Maria's POVKabado siya at 'di na mapakali nang nasa loob na siya ng sasakyan. Mahigpit niyang yakap ang bag. Hindi naman ito kalakihan kaya hindi na siya mahahalata ng lalaki sa gagawin niya. Nasa loob kasi ang DNA sample mula sa pinagkainan nito. Hindi lang siya makakuha ng tyempo kung sa'n ito iiwan. Ayon sa mama ni Benjamin, ready na ito para sundan sila. "Maria," untag ni Jacob matapos niyang makabigay ng salaysay sa police station. Heto na naman sila. "Si-sige h-ho." Isang complaint letter ang matagal niyang tinitigan. "After niyang pagpirma mo, idudulog natin 'yan sa korte," saad ng pulis na humarap sa kanila. "Matagal na ang issue-ng ito pero ngayon mo lamang ginawa." Hindi niya alam kung pipirma siya o hindi pero malakas na tumikhim si Jacob. Nang magkasalubungan sila ng tingin, ngumiti ito sa kanya. May panginginig ang kamay niya nang damputin ang ballpen para pirmahan ito. Ni hindi na nga niya binasa. Nag-briefing muna sila ni Jacob kung ano ang sasabihin niya sa polic
Benjamin's POV After one week, heto siya, paalis na papuntang airport para pumunta sa isla. Napatingin siya sa kanyang ina na siyang nagboluntaryong maghatid sa kanya kahit pa ayaw niya. "All good now, anak? Inurong na ni Maria ang kaso laban sa'yo last week kaya wala ka nang alalahanin pa." Panay ang tingin ng babae sa cellphone nito at napailing ito sa nabasa. "Nagtataka lang ako kung bakit hindi na hinabol ni Jacob si Maria pagkatapos kong pauwiin sa isla 'yong bata." "Ma, don't trust Jacob; his silence really bothers me. I'll remain careful until I have real evidence to trust him, like I promised you, but I can assure you na wala nang alalahanin pa ang babaeng iyon." Tukoy niya kay Maria na pinatakas ng kanyang ina. Hindi niya alam kung papa'no ito nagagawa ng kanyang mama. "By the way, kung mapapayag mong sumunod si Blake sa'kin sa isla, much better sana. Hihintayin ko siya." Kahit pa ilang beses niya itong inaya, ayaw talaga nitong sumama. Nagpaalam agad siya sa ina nang maka
Benjamin's POV Sinundan niya ang babae hanggang sa humantong ito sa maliit na kweba kung sa'n sila unang nagtagpo noon. Nananadya ba ito? Hindi niya alam kung papasok o hahayaan na lang ito pero curious lang siya masyado. Ibang-iba na ito sa dating sopistikada na Maria. Mas lalong tumingkad ang angkin nitong ganda nang magpakatotoo na ito sa sarili. "Hmm, halika rito, mahal ko... ooh. Pasukin mo ang kweba, aaah... hmmm." Kumakanta na naman ang babae nang marating na nito ang loob ng kweba. "Ano pa, mahal ko ang hinihintay mo, oho.. oohh. Halika rito, yeah... yeah... yeah." Sinasabi na nga ba niya! Gawa-gawa lang nito ang lyrics ng kinakanta. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa kanta nito pero may kung ano'ng humihila sa kanyang mga paa para ihakbang ito patungo sa maliit na kweba—ang naging saksi ng kanilang masalimuot na kwento. Kakausapin na rin niya naman ito ukol sa sadya niya, baka ito na ang tamang oras. Dahil may bagyo noon nang mapadpad siya rito at inabutan na siya
Benjamin's POV Kung kahinaan ang paggawa ng naulit na pagkakamali, tao lamang siyang mahina na puno ng kamunduhan. Naipilig niya ang ulo sa biglang pumasok sa kukote niya. Holy shit! Bakit ito ginagawa ng babae sa kanya? Si Venice lang ang nag-iisang babae para sa kanya pero bakit nakaramdam siya ng atraksyon kay Maria nang makita ito sa simple nitong pananamit? "Maria, look," iritadong anas niya. "Let's not go through this again. What do you mean you're getting married? Wala ka bang plano sa buhay mo na bumalik sa pag-aaral? I can help you basta magbigay ka lang even a written statement kung ano ang motibo ni Jacob sa'kin." Kahit hindi niya nakikita ang babae, alam niyang napakalapit lang nito sa kanya. Parang naaamoy niya ang animo pinipig sa harapan niya. Ano ba ang kinain nito at ganito na lang ito kabango? Favorite pa naman niya ang pinipig flavor na ice cream. Akma niyang kakapkapin ang flashlight na nakalagay sa knapsack bag niya nang biglang may pumigil na kamay sa braso ni
