Kung si Isa Daley ang bumisita, tiyak na siya ang bisita ni Chadwick. Ngayon, pinag-iisipan ni Adira kung tatawagan ba niya ang kanyang asawa o hindi.
“Do I need to call him?” tanong niya sa sarili.
Ding dong~
Imbes na tawagin si Chadwick ay nagpasya na si Adira na pagbuksan ng pinto ang bisita. Then, she saw Isa Daley who has an innocent face: big round brown eyes, small thin nose, tiny face and captivating beam. Para siyang tipikal na mga bida sa pelikula.
But Chadwick’s wife looks different.
Napamulagat si Isa nang makita kung gaano kaganda si Adira. Siya ay may kulay esmeraldang mga mata, pulang buhok, makinis at maputing balat, malaking dibdib, maliit na beywang at nakakaakit na titig.
She looks like a model.
Kung mukhang tupa si Isa, si Adira naman ay mukhang lobo. There was a large contrast between their appearance.
Mahigpit na hinawakan ni Isa ang hawak na plorera na may nakatanim na halaman.
Pagkatapos, ngumiti siya kay Adira at bumati, “Magandang umaga.”
Ano ang maganda sa umaga? Hindi maganda ang pakiramdam ni Adira sa umaga. Gayunpaman,binati niya rin ito. "Magandang umaga." Pagkatapos, ngumiti rin si Adira. “I am Isa Daley,” pagpapakilala ng bisita. "Nakapunta ako sa kasal niyo noon." Tumango si Adira. “I know,” sagot niya bago nagtanong, “So, paano mo nalaman ang address namin?” Bilang karagdagan sa mga pamilya at sekretarya nina Adira at Chadwick, walang ibang nakakaalam ng address ng magkasintahan. "Tungkol doon. Eh, ahm, sinabi sa akin ni Chadwick ang address ng bahay niyo.” Tahimik na napataas ng kilay si Adira. Muli, pinuri niya ang katangahan ng kanyang asawa sa pagdadala ng kanyang babae sa kanilang bahay.Kung normal na asawang babae si Adira, baka hinila na niya si Isa papalabas ng bahay. Buti na lamang at hindi normal si Adira. Isa had to be thankful that Adira has no interest in her husband’s affair.
Sa isang mahinahong tono, sumagot si Adira, “Bakit ka napapunta rito, Miss?”
Bilang sagot, ipinakita ni Isa ang paso ng halaman na kanyang dala. "Here. Gusto kong ibigay ang halamang ito bilang regalo ko para sa iyo." Isang regalo para kay Adira? Nagtataka si Adira kung bakit nag-alok ng regalo ang babaeng ito para sa kanya. Mayroon bang kabit na handang magbigay ng regalo sa legal na asawa?“A gift for me? Why?” Adira inquired.
“Hmm, kagabi kasi, narinig ko ang usapan niyo ni Chadwick habang magkausap kami sa cellphone. We talked a lot and I thought that made you feel bad. Kaya naisip kong bigyan ka ng regalo para gumaan ang loob mo. I am sure na hindi ka okay, right?”Napanganga si Adira sa narinig.
Siguro nga’t may mala-anghel na mukha si Isa. Pero ang ugali niya? Parang demonyong nagbalat anyo.
Hindi tanga si Adira para malaman ang nais ipahiwatig ni Isa. She was trying to annoy Adira and make her jealous.
Banggitin ba naman na ilang oras silang nag-uusap sa telephone. Alam na alam ni Adira ang pakay ni Isa.
Because of that, Adira couldn’t help but glare at Isa.
Nang makita ni Isa ang madilim na titig, naramdaman niya ang nakapanghihilakbot na awra mula rito. Nanginig ang kanyang mga kamay dahil sa takot, at sa hindi sinasadyang pangyayari, nahulog niya ang plorera. "Oh my god!"” Krkrkrrrrklsh! Ang nakakabinging tunog ay umuugong sa paligid ng sala. Tumingin si Adira sa mga piraso ng basag na banga at sa halaman na nagkalat sa sahig."Oh Diyos ko," napasigaw si Isa. Pagkatapos, tumingin siya kay Adira at humingi ng tawad. "Pasensya na! Pasensya na! Hindi ko sinasadya!"Agad na umupo si Isa upang pulutin ang mga sirang piraso."
