Tatlong araw na ang nakalipas mula nang ikasal si Adira kay Chadwick McElroy. Matapos ang tatlong gabi ng paglagi sa Japan para sa kanilang honeymoon, bumalik si Adira sa kanyang bagong bahay bilang Mrs. McElroy.
“Gosh. I am so tired,” daing niya habang bago humiga sa kama.Suot ang kanyang mapang-akit na damit pantulog, tinitigan ni Adira ang kisame habang iniisip-isip ang mga nangyari kamakailan.
“Hindi parin ako makapaniwala na kasal na ako,” bulong niya sa sarili. “And now, I am Mrs. Mc Elroy.”
Matapos banggitin ang bagong apilyedo ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa lugar.
It was then Adira burst laughing.
“What’s the point of marrying that guy? Ni hindi ko man lang nga nakita ang pagmumukha niya noong honeymoon namin,” pagtawa nito.
Matapos ang kasal, may plano ang bagong mag-asawa na pumunta ng Japan. Pero hindi sumama ang asawa niyang lalaki dahil may emergency daw ito sa trabaho. Something that Adira didn’t believe.
‘Hindi ako bobo para mapansin na sinadya niyang iwasan ako,’ Adira thought while thinking of her husband, Chadwick Mc Elroy.
Ang isa pang ebidensya na iniiwasan siya ni Chadwick ay ang katotohanan na kahit nasa iisang bahay na sila nakatira ay kailangan nilang matulog sa magkaibang kwarto.
Adira sat up, feeling annoyted.
Ang kanyang pangunahing dahilan kung bakit siya pumayag sa kasal ay para magbuntis. But this wouldn’t be possible if Chadwick and her would sleep in different rooms.
“What the hell is wrong with him? Lalaki ba talaga siya?” tanong ni Adira.
Nang lumingon siya sa salamin ay nakita niya ang kanyang repleksyon.
She has curly red hair that complement her small face. Hindi lang siya pinagpala ng ganda. Maging ang katawan niya ay tila ba isang bote ng Coca-cola.
Sinumang makakita sa kanya na nakaupo sa kama na may suot na bathrobe ay tiyak na maaakit.
“Ang ganda-ganda ko,” sabi ni Adira sa kanyang sarili. “At ang sexy ko pa.”Katotohanan lamang ang sinabi niya. Kaya nga bang nalilito siya kung bakit hindi samantalahin ng kaniyang asawa ang pagkakataong manakaw ang kaniyang pagkabirhen.
Adira sighed as she swept her hair upward. Habang nakatingin sa kawalan, naaalala niya ang nangyari noong kasalukuyan ng kaniyang kasal:
Noong naglalakad si Adira sa altar papalapit sa kaniyang mapapangasawa, napansin niya ang pagkaboryo nito. Chadwick was only looking at the ground.
Gayunpaman, hindi alintana ni Adira ang walang pakialam na ekspresyon ng kanyang ikakasal. Ang nais lamang niya ay matapos ang kasalang ito sa lalong madaling panahon, kaya't pinabilis niya ang kanyang lakad.
Nang tumayo si Adira sa tabi ni Chadwick, nagkaroon ng katahimikan. Inalok ni Chadwick ang kanyang braso nang hindi man lang tumingin sa mukha ni Adira. Hinawakan niya ang kanyang kamay sa paligid ng kanyang mga braso. Pagkatapos, pareho silang humarap sa hukom. Tumingin ang hukom sa dalawang magkapareha na parehong may grimasa na para bang sila ay nasa gitna ng pagdadalamhati sa halip na sa kanilang kasal.Something doesn’t feel right.
Sa kabila ng kakaibang sitwasyon, sinimulan ng hukom ang seremonya.
Habang nagsasalita ang hukom, tumingin si Adira sa mukha ng kanyang asawa. ‘Infairness, g’wapo siya,’ pag-amin nito sa sarili. Hanggang sa napansin niyang may tinititigan si Chadwick mula sa malayo.Sinundan niya kung saan ito nakatingin at saka niya nakita ang isang babae na may matamis na ngiti para sa kaniyang mapapangasawa.
Matapos maalala ang babae na nakita niya sa kanilang kasal, kinumpirma ni Adira ang dahilan kung bakit umiwas si Chadwick sa kanya. “Dahil sa babaeng iyon,” bulong niya.Adira investigated her husband before the wedding. Napag-alaman niyang matagal ng may gusto si Chadwick sa kababatang babae.
