Maria's POV "Anak alam kong masama ang loob mo dahil sa pamimilit namin ng tatay mo na tanggapin mo si Polding pero—" Napalingon siya sa nanay niya at mabilis itong sinagot, "May punto naman kayo ni Tatay, Nay. Sa totoo lang, naging magulo ang buhay ko nang mapadpad ako sa Maynila." Ngunit hindi siya sumuko pero nabigo siya. Masyado siyang nag-focus sa paghihiganti kay Benjamin na nakalimutan na niyang ang pangarap pala niya ang naging dahilan kung bakit nagpupursige siyang mapabilang sa scholarship. Kaso lang.... huli na, eh. Hindi na maibabalik ang lahat ng nangyari. Dumating pa siya sa puntong ipinagkaloob ang sarili sa lalaking hindi naman siya pinanagutan. Tama nga siguro ang tatay niya. "Mabuting tao si Polding, Nay, pero kung sakaling maikasal nga kami ng legal, kukunin ko kayo. Titira kayo ni Tatay kasama kami." Wala siyang pagmamahal sa lalaking 'yon pero dahil sa kinalulugmukang problema, baka nga patulan na niya ito kahit pa nagdadalawang-isip siya. "Tsaka—" "Maria!"
Maria's POV Matapos ang isang linggo, dumating na nga ang kinatatakutan niyang pag-alis para sa isang misyon na labag ulit sa kalooban niya. Pinapatatag na lang niya ang sarili at nagdadasal din siyang matapos na ito. "Aba'y may kaunti pa naman tayong supply galing sa bigay ni Mayor, ang dami naman nito, anak." Takang tanong ng nanay niya nang isama niya ito sa bayan. "Alam ko na, galing kay Jacob ang pera, ano? Napakabait niya talaga, anak." Kung alam lang ng nanay niya. Maaga pa lang nang ayain niya ang mga magulang kasama ang isang pinsan sa bayan para mamili at mamayang hapon, dederetso na siya ng airport pa-Maynila. Marami pa siyang oras para ipang-grocery ang magulang at ang pinsan mula sa perang naibigay ni Jacob. Sumama rin ang mga ito patungong airport pero dumaan muna sila sa Mall para kumain at mag-ikot ikot. Knapsack na bag lang ang dala niya dahil hindi siya magtatagal ng Maynila. Iyon ang bilin ni Jacob: 'wag siyang magdala ng malaking bagahe dahil sa bahay mismo ng
Maria's POV "Huling gabi na ito ng lamay bago ilagay sa Heritage Park Mortuary ang abo ng daddy niya." Balita sa kanya ni Queen Victoria habang pinupunasan nito ang pawis ni Jacob sa noo. "Hindi na'ko nakapag-asawa kaya itinuring kong anak si Jacob sa pamamagitan ng pagsisilbi sa pamilya niya. Hindi ko mapabayaan ang batang 'to lalo't masyado itong sensitive kapag may ganitong ganap sa buhay niya." Nakita niya si Jacob na nakayakap sa bewang ng matanda. Ito ang unang beses niya na makita nang ganito ang lalaking ito. Matapang kasi ito at hindi tumatanggap ng pagkatalo pero sa araw na 'to, nakita niya ang lungkot at pagluha nito. Sa loob sila ng library nito kasama ang mayordoma para ibalita ito sa kanya. "Pwede ka nang lumabas mamaya para makilamay sa huling gabi dahil pinagbawal ni Jacob ang mga reporter ngayon." Dugtong ni Queen Victoria. Kahit naman nakakapunta siya ng sala kung saan nilagay ang abo ng ama nito na dinesenyohan nang elegante ng funeral service, sa umaga lamang i
Maria's POV "Pinaniwala ako ni Jacob Sr., na namatay ang anak ko nang iluwal ko siya sa isang maternity clinic. May nakita akong bata noon na nangingitim na at wala ng buhay, 'yon daw ang anak namin." Iyak na nang iyak ang babae nang sumariwa ang sakit sa pagkawala ng unang anak nito. "Kung hindi pa na-involve si Benjamin at ikaw kay Jacob, hinding-hindi ko malalaman na may anak pala si Jacob Sr. Matagal kasi kaming namalagi sa ibang bansa at pilit kong kinalimutan ang lahat dahil mas pinili kong 'wag iwan ang ama ni Ben. Nawala lang ang lahat sa isip ko dahil natutok na ang atensyon ko sa nag-iisang kong anak na si Ben pero hindi ko akalaing masasangkot kayo sa ganitong gulo. Wala na rin akong balita sa ama ni Jacob noon pero pinagtagpo tayong lahat." Pumayag siyang gawin ang ipinapagawa nito kung ito ang paraan para matapos na ang sigalot nila Ben at Jacob. Ang bigat sa dibdib niya, medyo nabawasan dahil nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ng ina ni Ben. "Na'san ho si Ben?" Ay
