Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho.
Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck.
Heiley, just relax...
Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya.
Bahala na!
Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pamilya ay wala siyang nahagilap. Bigla siyang na-disappoint. Hindi makatao ang mga Santillan. Iyon agad ang konklusyong nabuo niya. Ganoon na ba kahirap salubungin ang bisita?
Kung sabagay, hindi naman sila panauhing naimbetahan. Mga hamak lang silang mediamen para pag-aksayahang i-welcome ng matatayog na Santillan.
Hindi pa man nakakadaupang-palad ang mga ito hindi na niya gusto ang uri ng inasal ng angkan. Naturingang pinoy hindi hospitable!
Nawala ang pagkairita niya nang papasok na sila sa mansyon. Bumalik kasi ang kaba sa dibdib niya.
“Sino po sa inyo si Miss Conteza?” pukaw ng isa sa mga katulong.
“A-Ako iyon,” nangingiming sagot niya.
“Sumunod po kayo sa akin.”
“S-Sandali. Paano iyong mga kasama ko?”
“Susunod ho sila sa akin,” singit ng isang katulong.
Nagtaka man ay nagpatianod na lang siya. Dinala siya ng sinundang katulong sa isang malaking silid-tulugan.
Napasinghap siya nang ihayag nitong iyon ang magiging pansamantalang silid niya habang nanunuluyan doon. Oo nga pala. Ideya ng angkan na doon sila mamalagi habang ginaganap ang panayam kaysa gumastos pa raw sila sa hotel.
Nang ilibot niya ang paningin sa buong silid ay namangha siya sa laki at ganda ng mga kasangkapang naroon. Mas maganda pa ang silid na iyon sa silid ng mga hotel na natulugan na niya kaya binabawi na niya ang nasabi kanina. Ang mga Santillan ay hindi lang hospitable. Ubod ang pagka-hospitable!
Palabas na ang katulong pero hindi pa rin siya makapaniwala. “Wait!” Agaw niya sa atensyon nito na agad namang lumingon. “Kalapit silid ko ba ang mga kasamahan ko?”
“Ipagpaumanhin ninyo, Miss Conteza pero hindi ko po alam ang isasagot sa inyong katanungan. Sumusunod lang ho kami sa utos. Kung hindi ninyo mamasamain, maiwan ko na po kayo.” Hindi na nito inantay pa ang reaksyon niya. Agad nitong sinara ang pinto.
Kibit-balikat na lang niyang sinimulan ang pag-aayos ng gamit. Hindi naman pala ganoon kasama ang mga Santillan. Marahil, abala lang ang mga ito kaya hindi sila nasalubong. Napansin din niyang tila magagalang ang mga naninilbihan sa pamilya. Hindi niya nakitaan ng pagkatakot sa amo ang mga iyon na karaniwang nakikita niya sa mga naninilbihan sa ilang mayamang angkan na tinampok sa D Elite. Lalo tuloy siyang nanabik na makilala ang bawat miyembro.
Unang nakadaupang palad ni Heiley ay ang haligi ng tahanan. Si Zacarias Santillan. Prominente at kagalang-galang itong tingnan. Bagamat pormal, kapag may tanong siyang nakapagpapangiti ay hindi nito pinagdadamot ang sinserong ngiti na sumisilay sa mga labi nito.
“Maraming salamat po sa pagkakataong ito at sa inyong kooperasyon, Mr. Santillan.” Taos pusong pasasalamat niya matapos ang panayam. “Salamat din pala at hinayaan ninyong dito kami manuluyan hanggang matapos ang aming pakay.”
Masasabi niyang likas na galante ang angkan. Hindi naman pala masyadong businessminded ang mga ito. Patutuluyin sila rito nang libre lahat at ang tanging sukli na hinihiling ay isang patas at magandang pagtatampok.
“Walang anuman, hija.” Umahon ito sa kinauupuan. “Kung may request ka para sa ikagaganda ng pagtatampok sa aking pamilya huwag kang mahihiyang magsabi.”
