MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)

MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)

last updateLast Updated : 2023-11-20
By:   Rain Dear  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
15 ratings. 15 reviews
86Chapters
16.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

“Some beginnings start with hellos, but ours started with a kiss.” Amaia was at lost of hope and Luke has just attempted to die when their path crossed. Araw-araw ay pahirap nang pahirap at pabigat nang pabigat na ang pinagdadaanan ni Amaia. Her father hates her, her sister despises her. Wala na ang ina niya para protektahan siya. All she has is herself and her sadness. Ngunit sa gabing sukong-suko na siya, natagpuan niya ang isang lalaking nakahilata sa gilid ng dagat. Although she has no idea who the man was, she suddenly became scared of him dying. With her desire of saving the man, she gave him a mouth to mouth—giving up her first kiss. But what is this? The mysterious man is responding to her kiss! For a love that started out with a kiss, how will it turn out in the end?

View More

Latest chapter

Free Preview

SIMULA

Isang malakas na sampal ang natamo ni Amaia mula sa kanyang amapagkapasok na pagkapasok niya palang sa kanilang bahay. Sa likod ng ginoo ay nakatayo ang ate niya, mayabang na nakangisi dahil isang pagsisinungaling na naman niya ang pinaniwalaan ng ama.“That’s not true. Ginabi ako ng uwi dahil may tinapos pa kaming project sa school. Hindi ako sumama sa kaklase kong magbar at mas lalong hindi ako umiinom, dad.”“Hindi? E kitang-kita nga kitang sumakay doon sa kotse ng kaklase mong lalaki. Sa harap ka pa nga umupo. Stop lying!” Her ate Aizel insisted.“Hindi ako nagsisinungaling. Dad, please, believe me.”Dismayadong napailing-iling ang ama nito.Kitang-kita niAmaiaang paglitaw ng galit at pagkadismaya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Parang tuluyan nang nawalan ng lakas si Amaia para ipagtanggol pa ang sarili nang tinalikura...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Sarah Magallanes
This is highly recommend story.
2023-01-17 07:41:02
2
user avatar
Nhenz Funes
waiting for the updates, ganda ng story love it...
2021-11-09 20:47:50
1
user avatar
Jemar Marasigan
good novel
2021-08-23 08:44:41
1
user avatar
Erna Aledo
more chapters please.
2021-08-09 07:21:45
1
user avatar
Sarah Magallanes
one of the best story of Ms. Rain...looking forward for the update..thank you
2021-07-14 01:35:41
1
user avatar
Ladygail12
I love this story 🥰
2021-07-05 11:28:45
1
user avatar
Ladygail12
Looking for more update Ms. Rain Dear. Ganda ng story mo 🥰
2021-06-15 16:43:18
1
user avatar
Erna Aledo
amazing.more chapter pls..
2021-06-06 06:26:45
1
user avatar
Sarah Magallanes
please update po..thank you 😊
2021-05-01 19:33:08
1
user avatar
Jemai C De Guzman
sobrang ganda ng story😍😍
2021-04-24 17:35:20
1
user avatar
Eva Harlowe
Kudos, Rain, and well done. You imbue every scene with such pathos and have a very likeable heroine in Amaia. You're also very good with cliffhangers. lintik! ;)
2021-03-10 23:22:39
3
user avatar
InspireMiya
Hmm.. kakaiyak sya😥 sa unahan palang nababasa ko.. Kudos Author😃
2021-03-10 10:56:34
1
user avatar
Clara Alonzo
asa simula pa lang ako but Ms. Eva is right, maganda ang flow Ng story and can't wait to read the next chapters. I envy you🤣🤣 makapagsulat na nga ulit. congratulations
2021-03-10 10:41:17
3
user avatar
Jo-ana Palabrica
nakakaiyak
2021-03-06 13:59:23
1
user avatar
Lev Romanban
like the story
2021-03-02 23:44:41
1
86 Chapters
SIMULA
Isang malakas na sampal ang natamo ni Amaia mula sa kanyang ama pagkapasok na pagkapasok niya palang sa kanilang bahay. Sa likod ng ginoo ay nakatayo ang ate niya, mayabang na nakangisi dahil isang pagsisinungaling na naman niya ang pinaniwalaan ng ama. “That’s not true. Ginabi ako ng uwi dahil may tinapos pa kaming project sa school. Hindi ako sumama sa kaklase kong magbar at mas lalong hindi ako umiinom, dad.” “Hindi? E kitang-kita nga kitang sumakay doon sa kotse ng kaklase mong lalaki. Sa harap ka pa nga umupo. Stop lying!” Her ate Aizel insisted. “Hindi ako nagsisinungaling. Dad, please, believe me.” Dismayadong napailing-iling ang ama nito. Kitang-kita ni Amaia ang paglitaw ng galit at pagkadismaya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Parang tuluyan nang nawalan ng lakas si Amaia para ipagtanggol pa ang sarili nang tinalikura