Pinanood ni Adira ang ginagawa ni Isa. She thought that Isa is a fool.
“Ouch!” daing ni Isa matapos masugat ang daliri mula sa matalim na piraso ng plorera.Iyan ang dahilan kung bakit naisip ni Adira na tanga siya. Why would she pick up the broken pieces when they can just use a broom to clean it?
“Stop it. Tumayo ka na at…” alok sana ni Adira. Pero hindi niya natapos ang sasabihin dahil dumating si Chadwick at sumigaw.
"Isa!"He rushed towards Isa and looked at her injury.
“Sh*t! Are you okay? Shall we go to a hospital?” nag-aalalang tanong ni Chadwick.
Muntik ng matawa si Adira sa napapanood. Ang liit-liit lang ng sugat ni Isa. Kung makaasta ang kaniyang asawa, akala mo nasaksak na ito.
‘Falling in love makes people stupid,’ Adira thought.
“Okay lang ako,” sagot ni Isa. Ngumiti siya sa kanya at pinindot ang kanyang daliri upang pigilan ang pagdurugo.
Pinagmasdan ni Chadwick ang paligid. Isa laman ang puwedeng maging salarin ng insidenteng ito. At ito ay walang iba kung hindi si…
“Adira,” Chadwick called before looking back at his wife. “Did you do it?”
Sinulyapan ng tingin ni Adira si Isa. Umaasa siyang sasabihin nito na wala siyang kasalanan. Ngunit hindi nagsalita si Isa. Nanatili siyang nakaupo sa sahig at nakayuko ang ulo na waring nag-aarteng biktima.
‘Ah. I see. She wanted to make me look like the villain,’ Adira figured out. Hindi siya makapaniwala na may demonyo pang naglakas-loob na gumapang mula sa impiyerno, at iyon ay si Isa!
Dahil walang nagsalita, inisip ni Chadwick na talagang si Adira ang nagdulot ng kaguluhang ito. Kaya't tumayo siya at inakusahan ang asawa, “What the hell are you doing, Adira?”Gustuhin man ni Adira na magpaliwanag ay hindi niya magawa. Sa tingin niya kasi ay wala siyang oras na pag-aksayahan ng panahon ang kadramahan ng dalawa.
Kaya naman tumalikod lang siya at aakmang aalis. Ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Chadwick sa pulso.
“Where do you think you’re going?” babala ni Chadwick. “Magpaliwanag ka! Bakit mo sinaktan si Isa?!”
Sa wakas, tumitig pabalik si Adira at sumagot. “What did I do?”
“Don’t you dare play innocent, Adira,” he warned, pulling her closer.Nang pagkakataon na iyon, nagpasya si Adira na akuin ang pagiging kontrabida. She pulled her hand away from Chadwick and instead held his wrist. Then she said, “Honey. Hindi tama na mag-akusa ka ng walang ebidensiya. Ganyan ba ang nagagawa ng pag-ibig sayo? You are acting like an idiot.”
“What?”
“It’s true. Hindi ba’t may gusto ka sa babaeng ito?” Tumingin si Adira kay Isa habang bumulong, "She’s your damn first love, dear.”
Sa sinabi ni Adira, huminga ng malalim sina Chadwick at Isa sa isang sandali.
Hindi nila inaasahan na marinig ang mga ito nang direkta mula kay Adira!
Dahil walang makasagot mula sa dalawa, binitawan ni Adira ang kamay ng asawa at pagkatapos, tumingin siya sa babae na nakaupo nang sahig. "Miss Isa, you don’t need to clean up the mess you made. I will pay someone to do it. After all, you are my HUSBAND’S PRECIOUS GUEST.”Ngumiti si Adira kay Isa; isang nakakatakot at nakakabighaning ngiti. Naramdaman ni Isa ang lamig na unti-unting umaabot sa kanyang balat.