“I really don’t care if he likes someone else. Pero kailangan ba talaga na matulog kami sa magkaibang kwarto?”
Kung patuloy na iiwas si Chadwick, iniisip ni Adira na kailangan niyang gumamit ng ibang paraan upang makamit ang kanyang layunin. At iyon ay ang akitin ang kanyang asawa.Nakangiti ng malapad, tumayo si Adira. Lumabas siya mula sa kanyang silid at tumayo sa harap ng kuwarto ng kanyang asawa.
Adira believes that being straightforward is always the best way to solve problems.
‘Kaya, direkta ko siyang tatanungin na makipag-s*x,’ naisip ni Adira. Kumpiyansa siya sa kanyang kagandahan at sa kanyang kaakit-akit na alindog. Nakaangat ang kanyang ulo, hinawakan niya ang hawakan ng pinto. Aakma na siyang buksan ang pinto pero huminto siya nang marinig ang boses ng kanyang asawa mula sa loob ng silid. "Nothing happened between me and Adira. Don’t conclude weird things, Isa.” Nagtaka si Adira nang marinig ang pangalang 'Isa.'‘Isa Daley,’ bulong ni Adira sa kanyang isip.
Oh right. She remembered that name. Iyon ang pangalan ng babae na higil na minamahal ng kaniyang asawa.
Si Isa Daley ang kaibigan ni Chadwick na babae mula pa noong highschool.
Ayon sa narinig ni Adira, hindi nag-date sina Isa at Chadwick. Gayunpaman, sinabi ng mga estudyante sa kanilang batch na si Chadwick ay matagal nang may pagtingin kay Isa. ‘Sa madaling salita, he’s a pathetic loser,’ she thought while nodding her head. Nakatayo siya sa labas ng silid ng kanyang asawa at nagpasyang pakinggan ang usapan sa pagitan ni Chadwick at ni Isa.“My wife is pretty?” tanong ni Chadwick. “Sige. Aaminin ko na maganda nga siya.”
Isang nasisiyahang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Adira. Alam niya ang katotohanang iyon, pero masarap pa ring marinig ito mula sa ibang tao.“But in my eyes, she’s not attractive,” dagdag ni Chadwick.
Sa sinabi ni Chadwick, ang ngiti sa mga labi ni Adira ay naging baluktot. Tumingin siya sa nakasaradong pinto at huminga ng malalim. "Huh!"” Pinuri niya ang katapangan ng kanyang asawa na makatakas sa kanilang honeymoon, na nagmungkahi na dapat silang matulog sa magkahiwalay na silid at nagsabing hindi siya ‘ATTRACTIVE.’‘He’s something else, isn’t he?’ she scoffed inwardly.
Hindi kailanman magseselos si Adira. IMPOSIBLE IYONG MANGYARI!Wala siyang pakialam kung ang kanyang asawa ay tumatawag sa ibang babae sa gitna ng gabi. Gayunpaman, nais niyang gumanti dahil tinawag siyang ‘Unattractive’ ni Chadwick.
Hindi nag-aksaya ng oras si Adira ng hawakan ang seradura at buksan ang pinto.
BAM! Bumukas ang pinto nang napakalakas at tumama ito sa kabilang pader. Because of that, Chadwick looked back at her with widened eyes.Sa sobrang gulat ay napanganga si Chadwick habang hawak-hawak pa ang cellphine.
Adira then approached him and said in loud voice, “GOOD EVENING HONEY!”
Walang masabi, nanatili si Chadwick sa kanyang pwesto habang nakatitig sa kanyang asawa.
Hindi niya inaasahan na bibisita si Adira sa kanyang kuwarto!
“Why are you calling someone in the middle of the night?” Tanong ni Adira. “Nakalimutan mo na ba ang plano natin tonight? We are going to have S*X.”
