Share

Kabanata 615

Amoy alak si Millie, at nang humalo iyon sa kanyang eleganteng pabango, naglabas ito ng kakaibang vibe. Tila masayang-masaya siya habang kumikinang ng parang mga hiyas ang magagandang mata niya.

Walang gaanong masabi si Fredric at tatalikod na sana siya, ngunit muntik na siyang mapatalon sa sigaw ni Millie.

“Girls! Dalian niyo! Nandito si Mr. Constable!”

Kumabog ng malakas ang puso ni Fredric at nagulat siya. Sa isang iglap, higit sa sampung mga babaeng celebrity ang nagsulputan mula sa iba't ibang sulok ng bar. Karaniwang sa telebisyon lamang makikita ang naggagandahang mga mukha na ito.

Subalit, sa kasalukuyan…

Halos matumba na si Fredric. Mabilis siyang napalibutan ng mga babaeng celebrity na ito. Medyo marami nang nainom ang mga babae at lasing na sila. Nag-init sila nang makita nila si Fredric.

“Mr. Constable!”

“Uy, si Mr. Constable!”

“Naghahanap ako ng isang lalaking wala sa showbiz. Huwag kayong makipag-agawan sa'kin, girls. Akin si Mr. Constable!”

Pinagpawisan si Fr
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status