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 1
Kiss “If you can’t get a heart transplant as soon as possible, I deeply apologize for saying this but you might only take three to four months to live.” Those words seemed to bounce back at every corner of the room, tormenting him over and over again. Papasok sa tenga ni Luke, lalabas, at muli na namang papasok. Napatitig ito sa mga kaibigang masayang naglalaro ng video games at biglang napaisip, how can he leave after seeing them this happy? How can he decide to go away if no matter where he looks, all he can see is these happy faces of the important people in his life? Paano niya nga ba sila magagawang iwan kung alam niyang masasaktan sila? “Hoy Luke, team tayo sa next game. Galingan mo ah, pupusta ako!” Inakbayan ito ni Karl, locking his neck tightly in between his arm. Masiglang ngumiti at tumang
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 2
Nanlalaki ang mga matang napatitig ito sa nakabukas nang mga mata ng lalaki. Her mind is telling her to pull herself away. Masyado silang malapit, nararamdaman niya ang init ng hininga nito. Ngunit parang ayaw gumalaw ng katawan niya, parang ayaw nitong makinig sa sinasabi ng isipan. Hindi siya sigurado kung dahil ba sa sinag ng bilog na buwan kaya parang kumikislap ang mga mata nito o dahil lang sa epekto nito sa kanya kaya sa tingin niya ay kumikislap ito? She could feel her cheeks burning. Daglian itong lumayo at napaupo sa buhangin. She noticed how the man’s eyes drifted down to her legs before pursuing her eyes again. Nakita niyang nakataas pala ang binti nito buhat ng  pagkakabagsak at suot niya pa rin ang uniporme. Mabilis niyang binaba ang mga binti at hinila ang palda. Mas mainit at alam niyang mas namumula na ang mga pisngi. Hindi niya alam ang gagawin. Magpapaliwanag ba siya
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 3
Crush AMAIA DVOIRE SAFFRON Gugulong sa kama, sisigaw sa unan, tatakpan ang mukha, ngingiti at gugulong na naman. Ilang beses ko nang paulit-ulit na ginagawa ito pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggl-tanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Alas tres na ng madaling araw pero ito pa rin ako, hindi magawang maipikit ang mga mata para matulog. Kung ipipikit ko naman ito, hindi sa isang panaginip napupunta ang isip ko kundi sa halik na nangyari kanina sa dagat. I rolled on my bed again for the nth time. Binubulabog na naman ako ng magkalapat naming mga labi, ang kamay niyang nasa leeg at bewang ko, ang mata niyang tila sinisisid ang katauhan ko, ang napakaganda niyang katawan at ang magaspang at mainit na kamay nito sa aking pisngi—kung hindi man mamumula ay napapasigaw nalang ako sa unan kapag naiisip ang lahat ng iyon. Bakit ko siya hinalikan? Bakit hinayaa
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 4
I couldn’t bring myself to look at them nor get back at them. Nanatili lamang ako roong tahimik habang nararamdaman na ang paghapdi ng mga mata. Habang nakayuko ay pinanood ko lang ang mga paa nilang unti-unti nang lumalayo sakin. Afraid to know if there is someone watching me or had witnessed what happened, I remained crouching. Hinayaan ko ang lamig ng tubig-ulan na anurin ang mga maiinit na likidong nanggagaling sa mga mata ko. It was a good thing that I’m soaked, walang makakapansin ng pag-iyak ko. Sa tuwing ganito ako, gusto ko ako lang ang nakakaalam. Ayokong kaawan ng ibang tao, I don’t want them to see me in my most vulnerable time. Kasi pakiramdam ko mas dadagdagan lang nila yung sakit, bubudburan ng asin ang sugat na nabuo. Ano ba ang nakukuha ng mga tao sa pananakit ng iba? Bakit ba sa tuwing may nasasaktan sila ay tila nasisiyahan pa sila? Pero hindi ko makuhang magalit sa kabila ng mga nagawa nila, mas nagagali
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 5
