaibigan ko sa work yan,  ilang taon na rin kaming magkasama at lahat na nga ng kadramahan sa buhay n’ya, alam ko na. Kaya pinapasok ko na nga s’ya at sinarado ulit yung pinto. “Ano ba yun, mars?”

“Candice, nakita mo ba yung mga teachers na nag-withdraw sa ATM? Pumasok ba sila sa shop natin?’ Tanong kong may halong pag-aalala

“Sa dami ng dumudutdot d’yan sa ATM, tingin mo maaalala ko pa kung sino yung nag-withdraw? May recitation ba tayo today, isa-isa babangitin yung mga pangalan ng nag-withraw, ganun?”

“Candice naman, eh. Basta yung mga teachers, mga nakadilaw silang uniform.”

“Mare, lahat ng teachers nakadilaw na suot ngayon. Lumabas ka na kasi, hinahanap ka na ni sir.”

“Bakla, hindi ko kaya.”

“Eh, bakit ba kasi?”

“Kasi may nagawa akong mali kaninang umaga. Itong teacher kasi na ‘to na nagtuturo d’yan sa Montessori Elementary School, bigla ba namang nanghahawak ng kamay, Syempre sumigaw ako, tapos tinakpan n’ya yung bibig ko, edi kinagat ko yung kamay n’ya. Tapos malaman-laman ko, ibibigay lang pala n’ya yung wallet ko.”

“Poknat ka girl, ibibigay lang naman pala sa’yo yung wallet mo kinagat mo pa? Ang tindi mo naman.”

“Ano ngang gagawin ko? Nahihiya akong lumabas, baka kasi nand’yan sila.”

“Girl, maniwala ka wala akong nakitang teachers kanina na kumakain or umiinom ng kape sa shop natin. Trust me, bestfriend.”

“Sigurado ka?”

“Oo, ano. Magsisinungaling ba ko sa BFF ko? Saka hayaan mo na, mapapatawad ka rin naman nun, ano ka ba.”

“Ikaw puro ka ganyan, lagi na lang ‘mapapatawad ka rin nun’ o ‘patawarin mo na’. Akala mo naman ganung kadali.”

“Girl, sa dami ng napagdaanan kong humps sa buhay, master ko na yang forgiveness. Kaya lumabas ka na d’yan. Hinihintay ka na ng mga customers mo sa labas. May ‘Karen’ ka pang aasikasuhin.” Hay naku, ito talagang si Candice. 

Pagkabalik ko nga sa cashier, walang kahit isang teacehers ang nasa shop namin. Pero ilang segundo lang, bigla na lang lumambot yung mga tuhod ko, nang makita sina Luke at mga co-teachers n’ya na papasok sa shop namin. Parang pinupukpok ng martilyo yung tuhod ko, dahilan para mapaluhod ako ng kaunti. Mabuti na nga lang at nahawakan ng nangangatog kong kamay yung edge ng lamesa at nakakapit ako agad. 

“Rachel? Ano’ng ginagawa ko d’yan?” Tanong sa’kin ni sir Kean.

“Wala sir, medyo sumakit lang ng kaunti yung t’yan ko.”

“Kaya mo ba, Rachel? Gusto mo bang umuwi muna?”

“Ok lang po ako, sir. Madadaan naman sa gamot.”

“Sure ka? Sige, doon ka muna sa station, ako na sa cashier.” Good thing, sa station ako naka-assign. Hindi ko makikita yung mga customers sa shop. Kaya agad kong sinunod yung manager namin at naglakad nang nakayuko, para hindi ako makita nila Luke. Ilang segundo lang, nagbigay na ng orders si sir Kean, galing sa customers. Habang ginagawa ko nga yung frapuccino, bigla na lang akong napasulyap sa counter, at nakita si Luke na tumitingin pa sa menu. Grabe, ang puti talaga n’ya. Para s’yang pinaglihi sa yelo, tapos lalo pang tumitingkad yung kulay ng balat n’ya sa suot n’yang dilaw na uniform. Mukha ngang tumitingin ako sa araw, eh sa sobrang glow ng kutis n’ya. Tapos kinakagat pa n’ya yung mapupula n’yang mga labi, na para bang nilalasahan yung pagkaing tinitignan n’ya sa picture. Naiisip ko na nga, nasa park kaming dalawa, tapos nagpi-picture na sobrang sweet. Yung tipong, nakayapos s’ya sa’kin, tapos hinahalikan n’ya yung pisngi ko. Ay naku, para na kong naka jackpot sa lotto kapag nangyari yun.

