Share

Chapter 4

Author: Luna Dianthe
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Eana Beatrix

“Eana, anak. Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na nakatulala ka at namumula ang mukha mo. May masakit ba sa’yo?” nag-aalalang boses ng aking ina ang nangibabaw sa aking pandinig

“W-wala po, Ma. Medyo mainit lang po.”

“Sigurado ka ha? Sabihin mo sa akin kung may nararamdaman kang kakaiba sa katawan mo.”

“Oo nga po, Ma. Sige na po, kain na tayo,” paninigurado sa kaniya.

Kasalukuyan kaming nasa mall dahil napagdesisyunan kong ipasyal ang dalawang bata. Matagal tagal na kasi noong huli kaming pumunta rito.

Habang kumakain ay hindi nawawaglit sa aking isipan ang lalaking nagtanong sa aking pangalan. Parang pamilyar ang kaniyang mukha, pero hindi ko alam kung saan ko na siya nakita.

Ramdam kong namula na naman ang aking magkabilang pisngi ng maalala ang gwapong mukha nito, at kaniyang pag-ngiti sa akin.

Diyos ko! Nababaliw na ba ako? Hindi naman siguro iyon paghanga dahil hindi naman kami magkakilala ng personal.

Kung paghanga man talaga iyon, siguro’y dahil sa kaniyang taglay na perpektong mukha at hugis ng panga. Matangos na ilong at mga matang kulay asul na animo’y kulay ng kalangitan.

Marahil ay may lahi iyon. Sa ganoon ba naman na itsura? Papatok siyang modelo o ‘di kaya naman ay isang artista.

Labag man sa aking isipan ay panandalian ko munang iwinaglit ang lalaking ‘yun. Ayokong makita na naman ni Mama ang namumula kong mukha dahil lang sa tumatakbo sa aking isip ang mukha ng gwapong ‘yun.

“Ma, iyong bilin po ni Doc ha. Huwag na po masyadong magpapagod. Kaya naman po namin ni Kuya ang gastusin sa araw-araw,”

“Anak naman, gusto ko makatulong sa inyo ng Kuya mo. Kaya ko naman gumalaw. Sumasama lang ang lagay ko kapag nasosobrahan pero lilimitahan ko na simula ngayon, basta huwag ninyo lang ako pigilan sa libangan ko,” malumanay na sabi nito ngunit halata ko rin ang pagkadismaya.

“Ma, sige po papayagan ko kayo. Pero pananahi lang po ang pwede ninyong gawin. Hindi niyo na kailangan magbuhat ng malalaking balde ng tubig, hindi na rin kayo mabibilad at hindi na rin kayo mahihirapan magsampay.”

“Oh sige. Para mapanatag na rin ang loob mo at nang Kuya Arthur mo,” pagsuko niya sa aking sinabi.

Makaraan ang isang oras na pagkain namin ay panandalian muna kaming naglalakad upang magpababa ng aming kinain.

Matapos ‘yun ay inaya ko ang dalawang bata na sasakay kami sa elevator, hindi matawaran ang kanilang pagkamahanga habang umaandar iyon pataas.

Nang makarating kami sa second floor ng mall ay mahigpit ang kapit namin ni Mama sa kamay ng dalawa at nakapwesto sila sa aming gitna. Palapit kami sa arcade ay hindi maalis ang tingin nila roon, lalo na si Artemis.

Akala nila ay lalampasan lang namin ‘yun, subalit laking gulat nila na doon kami dumiretso. Nagtatatalon si Miko habang si Artemis ay wala man lang kaimik-imik. Pero kahit na ganoon alam kong natutuwa rin siya dahil makakalaro na sila ulit.

Habang nakapila para sana’y bumili ng tokken ay nagsalita si Mama. “Anak, hindi ba kalabisan na ito sa gastos?”

“Ma, may sobra pa naman po. Saka minsan lang ‘to maranasan ng dalawa kaya. Tingnan ninyo nga po oh, hindi magkamayaw sa kakaikot ng ulo.”

“Oo nga, pero pwede na natin ‘yan itago sa ipon.”

“Ma naman. ‘Wag na po ninyo isipin. Mag-enjoy na lang din po tayo, okay?”

Wala siyang nagawa at nagpaubaya na lamang. Minuto lang ang inabot namin sa pila at ngayon ay nagsisimula nang maglaro ang dalawa. Nagpaligsahan sila sa basketball, naglaro sa baril-barilan at nag-car racing pa.