Lumuwang ang ngiti niya sa narinig. “Gagawin ko po ang lahat para lumabas na kaaya-aya ang pagtatampok ng D Elite sa angkan ninyo.”
“Miss Conteza, kung nais mo bibigyan ko pa kayo ng silid-pulungan. Magtakda lang kayo ng oras para sa inyong pagpupulong.” Iyon lang at pormal nitong nilisan ang lugar. Nakahinga siya nang maluwag.
Kinagabihan paulit-ulit niyang pinakinggan ang recorded interview sa haligi ng Santillan. Inanalisa nang maigi ang mga naisulat niya habang kapanayam ito. Matapos makapag-isip ng tamang deskripsiyon ay agad niyang tinipa ang keyboard ng sariling laptop. Buong magdamag niyang inabala ang sarili sa pagbuo ng artikulo tungkol sa haligi ng tahanan. Nakatulugan na nga niya iyon.
Humihikab pa siya nang pasukin ang entertainment room kung saan gaganapin ang interview sa panganay na si Xander Santillan. Ito raw ang paborito nitong lugar. Nasa konsepto kasi nila na kunan ang panayam sa mga paboritong lugar ng mga kakapanayamin. Kahapon ay sa lounge area ng master bedroom kinunan ang panayam niya sa haligi ng pamilya.
Elegante at simple ang pagkaka-desinyo ng set designer staff sa buong silid. Tama lang sa kanyang paningin. Hindi nasapawan ng mga dekorasyon ang entertainment look ng silid bagkus ay napalitaw pa iyon lalo.
Naabutan niyang inaayusan pa lang ng make-up artist at stylist ang kakapanayamin kung kaya naupo muna siya sa namataang mahabang sofa. Habang naghihintay ay pinasadahan niya ang kopya ng mga katanungang ginawa. Hindi niya mapigilang humikab. Kaunti lang kasi ang tulog niya.
“You should sleep first, Ms. Conteza.”
Napapitlag siya. Nasa harapan na pala niya si Xander. Bigla siyang napaahon. “I’m sorry. Don’t mind me Mr. Santillan. I can manage. Let’s start now.”
“You’re lack of sleep, Ms. Conteza. It’ll affect our conversations.”
“No. We need to fi−” Hindi niya natuloy ang sasabihin sapagkat muli siyang napahikab.
“See?” Tila napahiya naman siya sa tinuran nito. “We will just do the pictorial first while you’re in dreamland.” Pakasabi niyon ay tinalikuran siya nito.
Wala siyang nagawa. Lumabas na lang siya ng silid. Pahiyang-pahiya siya sa nangyari pero sa palagay niya ay mas nakabuti nga iyon sapagkat antok na antok talaga siya.
Naalimpungatan si Heiley mula sa mahimbing na pagtulog nang maramdamang may nakatitig sa kanya. Hindi nga siya nagkamali. Pagmulat na pagmulat ng mata ay isang pamilyar na mukha ng binata ang nabuglawan niya. Si Zeck. Ang lapit-lapit ng mukha nila sa isa’t isa. Naitulak niya ito at napabalikwas siya ng bangon.
“Ano’ng ginagawa mo rito?!” marahas na tanong niya habang aninag ang matinding pagtatakang nakaguhit sa noo niya. Siyempre alam niyang tagarito ito pero bakit ito nasa loob ng kuwarto niya?
“That’s supposed to be my line.” Aninag din dito ang labis na pagtataka ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya na nagtataglay ito ng mukhang kababaliwan ng kababaihan. Hindi niya iyon napansin noong una nilang engkuwentro. Marahil dahil sa pangit na pagkakakilala nila. Sa pangalawang engkuwentro naman ay halos hindi niya ito matingnan sa labis na pagka-ilang.
Nilibot niya ang paningin sa paligid. Napanganga siya. Hindi ito ang silid niya!
Saglit siyang nag-isip. Mayamaya ay naalala niya ang interview.