“Rachel, yung frapuccino, kanina pa hinihintay ng customer.” Paggambala ni Candice sa naglalakbay kong utak. Bigla tuloy nagulantang yung katawan ko, at nakita ko na ngang umaapaw na yung gatas na nilalagay ko. Ano ba yan, Rachel. 

“Rachel, pwedeng ikaw na muna magbigay nito sa customer? Yung iba pa kasi nilang orders, hindi pa nagagawa.” Pakiusap sa’kin ng isa kong katrabaho, matapos kong gawin yung frapuccino.

“Sure, sige ako na.” Tinignan ko nga yung number ng table. Habang hinahanap ko kung saan ba yung table thirty-four, bigla na lang akong nakaramdam ng lamig na parang nasa Antartica ako, nang makita kong kila Luke pala yung mga orders. Bumilis yung tibok ng puso ko bigla, habang pinagmamasdan yung maamong mukha ni Luke. Buti na lang, nagkaroon ako ng presence of mind agad. “Rachel, customer yan, kailangan mong ma-serve sa kanila. Kung hindi, baka mawalan ka pa ng trabaho. You got this, girl.” Pag-motivate ko sa sarili ko.

At ito na nga, naglalakad na nga ako papunta sa kanila. Nung makarating na ko, dahan-dahang nilapag ng naninginig kong mga kamay yung lahat ng orders nila. Isa-isa na nga silang nag-thank you, at yung pinakahuli talaga yung lalong nagpanginig sa’kin. Syempre, hindi naman ako makikilala ni Luke, kasi hindi naman s’ya tumitingin sa’kin kanina. Pero kapag yan talaga tumingin, ewan ko na lang.

“Thank you.” Yan na nga, nagkatitigan nga kaming dalawa. “Rachel? Dito ka pala nagtatrabaho?” Tignan mo, nagulat ‘to.

“Magkakilala kayong dalawa?” Tanong isang babaeng guro habang iniinom yung mainit n’yang kape.

“Yes, mother yan ni Sefira, yung student ko.” Sagot ni Luke.

“Ah, good to see you here, Sefira’s mother.” Bati naman ng isa pa nilang kasamahan na may edad nang babae.

“Kompleto na po ba yung orders n’yo? Meron pa po bang kulang?”

“Well, complete na naman.”

“Ok po, balik na po ako sa station.” Habang naglalakad nga ako paalis sa table nila, bigla na lang hinawakan ni Luke yung braso ko. Mga mare, naka-upo pa yan.

“Miss Rachel, Meron pang kulang.” Bulong ni Luke sa’kin. “Yung number mo, wala pa sa’kin.” Saad ni Luke habang papiit-pikit yung mga mata.

“Sorry po, sir. Pero hindi ako nagbibigay basta-basta ng number ko, lalo na sa mga taong hindi ko naman close.

“Bakit, hindi pa ba tayo close nito? Kinagat mo na nga ako kanina, hindi ba?” Hay naku talaga, pinaalala pa. 

“Sir, guilty  na po ako sa ginawa ko. I’m so sorry sa lahat ng nagawa ko sa’yo kanina. But I don’t give my number to someone whom I don’t totally know.” You got this, girl.Kahit gutong-gusto mong bumigay, huwag kang magpapatibag, hanggat hindi ka nagkakaroon ng libag.

“But I’m your daughter’s teacher.”

“That’s the problem. Hindi ba weird sa isang gurong kagaya mo na kunin ang number ng nanay ng estudyante mo sa public place? At sa trabaho ko pa talaga.” 

“Excuse me!” Narinig kong sigaw ng isang babaeng customer sa counter. Dala n’ya yung frapuccino na ginawa ko kanina. Bumubulong nga s’ya kay sir Kean, at si sir naman nakatitig lang sa’kin. After nga nilang magbulungan, tinawag ako ni sir Kean. Agad naman akong lumapit.

“Yes, sir?” Tanong ko.

“Hi, I’m Dhalia. I heard na ikaw yung gumawa ng drinks ko? Am’ I right?”Pagpapakilala ng magandang customer sa’kin. Maganda s’ya, kayumanggi ang kulay ng balat, matanggkad at sexy pa. 