Marami silang sinubukan na laro. Hindi rin namin namalayan ang oras na pasado alas tres na pala ng hapon. Hapong-hapo ang dalawa at nananamlay na. Makikita ang pagod sa kanila ngunit bakas din sa mukha ang saya.

Naisipan na namin umuwi. Pinagpalit namin sila ng damit sa comfort room ng palaruan at pagkatapos tumuloy na kami pababa.

Tahak ang daan pauwi at sakay ng jeep ay nakatulog silang dalawa sa aming bisig. Kalahating oras ang inabot namin sa byahe. Pagkapara sa kanto ng barangay ay nagsimula na kaming maglakad.

Heto na naman ang hindi mapigilan na mga mata ng kapitbahay. Animo’y artista kami habang naglalakad. Nagsisihabaan ang leeg hanggang sa kung saan kami maaabot ng kanilang mga paningin.

Hindi na lang namin sila pinansin. Ano pang silbi ng pagsaway sa mga chismosa e hindi naman natin sila mapipigilan? Hay.

Pagkarating sa bahay ay agad kong inilapag sa higaan si Miko. Si Artemis naman na nagising ay pinaghugas ko ng kamay at sinabing matulog na muna. Tumabi ito sa bunso at segundo lamang ay naghihilik na.

Lumabas ako sa kanilang silid at nagpaalam kay Mama na magpapahinga saglit. Gayundin ang kaniyang ginawa.

Nagbihis na rin ako at pabagsak na nahiga sa kama. Sa pagpikit ng aking mata ay biglang pumasok na naman sa aking isipan ang lalaki kanina. Akala ko’y tuluyan ko na siyang makakalimutan, subalit hindi pumayag ang aking utak!

Pamilyar talaga ang lalaking iyon sa akin, subalit saan ko nga ba siya nakita? Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Inisa-isa ko pa muna sa aking isip ang mga artista, modelo at singer na lalaking kilala ko na napapanuod ko sa tv.

Sa tagal nang pag-iisip ay isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Agad akong tumayo at tumungo sa maliit ko na drawer, hinanap ko ang magazine na nabili ko sa tindahan ni Mang Tonyo doon sa kanto noong nakaraang linggo.

Natagpuan ko ito at binuklat hanggang sa mapunta ako sa pahina na mayroong larawan ng lalaking nakausap ko kaninang umaga. Natutop ko ang aking bibig at nanlaki ang aking dalawang mata.

“Hala?! Isang Marcelo pala ‘yun? At hindi lang basta! Kundi siya ‘yung panganay sa mga apo at kilala sa buong sulok ng Pilipinas?”

Pagkausap ko sa aking sarili. Kaya pala pamilyar ang itsura niya. Dito ko siya unang nakita at napakatitigan ang mukha.

Ano kayang tingin niya sa akin kanina? Mukha siguro akong tanga. Malaking palaisipan din sa akin kung bakit niya tinanong ang pangalan ko?

Sobra ko naman na yatang assuming kung iisipin kong naestatwa siya sa ganda ko? Teka lang nga, ang kapal naman ng mukha ko sa parteng ‘yun.

Saka, sigurado akong wala akong kalaban-laban sa mga babaeng nakapaligid doon noh. Sigurado akong mayayaman at mas angat ang ganda ng mga ‘yun sa akin.

Teka lang ulit, bakit ko ba pinakaiisipan pa ‘yun? Hindi ako pwedeng ma-attract sa kaniya!

At saka, sa tingin ko naman hindi na kami magkikita pa. Sa laki ba naman ng Manila. Sandali, dito ba talaga siya nakatira?

Upang masagot ang sariling tanong ay binasa ko ang nakalagay sa magazine. Nakasaad rito na kasalukuyan itong naninirahan sa kanilang hacienda sa Bulacan at siyang namumuno sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Oh, edi malabo na nga talaga kaming magkita. Swerte ko na lang dahil kahit panandalian lang, nakilala ko siya sa personal.

Nasilayan ko pa ang kaniyang ngiti! Sa alaalang iyon ay namula na naman ang aking pisngi. 