Dali-dali siyang bumaba sa kama at patakbong tinungo ang pinto ngunit bago pa man niya mahawakan ang seradura ay naunahan na siya ni Zeck. Tinitigan niya ito ng matalim. “Let me out,” mariing utos niya. Tiningnan niya ito sa nagbabantang paraan.
Napangisi lang ito. “You’re still wearing that cannibal look of yours, huh.”
Nakaramdam man ng inis sapagkat tinawag na naman siya nitong cannibal mas pinili pa rin niya ang magpakahinahon. “I’m here to do my job so please let me go.” Naroon pa rin ang iritasyon sa mukha niya. Lalo lang siyang na-insulto nang tila naaaliw itong humalakhak.
May nakakatawa ba sa sinabi niya? Goodness!
“Your cannibal look and your false conclusions,” anitong tila namamangha. “I’m glad we’ve seen each other again.” Pakasabi niyon ay ito pa ang kusang nagbukas ng pinto. Hindi niya inaksaya ang panahon, agad siyang lumabas ng silid. “See you soon.” Narinig niya pa ang tila nanunudyong pahabol nitong kataga.
Kinagabihan mas maaga niyang sinimulan ang pagbubuo ng artikulo tungkol sa panganay na si Xander Santillan. Panaka-nakang sumasagi sa isip niya ang hayagang pagpapakita nito ng interes sa kanya habang nagaganap ang panayam. Gusto nga niyang matunaw sa mga titig ng binata kanina mabuti na lang magaling siyang magdala ng sitwasyon. Walang dudang guwapo ito, makisig at gentleman pero hindi ito ang tipo niya sa isang lalake. Pagkailang lang ang naramdaman niya rito. Wala iyong tinatawag na spark. Iyon bang matataranta ang puso’t isip niya maramdaman lang ang presensiya ng isang binata. Sakto namang sumagi sa isip niya si Zeck.
Pinilig-pilig niya ang ulo.
Ano ba naman iyang iniisip mo, Heiley? Mangilabot ka nga! Nandito ka para gawin ang trabaho mo hindi para asaming matatagpuan dito ang lalakeng itinadhana sa iyo.
Pinagpatuloy na lang niya ang pagtipa na nakadapa sa kama. Mayamaya ay tutok na tutok na siya sa ginagawa. Nang matapos ay tinupi niya ang laptop. Nag-inat-inat. Napahikab.
Unti-unti siyang hinihila ng antok...
Unti-unti siyang napapikit...
Maganda ang gising niya kinabukasan. Sakto lang ang tulog niya. Magaan ang pakiramdam niyang tinungo ang kalapit silid. Ngayon niya lang nalaman na kahilera pala ang silid na tinutuluyan niya sa silid ng magkakapatid na Santillan. Hindi nakapagtatakang namali siya ng pasok kahapon sa silid ng kakapanayaming si Zeck Santillan. Ni sa hinagap hindi niya inakalang pagtatagpuin pa sila ng ugok na mapang-insultong seatmate niya sa eroplano kamakailan at naging seatmate uli sa isang restaurant. Oo. Si Zeck Santillan ang tinutukoy niya. Akalain mong mga bestfriend pala nila ay magkaka-inlove-an.
Tiniyak niyang hindi na siya makakarinig ng anumang pang-iinsulto mula rito. Ilang ulit kaya siyang nag-toothbrush at nagmumog ng mouthwash para wala itong mapuna sa hininga niya. Hindi niya talaga matanggap ang inakto nito noon sa eroplano.
Maaliwalas ang mukha at hindi mapagkit ang ngiti niya nang pasukin ang silid ng binata para hindi na nito ulit-ulitin ang katagang cannibal.
Huh! Tingnan ko lang kung mainsulto mo pa ako.
Nasalubong niya ang dalawang katulong. Mukhang may inihatid ang mga iyon doon.
“Nakakatakam talaga ang kakisigan ni Sir Zecky!” kinikilig na wika ng isa.
Napataas ang kilay niya sa narinig.
“At iyong mga titig niya sa camera parang gusto kong maghubad sa harapan niya at sunggaban siya ng maaalab na halik!” kinikilig at nanggigigil na wika naman ng isa. Sabay pang naghagikhikan ang dalawa habang papalayo sa lugar.
