“Magtrabaho ka ng mabuti!” Ngumiti si Liam. “Naniniwala ako na itatrato mo ng mabuti ang asawa mo!”Ano?Nabigla si Zephyr at hindi siya makapagsalita ng ilang sandali.“Ano ba ang problema mo? Lagi kang natutulala?” Tumingin si Liam kay Zephyr, naiirita. Hindi siya makapaniwala na ang tagapagmana na mismong sinanay niya ay naging isang gwapong mukha na lang ngayon. Walang natira sa utak nito.Pinilit ni Zephyr na ngumiti. “Grandpa, hindi ko po naiintindihan ang ibig niyong sabihin…”“Ang sinasabi ko ay magtrabaho ka para sa asawa mo. Wag mo siyang hayaan na mapagod! Makatwiran si Cordelia. Nabalitaan ko na binibigyan ka niya ng… allowance? Sigurado ako na tataas ng konti ang allowance mo!”Walang masabi si Zephyr. Tumitig siya as asawa niya, na siyang tumatawa ng malakas.Sa huli, isang bubuyog lang siya sa nagtatrabaho para sa asawa niya?‘Sige pala…’Pinirmahan niya ang labor contract na habang buhay. Siya ay pagmamay ari ni Cordelia basta’t nabubuhuhay siya. Habang buhay s
Suminghal si Zephyr, nagpakita siya ng tingin ng nanunuya.Tinakpan ni Cordelia ang bibig niya para ngumiti. Masaya siya.Isang matalinong babae si Xyla. Paano siya maloloko sa sinabi ni Rowan? Naglakad siya ng mabagal papunta kay Rowan, nabigla si Rowan sa ngiti niya. Kasunod nito, hinawakan niya ang braso ni Rowan at tinusok ang isang acupoint…“Aray!” Sumigaw si Rowan.“Ilang card pa ba ang meron ka?”“Tatlo pa!”“Ibigay mo ang mga ito sa akin!”Sa isang simpleng utos, kinuha niya ang treasury ni Rowan.Ngumiti siya ng nakuntento. Sa huli, binigay niya ang black card kay Zephyr.“Mom, ito ay…” Nagdalawang isip si Zephyr. Hindi siya sigurado kung tatanggapin niya ito!“Ayos lang. Mula ito sa akin!” Tumingin si Xyla kay Zephyr ng may pagmamahal, at tumingin siya kay Cordelia. “Payag ang anak ko dito, hindi ba?”Mukhang mapaglaro si Cordelia. “Mom, syempre wala akong opinyon sa pagpapakita niyo ng pagmamahal sa manugang niyo!”“Mm-hmm, tanggapin mo ito!”Kinuha ito ni Zeph
Niyakap ni Cordelia si Zephyr, sumandal siya sa dibdib nito.Ang narinig niya ay ang malakas na pagtibok ng puso, nagdala ito sa kanya ng seguridad at init sa puso.“Hubby, alam niya ba na may pang-record sa backpack niya?”“Hindi,” Ang sabi ni Zephyr. “Hindi niya pwede malaman.”“Hubby…” Ngumiti si Cordelia. “Mukhang pareho mag isip ang mga matatalino!”“Ano?”Ngumiti ng tahimik si Cordelia. Lumingon siya para hawakan ang isang maliit na bagay na parang isang USB driver mula sa bag niya at kinabit niya ito sa kanyang computer.Nabigla si Zephyr. “Ano ito?”“Pareho ito sa sikreto na pang-record mo.” Lumingon siya at tumingin kay Zephyr. “Pero ito ay isang special communication device mula sa militar ng Southeast Aciatic. Nakikita nito ang laman ng phone niya,“Ginamit ko ito noong nakaraan. Maghintay muna tayo ng konti. Makakakuha din tayo ng balita. Hmm… Makakakuha tayo ng balita bukas ng umaga kapag wala tayong nakuha ngayong gabi.”Hindi nag pokus si Zephyr sa huling pangu
“A-Ano ito?!”Huminga ng malalim si Cordelia.Naging madilim ang ekspresyon ni Zephyr, at nagkaroon ng lamig sa kanyang mga mata.May suot na mahalay na dress si Zennie sa bawat litrato, at kinuha ang lahat ng ito sa bar at club ni Nicholas.Nakapose siya ng nakakaakit na para bang sinusubukan niyang ipakita ang mga maselang parte ng katawan niya.Iba’t ibang mga lalaki ang nakapaligid sa kanya. Maselan ito.Nakita ni Cordelia ang mas maraming galit sa mga mata ni Zephyr habang nakatingin ito sa mga litrato.“Hubby, sigurado ako na hindi siya ito…” Ang sabi ni Cordelia, “Advanced na ang technology ngayon. Ang mga taong may masasamang intensyon ay nag eedit ng mga litrato ng mga babae para iblackmail sila.”Huminto si Zephyr at tumango siya.Alam niya rin ang tungkol sa AI technology. Hindi lang sa pwedeng baguhin ang mukha ng isang tao, pero pwede pa nitong gayahin ang mga ekspresyon nila.Mayroon pang mga video na naging viral sa internet, sinasabi na ito ang bagong pelikula