Related chapters

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 5

    Farrel Juancho It's been two weeks but I'm still here in Manila. My cousin Zavier is surprised because I stayed here in the city for too long. If he only knew what the reason was, he would definitely tease me again. Ito kasi ang unang beses na tumagal ako rito. 1-3 days is the usual count that I stays here. Though, my Mom is very thankful for it, they got the chance to be with me. She's also giving suggestions on how can I find Bea. Of course, hiring private investigator is on the list but I didn’t accept it. Gusto kong ako ang makatunton sa kung saan man lupalop ng Manila nakatira si Bea. “Yes, fucker. Why’d you call?” Pambungad na saad ni Zavier. It’s still early in the morning and I was greeted by his bitter voice. “How’s your wife? I already missed her, can I visit?” para gaguhin pa siya lalo, dinagdagan ko pa ang pang-aasar ko sa kaniya. “She’s having a morning sickness! You fucker, shut up!” ang huling nari

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 6

    Eana Beatrix Isang umaga na puno ang tensiyon sa pagitan ng aming pamilya at ni Attorney. Nagtitinginan kaming tatlo kung sino ang dapat na maunang magsalita upang masimulan na ang usapan. Pagtikhim ni Attorney ang nakapagpalingon sa amin sa kaniya. “Nandito ako upang mahingi ang desisyon ninyo sa bagay na aking ibinalita sa inyong ina. Batid ko na alam na ninyo ang tungkol doon. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” paunang salita nito. “Bago po iyan, maaari ba muna namin malaman kung sino ang nasa likod ng pagpapaalis sa amin dito?” katagang isinambit ni Kuya Arthur. Sandaling nanahimik ito at parang tinatantya kung sasabihin ba o hindi. “A-ng ama ninyo,” maikling tugon nito. Sinasabi ko na nga ba, may hinuha ako na may kinalaman ang bagong asawa ni Papa sa pagpapaalis sa amin. “Hindi po kami naniniwala, ang sabi sa amin ni Mama, ibinigay sa kaniya ito ni Papa at sinabing bahala na siya kung ano man ang

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 7

    Farrel Juancho Three weeks but feels like an eternal. I used to not care about the passing days, but now something has changed. On that three weeks, Zavier already called and told me the address of Bea. My eagerness to leave this hacienda and drive back to Manila is uptight, but I can't just leave. Napabuga ako ng hangin sabay bagsak nang katawan ko sa aking higaan. I am stressed out. All of the missing horses were found and the machines are already fixed, but we are still on the process finding the culprit whose behind all of these mess in my territory. Isang pagkatok sa pinto ang nakapagpabangon sa akin. “Sir, kakain na po. Nakahanda na sa mesa. Hinihintay na po kayo ng abuelo,” tinig ng kasambahay ang nasa labas. I decided to take a quick shower and changed my clothes to a comfortable one. Wala naman na akong ibang pupuntahan kaya mabuti ng ganito ang isinuot ko. Kapagkunway bumaba na rin ako agad. “Lo,” pagbati ko sa matanda

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 8

    Eana Beatrix Araw ng Sabado ng makatanggap ako nang tawag mula kay Gisel. Sinabi niyang tutuloy kami ngayong araw, mabuti raw at napakiusapan niya ang kaniyang mga katrabaho na mag-ha-half-day siya ngayon. Sa nakalipas na dalawang araw ay naisipan ko munang magbenta ng ulam sa pananghalian at meryenda para sa hapon sa tapat ng aming bahay. Katulong ko si Mama roon at kami'y nagpapasalamat dahil pumatok sa aming mga kapitbahay ang luto niya. Isa na rin sa dahilan kung bakit 'yun ang naisipan kong ibenta ay dahil kay Kuya Arthur. Hindi niya ako pinayagang magtrabaho sa malayo at uuwi nang gabi. Mula nang mangyari ang pagtangka ni Kiko sa akin ay hindi na muna sila pumayag na magtrabaho ako. Kahit na ba'y sabihin ko na uuwi ako nang maaga, pero wala akong nagawa dahil sila pa rin ang nasunod. Ang laki ng pasasalamat ko sa araw na 'yun dahil si Kuya ang nakakita sa amin. Mabuti na lamang at inutusan siyang bumili ni Mama ng gamot at saktong

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 9

    Farrel Juancho I can't contain the happiness and excitement that I am feeling right now. I am actually on my way to the address that Zavier gave me. Kahapon pa sana ako makakarating doon, subalit sa tagal ng byahe dahil traffic, halos dis-oras na rin nang gabi ako nakarating sa mansiyon. I have my own house just a few blocks away from my parents house. But yesterday I decided to stay with them, because I know that I will get up early today to visit someone. I also informed my Mom about today and she's been bugging me that she wants to come with me but I keep on telling her no. In the end, napakalma naman siya ni Daddy bago ito pumasok sa kompanya. Habang lumilipas ang bawat segundo na tinatahak ko ang daan papunta sa kanila ay hindi maalis sa akin ang kaba. What if she finds it weird? Hindi kami lubos na magkakilala para bumisita ako sa kanila. But, I am determine to know her more and let her know about my good intentions to her.