Napakibit-balikat na lang siya. Kung ganoon on going na pala ang pictorial.
Hmm...matingnan nga...
Hindi niya ugaling manood ng mga pictorial pero gusto niyang alamin kung makatotohanan ba ang mga katagang binitiwan ng mga katulong.
“Miss Heiley, manonood kayo ng pictorial?” hindi makapaniwalang wika ng isang staff na unang nakapansin sa pagdating niya.
Pinamulahan siya sapagkat ang lahat ng atensyon ng mga naroon ay napaling sa kanya including Zeck. Nasa ibabaw ito ng kama. Nang magtama ang paningin nila bigla siyang nahiya. Umiwas siya ng tingin at pinaling sa staff na kumausap sa kanya. “Wala na kasi akong magawa. Nababagot akong maghintay.”
Napatango-tango lang ito saka muling tinutok ang atensyon kay Zeck. Ganoon din naman siya. Bagamat sa camera nakatutok ang tingin ni Zeck pakiramdam niya ay nakatitig ito sa kanya. She couldn’t resist his charm. She found herself being magnitize by his magnetic gaze.
He’s comfortably lying on top of his bed. Nakatagilid habang nakasandal ang ulo sa nakatungkod na kanang kamay. Pinaka-kapansin-pansin dito ay ang nakalantad nitong ka-machohan sa suot na puting polo na hindi nakabutones. Sadyang inihantad ang matipuno nitong dibdib at may abs nitong tiyan. He’s so masculine from the chest to abs down to the lower hips. Lower waist kasi ang pantalong suot nito kaya litaw ang hugis ng tadyang nito.
Natuon ang pansin niya sa mukha nito. Ngayon niya lang ito natitigan nang matagal. Nagtataglay ito ng matang tila hinuhubaran ang sinumang matamaan n`on. Pangahang mukha. Matangos na ilong. Manipis na labi, kulay rosas at mas maganda pa ata ang hugis niyon kung ikukumpara sa hugis ng labi niya. Katamtamang puti ng balat at well built na katawan. Mukhang mas matangkad din ito ng tatlong pulgada sa kanya na five foot and four inches.
“Join me now, Miss Conteza...”
Hindi na niya alam kung totoo ba ang naririnig o naghahalusinasyon na siya. Nang magtama ang paningin nila tila siya nahipnotismo. Ang tanging nakikita niya ay ang mapang-akit nitong anyo at ang tila nang-aanyaya nitong titig. Ang tanging naririnig ay ang malakas na tibok ng kanyang puso...
“Miss Heiley, kanina pa ho kayo tinatawag ni Mr. Santillan.”
Tila siya binuhusan ng tubig sa bulong na iyon ng kasamang staff.
Napakurap-kurap siya.
Napapikit ng matagal.
Humugot ng sapat na lakas bago tinungo ang kinaroroonan ng binata. Prente na itong nakaupo sa gilid ng kama. Nag-alangan pa siya kung saan ba siya pupuwesto.
“Are you going to sit beside me or in my lap?” nanunudyong anito sabay tawa ng bahagya.
Kanina pa nanghihina ang tuhod niya at lalong nagregudon ang puso niya kaya napilitan siyang maupo sa tabi nito pero binigyan niya iyon ng sapat na distansiya.
Heiley, ano ba’ng nangyayari sa `yo? Chillax!
Tinapunan niya ng tingin ang hawak na questionare at kitang-kita niya ang panginginig ng kamay. Shit! Tinapunan niya ng tingin ang ilang taong naroon. Pinilit niyang magpakawala ng ngiti na nagsasabing ayos lang siya. Nang harapin niya si Zeck at makita ang matamis na ngiti nito ay parang nalaglag ang puso niya sa sahig.
Nanlaki ang mata niya nang gagapin nito ang palad niya. Nabawi niya iyon sapagkat may dumaloy na kuryente mula sa hinawakan nito pataas.
