“Hello, pogi. Hindi ka pa umaalis?”May suot na magandang purple fur shawl si Millie. Mukha siyang makinang at maliwanag dahil sa makinang na silver thin-strapped dress sa loob.Tinaas ni Fredric ang baso niya at tumango siya ng tahimik habang nakangiti ng maliit.Sinuri ni Millie si Fredric mula ulo hanggang paa at bigla siyang tumawa.Nabigla si Fredric. “Ano yun?”“Wala, wala…” Huminahon si Millie. “Sinusubukan ko lang intindihink kung bakit gustong gusto ka ni Trinity! Heh… ang matalino at masamang lalaki na itsura mo ay charming nga!”Hindi alam ni Fredric kung dapat siyang tumawa.Sa totoo lang, hindi nalalayo si Millie sa katotohanan. Mas mahina ng konti si Fredric kaysa kay Zephyr, ngunit hindi sila pareho.Si Zephyr ay may mapagmataas na presensya, may malamig at gwapong itsura siya, ngunit si Fredric ay mukhang mas mabait. Kumpara sa matulis na anggulo ni Zephyr, mas malambot ang itsura ni Fredric. Isang sikat na abogado rin si Fredric, may matalinong pag uugali at ki
Pakiramdam ni Trinity ay lasing siya at delusyonal. Isang matamis na panaginip siguro ito? Ngunit kailangan niya pa rin harapin ang katotohanan kapag gumising siya, hindi ba?Kung ganun, baka kailangan niyang itapon agad ang panaginip na ito!Kinagat ni Trinity ang mga labi niya. Medyo naging klaro ang isip niya sa sakit, at tinulak niya palayo si Fredric para tumayo ng matatag at nagpatuloy siya sa pagpapanggap.“HIndi na kailangan! Alam ko na busy ka. Kaya kong—”“Hindi mo kaya! Bakit hindi mo ako kailangan?” Hinawakan ni Fredric ang kamay ni Trinity. May nainom din siya, at may ilang mga bagay na nasasabi lang habang lasing.“Trinity, patawad. Naiintindihan ko na huli na ang lahat. Ako ay—”“Bitawan mo siya.” Tumunog ang isang malamig na boses mula sa pinto.Nabigla sina Fredric at Trinity sa isang matangkad na lalaki sa ilalim ng madilim na ilaw.Lumapit ang lalaki sa kanila bago sila nito pinaghiwalay ng pwersahan. Hinila ng lalaki si Trinity.“Mr. Constable, hindi ba’t h
Noong dumating sina Zephyr at Cordelia sa police station, nakita nila si Fredric at Neil na nakupo sa magkabilang dulo ng bench sa lobby. Parehong masam ang itsura nila, habang si Trinity, na siyang nasa gitna, ay nakatingin sa kanila ng may problemadong ekspresyon.Noong lumingon siya at nakita niya si Cordelia, ito ay para bang nakita niya ang tagapagligtas niya at hinawakan niya ang kamay nito.“Anong nangyari?” Nalilito si Zephyr habang nakatingin siya ng masama kay Fredric. “Ikaw, isang abogado, ay nakipag away?”Kumibot ang sulok ng mga labi ni Fredric, at lumingon siya palayo. Nakakahiya kapag kontrolado siya ng alak.Madalas, siya ang nag piyansa sa mga tao palabas ng police station. Ngayon? Nandito si Zephyr kasama ang ibang mga abogado para piyansahan siya.Mabilis magtrabaho ang legal team ng mga Hamerton at natapos agad nila ang proseso. Ang mga abogado ay sinubukan na pigilan ang pagtawa nila nang makita nila si Fredric at sinabihan nila si Zephyr bago sila umalis ng
Lumapit si Trinity at hinampas niya ang bawat isa sa dalawa.“Ano ba ang problema niyong dalawa?”Sabay na tumingin sina Neil at Fredric kay Trinity at may gusto sana silang sabihin ngunit nilunok nila ito pagkatapos tumingin sa isa’t isa.Matalino sila, at walang kahit sino ang gusto magsalita at hayaan ang ibang lalaki na malaman ang kahinaan nila.“Sige na, wag na kayong mag talo!” Tumingin si Trinity sa kanila habang nakasimangot. Kumaway siya. “Umalis na kayo!”“Sige, ihahatid na kita pauwi!” Unang tumayo si Neil sa tabi ni Trinity.Huminto si Fredric. Paano niya nagawang kumilos ng mabagal sa ganitong oras?!“Trinity, ako na ang maghatid sayo.” Ngumiti siya. “Nagpalipas kami ng gabi sa police station at hindi pa kami kumain. Isasama muna kita sa agahan… Ano sa tingin mo ang soup at buns sa school gate? Naalala ko na gusto mo ang mga ito!”Ngumisi si Neil. Parang bata—naisip ba ni Fredric na kaya niyang talunin si Neil gamit ang mga alaala?“Mr. Constable, sa tingin ko ay
