Marcelo Series 1: Owned by Juancho

Marcelo Series 1: Owned by Juancho

last updateLast Updated : 2021-08-16
By:   Luna Dianthe  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
37Chapters
4.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Farrel Juancho is the first born child of the new generation of Marcelo Clan. The one and only heritor of the Hacienda de Marcelo. He got the looks, money and all but there is one thing he's been dreaming for. To find the woman who will love him endlessly and with loyalty despite of what he have. That's when Eana Beatrix Gonzales came in to the picture. A single mom and a very hardworking woman that will do everything just to provide the needs of her son as well as family. She dreamt of finding the man that will accept her past together with her son. The man who will love them truthfully and without judgements. Two different worlds will clash and for the first time, Eana Beatrix is now Owned by Farrel Juancho.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Eana Beatrix Mataas ang sikat nang araw ngunit heto ako, patuloy na naglalakad-lakad sa gilid ng kalsada nag-aalok ng mga produktong pampaganda. Isa ito sa mga pinagkakakitaan ko ngayon upang masuportahan ang aking pamilya. Hindi naman sana talaga ganito ang buhay namin kung hindi lang kami iniwan nang magaling kong ama, pagkatapos malaman na buntis si inay sa akin, iwan ba naman kami. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at nagawa niyang asawahin si Mama pero iiwan niya rin pala sa huli. Ibang mga kalalakihan talaga ngayon, walang planong patagalin ang pinapasok na relasyon, puro pagpapasarap tapos sa huli mananakit. Kaya ako, malaking paalala ko sa aking sarili na ‘wag papasok sa relasyong walang kasiguraduhan, lalo na’t ayoko ng maulit ang nangyari noon. “Bea, hindi ka pa ba uuwi?” Umangat ang tingin ko sa aking katabi. Isa sa mga kasamahan ko sa pagtitinda. Tumingin ako sa mumurahing relos na nakasabit sa aking palapu...