Maria's POV Mabilis na iniwas ni Jacob ang mukha nang gawin niya iyon sabay tanong, "Sino ang babaeng kasama mo na umakyat sa pader sa likod, Maria?" Wala mang kabuhay-buhay ang tanong nito, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Natuliro siya bigla at hindi na nakapagsalita pa. Dagdag pa ni Jacob, "Nakita kita kasama ang babaeng iyon mula sa bintana ko pero hinayaan lang kita dahil alam kong babalik ka." Bumuka ang labi niya pero wala siyang maapuhap na salita. Nalagay na lang niya ang pagkain ulit sa bed tray dahil sa takot. Nakuyom niya nang mariin ang nanginginig na kamay para pakalmahin ang sarili. "Answer me, Maria." Malumanay na utos nito. Katahimikan muna ang namayani sa pagitan nila pero hindi inaalis ni Jacob ang pagkakatingin sa kanya. Mukhang naghihintay ito ng sasabihin niya. "Mama r-raw siya ni Benjamin. Hinahanap ka niya, J-Jacob, kaya ako ang h-hinila niya para ipaabot sa'yo ang nais niya kaya nga—k-kaya nga importante r-rin ang sadya ko sa'yo ngayon. Abou
Benjami'ns POV "So, wala ka pang balak umuwi, Ben?" Napatingin siya sa babae sabay kunot-noo, "Bakit ayaw mo'kong makasama rito?" Masama ang tingin niya sa lalaking nakabantay sa kanila, ang lalaking unang nagpakilala sa kanya na syota nito ang nobya niya, si Saeed. Kinumpirma naman ni Venice na nanliligaw ang lalaki rito at ito rin ang Punong Brgy. ng lugar. Muntikan na silang magsuntukan ng lalaki pero buti na lang sumulpot sa harap nila si Venice. "Alam mo namang teacher ako ng mga kapatid nating Muslim dito, napalapit na sa'kin ang mga bata. Nakita mo naman ang sitwasyon dito, kulang sa pasilidad para matulungan sila kaya masaya akong manilbihan dito, Ben." Naninibago siya dahil nakatago ang buhok ng nobya sa isang itim na tela. Ayon sa babae, kailangan nilang irespeto ang tradisyon at kinaugalian ng lugar na ito. Hindi niya alam kung hijab ang suot nito pero ito kadalasan ang ginagamit ng kababaihan na kanyang nakikita sa lugar. "Wala ka bang balak umalis sa lugar na ito?
Benjamin's POVNagiging makulit na ang kanyang mama kaya wala siyang nagawa kundi i-meet ito sa labas. Hindi rin nito kasama ang papa niya."Where's papa?" agad niyang tanong nang salubungin ito sa parking lot ng kakainan nila. Nanggigigil na kurot ang isinagot nito na ikinasigaw niya bigla. "Why, Ma?" Inis niyang hinawakan ang kamay nito para pigilan. "What on earth did I do this time?"Pabagsak niyang sinara ang pinto ng sasakyan nito nang makalabas na ito. Wala ring driver ang ina kaya lalo siyang nagtaka. Naiinis siya rito dahil panay ang text at tawag nito para lang utusan siyang iurong ang kaso laban kina Jacob at Maria. Ito ang sadya ng ina sa kanya pero hindi siya papayag sa gusto nito. Posibleng iurong niya ang kay Maria sa isang kondisyon: magsalita ito sa korte laban kay Jacob pati na si Moira pero sa ginawa ni Blake, baka mahirapan siya sa isang iyon."Don't ask me why," inis nitong sagot. "Bigla ka na lang naglaho at ayaw mong umuwi rito."Umabrisyete sa kanya ang ina pe
Maria's POV Ang pinakaimposible pero magagawa niya para sa ikatatahimik ng buhay niya. Matapos kumain ni Jacob, agad niyang kinuha ang pinagkainan nito sa takot na maunahan siya ng ibang katulong. Nakamasid lang ang lalaki sa kanya habang nagtataka nitong sinusundan ang bawat kilos niya. Market day ngayon kaya wala ang mayordoma na ipinagpasalamat niya. Mabilis niyang nilagay sa plastic ang tinidor at kutsarang ginamit ng lalaki nang makarating sa kusina pati na ang plato nito. "Hindi ako bulag at hindi rin ako nagbibingi-bingihan. I know you're up to something, woman, pagkatapos mong ma-meet ang ina ni Benjamin. Bantay sarado ka ng tauhan ko pati na ako." Pagalit na sita ni Jacob nang bigla na lang itong sumulpot sa likod niya. "What are you doing, Maria?" Hawak na siya nito sa braso na ikinatakot niya. Para siyang hihimatayin sa kaba nang humarap siya bigla rito. Hindi niya sukat akalain na susundan siya nito sa kusina. Kalimitang umaalis agad si Jacob pagkatapos nitong kumain pe