Mabilis ang tibok ng puso ni Zephyr, at mabilis niyang sinundan si Zennie.Hindi tumakbo ng mabilis si Cordelia dahil buntis siya, kaya sumunod siya sa likod ni Zephyr ng naglalakad ng mabilis. Huminto siya sa harap ng outpatient building, medyo mukhang malungkot.Mayroon lang isang department dito, ang psychology department.Mayroong isang counseling room don. May mga mahahalagang tao sa Centrolis na pumupunta dito ilabas ang lahat ng saloobin nila.Nag aalala si Cordelia at bigla niyang naisip na baka nandito si Zennie para kumausap ng psychologist, hindi para sa college entrance examination, ngunit para sa kakaibang message mula sa isang anonymous number.Nandoon si Seth na ginagabayan siya sa examination. Madalas ay magaling si Zennie tumanggap ng stress, at maganda ang grades niya sa school.Kaya naman, hindi siguro ito ang rason.So… ang message ang tanging rason!Nabigla si Cordelia at tumingin siya kay Zephyr. Hindi nagtagal ay naintindihan nila kung ano ang nasa isip n
Biglang uminit ang mood at hangin sa paligid nila.Ang magandang mukha ng best actress ay nakakabighani sa ilalim ng makulay na mga ilaw.Pinagpapawisan si Fredric. Umiiwas siya tuwing lumalapit si Millie sa kanya. Sa sobrang pagyuko niya ay halos bumagsak siya—wala nang lugar para iwasan niya si Millie.Pinilit ni Fredric na ngumiti. “M-Ms. Hill, pwede ka ba kumalma? Pakiusap…”Tumingin si Millie kay Fredric at bigla siyang dumiretso ng tayo. Uminom siya ng walang pakialam at tinukso niya. “Boring!”Lumaki ang mga mata ni Fredric.“Bakit ka ba kinakabahan? Natatakot ka ba na baka kainin kita?” Ang nanunuya na tanong ni Millie.Ang dress na suot niya ay dark red na may mga gold na mga bulaklak. Maganda ito tingnan.Binuksan niya ang button ng kwelyo niya, pinakita niya ang mahaba at makinis na leeg niya. Ang mga collarbone niya ay nakakaakit.Nakakabighani talaga siya.Naisip ni Millie na nakakatawa noong nakita niya ang blanko na mukha ni Fredric. “Yun ang audition scene ko
“Ako ay…” Dinilaan ni Fredric ang mga labi niya at ngumiti siya ng awkward.“Isa itong bar. Hindi ito ang lugar para sa mga babae na tulad mo. Naisip ko na nakita kita, kaya sinundan kita… Hindi ba’t hahanapin ng kapatid mo ang buong Centrolis kapag may nangyari sayo?”“Matanda na ako, okay?” Ang bulong ni Zennie. “Pati, hindi na ako pwede pumunta dito para mag relax dahil sa stress ko sa school? Sino ang nagsabi na bawal sa mga estudyante ang mga bar….”“Okay, okay.” Walang magawa si Fredric, “Wag kang magpagabi. Umuwi ka na.”“Okay. Uuwi na ako ngayon!” Kumaway si Zennie kay Fredric at pumunta siya ng masaya sa main street.Kumunot ang noo ni Fredric habang pinanood niyang umalis si Zennie.Hindi niya alam kung bakit, pero may kutob siya na parang iba si Zennie kumpara sa dati.Kahit na pinilit ni Zennie ang lahat para maging tulad ng dati… Parang iba siya ngayon.Umaasa si Fredric na marami lang siyang iniisip. Pagkatapos itong pag isipan, nagdesisyon siyang sabihan si Seth.
Patuloy si Phil sa paghamon sa pagiging sensitibo ni Zennie, halos mabaliw na siya.“Nagmamakaawa ako sayo, Phil…” Tumingin si Zennie kay Phil habang umiiyak. “Bitawan mo ako. Hindi ko talaga ito kayang gawin… Wala akong sama ng loob sa mga tao sa bar. Bakit ko naman sila ipapahamak gamit ang droga?”“Phil, hindi ko ito sasabihin sa kahit sino kapag hinayaan mo ako. Okay? Hayaan mo na ako… Bibigyan kita ng pera, bibigyan kita ng maraming pera, sapat na para umalis ka ng Centrolis at mabuhay ng maganda…”Mahirap siya maintindihan dahil umiiyak siya.Kahit na ito ang main street, wala masyadong mga tao na dumadaan.Kahit na may mga taong dumadaan, tuwing gusto ni Zennie na humingi ng tulong, humahawak si Phil sa baywang niya para yakapin ito. Tinataas ni Phil ang kanyang baseball cap at ngumiti siya sa mga dumadaan na para bang humihingi ng tawad.Habang mas lalo pilit tumakas ni Zennie, mas lalong gusto ni Phil na labanan siya.“Tama na, baby. Umuwi na tayo!”Ang boses niya ay m