“Your hand is so cold...” may pag-aalala sa himig na turan nito. Nagulat siya nang tumayo ito at humarap sa karamihan. “I want everybody leave this room except you Ms. Conteza.”
Napasinghap siya. Gusto niyang tumutol pero wala ni isang kataga ang namutawi sa bibig niya. Nanatili lang nakaawang ang mga iyon.
Lalo atang nanghina si Heiley nang mapagsolo na sila ni Zeck sa silid. “B-Bakit mo sila pinalabas?” sa wakas may nasabi rin siya.
Nangiti ito. “It’s very obvious that you’re not ease with me, Ms. Conteza.” Muli itong naupo sa tabi niya pero napakalapit naman ata nito. Napaurong siya nang tangka nitong hawakan ang pisngi niya. “I want you to be ease with me, Ms. Conteza. Paano natin ipagpapatuloy ang interview kung nanginginig ang buong katawan mo, nanlalamig ang kamay mo at hindi mo ako magawang titigan?”
Umiwas siya ng tingin. Napahiya na naman siya. Nakakainis. Kung napuna nito ang mga iyon malamang pati mga staff. Napabuntong-hininga siya. Naramdaman niyang umusod ito palapit. Awtomatiko siyang napaharap dito.
Nagkatitigan sila.
Nang simulan nitong haplusin ang pisngi niya ay hindi na siya tumutol.
Ano ba’ng nangyayari sa `yo, Heiley?
Bakit ba hindi niya magawang ma-relax? Marami naman siyang nakasalamuha na kasing-guwapo at macho nito pero bakit iba ang impact nito sa kanya.
“Do you wanna overcome your nervousness?” tanong nito. Napatango lang siya. “Then please cooperate...” halos pabulong lang na anito. “Give me your hands.” Sinunod niya ito at ngayo’y sakop na ng dalawang palad nito ang magkasalikop niyang palad. Pinisil-pisil nito iyon. Unti-unting nawala ang panginginig at panlalamig ng kamay niya. “Does it feel good?” Nahihiya pa rin siyang tumango. Medyo gumaan ang pakiramdam niya nang masilayan ang ngiti nito. “Now, look at me straight to the eye.” Nag-alinlangan pa siyang titigan ito pero sa huli ay nagawa niyang gawin ang utos nito.
Nangusap ang kanilang mga mata.
Nakaka-magneto talaga ang titig nito.
Unti-unti siyang nilamon sa kawalan.
Nang unti-unting bumaba ang mukha nito ay hindi siya nakatutol sa maaaring mangyari.
Their lips met...
She just close her eyes and feel the sensation of his soft and gentle kisses...
Muli siyang nanghina at muling bumilis ang tibok ng puso niya.
Napaungol siya nang pawalan nito ang labi niya pero saglit lang iyon. Tila kumuha lang ito ng hangin para hindi pangapusan ng hininga.
Naging mapanudyo ang mga sumunod nitong halik kaya hindi niya napigil ang sarili. Buong suyo niyang tinugon ang halik nito. Naramdaman na lamang niyang unti-unti siya nitong inihihiga habang magkalapat pa rin ang kanilang mga labi. Napakapit na siya sa batok nito.
OMG! Nalulunod siya sa halik nito.
Ngunit kung kailan tangay na tangay na siya sa kapusukan nito saka naman ito kumalas. Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya at naupo sa gilid ng kama. Hindi niya magawang bumangon. Nanatili siyang nakahiga at nakatitig sa kisame. Napapikit siya. Boba ka talaga, Heiley!
“Fix yourself, Ms. Conteza.” Tumayo ito. Hindi niya alam kung saan ito pumunta.
She wanted to cry but she managed to control her emotions. Umahon siya at inayos ang sarili. Halik lang iyon pero parang pakiramdam niya naisuko niya ang sarili ng buo rito. Tila may bahagi ng pagkatao niya ang tinangay pagkaalis nito.