Para makaiwas, nagmamadali kong kinuha ang bag ko at umambang aalis ng kama. Ngunit masyadong mataas iyon, siguro ay hindi naadjust ng huling gumamit nito. Balak ko sanang tumalon nalang pero naunahan na niya akong hawakan sa bewang at tulungang makababa. Muli na namang nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko na siya natingnan ulit o nagpasalamat ulit dahil tumakbo na agad ako patungo sa banyo ng clinic. Hiyang-hiya na at naiilang sa hindi matukoy na rason. Bakit ba napakalakas ng epekto ng tingin niya sakin at nakakapanghina sa tuwing nahahawakan niya ako? Binilisan ko na ang pagligo at pagbibihis. Mabuti nalang at may dala nga akong damit dito. Dapat kasi may practice kami ngayon ng volleyball pero umulan kaya hindi na natuloy. It was a really short jersey shorts, iyong karaniwang ginagamit talaga ng players and just a T-shirt. May rubber shoes din akong dala kaya itinago ko na ang basang black shoes. Nang
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 6
“Wait, wait.” “Uuwi na po ako.” Pilit kong tinago ang inis sa boses pero ang nakanguso kong labi na mismo ang nagpakita niyon sa kanya. “Hey. I’m sorry. Huwag ka nang magalit, nakakatawa lang kasi talaga.” Tiningnan ko siya nang masama at nakita ko ang unti-unti nang pagkapawi ng ngisi niya.   “Huwag kang matakot sakin, okay?” Dahil bahagyang nakaharap na ang katawan ko sa kanya, mas nagkaroon ito ng pagkakataon para mapalapit sakin. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok sa aking mukha. “I won’t kiss you if you don’t want to. Hahalikan lang kita kapag sinabi mo.” Sandali niyang binigyan ng tingin mga labi ko bago ibalik muli sa mata. Nandyan na naman ang matinding init sa pisngi ko. Umiwas agad ako ng tingin dahil sa ngiting nasa labi niya. Nakakatukso iyon tingnan, lalo pa’t napakalapit na n
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 7
Breathe It was the longest weekend I ever had. Dati parang sa isang kisap lang ng mata, matatapos na ang dalawang araw na bakasyon ko pero ngayon hindi ko alam kung bakit tila ba napakabagal ng paggalaw ng orasan. I don’t hate Mondays anymore, I don’t hate coming to school or waking up early to prepare. Iniisip ko palang na papasok ako sa lunes, nasasabik na ako. “Manang, tutulong na po ako.” Ngumiti si Manang Lary sakin at binigay ang isang towel at ang katatapos niya lang hugasan na plato para mapunasan ko. “Salamat Amaia.” It was Sunday, kakatapos lang naming mag-almusal. Naging nakagawian ko na ang tumulong sa paghuhugas pagkatapos kumain. Hindi nila ako sinasaway o pinagbabawalan sa pagtulong sa mga gawaing bahay dahil nasanay na rin sila. Tsaka wala rin naman akong ibang ginagawa rito sa bahay kaya para hindi mainip ay madalas akong tumutulon
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 8
“Luke…hmm. Ang gandang pangalan, siguro gwapo iyon ‘no?” Kinagat ko ang labi para pigilan ang nagbabadyang bungisngis ko. Oo manang, sobra, sobrang gwapo! “Bakit mo naman gustong bigyan siya nito?” “Ang sabi niya po kasi sakin, lagi siyang nasa school. Eh, close po yung cafeteria tuwing weekends tsaka baka palaging sa labas lang po siya kumakain kaya mas maganda po kung kumain rin siya ng mga lutong-bahay. Yung kagaya po nito.” Nang matapos niya na iyong gawin ay niyakap niya ako pagilid. Pinisil nito ang braso ko at mahinang napatawa. “Napakabait mo talagang bata.” Napatitig ako sa kanya. Hindi niya ako niyayakap o sinuman sa kanila. Ginagawa lang nila iyon kapag umiiyak ako, para patahanin ako. Pero sa mga pagkakataong kagaya nito, kailanman hindi pa ako nakatanggap ng isang yakap mula sa kanya. B
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
KABANATA 9
“Bakit tayo nandito, Kuya Luke?” Nilapag niya ang bag ko sa parteng mababa lamang ang damo, umupo ito sa tabi non at iminuwestra ang katabi niya. “We will eat here. Hindi rito mainit at mas nakakaganang kumain kapag sariwa ang hangin.” Tumabi na rin ako sa kanya. Kinuha ko ang bag ko para ilabas ang mga laman nito. Naglatag muna ako ng malapad na panyo at doon ipinatong ang lunch box, ang mga prutas at ang tubig. While doing that, I saw him watching me. He didn’t say a word, nakatitig lang ito sakin habang inaayos ko iyon. “Kumakain ka ba ng chicken curry?” “Oo naman.” Binuksan ko ang takip ng lunch box at agad na inabangan ang reaksyon niya, “Ikaw ba ang nagluto nito?” “Tinuruan ako ni Manang Lary. Sana magustuhan mo.” Inumpisahan niya na itong kainin. Naghintay akong mapunta na iy
last updateLast Updated : 2021-02-12
Read more
DMCA.com Protection Status