Eana Beatrix Mataas ang sikat nang araw ngunit heto ako, patuloy na naglalakad-lakad sa gilid ng kalsada nag-aalok ng mga produktong pampaganda. Isa ito sa mga pinagkakakitaan ko ngayon upang masuportahan ang aking pamilya. Hindi naman sana talaga ganito ang buhay namin kung hindi lang kami iniwan nang magaling kong ama, pagkatapos malaman na buntis si inay sa akin, iwan ba naman kami. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at nagawa niyang asawahin si Mama pero iiwan niya rin pala sa huli. Ibang mga kalalakihan talaga ngayon, walang planong patagalin ang pinapasok na relasyon, puro pagpapasarap tapos sa huli mananakit. Kaya ako, malaking paalala ko sa aking sarili na ‘wag papasok sa relasyong walang kasiguraduhan, lalo na’t ayoko ng maulit ang nangyari noon. “Bea, hindi ka pa ba uuwi?” Umangat ang tingin ko sa aking katabi. Isa sa mga kasamahan ko sa pagtitinda. Tumingin ako sa mumurahing relos na nakasabit sa aking palapu
Last Updated : 2021-06-20 Read more