Patigil-tigil siya sa pagtipa habang binubuo ang artikulo tungkol kay Zeck. Paulit-ulit sa isipan niya ang naganap na halikan sa pagitan nila. Tila ramdam niya pa ang malalambot na labi nito at ang masarap na sandaling pinagsaluhan nila.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga.
Ginawa nito ang bagay na iyon para tulungan siyang maging palagay rito. Nakatulong iyon kahit papaano. Nawala ang panginginig ng katawan at panlalamig ng kamay niya pero naroon pa rin ang pagka-ilang. Mas nadagdagan pa dahil sa namagitan sa kanila. Mabuti nga at nagawa niya nang maayos ang panayam. Mas mukha pa nga itong propesyunal sa kanya. Habang ginagawa niya ang panayam dito, hindi man lang niya nakitaan na nabagabag ito sa ginawa nila. Tila ba napakadali lang nito iyong nalimot samantalang siya hanggang ngayon ginugulo ng tagpong iyon ang kanyang sistema.
Hindi naman niya first time mahalikan pero first time niyang naramdaman ang ganoon ka-intense na sarap, pananabik, at ligaya.
Tinatanong niya ang sarili kung in love na ba siya kay Zeck pero hindi puwedeng ma-in love siya ng ganoon kabilis. Siniksik na lang niya sa utak na marahil magaling lang talaga itong humalik. Nadala siya kaya hindi niya malimutan ang tagpong iyon. Pasasaan pa at matatapos na rin niya ang pakay at malaya na siyang makakaalis. Kakalimutan niya ang mga nangyari at mamumumuhay ng normal.
Sa panglimang araw niya sa mansyon nakilala niya ang pangatlo sa magkakapatid. Si Zoren. Tahimik. Palaaral kaya sa library ang venue ng panayam nito. Kahit palaaral ito hindi naman nerd ang hitsura. Binatilyo pa pero nakasisiguro siyang matatalo pa nito sina Xander at Zeck kapag naging ganap na itong binata.
Sa kasalukuyan, katatapos lang ng panayam niya kay Sabrina. Kabaliktaran ito ng tatlong lalake. Madaldal at jolly. Heto nga at kahit tapos na ang panayam ay nais pa rin nitong makipag-kuwentuhan sa kanya.
Oo nga pala. Ito rin ang dalagitang nag-thumbs up sa kanya sa eroplano nang singhalan niya si Zeck. Noong pinag-aaralan niya ang datus tungkol sa mga Santillan namukhaan na niya ito sa larawang nakapaskil kaakibat ng pangalan nito kaya isa ang pakikipanayam dito ang pinanabikan niya.
Nakalusong ito sa swimming pool habang siya ay nakalusong lang ang mga binti sa tubig ng pool habang nakaupo. Iyon ang paborito nitong lugar.
“How do you find my kuya Zeck?” Nakasampa ang dalawang braso nito sa gilid ng pool habang nakalubog pa rin ang katawan sa tubig.
Nagulat man sa tinanong nito napilitan siyang sumagot. “Nerve racking!” turan niya sabay hagikhik.
“Hmmm...How about my kuya Xander?”
“Calm and gentle,” matamis na ngiting sagot niya.
“And Zoren?”
“Future heartthrob!” agad na sagot niya sabay hagikhik.
Napahagikhik na rin ito. “Hmmm...me?” kapagdaka’y anito.
“Hmmm...amusing pretty lady.”
“Sounds good. Hmmm...can you add hot in your description?” Nanunudyo itong tumingin sa kanya.
Bahagya siyang natawa. “Silly girl.”
“Please...” pagsusumamo nito.
“Amusing hot pretty lady. Hmm...mas okay nga.”
Sabay silang naghagikhikan.
“Sana dito ka na lang nakatira, Ms. Conteza.” Biglang sumeryoso ang paligid.
“Hindi naman puwede iyan.”
“Gusto kitang maging bahagi ng pamilya. Akitin mo na lang ang isa sa mga kuya ko.”
Natawa lang siya sa tinuran nito. “Hindi ako bagay sa mga mala-adonis mong mga kuya.”
“You’re so pretty kaya.”