“Why are you calling someone in the middle of the night?” Tanong ni Adira. “Nakalimutan mo na ba ang plano natin tonight? We are going to have S*X.”Chadwick’s eyes doubled their sizes.Namula siyang ng todo, lalo pa’t naalala niyang hindi pa niya naisasara ang tawag at malamang na narinig ni Isa ang sinabi ng kaniyang asawa!His hand was trembling as he droped the call. Nang itaas ang mga mata kay Adira, napatanong siyab ng , “NABABALIW KA NA BA?”Nagkibit balikat lamang si Adira.Chadwick then added, “Why would you say that while I was talking with someone on the phone?”Nagmamalinis, ngumisi si Adira.Halos mahulog ang panga ni Chadwick matapos matanggap ang walang pakialam na reaksyon ng kanyang asawa!Si Adira Hale ay ang tanyag at kagalang-galang na CEO ng Crimson Meadow. She was known for her talent and dedication. At dahil dito, nirerespeto ni Chadwick siya bilang kanyang kasosyo sa negosyo, lalo pa’t kaya lamang sila nagpakasal ay dahil sa benepisyong makukuha sa kani-kaniya
"Maliit siguro ‘yung ANO mo ‘no?”Maliit siguro ‘yung ANO mo ‘no?…siguro ‘yung ANO mo ‘no?”…‘yung ANO mo ‘no?”…ANO mo ‘no?”Ang tanong ni Adira ay waring umugong sa mga tainga ni Chadwick.Hindi man diretso ang tanong nito, subalit alam ni Chadwick ang tunay na kahulugan ng mga salita. Adira asked if his d*ck was small.Nang marinig ito, parang bang sumabog ang bulkan sa loob ng ulo ni Chadwick. May matalim na kidlat na nagmula sa langit at nagpasiklab sa kanyang galit!“I think I can handle it naman,” sabi ni Adira habang nakitingin sa pang-ibabang bahagi ng katawan ng asawa. “Pero gaano ba kaliit? Bigyan mo ako ng ideya para naman makapaghanda ako.”He gritted his teeth in madness. Kinuha niya ang unan mula sa gilid at mahigpit na hinawakan. Gustong-gusto niyang batuhin si Adira sa mukha pero alam niyang hindi tamang manakit ng sinuman!He wasn’t a violent person to begin with. Pero sadyang inis na inis siya ng masabihan supot! Nang makita ni Adira ang ekspresyon ng kanyang asaw
Kung si Isa Daley ang bumisita, tiyak na siya ang bisita ni Chadwick. Ngayon, pinag-iisipan ni Adira kung tatawagan ba niya ang kanyang asawa o hindi. “Do I need to call him?” tanong niya sa sarili.Ding dong~Imbes na tawagin si Chadwick ay nagpasya na si Adira na pagbuksan ng pinto ang bisita. Then, she saw Isa Daley who has an innocent face: big round brown eyes, small thin nose, tiny face and captivating beam. Para siyang tipikal na mga bida sa pelikula.But Chadwick’s wife looks different.Napamulagat si Isa nang makita kung gaano kaganda si Adira. Siya ay may kulay esmeraldang mga mata, pulang buhok, makinis at maputing balat, malaking dibdib, maliit na beywang at nakakaakit na titig.She looks like a model.Kung mukhang tupa si Isa, si Adira naman ay mukhang lobo. There was a large contrast between their appearance.Mahigpit na hinawakan ni Isa ang hawak na plorera na may nakatanim na halaman.Pagkatapos, ngumiti siya kay Adira at bumati, “Magandang umaga.” Ano ang maganda sa
Six months have passed.Kalahating taon na ang lumipas mula nang ikasal sina Chadwick at Adira. Mula noon, tanging isang bagay lamang ang hiniling si Adira mula sa kanyang asawa. At iyon ay upang hikayatin siyang painitin ang kanyang kama.“Can I sleep inside your room?”“Let’s make out.”“Let’s sleep together.”“Honey, let’s have sex.”Ang pamumuhay kasama si Adira sa unang buwan ay impiyerno para kay Chadwick—isang bangungot.Halos araw araw siyang inaakit ng asawa. At para bang naging trabaho na kay Chadwick na tanggihan ito. Hanggang sa masanay si Chadwick sa kanyang kabaliwan pagkatapos ng ilang buwan.Naging ugali na para sa kanya na itaboy si Adira, at naging ugali na rin para kay Adira ang makatanggap ng pagtanggi. Gayunpaman, ang matigas ang ulo na babae ay hindi marunong sumuko.Gaya ng gabi na ito, bumisita si Adira sa kanyang silid upang muling itanong ang parehong bagay.“Babe,” tawag ni Adira. Naka suot siya ng makintab at manipis na damit na pangtulog na gawa sa seda. M