Interesting books of the same period

Comments

default avatar
Corazon
maganda po ang story nyo,, maraming salamat po
2022-12-11 22:39:37
0
37 Chapters
Chapter 1
Eana Beatrix   Mataas ang sikat nang araw ngunit heto ako, patuloy na naglalakad-lakad sa gilid ng kalsada nag-aalok ng mga produktong pampaganda. Isa ito sa mga pinagkakakitaan ko ngayon upang masuportahan ang aking pamilya. Hindi naman sana talaga ganito ang buhay namin kung hindi lang kami iniwan nang magaling kong ama, pagkatapos malaman na buntis si inay sa akin, iwan ba naman kami. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at nagawa niyang asawahin si Mama pero iiwan niya rin pala sa huli. Ibang mga kalalakihan talaga ngayon, walang planong patagalin ang pinapasok na relasyon, puro pagpapasarap tapos sa huli mananakit. Kaya ako, malaking paalala ko sa aking sarili na ‘wag papasok sa relasyong walang kasiguraduhan, lalo na’t ayoko ng maulit ang nangyari noon. “Bea, hindi ka pa ba uuwi?” Umangat ang tingin ko sa aking katabi. Isa sa mga kasamahan ko sa pagtitinda. Tumingin ako sa mumurahing relos na nakasabit sa aking palapu
last updateLast Updated : 2021-06-20
Read more
Chapter 2
Eanna Beatrix   “Ba’t ginabi ka naman yata?” Pahakbang pa lang papasok sa aming bahay ay malagom na boses na ang aking narinig. Sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni Kuya Arthur. “Kuya! Anong ginabi? Nauna ka lang kamo sa akin umuwi,” pagbibiro ko. “Eana naman, alam mo naman delikado riyan sa labas kapag ganitong oras ‘di ba? Mainit pa ang mata ng mga kriminal dito sa barangay natin kaya pabalik-balik sila rito,” sermon niya. “Kuya naman, syempre nga kasi inubos ko na ‘yung paninda ko. ‘Di ba nga magpapa-check-up si Mama bukas? Sayang naman ‘yun kung matitira, dagdag kita rin.” “Oh siya sige. Magbihis ka na ro’n. nagpaluto ako kay Mama ng sinigang. Malaki ang tip na nakuha ko sa talyer kaya. Mamaya iaabot ko sa’yo ‘yung ambag ko. Nag-thumbs up sign ako sa kaniya at tumuloy na papasok. Pagkakita sa akin ng dalawa ay tumakbo sa akin agad si Miko at nagmano. “Auntie! Sabi po ni Kuya Artemis, may pasalubon
last updateLast Updated : 2021-06-20
Read more
Chapter 3
Farrel Juancho   I was just silently tapping my fingers on my lap while watching tv when I heard the door at my right side opened. Zavier, my cousin was shocked upon seeing me in his office. “Hey, Juancho. How are you? Ngayon ka lang ulit nadalaw dito sa Manila,” pambungad niyang  turan. Nandito ako sa hospital kung saan siya ang Doctor at anak ng isa sa mga may-ari nito. “Hm. Medyo maluwag ang schedule ko ngayon sa hacienda kaya may oras ako para dumalaw sa’yo,” sabay ngisi ko rito. “Really? If I know madalas naman na maluwag ang gawain doon, ayaw mo lang talagang maglagi rito dahil kukulitin ka na naman ni Tita Fiona sa mga anak ng kaibigan niya.” “Tsk. Sort of. I don’t know why she can’t understand that I am not comfortable when she’s setting me up to a date. Hay.” Tumawa ang gago at nang asar pa. “Oh, man. Why don’t you just accept it? Hindi ka na bumabata, months from now mawawala na ang edad mo sa kalend
last updateLast Updated : 2021-06-20
Read more
Chapter 4
Eana Beatrix   “Eana, anak. Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na nakatulala ka at namumula ang mukha mo. May masakit ba sa’yo?” nag-aalalang boses ng aking ina ang nangibabaw sa aking pandinig “W-wala po, Ma. Medyo mainit lang po.” “Sigurado ka ha? Sabihin mo sa akin kung may nararamdaman kang kakaiba sa katawan mo.” “Oo nga po, Ma. Sige na po, kain na tayo,” paninigurado sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa mall dahil napagdesisyunan kong ipasyal ang dalawang bata. Matagal tagal na kasi noong huli kaming pumunta rito. Habang kumakain ay hindi nawawaglit sa aking isipan ang lalaking nagtanong sa aking pangalan. Parang pamilyar ang kaniyang mukha, pero hindi ko alam kung saan ko na siya nakita. Ramdam kong namula na naman ang aking magkabilang pisngi ng maalala ang gwapong mukha nito, at kaniyang pag-ngiti sa akin. Diyos ko! Nababaliw na ba ako? Hindi naman siguro iyon paghanga dahil hindi naman kami ma
last updateLast Updated : 2021-06-20
Read more
Chapter 5
Farrel Juancho   It's been two weeks but I'm still here in Manila. My cousin Zavier is surprised because I stayed here in the city for too long. If he only knew what the reason was, he would definitely tease me again. Ito kasi ang unang beses na tumagal ako rito. 1-3 days is the usual count that I stays here. Though, my Mom is very thankful for it, they got the chance to be with me. She's also giving suggestions on how can I find Bea. Of course, hiring private investigator is on the list but I didn’t accept it. Gusto kong ako ang makatunton sa kung saan man lupalop ng Manila nakatira si Bea. “Yes, fucker. Why’d you call?” Pambungad na saad ni Zavier. It’s still early in the morning and I was greeted by his bitter voice. “How’s your wife? I already missed her, can I visit?” para gaguhin pa siya lalo, dinagdagan ko pa ang pang-aasar ko sa kaniya. “She’s having a morning sickness! You fucker, shut up!” ang huling nari
