Share

7. "Clashed Opinions"

"Dito naglalaro ang mga bata," sabi ni Miss Marie, ang tagapamahala ng ampunan.

Tiningnan niya ang silid kung saan kasalukuyang nakatira ang mga ulila. Naglalaro nang may mga ngiti sa labi, anupat hindi mababakas sa mga ito ang katotohan na sila ay ulila na sa mga magulang.

Adira just stood by the door and watched them.

Pinabilis ni Miss Marie ang kanyang lakad upang ipakita ang isa pang silid sa mag-asawang McElroy. Ang mga kumpanya ng mag-asawa ay nagbigay ng donasyon para sa paggawa ng bawat silid, Kaya, kailangan ni Miss Marie na ipaalam sa kanila kung saan ginagastos ang kanilang pera.

But as Chadwick walked, he noticed that Adira wasn’t following. Nakatayo parin ito sa isang gilid at pinagmamasdan ang mga bata.

Sa loob ng anim na buwan nilang pagsasama, hindi pa nakikita ni Chadwick ang ganitong uri ng ekspresyon. He thought she’s an emotionless person. Kaya naman nagulat siya habang nakatitig kay Adira ngayon.

“Mr. and Mrs. McElroy?”

Dahil dito ay naalarma si Adira at saka lamang sumunod. “Sorry,” paumanhin nito.

Sa pagkakataon na ito, naisip ni Chadwick na baka nga seryoso talaga si Adira na magkaanak dahil mukhang mahilig siya sa mga bata.

Ipinasyal ni Miss Marie ang mag-asawa hanggang sa makarating sila sa huling silid ng ampunan. Ito ang silid-aralan kung saan tinuturuan nila ang mga bata kung paano bumasa.

"Nakakatuwa na marami kayong naitayong building,” papuri ni Chadwick.

“At dahil ito sa tulong ninyo, Mr. and Mrs. McElroy,” sagot ni Miss Marie. 

“We are glade to help,” said Adira.

“Maraming salamat sa pag-volunteer ngayon. Alam kong pareho kayong abala, pero naglaan pa rin kayo ng oras para bisitahin ang ampunan.”

"I like kids. Kaya nag-enjoy kaming mag-asawa sa pagtulong,” sabi ni Adira. Lumapit siya nang kaunti sa asawa at yumakap sa kanyang braso.

He couldn’t push her away because someone was looking. Kaya, ngumiti na lamang ito.

“Mukhang super sweet niyo sa isa’t isa no?” sabi ni Mari.

“Yup. We are,” pagsisinungaling ni Adira.

“But can I ask a favor? P’wede siguro na medyo bawasan niyo ang pagiging sweet sa harap ng mga bata. Siguro naiintindihan niyo naman ang nais kung sabihin, hindi ba?”

Malamang na tinutukoy nito ang panahon kung kailan bigla nalang kinagat ni Adira ang daliri ni Chadwick sa harap ng lahat.

Agad agad na itinulok ni Chadwick si Adira palayo. “That’s right! We should stop this. Ha ha ha! Hindi na natin uulitin iyon, diba honey?”

Ngumiti si Adira kay Miss Marie. "Oo," sabi niya. "Hindi na namin uulitin."

"So, pwede ba tayong pumunta sa opisina ko at pag-usapan pa ang tungkol sa ampunan?" alok ni Marie.

"Sige," sagot ni Chadwick.

Naglakad silang pabalik nang magkasama. Ngunit ng malapit na sila sa opisina ni Miss Marie ay may humarang sa kanilang daraanan.

“Miss Marie!” sigaw ng isang babae na papunta sa kanilang direksyon. “I am so sorry. Na-late po ako kasi…” She stopped talking because she saw Adira and Chadwick. “Oh? You guys are here too!” singhap ni Isa.

“Isa?” nagtatakang tanong ni Chadwick.

“Magkakilala kayong dalawa?” tugon ni Marie nang mahuli ang palitan ng tingin ng dalawa.

“Opo. Kilala ko po siya. He’s my closest friend,” paliwang ni Isa bago nagpakawala ng matamis na ngiti para sa kababatang kaibigan.

She didn’t even try to hide that sweet smile even though Adira was present.

‘How lucky. Palagi silang pinagtatagpo ng tadhana,’ ang sabi ni Adira sa sarili habang pinapanood ang emosyonal na tagpo sa pagitan ng kanyang asawa at ng babaeng minamahal ng kaniyang kabiyak.

"Bakit ka nandito?" Chadwick inquired.

Ang sumagot ng kaniyang tanong ay si Miss Mari. “Nagvo-volunteer si Miss Isa rito. Tumutulong siya sa pagluluto, paglilinis, at maging sa pagtuturo sa mga bata kung paano magsulat at magbasa."

Talaga ngang pinagpala ng kabaitan si Isa, iyan ang iniisip ni Chadwick. Hindi ba’t iyon mismo ang dahilan kung bakit nabighani si Chadwick sa kababata?

As Chadwick beamed because of Isa, he had no idea that his wife was actually watching him from the side.

‘He’s really crazily in love with her, isn’t he?’ Adira laughed inwardly.

Isang emosyon na hinding-hindi makukuha ni Adira mula sa asawa.

“My wife and I came here to volunteer,” Chadwick explained. Nang mapalingon sa katabi, roon lamang niya nahuli si Adira na kanina pa pala nakatingin.