Hindi mawala sa isip ni Chadwick ang mga nangyari kagabi lamang. Anupat paulit-ulit itong naglalaro sa kaniyang isipan kahit pa tambak siya ng trabaho.Habang nakaupo sa harap ng kaniyang laptop, naguguni-gunita ni Chadwick ang reaksyon ng asawa nang mahuli siya nitong yakap yakap si Isa.Adira had no expressions at all.“It feels that she has no time to even bother,” bulong ni Chadwick sa sarili.“Sir.”Dahil sa pagtawag, pansamantalang nawala si Adira sa kaniyang isipan. He looked back and saw his secretary, Neil.“Sir, I need to remind you that you have volunteering in an orphanage tomorrow. Kasama niyo po sa event si Madam Adira.”Ang event bukas ay para sa kolaborasyon ng dalawang kumpanya. Naging posible lamang ang pagsasama na ito dahil sa kasal ng dalawang CEO. At ang pagboboluntaryo sa ampunan ay isang paraan para sa mag-asawa upang patunayan na tunay ang kanilang kasal.‘Hindi ba weird na um-acting kami na sweet sa isa’t isa pagkatapos ng nangyari kagabi?’ nag-aalinlangang
"Dito naglalaro ang mga bata," sabi ni Miss Marie, ang tagapamahala ng ampunan.Tiningnan niya ang silid kung saan kasalukuyang nakatira ang mga ulila. Naglalaro nang may mga ngiti sa labi, anupat hindi mababakas sa mga ito ang katotohan na sila ay ulila na sa mga magulang.Adira just stood by the door and watched them.Pinabilis ni Miss Marie ang kanyang lakad upang ipakita ang isa pang silid sa mag-asawang McElroy. Ang mga kumpanya ng mag-asawa ay nagbigay ng donasyon para sa paggawa ng bawat silid, Kaya, kailangan ni Miss Marie na ipaalam sa kanila kung saan ginagastos ang kanilang pera.But as Chadwick walked, he noticed that Adira wasn’t following. Nakatayo parin ito sa isang gilid at pinagmamasdan ang mga bata.Sa loob ng anim na buwan nilang pagsasama, hindi pa nakikita ni Chadwick ang ganitong uri ng ekspresyon. He thought she’s an emotionless person. Kaya naman nagulat siya habang nakatitig kay Adira ngayon. “Mr. and Mrs. McElroy?”Dahil dito ay naalarma si Adira at saka lam
“Maganda ang ideya ni Miss Dale. But it’s useless now. If you think that it might solve the issues, then you are wrong.”Isang nakabibinging katahimikan ang umugong sa loob ng opisina.Nagulat si Marie na hindi nagustuhan ni Adira ang ideya ni Isa. Gusto niyang tumulong na mapabuti ang sitwasyon, ngunit bago pa siya makapagsalitan ay muling nagsalita si Isa.“Then, sabihin mo sa akin kung saan ako nagkamali, ADIRA.”Adira.Adira.Adira’s brow raised as she looked at Isa who informally called her name.Sa halip na tawagin siya ng mas pormal, naglakas-loob si Isa na banggitin ang pangalan ni Adira na parang magkaibigan lang sila.Ngunit dahil si Isa ay parang anghel sa lahat, samantalang si Adira ang masamang kontrabida, walang nakakapansin na kabastusang ginawa ni Isa sa pinakamahalagang bisita ng ampunan.Gayunpaman, nanatiling kalmado si Adira. She crossed her arms and said, “Sabi ni Miss Marie, dumadami daw ang mga bata sa orphanage araw-araw. Kaya, kailangan ng mas maraming tao par
Tulad ng hiling ni Chadwick, pumasok si Adira sa kotse ng kanyang asawa pagkatapos ng kanilang mga boluntaryong gawain."Sabi ko na sa'yo, hindi ako fan ng s*x sa kotse," sabi ni Adira nang makasakay siya sa passenger seat."Oh, please. Stop it!” saway ng asawa."Okay. So, ano ba kasing gusto mong sabihin? Bakit dito? Bakit ngayon? Puwede naman tayong magkita sa bahay mamaya.”“You said you are busy in work.”"Natatakot ka bang mamimiss mo ako?"”Saan kumukuha ng lakas ng loob si Adira para magtanong ng mga ganitong klase ng bagay ng walang kahirap-hirap?“Now that I am thinking that, bakit mo kinagat ang daliri ko kanina?” tanong ni Chadwick."Ginawa ko lang iyon dahil alam kong may plano kang gumanti. Isa pa, malalaman ng lahat na sweet tayo sa isa’t-isa. Isn’t that the purpose of coming here?”“K-Kahit na! Hindi ka ba nahihiya?”“So, we’re talking about shame now?” Adira chuckled. “Hindi ako nahihiya kasi mag-asawa naman tayo. At tsaka, hindi naman tayo nahihiya sa isa’t isa. Did y