“Yes, Ma’am ako nga po. May problem po ba?”

“Ok, the thing is, I’m allergic sa nuts. But then you put almond milk in here.” Naku, Karen is waving.

Kaugnay na kabanata

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter VII: Mga Marites ng Taon

    “Oh, I’m really sorry, Ma’am.” Paghingi ko ng pasensya sa babaeng customer. “Papalitan ko na lang po, I’m so sorry po talaga.” Nanghihina na nga yung mga tuhod ko n’yan. Daig ko pa yata yung nahampas ng baseball bat sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Ilang segundo pa, baka nakaluhod na ko nito. “Don’t say sorry, my dear. It’s just a reminder that you must be careful next time.” Ha? Ganun na lang yun? Hindi ba ko pagagalitan nito? “Yang mukha mong yan, nakaunot yung kilay mo. Gusto mo yata pagalitan kita, eh.” Nakangiting pagbibiro ni Dhalia. “Naku Ma’am, hindi po. Handa naman po akong palitan yung frapuccino n’yo.” “Hindi, eh. Gusto mo yata sumigaw ako rito nang malakas at pahiyain kita.” “Sorry po talaga, Ma’am.” “Don’t worry, hindi naman ako Karen. Saka isang lagok pa lang yung naiimon ko, ano. Nung nalasahan ko yung almond, tinigil ko na. Plus, I brought my meds with me. In case na hindi sinasadyang makakain ako ng bawal, at least meron akong gamot.” “Naku, pasensya na po t

    Huling Na-update : 2023-06-27
  • Marry me, Teacher Luke   CHAPTER I: Ang Bunga ng Pagkakamali ko

    Naalala ko, noong kabataan ko. Madalas akong nasasabihan noon ng aking ina, na maging maingat sa mga barkada. ‘Rachel, huwag kang basta-basta sasama sa mga barkada mong iyan, ha. Ikaw pinaaalalahana kita, hindi yan magiging mabuti para sa’yo.’ ‘Yan ang madalas kong marinig mula sa nanay ko. Kaya madalas kaming nagkakabanggaan tungkol d’yan, eh. Masyado kasing judgemental ang nanay, eh hindi naman lahat ng kinakasama ko, bad influence kung tawagin. Pero napaisip din ako, kung bakit ganito na lang yung sinasabi ng nanay ko sa akin. Hanggang sa na-realize ko na nga kung bakit. Makwento ko lang, noong unang panahon. Ay wow, matanda yarn? Chariz lang! Noong nagdadalaga pa lang kasi ako, teenager, kumbaga, nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa bar. College pa lang ako noon, mga first year. Wala pang senior high noong panahon ko, kaya maaga akong nag-college. Kakatapos pa lang ng midtern, umawra agad kami sa bar pagsapit ng gabi. Todo inom kami nung time na ‘yon, at talagang sinag

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • Marry me, Teacher Luke   Chapter II: Unang Araw sa Eskwela

    Luke’s POV “Good morning, Ma’am Ces!” Pagbati ko sa kasamahan kong guro, habang nilalapag ko ang bitbit kong backpack, sa ilalim ng lamesa ko. Nagmamadali na nga ako, kasi late na naman akong pumasok, alam ko na ngang may klase pa ako ng nine-thirty. Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat, kasi hindi rin naman ako nakikinig sa mga bati nila. Nilabas ko mula sa bag ko yung librong puro english poetries, dahil babasahin mamaya ng mga estudyante ko ‘to. Tapos ay naglabas rin ako ng tatlong lata ng chocochip cookies, pati mga makukulay na papel na gagamitin mamaya ng mga bata para sa artwork nila. Sa tingin ko, hindi naman marami yung mga dala ko para sa klase, pero itong si Ma’am Ces, kung makatitig naman para akong may ginawang krimen. Tinitignan ako, mula ulo hanggang paa, habang nakahawak pa sa temple ng salamin n’ya. “Oh, Luke! Ang dami mo namang dala-dala.” Sambit sa akin ni Ma’am Ces. “The Children need to learn in a pleasurable way.” Sagot ko kay Ma.am. Syempre, english te

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • Marry me, Teacher Luke   Chapter III: Rachel, the Man Hater