“Alam ko pero mas marami pa ring magaganda sa mundong ginagalawan ng mga kuya mo, `no!”
“You’re simply beautiful at iyon ang type ng mga kuya ko.”
“Huwag mong binebenta ang mga kuya mo sa `kin wala akong pambayad,” pabirong aniya.
“Hmmm...sino ba sa kanila ang type mo?”
Natigilan siya. Sumagi sa isip niya si Zeck at ang halik na pinagsaluhan nila. “Umahon ka na nga diyan baka sipunin ka. Kanina ka pa nakababad eh,” pag-iiba niya sa usapan.
“May type ka sa mga kuya ko eh. Umiiwas ka. Siguro si kuya Zeck ang type mo.”
“B-Bakit mo naman nasabi `yan?”
“Nabalitaan ko nagsolo kayo sa room niya noong panayam ninyo. Pinormahan ka ba niya?”
Napilitan siyang umahon sa pagkakaupo para iiwas ang mukha. Ramdam niya kasi ang pamumula ng pisngi. “Tinulungan niya lang akong maging ease sa kanya.”
“In what ways?”
“A-Akin na lang iyon.”
“I can’t blame you. Marami naman talagang natataranta sa charm ni Kuya Zeck eh. Hmmm...bagay nga kayo ni kuya. Boto rin ako na maging ate ka. Puwede ba kitang tawaging Ate Heiley?”
Napapangiwi siya sa mga pinagsasabi nito. “S-Sige.”
“Talaga! Yes! May ate na ako!” parang batang hiyaw nito.
“Hmmm...puwede rin ba kitang tawaging Sabby?”
“That’s great! It’s my pleasure, Ate Heiley.”
Huling araw na nila sa poder ng mga Santillan. Nakaramdam siya ng kalungkutan sa kaalamang iyon. Samo't sari ang naramdaman niya sa lugar na ito ngunit hindi niya malilimutan ang bawat miyembro ng pamilyang iyon lalong-lalo na si Zeck.
Pictorial ngayon ng buong pamilya na magkakasama at nais ng mga ito na isama siya sa ilang kuha. Hindi naman siya maka-hindi kaya ito naka-cocktail dress siya. Puting bestida na ang laylayan ay hanggang tuhod na tenernuhan ng sapatos na may takong. Inayusan din siya ng make-up artist nila kaya nagmukha siyang elegante.
Habang pinanonood ang pictorial ng mag-aama ay nakaramdam siya ng panliliit. Mistulang hindi bagay na tabihan niya ang mga ito. Isa pa, pawang dark color ang suot ng mga ito kaya kapag humalo siya mawawala ang terno ng mga kulay.
Mas lalong pumogi at naging kagalang-galang ang tingin niya sa mga barakong Santillan samantalang napakaganda at sopistikada naman ang nag-iisang dalaga sa pamilya. Dalawang kuha lang ang usapan na kasama siya. Isang nakatayo at isang nakaupo. Nang tawagin siya ng photographer ay nahihiya pa siyang lumapit.
Si Sabrina ang katabi niya nang kunan ang nakaupo pero nakaramdam siya ng pagka-ilang nang pagitnaan siya nina Zeck at Xander sa nakatayong kuha. Hindi siya nakatanggi nang pumulupot ang kamay ni Xander sa beywang niya but then she managed to gave her perfect smile in front of the camera.
Nagkaroon ng kaunting salu-salo sa pagitan ng pamilya at ng mga staff. Padespedida ba. Lumayo siya sa karamihan pero nilapitan siya ni Xander.
“I know this is not the end for us, Heiley that’s why I don’t wanna say goodbye...”
May laman ang mga katagang iyon ni Xander kaya hindi niya napigilan na mailang. Pinilit niyang maging kaswal at maging totoo. “Hindi kita gustong saktan at ayaw kitang paasahin pero `pag lumabas ako sa mansyon na ito nakatitiyak akong doon na natatapos ang ugnayan ko sa inyong mga Santillan.”
Nangiti lang ito sa tinuran niya. Mabuti na lang tinawag siya ng isa sa mga staff kaya nagkaroon siya ng rason para iwan ito.