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 10

    Eana Beatrix Ilang oras na nakaalis ang lalaking nagngangalang Juancho. Iyong lalaking naglahad na gusto niya raw ako. Nahihibang ba siya? Bukod sa kaniyang pangalan ay wala na akong ibang alam tungkol sa kaniya. Binibiro lang naman niya siguro ako 'di ba? Kung gusto niya talaga ako, bakit ngayon lang siya ulit nagpakita? Hindi ba dapat kinabukasan din niya ako hinanap? Teka nga, bakit parang ang assuming ko naman yata sa parte na iyon? At ang ngiti na naman na iniwan niya sa akin kanina! Parang gusto ko siyang hilahin pabalik at pangitiin na lang siya magdamag! Hay nako, 'bat parang ako naman yata itong nababaliw?! Napailing na lang ako at lumabas na sa banyo. Nadatnan kong nagbibilang si Mama ng mga pera na kinita namin kaninang hapon sa pagtinda. Ang dalawang bata naman ay nasa sala at kasalukuyang kumakain ng turon at lumpia na ibinukod ni Mama para may meryenda kami. Tuluyan akong umupo sa tabi niya para mat

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 11

    Farrel Juancho Sakay ng kotse ko ay tumungo ako sa flower shop na pagmamay-ari ni Vera. Yesterday, I called her to order two pieces of flower bouquet. I arrived at her shop, at sa labas pa lang nakita ko nang kasama niya sa loob si Zavier. Ano naman ginagawa ng gagong 'yan dito? Don't tell me binabantayan niya asawa niya? The hell with this man. Napailing na lang ako. Lumakad na ako papasok at bumaling sa akin ang tingin ng mag-asawa na natigil sa pag-uusap. “Juancho! I've been waiting for you, akala ko hindi ka darating,” bungad na saad sa akin ni Vera. “Hon! Don't make it sound like you're waiting for him as if you two will going to have a date!” Nagseselos na saad ni Zavier. Hanggang ngayon ba naman pinagseselosan niya ako? As if naman aagawin ko sa kaniya ang asawa niya. I only love Vera as my younger sister at ganoon din siya sa akin, she sees me as her older brother. Vera and I laughed from her husband’s remarks. T

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 12

    Eana Beatrix Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin sa aking utak ang mga sinabi ni Juancho kanina. Kasalukuyang nanunuod siya sa sala kasama ang dalawang bata at nakikipag-usap sa kaniya ang madaldal na si Miko. Akala mo walang ginawang pambabanta sa akin kanina kung makitawa sa mga pinagsasasabi ng huli. Ang walanghiya, dito rin sa bahay nakikain ng paunlakan ang alok ni Mama. Kaya ang siste, sa buong durasyon ng aming salo-salo ay sila lang din ang nagkukwentuhan, isama mo pa ang dalawang bata. Lalo na si Artemis na bihira lang makipag-usap sa hindi niya kilala. Padabog kong tinapos ang pagpupunas ng mesa at sinimulan ko na ang paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Tahimik ko lang na ginagawa iyon nang biglang may nagsalita malapit sa aking tenga. “Can I help you?” Muntik ko ng mabitawan ang sinasabunan kong baso dahil halos mapatalon na ako sa aking pagkagulat. “Aatakihin ako sa’yo e! Ba’t ba bigla ka na lang sumusulpo

Latest chapter

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Epilogue

    Farrel Juancho Nakangiti kong pinagmamasdan ang babaeng nakahiga sa kanang bahagi ng kama. After what she had experienced before, I cannot believe she let the situation lead us here. It felt surreal. Puno ng galak at kasiyahan ang puso ko ngayon. Indeed, all the wait that I've done before, it's all worth it. Hinayaan ko na muna siyang magpahinga. Alam kong pagod na pagod siya sa ginawa namin. How couldn't she? I didn't stop until she said she's tired. I chuckled at my own thoughts. I can't resist her body, that's all I know. Ngayon na nakita ko na at natikman ko na, I am sure that our room will fill by her moans. Artemis will gonna have lots of siblings. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at isinuot ang roba na nakasabit malapit sa cr. Idinial ko ang numero ng room service at nagpahatid ng meryenda. Matapos ko roon ay ang sariling cellphone ko naman ang aking kinuha. Lumabas ako sa terrace. Pagbukas ko ng aking cellphone ay

