Share

9. "Not A Cold-Hearted Wife"

Tulad ng hiling ni Chadwick, pumasok si Adira sa kotse ng kanyang asawa pagkatapos ng kanilang mga boluntaryong gawain.

"Sabi ko na sa'yo, hindi ako fan ng s*x sa kotse," sabi ni Adira nang makasakay siya sa passenger seat.

"Oh, please. Stop it!” saway ng asawa.

"Okay. So, ano ba kasing gusto mong sabihin? Bakit dito? Bakit ngayon? Puwede naman tayong magkita sa bahay mamaya.”

“You said you are busy in work.”

"Natatakot ka bang mamimiss mo ako?"”

Saan kumukuha ng lakas ng loob si Adira para magtanong ng mga ganitong klase ng bagay ng walang kahirap-hirap?

“Now that I am thinking that, bakit mo kinagat ang daliri ko kanina?” tanong ni Chadwick.

"Ginawa ko lang iyon dahil alam kong may plano kang gumanti. Isa pa, malalaman ng lahat na sweet tayo sa isa’t-isa. Isn’t that the purpose of coming here?”

“K-Kahit na! Hindi ka ba nahihiya?”

“So, we’re talking about shame now?” Adira chuckled. “Hindi ako nahihiya kasi mag-asawa naman tayo. At tsaka, hindi naman tayo nahihiya sa isa’t isa. Did you feel ashamed when you hug another woman in front of your wife?”

Napatigil si Chadwick nang sandaling iyon. As he looked at her, he said, “I am sorry about that. Hindi ko sinasadya. M-May problema lang si Isa that time. Wala akong ganoong relasyon sa kaniya. We’re just friends. That’s all.”

“Isa lang naman lahat ang sinasabi ng mga cheaters.”

“Adira!”

“Anyway, wala naman akong pakielam kung mistress mo siya or what. Pero nagulat mo talaga ako kanina ha. Akala ko kakampihan mo si Isa hanggang sa huli.”

“Uulitin ko. She’s not my mistress! At kinampihan kita hindi lang dahil sa asawa kita. Mas maganda kasi ang opinyon mo. Naging makatotohanan lang ako.”

“Aww. Iiyak si Isa kapag narinig niya ‘yan,’ biro ni Adira.

“Pero umamin ka. Maganda rin naman ang suggestion ni Isa, ‘di ba?”

Tumigil si Adira sa pagtawa at tumingin sa asawa.

 “Kailangan ng mga bata ng pagmamahal,” dagdag ni Chadwick. Naaalala niya kasi ang mapagmahal na titig ni Adira sa mga bata kanina lamang.

Adira isn’t a cold-hearted person. Iyan ang nadiskubre ni Chadwick ngayong araw.

"May mga taong lumaking walang pagmamahal," sagot ni Adira.

She’s talking about herself.

Ipinanganak siyang kasama ng kanyang ama, ngunit wala siyang nakikitang pagkakaiba sa pagitan niya at ng mga ulila.

Tiningnan lang siya ni Chadwick. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang iniisip ni Adira kaya wala siyang masabi. Isa pa, dahil hindi na maganda ang “mood” sa pagitan nila, nawalan si Chadwick ng pagkakataong maiabot ang regalo sana niya sa kaarawan ng asawa.

"I have to go to the company. Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na ako. See you later, honey.”

Bumaba si Adira sa sasakyan at iniwan ang asawa. Hanggang sa huli, hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon si Chadwick na bigyan siya ng regalo o batiin siya ng maligayang kaarawan.

“Which part of my words hurt her?” pagtataka ni Chadwick.

Napatingin siya sa paper bag sa back seat ng sasakyan.

Kung wala siyang pagkakataong ibigay ito sa kanya ngayon, baka maibigay nalang niya ito sa kanya kapag nagkita sila sa bahay.

** **

Hours passed by.

Kakauwi lang ni Adira galing trabaho, at pagpasok niya , nakita niyang walang tao sa bahay.

“Nauna pa ako sa kaniya na makauwi?” pagtataka ni Adira.

Sa bagay. Nasa trabaho man si Chadwick o kasama si Isa, hindi mag-aaksaya ng oras si Adira sa pag-aalala tungkol dito.

Naligo si Adira, nagpalit ng pajama, at kumain ng hapunan mag-isa.

Sanay na siya sa ganitong malungkot na buhay. Samakatuwid, kahit na walang asawa, hindi niya nararamdaman na nag-iisa. 

Pagkatapos kumain ay bumalik siya sa kanyang silid na may balak na manood sana ng movie bago matulog.

Ngunit, biglang tumawag ang sekretarya ng kaniyang asawa.

“Why would his secretary call me?” she wondered.

Kahit nag-aatubili, sinagot ni Adira ang tawag.

“Hello?” she answered.

“Ma’am! Si Neil po ito, sekretarya ni Sir Chadwick. Tumawag po ako para ipaalam na naaksidente po si Sir habang nagmamaneho!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status