‘Did she see me staring at Isa?’ nineniyerbos na pag-aalala ni Chadwick.

Gayunpaman, sinikap niya na itago at kaba. Ngunit sa kabila nito, mapapansing kalmado lamang si Adira habang pangiti-ngiti sa isang tabi.

Chadwick then spoke again as he said, “We are going to talk to Miss Marie about the orphanage.”

Bigla bigla namang suminghap si Isa at saka sinabing, “Baka p’wde akong sumama? Kasi may gusto rin sana akong ialok na ideya para sa ampunan. Okay lang ba?”

Kahit saang anggulo, walang Karapatan si Isa na sumama sa miting. Una sa lahat, usapan ito sa pagitan ng dalawang CEO na sususorta sa ampunan.

Adira has the rights to say no and to make Isa know her place. Pero kapag ginawa niya iyon, tiyak na magagalit si Chadwick. O kaya naman, baka isipin ni Chadwick na nagseselos ang kaniyang asawa.

Adira doesn’t want him to have that kind of misunderstanding. Kailanman ay hindi niya naguguni-gunita na mangyayari iyon!

"Dahil mahilig mag-volunteer dito si Miss Isa, sa tingin ko ay okay lang na sumali siya sa miting," mungkahi ni Adira sa dalawa.

Punung-puno ng sigla, napahiyaw si Isa, "Talaga?!"

Ang gusto ni Adira ay bawasan ang drama sa pagitan nila, ni Isa, at ni Chadwick. Gayunpaman, kahit na mukhang maayos si Adira, hindi mapigilan ni Chadwick ang mag-alala, dahil pinaghihinalaan niyang may nakatagong motibo ang kanyang asawa sa pagpapayag na sumali si Isa sa pulong.

“Tumataas ang populasyon ng mga bata dito sa ampunan," iniulat ni Marie.

Nasa loob sila ng kanyang opisina at nag-uusap tungkol sa mga bagay na kailangang masolusyunan sa lalong madaling panahon.

"With your help, Mr. and Mrs. McElroy, mayroon tayong sapat na pasilidad para sa saknila. Pero kulang kami sa mga tauhan na dapat magbantay at mag-alaga sa mga bata.”

Sabay na tumango sina Chadwick at Adira. Nakita nila kung ano ang nais ipahayag ni Marie. Habang nag-iisip ang dalawa ng pinakamabisang paraan, nagtaas si Isa ng kamay.

"Tungkol dito," pagtawag niya ng kanilang atensyon. "Gusto kong magbigay sana ng ideya.”

They all looked at her.

"Go on, miss Isa," pagpayag ni Mari.

"Matagal ko nang napansin na talagang kulang tayo sa mga tauhan na magbabantay sa mga bata," simula ni Isa. "So, paano kaya kung mag-post tayo ng kampanya para sa mga ulila sa social media? May mga tao na handing tumulong ng libre. Sa ngayon, ang kailangan ng mga bata ay ang mga magpapakita at magbibigay sa kanila ng pagmamahal dahil wala na silang pamilya. If we have such kind-hearted volunteers, I think it will be great! Maaari nilang punan ang mga emosyonal na pangangailangan ng mga bata. Ano sa tingin niyo?”

Lahat ay tumango, kasama na si Adira, dahil hindi maikakaila na maganda ang ideya ni Isa. Para sa mga batang iniwan o nawalan ng mga magulang, ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanila ay maaaring magbigay ng kaaliwan.

"Ang ganda niyan, Isa," papuri ni Marie sa babae.

Nagngitian sa isa`t isa si Chadwick at Isa, na para bang nakuha na nila ang pinakamainam na sagot sa problema.

Kahit sinong lalaki ay maaaring mahulog sa isang tulad ni Isa, iyon ang naisip ni Adira habang tinitingnan ang dalawa. Sinumang makarinig kay Isa ay iisipin na siya ay isang anghel na ipinadala mula sa banal na langit.

‘Talagang magkaiba kami,’ napagtanto ni Adira.

“Ano sa tingin niyo, Mr. Mc Elroy?” tanong ni Marie kay Chadwick.

“It’s a perfect idea,” Chadwick responded. Talaga nga bulag na siya sa pag-ibig.

“How about you, Mrs. Mc Elroy?” tanong naman ni Marie sa asawang babae. “Sa tingin niyo po ba ay p’wede na nating simulan ang proyekto na naisip ni Miss Isa?”

Wala namang balak si Adira na labanan si Isa. Pero dahil tinanong siya, wala na siyang ibang pagpipilian kundi ibigay ang kanyang opinion sa kasalukuyang sitwasyon.

“Maganda ang ideya ni Miss Dale. But it’s useless now,” ang sagot ni Adira.

Waring nanigas sa kinauupuan si Isa. Hindi niya lubos maisip na makakatanggap siya ng ganitong uri ng kritismo para sa kaniyang opinyon.

Adira even added, “If you think that it might solve the issues, then you are wrong.”

Tinutukan ni Chadwick ng masamang tingin ang kanyang asawa. Kung si Isa ay isang anghel sa mata ni Chadwick, kung gayon ang kanyang asawa ay ang kontrabida.

Dahil nasaktan si Isa sa mga salita ni Adira, sumagot siya ng, "Then, sabihin mo sa akin kung saan ako nagkamali, ADIRA.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status