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 36

    Eana Beatrix Warning: Mature content ahead. Not suitable for younger audiences. Read at your own risk. Isang taon ang matulin na lumipas, at sa buong taon na iyon ay maraming nangyari. Tuluyan nang ibinenta ni Papa ang dati namin na bahay. Muling umusbong ang pagmamahalan nina Mama. Ikinatuwa iyon ni Lorena Cortes na noo'y nasa Canada pa rin. Sina Lucy at Kuya Arthur naman ay kaswal pa rin ang set-up. Iyon nga lang ay mas madalas na si Kuya sa bahay, bagay na ikinagagalit nina Papa. Si Anton at Artemis, hindi namin inaasahan na mapapalagay agad ang loob ng bata sa una. May mga araw na hinihiram siya ni Anton at doon pinapatulog at kapag uuwi na siya sa amin ay may baon na siyang mga kuwento tungkol sa kung ano ang ginawa niya roon. Kami naman ni Juancho, ganoon pa rin. May pagkakataon pa rin na inaasar niya ako kaya minsan ay 'di siya nakakaligtas sa paghahampas at kurot ko sa kaniya. Nagkaroon na rin kami ng bond

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 35

    Eana Beatrix "Care to explain what is the meaning of this, Beatrix?" galit ang may ari ng baritonong boses na iyon. Nanghilakbot ako sa nakikitang itsura ni Juancho. Mariin ang titig na ibinibigay niya kay Anton. Kung nakakapatay lamang ang mga iyon ay nakabulagta na siguro ang huli. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na sa loob loob ko ay natatakot ako. "Juancho, kumalma ka, please. Huwag na tayong gumawa ng eksena pa rito." Inilibot ko ang aking paningin at may mangila-ngilan na tao ang dumaraan at hinahabol kami ng tingin. "What do you expect me to feel, Bea? This guy brought you tears and sufferings! Anong gusto mong maging reaksiyon ko?" nagkikimpian ang mga ngipin nito habang nagsasalita. "Sorry, hindi kita nasabihan. Unexpected din kaming nagkita, kung gusto mo—" "Let go of her," madiin niyang pagputol sa dapat na sasabihin ko. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak ni Anton hanggang sa tuluy

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 34

    Eana Beatrix "Bakla ka! Ilang buwan lang ako nawala, pagbalik ko may jowa ka na!" Tumawa ako sa sinabing iyon ni Gaspar. Araw ngayon ng Linggo kaya malaya akong nakasama nang inaya ako nitong lumabas. Ang maghapon na bonding dapat namin nila Mama ay naging pagsimba na lang, dahil na rin sa kagustuhan namin na makapagpahinga pa ito. "Hindi pa naman kami matagal," tanging nasabi ko. "Naku, kung hindi pa ako tumawag, hindi ko pa malalaman ito! Grabe, ang tagal kong nawala tapos ni minsan hindi mo sa akin nabanggit ito kahit na minsan lang tayong nagkakausap? I'm hurt! Parang hindi tayo magkaibigan niyan!" aniya na may drama pang pahid sa mga pisngi. Kadarating lang niya galing Samar dahil doon daw siya inilagak pansamantala ng kaniyang boss sa parlor na pinagtatrabahuhan niya rito. Isang coffee shop na hindi nalalayo sa aming lugar ang napagkasunduan naming pagkitaan. "Ang drama mo, Gaspar! Nakakalimutan ko nga kasi banggit

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 33

    Farrel Juancho A smile remained on my lips even after the call was over. I'm a man yet I couldn't help myself to feel the shudder feeling that only Beatrix can give. Her calling me babe... sent shivers to my body and I cannot stop my friend down there to be arouse and well, think of something. Beatrix will surely hit me if ever she hear me say this! "Tito, nasaan na po si Mama?" It was Artemis again. His innocent eyes are fixated on mine and the worry on his face is visible. "She's in the hospital, kiddo. Mamaya narito na rin sila," malambing kong sabi sa kaniya. "Miss ko na po siya, bawal po ang bata roon? Puntahan natin, Tito." He pleaded. "I miss her, too. Pero bawal kasi ang bata sa hospital. We'll just need to wait for her call, tapos susunduin natin sila, okay?" Napipilitan itong tumango at muling itinuon ang mata sa tv. Ito ang unang beses na pambatang palabas ang nangingibabaw sa buong sala. To up his moo

