Share

KABANATA 5

Author: Rain Dear
last update Last Updated: 2021-02-12 14:19:40

Para makaiwas, nagmamadali kong kinuha ang bag ko at umambang aalis ng kama. Ngunit masyadong mataas iyon, siguro ay hindi naadjust ng huling gumamit nito. Balak ko sanang tumalon nalang pero naunahan na niya akong hawakan sa bewang at tulungang makababa.

Muli na namang nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko na siya natingnan ulit o nagpasalamat ulit dahil tumakbo na agad ako patungo sa banyo ng clinic. Hiyang-hiya na at naiilang sa hindi matukoy na rason. Bakit ba napakalakas ng epekto ng tingin niya sakin at nakakapanghina sa tuwing nahahawakan niya ako?

Binilisan ko na ang pagligo at pagbibihis. Mabuti nalang at may dala nga akong damit dito. Dapat kasi may practice kami ngayon ng volleyball pero umulan kaya hindi na natuloy. It was a really short jersey shorts, iyong karaniwang ginagamit talaga ng players and just a T-shirt. May rubber shoes din akong dala kaya itinago ko na ang basang black shoes.

Nang lumabas na ako ng banyo ay hindi ko siya nakita pero may naririnig akong mga kakaunting ingay na parang pagbukas at pagsarado ng mga drawer. May nakita rin akong puting damit na nakatapat sa aircon ng silid. Bumalik ako doon sa kama kanina ngunit napansin kong basa na iyon kaya lumipat ako sa katabi.

Dapat ay umalis na ako habang wala pa siya. Kasi iyon naman talaga ang gusto ko diba? Ang maiwasan siya? Pero hindi ko alam kung bakit naghintay pa rin ako sa pagbabalik niya. Ayokong makita pa ulit ang mata niya dahil hindi ako kumportable sa kanyang mga pagtitig, nakakailang. Ayoko na ring marinig ang boses niya dahil mas lalo lang akong napipilitang kausapin siya, maging interesado lalo sa kanya. Ayokong tumagal ang oras na magkasama kami, kasi mas tumitindi lang ang kaba ko at mas bumibilis lang ang tibok ng puso ko.

Pero hanggang sa nakabalik na siya, nanatili ako roong nakaupo. Halos mapanganga ako nang makita siyang naglalakad patungo sakin, walang pang-itaas na damit at sumisilip na ang ibabaw ng boxers sa kanyang ibaba. I could hear myself gasping because of the sight of him half-naked. Kaya naman pala napakatigas ng dibdib at tyan nito dahil inaalagaan niya yata talaga iyon. He got 6-packs abs, deep and defined collarbones, perfectly carved chest, and his veins under his skin tensed everytime he moves.

Mabilis akong umiwas nang tingin nang makitang nakatingin na rin siya sakin. Umiinit na naman ang pisngi ko dahil nahuli niya akong nakatitig sa katawan niya. Nang maramdaman ang presensiya niya sa harapan ay kinuha ko ang nakatuping kumot na nasa ibabaw ng unan at binigay iyon sa kanya nang hindi tumitingin.

“Para saan ‘yan?”

“S-Suotin niyo po. Baka la…lamigin kayo.” I bit my lower lip.

“Paano kung ayaw ko? Paano kung hindi ako nilalamig?”

Mas lalong napadiin ang pagkakakagat ko sa labi. Hindi naman nagagalit ang tono niya pero kinakabahan pa rin ako. I love how his voice is hoarse but at the same time really comforting. Nakakatakot ang kalaliman ng boses niya pero nakakagaan rin ng loob.

Binawi ko na lamang ang kamay ngunit hindi ko pa man nalalayo  ay kinuha niya iyon at hinawakan ako sa kamay. Nahila niya ako nang mas malapit kaya napatingin na ako sa kanya.