    Alas-singko na nga ng hapon at nag-out na rin ako sa trabaho. Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Kalahati na kasi ng buwan. Meaning, sweldo na ng mga empleyado. Kaya ayun, madaming kumain sa shop. Excited na nga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga, eh. So ayun, pili na nga ako sa sakayan ng tricycle. Medyo natagalan nga lang dahil mahaba ang pila, pero ok lang. Fifteen minutes lang, nakasakay na rin ako. Mabilis lang makasakay. Well, malapit lang naman sa bahay at sa school yung work ko. Kaya nga lang, pagod na ‘ko at hindi ko na kayang maglakad. Ten minutes lang, nakarating na ‘ko sa bahay. Pagpasok ko nga ay sinalubong agad ako ni Sefira. Naabutan ko s’yang kumakain habang nag-ce-cell phone. “Nandito na ‘ko!” Bati ko sa kanya habang inaalis yung sapatos ko sa may pinto. “Mama!” Agad na tinigil ni Sefira ang pagkain, tumayo at tumakbo papunta sa akin. Niyakap n’ya ako nang mahigpit, tapos ay iniharap ang anyang mukha nang may ngiti. “Kumusta naman ang first day?” Tanong ko sa

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • Marry me, Teacher Luke   Chapter IV: Kwento ng Aming Unang Pagkikita

    Alas-dose na nga pala ng tanghali, pero marami pa ring customers sa coffee shop. Oo nga pala, bakit ba ako nagtataka na maraming tao sa ganitong oras, eh tanghali na, oras na para mag-lunch yung mga tao. Malapit lang kami sa mga buildings at university. Iniisip ko nga kung dito sa Christian College ko pag-aaralin si Sef ng college, eh. Mura lang naman yung tuition, afford ko naman, saka malapit sa bahay namin. Pero ang kaso nga lang, syempre matagal pa yun. Kakaumpisa pa lang ni Sefira na pumasok sa school. Masyado talagang advance mag-isip ang mga magulang. Yung parang hindi ka pa nga lumulublob sa pool, maiisip na agad nilang malulunod ka. Hay, ganyan talaga mag-isip ang mga nanay. “Good afternoon, Ma’am!” Bati ko sa matandang customer na kaharap ko, habang tumitingin pa s’ya sa menu ng shop namin sa itaas. “Hi, I would like to order a French vanilla latte. I like it cold and medium, please.” Sambit ng matandang babae sa akin. “May I know your name, Ma’am?” “It’s Lydia.” At sin

    Huling Na-update : 2023-05-25
  • Marry me, Teacher Luke   Chapter V: Matinding Damdamin

    “Oh, ang aga n’yo naman yatang umuwi?” Tanong ni mama Millet ko sa amin matapos n’yang makita ang pagmumukha ko at ni Sefira pagbukas ko ng pinto. Naabutan ko nga palang nagwawalis si mama kaya medyo makalat pa yung sahig.“Lola!” Agad na tumakbo si Sefira sa kanyang lola at niyakap ito nang mahigpit.“Eh, paano kasi, nilagnat yang si Sef. Mabuti na lang natawagan ako ng nurse.”“Ito, nilagnat? Eh, mas malakas pa sa kalabaw itong batang ito, ah? Kita mo may payapos yapos pa.” Hinawakan ni mama yung noo ni Sefira, pagkatapos ay tinignan ako ng nanlalaki n’yang mga mata. “Oh, medyo umiinit na naman yung bata. Mabuti pa patulugin mo na lang muna ‘to, tapos ako na bahala at pumasok ka na sa trabaho.”“Ay, ma nag-undertime ako today para maalagan ko si Sefira.” Paliwanag ko sa nanay ko, habang naglalakad papalapit sa kanya. “Oh, sige ikaw na magpatulog kay Sef at ipagluluto ko s’ya ng sabaw para naman may mahigop s’ya bago uminom ulit ng gamot.”“Lola, may kwento po ako.” Hay naku, parang

    Huling Na-update : 2023-06-01

Pinakabagong kabanata

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter VII: Mga Marites ng Taon