“And honey,” tawag ni Adira sa hindi kumikilos at naguguluhang si Chadwick. Humilig siya sa kanya, inilagay ang kanyang binti sa pagitan ng kanyang mga hita bago niya ayusin ang kwelyo ng kanyang suot. Lumaki ang mga mata ni Chadwick sa harap ng napakagandang babae sa kanyang harapan.He frowned. Kahit ang matamis na amoy ni Adira ay kaakit-akit.
"Kailangan kong pumasok sa trabaho. So, just enjoy your time with our guest.”And then Adira left the two without looking back.
****
Napansin ni secretary Hansel na wala sa pokus ang kaniyang boss. Ito ay sa kadahilanang kanina pa niya ito nakikitang nakatitig sa kawalan.“Ma’am, are you okay?” tanong ni Hansel kay Adira.
Adira looked at her and asked, “Ilang taon ka ng kasal sa asawa mo, Miss Hansel?”
“Po?”
Gulat na gulat si Secretary Hansel.
Sa unang tingin, si Adira ay tila palakaibigan at madaling lapitan. Gayunpaman, isa lamang itong pekeng imahe.
Adira always have this wall between her and the other people. Na para bang hindi niya gustong makipag-ugnayan sa iba.
Kaya't nang tanungin ni Adira si Hansel tungkol sa kanyang personal na buhay, inisip ni Hansel na ito ay magandang senyales. "Ah, apat na taon na kaming kasal ng aking asawa," mahinahong ibinahagi ni Hansel.“Ahh. I see. So, anong gagawin mo kapag nalaman mong may gusto sa iba ang asawa mo?”
“Excuse me?”
“For example, hinahayaan ng asawa mong lalaki na maglabas pasok ang babae niya sa bahay niyo ng malaya. Anong gagawin mo?”
Agad na namula si Hansel. Hindi na niya napigilang sumigaw ng, “Bubugbugin ko sila at pag-uuntugin!”
The loud shout echoed inside the office.
Ilang segundo lang ang kailangan ni Hansel para mapagtanto ang kanyang pagkakamali.
Sinigawan niya ang CEO ng kumpanya!“S-Sorry po, Ma’am. Hindi ko napigilan ang damdamin ko,” paumanhin ng sekretarya.
Tumawa lamang si Adira. Pagkatapos ay sinabi niya, “Ayos lang.” Sinuri niya ang mga dokumento sa harap niya at nilagdaan ang mga kinakailangang lagdaan. Tumingin si Hansel sa magandang mukha ng CEO. Gusto niyang malaman kung bakit biglang tinanong ni Adira ang tanong na iyon.‘Paano kung tinanong niya ako nito dahil may ibang babae ang asawa niya?’ ang naisip niya.
Si Hansel ay isa sa mga taong nakakaalam ng sikreto sa likod ng kasal nina Adira at Chadwick. Gayunpaman, hindi iyon sapat na dahilan para mambabae si Chadwick.Hansel felt worried to Adira. Walang siyang kalam-alam na kaya lang naman tinanong ni Adira iyon ay dahil curios siya kung ano ang normal na gagawin ng ibang asawa sa ganitong sitwasyon.
“Oo nga pala, you don’t need to drive for me later,” ang sabi ni Adira sa sekretaryo. Tumigil siya sa pagpirma ng mga dokumento at nagpatuloy. “I will go to my favorite bar and drink. Ikuha mo nalang ako ng designated driver later.”
“Sige po, Ma’am. Masusunod.”
Yumuko si Adira, at iyon ang dahilan kung bakit hindi niya nakita ang nagmamalasakit at nag-aalalang ekspresyon ni Hansel para sa kanya.
Inisip ni Hansel na iinom si Adira ng alak dahil nasaktan siya sa ginawa ng asawa.
But actually, Adira just wanted to drink.
Nothing more. Nothing less.
—————— ------------------------------------------ -------------------------
Adira went to her favorite luxury bar at 6pm.
Palagi siyang pumupunta sa lugar na ito tuwing pagod siya sa trabaho. At ngayon, dumating siya dito hindi dahil sa kanyang asawa o sa babae ng kanyang asawa.
Bagaman balak niyang akitin si Chadwick, hindi niya layunin na mahulog ito sa kanya. Kaya't walang siyang pakielam kahit pa ubusin ni Chadwick ang oras kasama ni Isa. ‘Sobrang tanda ko na para sayangin ang oras ko para sa mga tanga na ‘yon,’ naisip ni Adira, habang iniiling ang ulo.A the age of 31, Adira doesn’t believe in love. Hadalang lamang iyon sa karera niya bilang CEO. Isa pa, alam niyang sa bandang huli ay ikakasal lamang siya sa lalaking pinili ng ama.
Bakit pa siya mag-aaksaya ng oras sa pag-iyak at pakikipaglaban sa isang hangal na romansa at magpanggap na parang isang tauhan sa isang trahedyang nobela?
“I suddenly wanted to read tragic romance novel like Romeo and Juliet,” she murmured as she sat in front of the bar counter.
Tumingin si Adira sa paligid.
Bigla na lang, may isang lalaki na lumabas mula sa ilalim ng counter. Naka-uniporme siya ng bartender at pinupunasan ang kanyang pangalan na pinulot niya mula sa sahig. Nahuli ng hitsura ng lalaki ang atensyon ni Adira. Nakita niyang ikinabit niya ang kanyang pangalan na "Geoffrey" sa kanyang uniporme. Adira is a regular customer of this expensive bar. Ngunit ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang lalaking ito.The guy has brushed up blonde hair. His brows are arched up. He has eagle-like eyes which are sharp, but have heavy lids. His nose is tall, very majestic. He has heart-shaped lips with a small mole near his upper lip. He is also tall with a great build.
Sa madaling salita, siya ay napaka-guwapo; isang tao na tiyak na magiging sentro ng atensyon saan man siya magpunta.
‘The bar’s advertising skills are no joke,’ Adira praised the bar’s management inside her head.Sa wakas, itinutok ng lalaki ang kanyang mga mata sa babae na nakaupo sa harap ng counter. Nang makita niya ang kanyang mukha, siya'y natigilan na parang estatwa, na para bang may nakita siyang labis na nakakagulat.
Well, sanay na sanay si Adira sa ganitong uri ng reaksyon. Maganda siya, kaya ganon. Ngunit mayroong kakaiba sa paraan ng pagtingin ng bartender sa kanya. He looked at her as if she’s familiar. Isinara ng bartender na si Geoffrey ang kanyang bahagyang nakabukas na mga labi matapos ang isang sandali. Matapos titigan ang mukha ni Adira, itinukod niya ang kanyang mga mata sa kanyang daliri. At nang makita niyang wala siyang suot na singsing, isang nasisiyahang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.Six months have passed.Kalahating taon na ang lumipas mula nang ikasal sina Chadwick at Adira. Mula noon, tanging isang bagay lamang ang hiniling si Adira mula sa kanyang asawa. At iyon ay upang hikayatin siyang painitin ang kanyang kama.“Can I sleep inside your room?”“Let’s make out.”“Let’s sleep together.”“Honey, let’s have sex.”Ang pamumuhay kasama si Adira sa unang buwan ay impiyerno para kay Chadwick—isang bangungot.Halos araw araw siyang inaakit ng asawa. At para bang naging trabaho na kay Chadwick na tanggihan ito. Hanggang sa masanay si Chadwick sa kanyang kabaliwan pagkatapos ng ilang buwan.Naging ugali na para sa kanya na itaboy si Adira, at naging ugali na rin para kay Adira ang makatanggap ng pagtanggi. Gayunpaman, ang matigas ang ulo na babae ay hindi marunong sumuko.Gaya ng gabi na ito, bumisita si Adira sa kanyang silid upang muling itanong ang parehong bagay.“Babe,” tawag ni Adira. Naka suot siya ng makintab at manipis na damit na pangtulog na gawa sa seda. M
Hindi mawala sa isip ni Chadwick ang mga nangyari kagabi lamang. Anupat paulit-ulit itong naglalaro sa kaniyang isipan kahit pa tambak siya ng trabaho.Habang nakaupo sa harap ng kaniyang laptop, naguguni-gunita ni Chadwick ang reaksyon ng asawa nang mahuli siya nitong yakap yakap si Isa.Adira had no expressions at all.“It feels that she has no time to even bother,” bulong ni Chadwick sa sarili.“Sir.”Dahil sa pagtawag, pansamantalang nawala si Adira sa kaniyang isipan. He looked back and saw his secretary, Neil.“Sir, I need to remind you that you have volunteering in an orphanage tomorrow. Kasama niyo po sa event si Madam Adira.”Ang event bukas ay para sa kolaborasyon ng dalawang kumpanya. Naging posible lamang ang pagsasama na ito dahil sa kasal ng dalawang CEO. At ang pagboboluntaryo sa ampunan ay isang paraan para sa mag-asawa upang patunayan na tunay ang kanilang kasal.‘Hindi ba weird na um-acting kami na sweet sa isa’t isa pagkatapos ng nangyari kagabi?’ nag-aalinlangang
"Dito naglalaro ang mga bata," sabi ni Miss Marie, ang tagapamahala ng ampunan.Tiningnan niya ang silid kung saan kasalukuyang nakatira ang mga ulila. Naglalaro nang may mga ngiti sa labi, anupat hindi mababakas sa mga ito ang katotohan na sila ay ulila na sa mga magulang.Adira just stood by the door and watched them.Pinabilis ni Miss Marie ang kanyang lakad upang ipakita ang isa pang silid sa mag-asawang McElroy. Ang mga kumpanya ng mag-asawa ay nagbigay ng donasyon para sa paggawa ng bawat silid, Kaya, kailangan ni Miss Marie na ipaalam sa kanila kung saan ginagastos ang kanilang pera.But as Chadwick walked, he noticed that Adira wasn’t following. Nakatayo parin ito sa isang gilid at pinagmamasdan ang mga bata.Sa loob ng anim na buwan nilang pagsasama, hindi pa nakikita ni Chadwick ang ganitong uri ng ekspresyon. He thought she’s an emotionless person. Kaya naman nagulat siya habang nakatitig kay Adira ngayon. “Mr. and Mrs. McElroy?”Dahil dito ay naalarma si Adira at saka lam
“Maganda ang ideya ni Miss Dale. But it’s useless now. If you think that it might solve the issues, then you are wrong.”Isang nakabibinging katahimikan ang umugong sa loob ng opisina.Nagulat si Marie na hindi nagustuhan ni Adira ang ideya ni Isa. Gusto niyang tumulong na mapabuti ang sitwasyon, ngunit bago pa siya makapagsalitan ay muling nagsalita si Isa.“Then, sabihin mo sa akin kung saan ako nagkamali, ADIRA.”Adira.Adira.Adira’s brow raised as she looked at Isa who informally called her name.Sa halip na tawagin siya ng mas pormal, naglakas-loob si Isa na banggitin ang pangalan ni Adira na parang magkaibigan lang sila.Ngunit dahil si Isa ay parang anghel sa lahat, samantalang si Adira ang masamang kontrabida, walang nakakapansin na kabastusang ginawa ni Isa sa pinakamahalagang bisita ng ampunan.Gayunpaman, nanatiling kalmado si Adira. She crossed her arms and said, “Sabi ni Miss Marie, dumadami daw ang mga bata sa orphanage araw-araw. Kaya, kailangan ng mas maraming tao par
Tulad ng hiling ni Chadwick, pumasok si Adira sa kotse ng kanyang asawa pagkatapos ng kanilang mga boluntaryong gawain."Sabi ko na sa'yo, hindi ako fan ng s*x sa kotse," sabi ni Adira nang makasakay siya sa passenger seat."Oh, please. Stop it!” saway ng asawa."Okay. So, ano ba kasing gusto mong sabihin? Bakit dito? Bakit ngayon? Puwede naman tayong magkita sa bahay mamaya.”“You said you are busy in work.”"Natatakot ka bang mamimiss mo ako?"”Saan kumukuha ng lakas ng loob si Adira para magtanong ng mga ganitong klase ng bagay ng walang kahirap-hirap?“Now that I am thinking that, bakit mo kinagat ang daliri ko kanina?” tanong ni Chadwick."Ginawa ko lang iyon dahil alam kong may plano kang gumanti. Isa pa, malalaman ng lahat na sweet tayo sa isa’t-isa. Isn’t that the purpose of coming here?”“K-Kahit na! Hindi ka ba nahihiya?”“So, we’re talking about shame now?” Adira chuckled. “Hindi ako nahihiya kasi mag-asawa naman tayo. At tsaka, hindi naman tayo nahihiya sa isa’t isa. Did y
“Ma’am! Si Neil po ito, sekretarya ni Sir Chadwick. Tumawag po ako para ipaalam na naaksidente po si Sir habang nagmamaneho!”Nang marinig ni Adira ang balitang ito tungkol sa kanyang asawa, nakaramdam siya ng matinding takot.She suddenly had cold sweats.Tila sumikip ang kanyang dibdib ksabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.Gayumpaman, kinuha niya ang buong lakad upang kuhanin ang susi ng kotse at tumakbo papalabas ng bahay.Nanginginig pa nga ang mga kamay niya kaya hindi niya kaagad nabuksan ang makina.Ilang sandali pa, nakarating na rin si Adira sa hospital.“Ma’am!” Pagtawag ni Neil ng makita ito.Nasa harap ng VIP room ng ospital si Secretary Neil, kung saan nasa loob si Chadwick.Isang oras na simula nang tumawag siya kay Adira. Kaya naman, laking gulat ni Neil nang makita niya ito na patakbong lumapit sa kanya na namumutla ang mukha."Where's my husband?" hinihingal na tanong ni Adira.Magulo ang pulang buhok nito at wala ring make-up. Gayunpaman, napakaganda pa ri
Paglabas ni Adira sa VIP room ay nabangga niya si Neil. Namumutla ang sekretarya nang ipaliwanag niyang, “Ma’am. Sinabi ko na po kay Miss Isa na hindi siya p’wede agad na pumasok pero…”“It’s alright,” Adira said, making him stop. “Tanong ko lang. Alam mo bang may gusto ang boss mo sa babaeng iyon?”“Po?”“I asked you if you know about my husband’s affairs.”Labis na nagulat si Neil sa narinig. This is the first time he heard about this. At nang makita ni Adira ang reaksyon nito, napagtanto niyang wala palang alam ang sekretarya ng asawa. "Mukhang wala kang alam,” natatawang tugon ni Adira. “Then don’t tell him that I told you. Ikaw ng bahalang mag-alaga sa asawa ko.”Kinindatan siya nito, tinapik sa balikat, at saka umalis.Napakurap si Neil, labis nalilito.“Talaga nga bang may gusto si Sir sa ibang babae?”Para kay Neil, hindi tama ang ginagawa ni Chadwick.Kinasal lang sina Adira at Chadwick dahil sa pakinabang na makukuha nila mula rito. Gayunpaman, naniniwala si Neil na mali
Ayon sa imbestigasyon ni Adira, napasuong sa magulang love-triangle ang kaniyang asawa. Chadwick was in love with Isa, but Isa was in love with someone else.Hindi na niya inalam pa kung sino ang pangatlong taong sangkot rito dahil akala niya’y sapat ng malamang may ibang mahal na babae si Chadwick. But she had no idea that not knowing the third person was a big mistake.“Why are you here, kuya?” tanong ni Isa kay Geoffrey.Ang lalaking minamahal ni Isa ay walang iba kung hindi ang kaniyang stepbrother na si Geoffrey.“Anong ginagawa mo rito sa ospital? May sakit ka ba?” tanong pa ni Isa.Geoffrey sighed. Wala siyang balak kausapin o pansinin man lang ang tao na gustong-gusto niyang iwasan. Kaya naman, tumalikod si Geoffrey at naglakad palayo.It was always like this.Sa tuwing sinusubukan ni Isa na mapalapit sa kaniya ay siya namang pagtakas nito papalayo.“Naaksidente si Chadwick!” sigaw ni Isa na siyang nagpahinto kay Geoffrey. “Hindi ko alam kung bakit ka nandito. Pero total, nagk