“Am I making you uncomfortable?” Now we’re just inches away and I could feel his warm breath. Wala sa sarili akong napailing habang hindi pinuputol ang tinginan.

“Then you don’t mind staying here a little longer.” Hindi iyon patanong, he said it as a matter of fact.

I remained silent. Pinakawalan niya na rin ang kamay ko at sa wakas ay pinutol na ang tingin. Doon ako nakahinga nang maluwag. Para kasing nakakasakal ang titig niya kaya hindi ako makahinga sa tuwing ginagawa niya iyon. Pinanood ko na lamang siya.

May dala itong isang box ng first aid kit, siguro ay ito ang hinanap niya kaya siya nawala kanina. Lumuhod ito sa sahig at pinatong ang isa kong paa sa isang nakataas niyang tuhod. Nagulat ako at balak sanang bawiin iyon dahil madudumihan ang pantalon niya pero hinigpitan niya ang hawak sa aking binti.

“Nadudumihan ko po kayo.”

“Ayos lang.”

Humawak siya sa likod ng binti ko at naramdaman ko na naman ang kakaibang elektrisidad sa tuwing dumadampi ang balat niya sakin. Pilit kong tinago ang pagkakailang. Maingat naman ito sa pagdadampi ng bulak na may betadine doon sa sugat ko sa tuhod. Mahapdi, sobrang hapdi pero hindi ako nagrereklamo. Kinakagat ko na lamang ang labi at napapakapit nang mahigpit sa kama sa tuwing tumitindi ang hapdi.

“Lagi ba nilang ginagawa ‘yon sa’yo?”

Nakita niya nga ang nangyari kanina?

“Lagi ka ba nilang sinasaktan?”

Gusto kong sabihin ang totoo pero hindi ko alam kung bakit naging alanganin ako. Parang ayaw kong madumihan ang pangalan nila kahit pa sa hindi naman nila kilalang tao.

“Hindi naman po.” Napahinto ito at tiningala ako, his brow slightly raised.

“Really?” Mabilis akong tumango.

“I’ve been here for a week now at lagi kitang nakikitang pinagtitripan ng mga kaklase mo. Lagi kang nag-iisa at walang kinakausap. Are you being bullied in here?”

Bumagsak ang tingin ko. Gusto kong isipin ang tungkol sa sinabi niyang mag-iisang linggo na siya rito pero mas rumehistro sa aking isipan na nakita niya ang mga nangyayari sakin dito o ang mga ginagawa nila sakin. Parang bigla akong nahiya sa sarili, parang pakiramdam ko kinakaawaan na niya ako, parang gusto ko na namang maiyak dahil doon.

“Do you want me to tell your parents about this?” Mabilis na bumalik ang tingin ko sa kanya at umiling.

“Huwag po, please. Huwag na po.”

“Bakit? Dapat malaman nila ang nangyayari sa’yo. They should be responsible—“

“Please!” Halos pasigaw kong sabi, “Huwag na po.”

Saglit kong nakitaan ng pagtataka ang kanyang mga mata. Parang gusto nitong magtanong pero pinipigilan lang ang sarili. Noong makita ko siyang tumango ay umiwas nalang ako ng tingin. Ayokong magtanong siya ng tungkol pa roon dahil baka mapasagot ako. At kapag nangyari iyon, baka mas lalo niya lang akong kaawaan kapag nalaman niya na ang tungkol sa buhay ko at pagkatao.

Pinagpasalamat ko ang hindi na niya pagsalita pagkatapos non, pinagpatuloy niya lang ang pagdadampi ng bulak sa sugat ko at pagkatapos ay hinihipan ito. Ako naman ay tahimik lang na nanonood sa kanya. Nandoon na naman ang pag-iingat sa mga hawak niya, nakakagaan, nakakainis pero parang ayaw ko nang bitawan niya pa iyon.

