Share

Episode 73: A Change Of Heart

Maria's POV

Mabilis na iniwas ni Jacob ang mukha nang gawin niya iyon sabay tanong, "Sino ang babaeng kasama mo na umakyat sa pader sa likod, Maria?"

Wala mang kabuhay-buhay ang tanong nito, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Natuliro siya bigla at hindi na nakapagsalita pa.

Dagdag pa ni Jacob, "Nakita kita kasama ang babaeng iyon mula sa bintana ko pero hinayaan lang kita dahil alam kong babalik ka."

Bumuka ang labi niya pero wala siyang maapuhap na salita. Nalagay na lang niya ang pagkain ulit sa bed tray dahil sa takot. Nakuyom niya nang mariin ang nanginginig na kamay para pakalmahin ang sarili.

"Answer me, Maria." Malumanay na utos nito.

Katahimikan muna ang namayani sa pagitan nila pero hindi inaalis ni Jacob ang pagkakatingin sa kanya. Mukhang naghihintay ito ng sasabihin niya.

"Mama r-raw siya ni Benjamin. Hinahanap ka niya, J-Jacob, kaya ako ang h-hinila niya para ipaabot sa'yo ang nais niya kaya nga—k-kaya nga importante r-rin ang sadya ko sa'yo ngayon. Abou
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status