Maria's POVNapaka-stressful ng nangyari kahapon kaya nagkagulo na ang lahat ng ka-tribo niya. Sa 'di niya maintindihang rason, nagkaro'n ulit ng sunog sa isla. Ang mga container house na dinonate sa kanila ay naging yupi-yupi na at nagkulay itim. Lahat ng bahay ay nasunog pati na ang facilities na makakatulong sa kanila; ang maliit na clinic at ang Brgy. Hall. Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa islang ito? Para itong sinumpa sa rami ng trahedyang nagaganap.Mahinang iyakan ang kanyang naririnig mula sa mga ka-tribo niya pero dumalo ang lahat sa napakaespesyal na araw na ito kahit pa humaharap sila sa malaking dagok. Malapit sa dalampasigan ang kanyang napili na venue ng kanilang kasal dahil 'di na rin naman maaasahan ang venue na malapit sa kanilang Brgy. Hall. Naging abo ang lahat ng naipundar nila."Kasalanan 'to ni Maria, eh." Maktol ng isang matandang katutubo. "Simula nang umuwi 'yan dito, ang dami nang nagaganap na kamalasan."Bigla namang sumabat ang kanyang tiyahin sa sinabi
Benjamin's POV "Kung gayon, Polding, dadaan kayo ni Ben sa kinagisnang tradisyon ng tribong ito, ang laban-bawi na palaro. Bilang isang pinuno—" Panimula ni Ka Letong na siyang tatayong watcher din ng kanilang laban. "Ganito ang patakaran sa larong ito: nilaban ni Polding ang pag-ibig niya kay Maria kaya papakasalan niya ang kahuli-hulihang babae na wala pang asawa. Siya ang tatayo sa "laban." Nakatingin na ang matanda kay Maria na walang kibo. "Pero dumating si Benjamin na pinipigilan ang kasalan kaya siya ang babawi sa dalaga. Siya ang tatayo sa "bawi." For them, that actually sounds pretty strange. He doesn't know what this tribe chief wanted them to do to put an end to this marriage. Kung tutuusin, hindi naman legal ang ginagawa ng matanda na pagkakasal kung hindi dumaan sa tamang proseso. "Dude, I think we made the right choice not to go on our mountain trek today. This sounds more fun to me." Bulong ni Clyde sa kanya na nakatayo na sa tabi niya. "Mukhang mapapalaban ka sa is
Benjamin's POV "Masakit lang malaman na magpapakasal siya sa'kin dahil napilitan lang," malungkot na saad ni Polding nang magkaharap na sila para pag-usapan si Maria. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kung sa'n masaya si Maria, hahayaan ko siyang mamili." "Maria?" untag niya sa babae. "Pasensiya na, Polding," nahihiyang pag-amin ni Maria. "Totoo naman ang sinabi ni Benjamin na wala akong gusto sa'yo pero napakabuti mo kaya pumayag ako pero kanina—" Talagang hindi siya makasagot ng oo agad. "Ok lang 'yon, Maria," hinging-paumanhin nito. "Importante pa rin ang may maramdaman ka sa taong papakasalan mo. Pakisabi na lang sa magulang mo na umalis na'ko." Bilib siya sa lalaking 'to. Good sport ito matapos niyang manalo sa palaro kanina. Nakipagkamay pa ito na kanyang malugod na tinanggap. Nakaligo na rin sila at nakapagbihis pero ang amoy nila, hindi mawala-wala kaya naaasar pa rin siya sa tradisyong ito. "Thank you for understanding everything, Polding. I know you're an educate
Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tanong ni Clyde nang sabihin niya ang napag-usapan nila ni Maria. "You're such an awful person to say that to her." Pareho lang naman sila ni Maria, nasa sitwasyon din siyang naguguluhan dahil kay Venice. Alam na rin ng mga kaibigan ang ukol dito kaya katakot-takot na advice ang binigay nila. "Stop fantasizing about Venice, hindi ka pa nadala." Walang kangiti-ngiting singit ni Clint sabay tapik sa balikat niya. "Kung type mo si Maria, do it properly at tawagan mo si Venice para makipaghiwalay na. Bro, remember, magkadugo sila ni Denise eventhough paulit-ulit mong sinasabi na iba siya, she's romantically involved with Saeed I think. Medyo natukso lang siya nang ma-meet ka ulit dahil gwapo ka. Red flag, dude." Hindi siya makapaniwala dahil kung tutuusin, mga babaero din ang mga kaibigan noon at walang pakialam ang mga ito kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya. For the first time, nagbigay ng advice ang mga mokong. "I'm afraid we don't ha