    “Oh, I’m really sorry, Ma’am.” Paghingi ko ng pasensya sa babaeng customer. “Papalitan ko na lang po, I’m so sorry po talaga.” Nanghihina na nga yung mga tuhod ko n’yan. Daig ko pa yata yung nahampas ng baseball bat sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Ilang segundo pa, baka nakaluhod na ko nito. “Don’t say sorry, my dear. It’s just a reminder that you must be careful next time.” Ha? Ganun na lang yun? Hindi ba ko pagagalitan nito? “Yang mukha mong yan, nakaunot yung kilay mo. Gusto mo yata pagalitan kita, eh.” Nakangiting pagbibiro ni Dhalia. “Naku Ma’am, hindi po. Handa naman po akong palitan yung frapuccino n’yo.” “Hindi, eh. Gusto mo yata sumigaw ako rito nang malakas at pahiyain kita.” “Sorry po talaga, Ma’am.” “Don’t worry, hindi naman ako Karen. Saka isang lagok pa lang yung naiimon ko, ano. Nung nalasahan ko yung almond, tinigil ko na. Plus, I brought my meds with me. In case na hindi sinasadyang makakain ako ng bawal, at least meron akong gamot.” “Naku, pasensya na po t

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter VI: Coffee Lover Teachers

    “Mama, need na po nating umalis!” Paalala ko kay mama habang nasa kwarto ako’t tinatali ang maiksi kong buhok. Nakiusap kasi si mama sa akin kagabi na samahan muna s’yang mamalengke. Pero d’yan lang naman sa kanto. Need kasi naming makapalengke ng ibang ingredients sa lulutuin ni mama para sa karinderya n’ya. Ok lang naman sa’kin, kasi 10 AM naman yung duty ko, alas-kwatro pa lang ngayon. “Ok, five minutes, ready na ko.” Sagot naman sa’kin ng mama ko. At ito na nga mga mars, eksaktong five minutes natapos naman yung nanay ko. So, mga 4:10 AM kami naka-alis ng bahay, at 4:25 AM kami nakarating sa palengke. Sinimulan na nga naming bumili ng bawang, sibuyas, kamatis, upo, at kung ano-ano pang gulay na nasa listahan namin. Hindi na kami bumili ng karne, kasi marami pa naman sa bahay. Pati na rin isda, galunggong lang yung binili namin saka bangus. Pagdating kasi ng gabi, minsan nag-iihaw din si mama. Pagkatapos nga naming bilhin yung mga dapat naming mabili, pumunta muna ako sa bili

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter V: Matinding Damdamin

    “Oh, ang aga n’yo naman yatang umuwi?” Tanong ni mama Millet ko sa amin matapos n’yang makita ang pagmumukha ko at ni Sefira pagbukas ko ng pinto. Naabutan ko nga palang nagwawalis si mama kaya medyo makalat pa yung sahig.“Lola!” Agad na tumakbo si Sefira sa kanyang lola at niyakap ito nang mahigpit.“Eh, paano kasi, nilagnat yang si Sef. Mabuti na lang natawagan ako ng nurse.”“Ito, nilagnat? Eh, mas malakas pa sa kalabaw itong batang ito, ah? Kita mo may payapos yapos pa.” Hinawakan ni mama yung noo ni Sefira, pagkatapos ay tinignan ako ng nanlalaki n’yang mga mata. “Oh, medyo umiinit na naman yung bata. Mabuti pa patulugin mo na lang muna ‘to, tapos ako na bahala at pumasok ka na sa trabaho.”“Ay, ma nag-undertime ako today para maalagan ko si Sefira.” Paliwanag ko sa nanay ko, habang naglalakad papalapit sa kanya. “Oh, sige ikaw na magpatulog kay Sef at ipagluluto ko s’ya ng sabaw para naman may mahigop s’ya bago uminom ulit ng gamot.”“Lola, may kwento po ako.” Hay naku, parang

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter IV: Kwento ng Aming Unang Pagkikita

    Alas-dose na nga pala ng tanghali, pero marami pa ring customers sa coffee shop. Oo nga pala, bakit ba ako nagtataka na maraming tao sa ganitong oras, eh tanghali na, oras na para mag-lunch yung mga tao. Malapit lang kami sa mga buildings at university. Iniisip ko nga kung dito sa Christian College ko pag-aaralin si Sef ng college, eh. Mura lang naman yung tuition, afford ko naman, saka malapit sa bahay namin. Pero ang kaso nga lang, syempre matagal pa yun. Kakaumpisa pa lang ni Sefira na pumasok sa school. Masyado talagang advance mag-isip ang mga magulang. Yung parang hindi ka pa nga lumulublob sa pool, maiisip na agad nilang malulunod ka. Hay, ganyan talaga mag-isip ang mga nanay. “Good afternoon, Ma’am!” Bati ko sa matandang customer na kaharap ko, habang tumitingin pa s’ya sa menu ng shop namin sa itaas. “Hi, I would like to order a French vanilla latte. I like it cold and medium, please.” Sambit ng matandang babae sa akin. “May I know your name, Ma’am?” “It’s Lydia.” At sin