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 6
Eana Beatrix   Isang umaga na puno ang tensiyon sa pagitan ng aming pamilya at ni Attorney. Nagtitinginan kaming tatlo kung sino ang dapat na maunang magsalita upang masimulan na ang usapan. Pagtikhim ni Attorney ang nakapagpalingon sa amin sa kaniya. “Nandito ako upang mahingi ang desisyon ninyo sa bagay na aking ibinalita sa inyong ina. Batid ko na alam na ninyo ang tungkol doon. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” paunang salita nito. “Bago po iyan, maaari ba muna namin malaman kung sino ang nasa likod ng pagpapaalis sa amin dito?” katagang isinambit ni Kuya Arthur. Sandaling nanahimik ito at parang tinatantya kung sasabihin ba o hindi. “A-ng ama ninyo,” maikling tugon nito. Sinasabi ko na nga ba, may hinuha ako na may kinalaman ang bagong asawa ni Papa sa pagpapaalis sa amin. “Hindi po kami naniniwala, ang sabi sa amin ni Mama, ibinigay sa kaniya ito ni Papa at sinabing bahala na siya kung ano man ang
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 7
Farrel Juancho   Three weeks but feels like an eternal. I used to not care about the passing days, but now something has changed. On that three weeks, Zavier already called and told me the address of Bea. My eagerness to leave this hacienda and drive back to Manila is uptight, but I can't just leave. Napabuga ako ng hangin sabay bagsak nang katawan ko sa aking higaan. I am stressed out. All of the missing horses were found and the machines are already fixed, but we are still on the process finding the culprit whose behind all of these mess in my territory. Isang pagkatok sa pinto ang nakapagpabangon sa akin. “Sir, kakain na po. Nakahanda na sa mesa. Hinihintay na po kayo ng abuelo,” tinig ng kasambahay ang nasa labas. I decided to take a quick shower and changed my clothes to a comfortable one. Wala naman na akong ibang pupuntahan kaya mabuti ng ganito ang isinuot ko. Kapagkunway bumaba na rin ako agad. “Lo,” pagbati ko sa matanda
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 8
Eana Beatrix   Araw ng Sabado ng makatanggap ako nang tawag mula kay Gisel. Sinabi niyang tutuloy kami ngayong araw, mabuti raw at napakiusapan niya ang kaniyang mga katrabaho na mag-ha-half-day siya ngayon. Sa nakalipas na dalawang araw ay naisipan ko munang magbenta ng ulam sa pananghalian at meryenda para sa hapon sa tapat ng aming bahay. Katulong ko si Mama roon at kami'y nagpapasalamat dahil pumatok sa aming mga kapitbahay ang luto niya. Isa na rin sa dahilan kung bakit 'yun ang naisipan kong ibenta ay dahil kay Kuya Arthur. Hindi niya ako pinayagang magtrabaho sa malayo at uuwi nang gabi. Mula nang mangyari ang pagtangka ni Kiko sa akin ay hindi na muna sila pumayag na magtrabaho ako. Kahit na ba'y sabihin ko na uuwi ako nang maaga, pero wala akong nagawa dahil sila pa rin ang nasunod. Ang laki ng pasasalamat ko sa araw na 'yun dahil si Kuya ang nakakita sa amin. Mabuti na lamang at inutusan siyang bumili ni Mama ng gamot at saktong
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 9
Farrel Juancho   I can't contain the happiness and excitement that I am feeling right now. I am actually on my way to the address that Zavier gave me. Kahapon pa sana ako makakarating doon, subalit sa tagal ng byahe dahil traffic, halos dis-oras na rin nang gabi ako nakarating sa mansiyon. I have my own house just a few blocks away from my parents house. But yesterday I decided to stay with them, because I know that I will get up early today to visit someone. I also informed my Mom about today and she's been bugging me that she wants to come with me but I keep on telling her no. In the end, napakalma naman siya ni Daddy bago ito pumasok sa kompanya. Habang lumilipas ang bawat segundo na tinatahak ko ang daan papunta sa kanila ay hindi maalis sa akin ang kaba. What if she finds it weird? Hindi kami lubos na magkakilala para bumisita ako sa kanila. But, I am determine to know her more and let her know about my good intentions to her.
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Chapter 10
Eana Beatrix   Ilang oras na nakaalis ang lalaking nagngangalang Juancho. Iyong lalaking naglahad na gusto niya raw ako. Nahihibang ba siya? Bukod sa kaniyang pangalan ay wala na akong ibang alam tungkol sa kaniya. Binibiro lang naman niya siguro ako 'di ba? Kung gusto niya talaga ako, bakit ngayon lang siya ulit nagpakita? Hindi ba dapat kinabukasan din niya ako hinanap? Teka nga, bakit parang ang assuming ko naman yata sa parte na iyon? At ang ngiti na naman na iniwan niya sa akin kanina! Parang gusto ko siyang hilahin pabalik at pangitiin na lang siya magdamag! Hay nako, 'bat parang ako naman yata itong nababaliw?! Napailing na lang ako at lumabas na sa banyo. Nadatnan kong nagbibilang si Mama ng mga pera na kinita namin kaninang hapon sa pagtinda. Ang dalawang bata naman ay nasa sala at kasalukuyang kumakain ng turon at lumpia na ibinukod ni Mama para may meryenda kami. Tuluyan akong umupo sa tabi niya para mat
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status