“Pareho na ito ngayon, hubby.” Hawak ni Cordelia ang mga kamay ni Zephyr. “Hindi mo kailangan labanan si Phil. Maraming paraan para pagbayarin mo siya!”Ngumiti si Zephyr at hinimas niya ang ulo ni Cordelia. Mainit ito sa pakiramdam.Nagpatuloy si Cordelia na tumingin sa mga record sa device. Hindi siya tumingin sa mga pinakabagong record, ngunit tumingin siya sa mga pinaka luma.In love si Zennie kay Phil noon. Araw araw silang nag uusap sa chat ng matagal.Halos ang lahat ng sinabi ni Phil ay mapag manipula. Sumira ito sa kumpiyansa ni Zennie sa sarili, at napuno siya ng takot.Nanginginig si Cordelia habang tumingin siya.Sa kanilang pag uusap, palihim na inutusan ni Phil si Zennie nag magdala ng droga sa bar.“May shares si Josiah sa bar na yun,” Ang sabi ni Zephyr ng may malalim na boses. “Kapag nakita nila ang droga sa bar, madadamay ang mga Bayer dito!”Nabigla si Cordelia. “So, ginawa niya ito para hamaik ang mga Bayer?”“Oo.”Mukhang seryoso si Zephyr.Lumapit si Ph
Ngumiti si Zephyr. Wala siyang magagawa tungkol kay Cordelia. Si Cordelia naman na ang boss ngayon. May ugali siya ng isang matriarch ngayon at siya na ang nagpapatakbo ng pamilya ngayon.Niyakap ni Zephyr si Cordelia at hinimas niya ang likod nito.Sinabi niya ng mahina, “Pangako mo sa akin, kapag nalaman ni Lukas kung sino ka at wala kang nakuha mula sa kanya, wag mo siyang awayin…”“Mm, poprotektahan ko ang sarili ko.”Tumingin si Zephyr kay Cordelia ng may buong atensyon. “Humanap ka ng lugar at magtago ka. Ako na ang bahala sa iba!”Sa sumunod na araw…Gumawa ng taro boba milk tea at strawberry egg tarts si Cordelia para ibigay ito kay Gale Bay.Nagkulong si Zennie sa kwarto niya, at sabi ng katulong kay Cordelia na hindi masaya si Zennie nitong mga nakalipas na araw.“Si Dr. Stafford po ay umalis para sumama sa medical seminar sa Jangasas, at nasa ibang bansa po si Mr. at Mrs. Hamerton, inaasikaso po nila an foreign market…“So, nasa bahay lang is Zennie nitong mga nakar
Iniunat ni Zennie ang isang kamay niya para sa egg tart, ngunit naramdaman niyang lumabo ang paningin niya. Hindi niya makita si Cordelia, at parang galing sa langit ang boses niya. Lumayo ito at humina. Pagkatapos ay nagdilim ang kanyang paningin, at nawalan siya ng malay.Siniguro ni Cordelia na wala ng malay si Zennie at ihiniga siya sa sopa, nilagyan siya ng maayos na unan at kumot. Pagkatapos ay sinabi niya sa maid na, “Medyo napagod si Zennie at natutulog na siya. Bantayan mo siya sa pinto at kumutan niyo siya maya-maya para hindi siya sipunin."Naghihintay si Zephyr sa kanya sa may pinto. Nagkaroon ng panatag na ngiti sa mukha ni Cordelia nang makita niya ang kanyang asawa."Medyo nakokonsensya ako sa ginawa natin kay Zennie." Nakonsensya si Cordelia."Pampatulog lang naman ang nakahalo dun. Magiging ayos lang siya." Marahan siyang inalo ni Zephyr. “Hayaan mo siyang matulog ng maayos. Matatapos din ang lahat kapag nagising na siya."Tumango si Cordelia, at nagtungo sila sa
Itinapon si Lukas sa basement ng Gale Bay.Umupo si Zephyr sa gitna habang nakatayo sa paligid ng kwarto ang mga bodyguard na may mga blangkong mukha. Nanginginig ang mga tuhod ni Lukas, ngunit tumanggi siyang sabihin ang totoo.“M-Mr. Hamerton, hindi ko talaga alam kung ano ang tinatanong mo... Si Ms. Zennie ang h-humingi nun. Hindi ako nagpumilit na ibigay ito sa kanya…”Sumimangot si Zephyr, at ng walang salita mula sa kanya, sinipa ng bodyguard na nasa tabi niya ang dibdib ni Lukas.Napasigaw sa sakit si Lukas, halos umubo siya ng dugo sa sakit."Mr. Hamerton, hindi mo ‘to pwedeng gawin sa’kin…” Ang sabi niya. “Labag sa batas na ikulong ako dito…”"Hah, so alam mo rin ang tungkol sa batas?" Tiningnan siya ng malamig ni Zephyr. Kasing talas ng isang patalim ang bawat salita niya. "Ako ang batas sa mga Hamerton!"Natigilan si Lukas. Tumulo ang dugo mula sa sulok ng kanyang mga labi, at ang mabangong amoy at walang katapusang takot ay sumakal sa kanya na parang lubid ng abaka.
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala