Share

8. "Wife Vs. First Love"

“Maganda ang ideya ni Miss Dale. But it’s useless now. If you think that it might solve the issues, then you are wrong.”

Isang nakabibinging katahimikan ang umugong sa loob ng opisina.

Nagulat si Marie na hindi nagustuhan ni Adira ang ideya ni Isa. Gusto niyang tumulong na mapabuti ang sitwasyon, ngunit bago pa siya makapagsalitan ay muling nagsalita si Isa.

“Then, sabihin mo sa akin kung saan ako nagkamali, ADIRA.”

Adira.

Adira.

Adira’s brow raised as she looked at Isa who informally called her name.

Sa halip na tawagin siya ng mas pormal, naglakas-loob si Isa na banggitin ang pangalan ni Adira na parang magkaibigan lang sila.

Ngunit dahil si Isa ay parang anghel sa lahat, samantalang si Adira ang masamang kontrabida, walang nakakapansin na kabastusang ginawa ni Isa sa pinakamahalagang bisita ng ampunan.

Gayunpaman, nanatiling kalmado si Adira. She crossed her arms and said, “Sabi ni Miss Marie, dumadami daw ang mga bata sa orphanage araw-araw. Kaya, kailangan ng mas maraming tao para mag-alaga sa kanila. Hindi ba?”

"Oo, tama ka," sagot ni Isa, “Kaya nga nag-propose ako na maghanap ng mas maraming volunteer na katulad ko." Pagkatapos ay ginamit niya ang kanyang sarili bilang isang halimbawa.

"Then I should give the simplest solution to this problem," alok ni Adira, sabay turo sa sarili na parang ginagaya si Isa. Tumingin si Adira kay Marie at sinabing, "Magbibigay ako ng malaking halaga sa orphanage. Gamitin mo ito para maghanap ng mga trabahador at bayaran sila sa pag-aalaga sa mga bata."

Nanlaki ang mga mata ni Marie at nagtanong, “Ibig mong sabihin, babayaran mo ang mga manggagawa para mag-alaga ng mga bata?”

“Exactly,” sagot ni Adira.

“Pero kung gagamit ka ng pera para bayaran sila,” pagtutol ni Isa, “paano naman ang emosyon na kailangan ng mga bata? Kung pera lang ang motibo nila, hindi nila maibibigay ang pagmamahal na kailangan ng bawat bata ngayon."

Sa tingin ni Chadwick, may punto si Isa. Kung gagamit sila ng pera, hindi nila masisigurong maayos ang pakikitungo ng mga taong iyon sa mga bata. Gayunpaman, hinintay ni Chadwick ang tugon ng kanyang asawa. Iniisip niya talaga kung paano ito ipagtatanggol ni Adira ang sariling opinyon.

“Miss Dale,” Adira called Isa in formal tone.

"Ang gusto ngayon ni Miss Marie ay maresolba ang biglaang pagdami ng populasyon, hindi ang kanilang emosyon. May nagreklamo ba na hindi nakukuha ng mga bata ang sapat na pagmamahal na kailangan nila?"

Walang tumugon.

"Wala. Diba?”

Hindi na binigyan ni Adira ng panahon si Isa para tumutol at lalo pang magmukhang tanga.

Then she continued, “Sa mundong ito, sa tingin mo ba napakadaling makahanap ng mga taong buong pusong nagboluntaryo, tulad mo? Miss Dale?”

Walang maisagot si Isa. She just bit her lower lip while looking at Chadwick’s wife.

"Sana lahat ay may malambot na puso tulad mo. But in the reality, it wasn’t the case. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang responsibilidad. Nabubuhay tayo, kumakain, natutulog at... nagbabayad. Kailangan ng mga tao ng pera para matugunan ang kanilang mga pangangailangan,” dagdag ni Adira.

“May mga mayayaman na handang tumulong,” depensa ni Isa sa sarili.

"Okay, kung meron," tinanggap ni Adira ang ideya. “Ngunit hanggang kailan sila handang tumulong? Hindi naman sila nagbo-volunteer habang buhay diba?

Bumuka ang bibig ni Isa at saka muling isinara. Gusto niyang kontrahin ang pahayag ni Adira ngunit hindi niya mahanap ang tamang salita.

"Kailangan natin ng mabilis na aksyon ngayon. Kung susundin namin ang opinyon ,p, lalago ang populasyon ng bata at hindi kami makakahanap ng sapat na mga boluntaryo upang mag-alok ng serbisyo nang libre. So, naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?

Kinagat ni Isa ang ibabang labi. Hiyang-hiya siya kay Adira! ‘Paano kung ginagawa niya lang ‘to dahil niyakap ko ang asawa niya kagabi?’ isip niya habang nakatingin sa magandang asawa ni Chadwick.

“Miss Marie,” tawag ni Adira.

“Y-Yes?”

"Bibigyan kita ng sapat na badyet para kumuha ng mga tao.”

“Maraming salamat, Mrs. McElroy!

“At kung may mga taong nagtatrabaho lang para sa pera at hindi nag-aalaga ng mga bata, I don't think we should worry about that. Kung tutuusin, may mabait na babae na tulad ni Miss Isa dito. Sigurado akong makikita at sisiguraduhin ni Isa na aalagaan ng mga empleyado ang mga bata. Right, Chadwick?”

"Huh?" bulong ni Chadwick. Nagulat siya nang biglang nagtanong si Adira sa kanya.

Tumingin si Chadwick kay Isa at nakita ang kanyang nekspresyon.

Ayaw niyang masaktan si Isa, pero aaminin ni Chadwick na mas makatotohanan ang solusyon ni Adira kaysa kay Isa.

“I think I should go with my wife’s suggestion,” sabi ni Chadwick. "Magbibigay din ako ng suportang pinansyal para makapagsimula tayong kumuha ng mga tao para sa ampunan."

Bumuka ang bibig ni Isa. Hindi siya makapaniwala na susuportahan ni Chadwick ang babaeng pinakasalan niya para lang sa negosyo!

Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya nito!

Lihim na ikinuyom ni Isa ang kanyang mga kamao habang pinagmamasdan ng maigi si Adira. She thought she had to do something to this woman.

** **

Lumipat nang kaunti sina Marie at Chadwick para pribadong talakayin ang suportang pinansyal na ibibigay ng mag-asawa sa lalong madaling panahon. Habang nag-uusap sila, sinamantala ni Isa ang pagkakataon para lapitan si Adira.

"Adira!"

Nagningning ang mga mata ni Isa habang nakatingin sa kanya. The way he call her and look at her speak as if she’s a close friend to Adira.

Hindi alam ni Adira kung palakaibigan lang ba si Isa o sadyang makapal ang mukha.

Hindi ba’t  ilang araw pa lang ang nakalipas ng nangahas si Isa na yakapin ang asawa sa harap niya?

“Maraming salamat sa pagtulong sa ampunan,” wika ni Isa. “Hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo.”

Napailing ng ulo si Adira.

Teka nga lang.

Bakit nagpapasalamat si Isa kay Adira? She’s not even the owner of the orphanage.

“Ah, oo nga pala. Nasabi rin ni Chadwick na halos magkasing edad lang tayo.”

“Kaya ba malaya kang tawagin ang pangalan ko?” Adira responded.

“Ha?”

“Hindi ko matandaan na pinayagan kitang basta nalang akong tawagin sa pangalan ko. But you did it many times, Miss Dale.”

Napakamot sa batok si Isa at saka humingi ng tawad. “Sorry. Na-offend ka ba? E kasi, super close ako kay Chadwick eh. Kaya komportable na rin ako sa asawa niya.”

Wow. Adira wanted to laugh right now.

Ang lakas ng loob ni Isa na sabihin ang lahat ng ito sa harapan niya. Either way, Isa should be thankful that Adira doesn’t care about her husband’s affair. Kung normal lang siya na asawang babae, baka kanina pa niya sinabunutan si Isa.

"I'd actually really like to know you better," nahihiyang sabi ni Isa. "Kung hindi ka busy, p’wede ba tayong kumain sa labas? Sabi ko kay Chadwick gusto kitang maka-close. But he doesn’t want to talk about you. Kaya ako na ang gagawa ng paraan. Please?”

 “Sa tingin mo papayag ang asawa ko?” sagot ni Adira.

“Oo naman! Never pang tumanggi si Chadwick sa wishes ko. Believe me!”

Sa sinumang nakikinig, mas mukha pang asawa ni Chadwick si Isa kung makapagsalita siya.

Pilit niyang pinaparamdam kay Adira na kahit asawa siya ni Chadwick, pipiliin pa rin niya ang panig nito.

Hindi tanga si Adira para hindi mapansin ang kahulugan sa likod ng mga salita ni Isa. She’s an evil hiding behind an angel mask.

“Mrs. Adira! P’wede ko po ba kayong makausap?!” pagtawag ni Marie kay Adira mula sa malayo.

Tumingin siya sa mga ito at aakmang aalis. Pero hinawakan siya ni Isa sa braso para pigilan.

“Wait. Hindi ka pa sumasagot sa aya ko. Can we eat outside next time?”

Adira looked at her and said, “Maybe? Depende kung magkikita tayo.”

“Should we at least choose a date?”

“Hindi na kailangan,” sagot ni Adira. “May araw na bigla ka nalang susulpot sa bahay namin at iiyak. If ever na bumisita ka uli para makipaglandian sa asawa ko, then I will think if I want to eat with you or not.”

Adira even winked at Isa before walking away.

Sinundan siya ng tingin ni Isa. “What the hell was that?” She said before glaring at Chadwick’s wife.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status