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter III: Rachel, the Man Hater

    Alas-singko na nga ng hapon at nag-out na rin ako sa trabaho. Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Kalahati na kasi ng buwan. Meaning, sweldo na ng mga empleyado. Kaya ayun, madaming kumain sa shop. Excited na nga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga, eh. So ayun, pili na nga ako sa sakayan ng tricycle. Medyo natagalan nga lang dahil mahaba ang pila, pero ok lang. Fifteen minutes lang, nakasakay na rin ako. Mabilis lang makasakay. Well, malapit lang naman sa bahay at sa school yung work ko. Kaya nga lang, pagod na ‘ko at hindi ko na kayang maglakad. Ten minutes lang, nakarating na ‘ko sa bahay. Pagpasok ko nga ay sinalubong agad ako ni Sefira. Naabutan ko s’yang kumakain habang nag-ce-cell phone. “Nandito na ‘ko!” Bati ko sa kanya habang inaalis yung sapatos ko sa may pinto. “Mama!” Agad na tinigil ni Sefira ang pagkain, tumayo at tumakbo papunta sa akin. Niyakap n’ya ako nang mahigpit, tapos ay iniharap ang anyang mukha nang may ngiti. “Kumusta naman ang first day?” Tanong ko sa

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter II: Unang Araw sa Eskwela

    Luke’s POV “Good morning, Ma’am Ces!” Pagbati ko sa kasamahan kong guro, habang nilalapag ko ang bitbit kong backpack, sa ilalim ng lamesa ko. Nagmamadali na nga ako, kasi late na naman akong pumasok, alam ko na ngang may klase pa ako ng nine-thirty. Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat, kasi hindi rin naman ako nakikinig sa mga bati nila. Nilabas ko mula sa bag ko yung librong puro english poetries, dahil babasahin mamaya ng mga estudyante ko ‘to. Tapos ay naglabas rin ako ng tatlong lata ng chocochip cookies, pati mga makukulay na papel na gagamitin mamaya ng mga bata para sa artwork nila. Sa tingin ko, hindi naman marami yung mga dala ko para sa klase, pero itong si Ma’am Ces, kung makatitig naman para akong may ginawang krimen. Tinitignan ako, mula ulo hanggang paa, habang nakahawak pa sa temple ng salamin n’ya. “Oh, Luke! Ang dami mo namang dala-dala.” Sambit sa akin ni Ma’am Ces. “The Children need to learn in a pleasurable way.” Sagot ko kay Ma.am. Syempre, english te

  • Marry me, Teacher Luke   CHAPTER I: Ang Bunga ng Pagkakamali ko

    Naalala ko, noong kabataan ko. Madalas akong nasasabihan noon ng aking ina, na maging maingat sa mga barkada. ‘Rachel, huwag kang basta-basta sasama sa mga barkada mong iyan, ha. Ikaw pinaaalalahana kita, hindi yan magiging mabuti para sa’yo.’ ‘Yan ang madalas kong marinig mula sa nanay ko. Kaya madalas kaming nagkakabanggaan tungkol d’yan, eh. Masyado kasing judgemental ang nanay, eh hindi naman lahat ng kinakasama ko, bad influence kung tawagin. Pero napaisip din ako, kung bakit ganito na lang yung sinasabi ng nanay ko sa akin. Hanggang sa na-realize ko na nga kung bakit. Makwento ko lang, noong unang panahon. Ay wow, matanda yarn? Chariz lang! Noong nagdadalaga pa lang kasi ako, teenager, kumbaga, nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa bar. College pa lang ako noon, mga first year. Wala pang senior high noong panahon ko, kaya maaga akong nag-college. Kakatapos pa lang ng midtern, umawra agad kami sa bar pagsapit ng gabi. Todo inom kami nung time na ‘yon, at talagang sinag

DMCA.com Protection Status