Habang naglalakad sa pasilyo patungo sa kinaroroonan ng kanyang silid bigla na lang may humila sa kanya papasok sa isang silid. Hindi siya nakapalag sa bilis ng pangyayari. Namalayan na lang niya ang sariling nakasandal ang likod sa pader at nakaharang sa harapan niya si Zeck!
“Zeck...” iyon lang ang namutawi sa kanyang bibig. Hindi na naman normal ang tibok ng kanyang puso. Masyadong malapit ang katawan nila sa isa’t isa at gahibla lang ang pagitan ng mga mukha nila.
“You’re so stunning today, Heiley,” paanas na turan nito.
Naging maalinsangan ang paligid nang tumama ang mainit na buga ng hininga nito sa mukha niya. Gusto niya sana itong itulak pero nang maramdaman niya ang pagdantay ng mainit nitong palad sa braso niya ay tila naparalisa ang buong katawan niya. Gumapang ang matinding kilabot sa balat niya nang marahan nito iyong haplusin.
Hindi niya matagalan ang nanghahalina nitong titig. Nakayuko niyang pinaling sa kanan ang mukha. “S-Stop it...” pagsusumamo niya.
“I’m longing for this, Heiley...” His thumb brushes her lips.
Lalong tumindi ang tibok ng puso niya at awtomatiko siyang napaharap dito.
Nagtama ang kanilang paningin.
Nangusap.
Nasukol siya.
Inaasam din naman niya ang muling madama ang mga labi nito kaya hindi na siya tumutol nang unti-unting naglapat ang kanilang mga labi.
Muli ay pinagsaluhan nila ang nakaliliyong halikang iyon. Sa isip niya ay aalis na rin naman siya bukas. Babaunin niya ang tagpong iyon sa kanyang alaala. Muntik na siyang pangapusan ng hininga buti na lang pinawalan nito ang labi niya. Nagsimulang gumapang pababa sa leeg ang mga labi nito. Napaungol siya. Nang dumako ang halik nito pababa sa dibdib niya ay bigla niya itong naitulak. Disappointment at pagtataka ang lumarawan sa mukha nito.
Pinatapang niya ang anyo. “Those kisses are more than enough to satisfy your longingness, Zeck. Kalabisan na kung maghahangad ka pa ng lagpas doon. Excuse me.” Tinalikuran niya ito agad. Natatakot siyang baka ma-corner na naman siya nito.
“Yeah. You’re now paid.”
Napahinto siya sa pagbukas ng pinto. Napalingon dito sa nagtatanong na tingin.
“You laid comfortably on my shoulder, remember?” Napaawang ang labi niya sa tinuran nito. Hindi siya makapaniwalang utang pala ang tingin nito sa ‘di sinasadyang paghilig ng ulo niya sa balikat nito habang natutulog siya noong maging seatmate sila sa eroplano. “Plus you slept on my bed without my permission.” Lalong napaawang ang labi niya. Pati ang aksidenteng pagtulog niya sa silid nito!
Buong tapang siyang humarap dito. “There’s no doubt, you’re a real good businessman, Mr. Santillan. Now I know why you’re in the lead.” Muli niya itong tinalikuran at tuluyang binuksan ang pinto.
“Perhaps, walk out queen...” ganting pasaring nito. Gusto pa sana niya itong harapin pero napigil niya ang sarili. Ang tipo nito ang hindi nagpapatalo. Laging may banat na sagot sa lahat ng puwedeng ipukol. Tuluy-tuloy siyang naglakad palabas ng silid nito.
Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.
Kanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”“May pagka-praktikal ka pala.”“Peace loving lang.”Patlang.“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied.
CHAPTER 1 Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu. Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito. Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’. Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siy
Kanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”“May pagka-praktikal ka pala.”“Peace loving lang.”Patlang.“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied.
Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.
CHAPTER 2 Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck. Heiley, just relax... Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Bahala na! Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pa
CHAPTER 1 Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu. Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito. Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’. Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siy