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 32

    Eana Beatrix Mabilis ang mga pangyayari, namalayan ko na lang na tinatahak na namin ang daan papuntang hospital. Nanginginig ang aking mga kamay habang pinagmamasdan si Mama na wala pa rin malay. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil hindi ito ang tamang oras para roon. Kasunod nang sinasakyan namin ang kotse nila Papa sa likod. Mabilis ang pagmamaneho ng dalawang sasakyan na para bang nakikipagkarera. Nakarating kami sa hospital at agad kaming bumaba, si Papa mismo ang nagbuhat at natawag ang atensiyon ng mga nurses doon. Itinakbo sa emergency room si Mama, hindi kami pinapasok at inabisuhan na hintayin na lang namin hanggang sa matapos. Pagod akong naupo sa waiting area. Si Papa ay palakad-lakad at ganoon din si Kuya Arthur. Si Lucy naman ay bakas pa rin ang ilang sa presensiya ni kuya ngunit may pag-aalala rin sa kaniya. Dinaluhan ako ni Juancho at niyakap. “K-kasalanan ko ito…” “Shh. Babe, walang may

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 31

    Eana Beatrix Ilang araw na ang lumipas nang sinadya ako ni Lorena Cortes upang makausap ako at humingi sa akin ng tawad. Nang makauwi kami noong araw na iyon ay agad kong kinausap si Mama. “Bakit sa akin mo po pinapunta si Lorena?” “Tama lamang iyon, anak. Dahil ikaw mismo ang naapektuhan nang iwan tayo ng Papa mo.” “Ma, hindi po ba kayo ang mas nasaktan? Buntis ka pa po sa akin noong umalis si Papa, pero ako po ang pinakausap mo kay Lorena.” “Oo nga at nasaktan ako, anak. Pero mas mahalaga ang nararamdaman mo kaysa sa akin. Lumaki ka nang wala ang ama mo, tumatak sa isip mo na ayaw ka niya kaya siya umalis…. Kung napatawad mo na siya ay ganoon na rin ako.” Matapos kong marinig iyon sa kaniya ay gumaan na ang loob ko. Talagang ang swerte ko at namin nila kuya dahil wala siyang ibang kagustuhan at iniisip kundi ang kapakanan namin. Isa pa sa gumugulo sa akin sina Lucy at Kuya Arthur. Hanggang ngayon ay walang nasa

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 30

    Farrel Juancho Lorena Cortes were busy roaming her eyes around the office. She’s astounded with the style and designs that are imprinted through the walls. After a minute, she then decided to looked at us. Walang halo na kahit ano ang tingin niyang iyon. It’s just plain. Ibang-iba sa kaniyang ipinakita noong birthday ni Lolo at noong pumunta kami sa bahay niya. “Let’s take a seat, shall we?” pang-aaya ko. Agad itong sumunod at ako naman ay inalalayan si Bea. When we are all settled to our respective seats, she began to talk. “I came here peacefully and without intention of causing a scene or harm to the both of you…” Tahimik lamang kaming nakikinig ni Bea habang nakalagay sa aking hita ang magkahawak namin na mga kamay. She was also the one who commanded me to stay here beside her dahil baka raw may gawin si Lorena. My babe is tense, but she still manage to speak. “Ano po ba ang pakay ninyo sa amin… o sa akin?”

  • Marcelo Series 1: Owned by Juancho   Chapter 29

    Eana Beatrix “You sure you’ll be okay here?” wika ni Juancho matapos namin makapasok sa opisina ng shop ni Vera. “Ang kulit mo, sinabi ko nang ayos lang ako rito. Sige na, pwede ka nang umalis,” pagtataboy ko sa kaniya. Natawa ako sa nakasimangot nitong mukha. Kanina pa siya ganito mula sa bahay at maihatid namin ang dalawa sa eskwelahan hanggang ngayon, hindi pa rin nababago. “Ano bang problema mo?” kunyaring sabi ko. “Tss. I told you, ayokong pumunta roon, it’s just a meeting, babe. Kaya na nila iyon.” “Juancho, ‘di ba nga sabi mo isa ka sa mga stockholders? Edi um-attend ka ng monthly meeting, sigurado akong hinihintay ka na ng Daddy mo at ng pinsan mo.” Sa huli, labag man sa kaniyang loob na iwan ako wala naman siyang nagawa kundi sundin ako. Napabuntong-hininga siya ng lumapit sa akin at kapagkunway yumakap sa akin. Humalik siya ng tatlong beses sa aking noo na naging dahilan upang mapapikit ako na m

DMCA.com Protection Status