Bakit kaya siya nandito? Ang sabi niya mag-iisang linggo na nga. Duda kong dito siya nagtatrabaho kasi kung ganoon, dapat nakita ko na siya dati pa. Tsaka hindi naman siya nakasuot ng uniporme ng mga guro rito. At kung nakita niya nga ang lahat ng nangyari sakin sa buong linggo, ibig bang sabihin non ay pinapanood niya ako?

Nilagyan na nito ng malapad na band aid ang sugat at pagkatapos ay ibinaba niya na rin ang binti ko. Ang akala ko ay pagkatapos niyang ligpitin ang kalat, magpapaalam na rin siyang umalis pero hindi. Umupo pa muna ito sa tabi ko at bahagyang hinilig ang likuran sa kama. Dahil doon ay mas naging malinaw sakin ang katawan niya.

“S-Salamat po.” Mahina kong sinabi. Hindi ito sumagot. Gusto kong tingnan kung anong ginagawa niya pero naunahan ko nang mapigilan ang sarili.

Aalis na ba ako? Pero parang ayaw ko pa. Magsisimula ba ako ng panibagong topiko? Pero tungkol saan naman? Gusto kong may mapag-usapan pa kami para magkaroon ako ng rason para manatili rito. Kanina lang ay gusto ko na agad na makaalis sa kanya pero ngayon parang ayaw ko na.

“Nagmamadali ka bang umuwi?” Sabi niya. Umiling ako at mas umurong sa kama para mas maging kumportable.

“Then can we talk for a little while?” Mabagal akong napatango.

“About that night…” Hindi niya pa man nadudugtungan ay pakiramdam ko nagsiakyatan na lahat ng dugo sa mukha ko. Unti-unti ko nang nakakalimutan iyon eh, unti-unti ko nang nabubura ang kahihiyang ginawa ko roon, bakit kailangan niyang ipaalala pa ulit?

“Im sorry.”

Bakit siya nagsosorry? Para saan? Dahil sa paghalik niya sakin? Ako nga dapat ang humingi ng pasensya.  Kasi ako naman talaga ang naunang humalik sa kanya. In fact, I am the one who stole a kiss from him. And he didn’t steal my first kiss, I gave it to him myself.

“S-Sorry din po. Akala ko po kasi non nalunod kayo kaya…kaya ano…binigyan ko po kayo ng CPR.” He chuckled.

“That’s why I am sorry. I pretended to be unconscious, I let you do that even if I didn’t need it. And I’m sorry for kissing you again that night.”

Hindi matanggal ang pagkakakagat ko sa labi, ayoko nang alalahanin iyon, ayoko na kasi sobrang nakakahiya.

“Hey.” Halos mapatalon ako ng upo nang maramdaman ang kamay nito sa bewang ko.

Doon ko lang napansing ang lapit-lapit na pala namin. Mabubunggo na ng balikat ko ang dibdib niya kapag lumingon ako nang tuluyan sa kanya. Kaya sa halip na gawin iyon, ang ulo ko nalang ang itiningala ko.

“P-Po?”

“Nakikinig ka ba?”

“O-Opo. Na…nakikinig po ako.” Bahagyang kumunot ang noo nito.

“Why are you stuttering? Hindi ka ba kumportable? Am I scaring you?”

“Hindi. Hindi po. A-ano…ano lang po…ugh…” Nabitin na sa ere ang sinasabi ko. Hindi ko na alam kung anong ipapalusot lalo pa dahil titig na titig ito sakin, mas lalo akong kinakabahan.

“Ano ‘yon?” Tuluyan na akong napaigtad nang maramdaman ang bahagyang pagdiin niya ng hawak sa bewang ko. Napalunok ako at kinagat ang labi. Para akong naeestatwa, parang natatakot na akong gumalaw, pati paghinga ay halos pigilan ko na rin dahil sa kaba.

“Oh, I see. Am I being too touchy? Hindi ka ba kumportableng hinahawakan? Tell me, I can’t do anything about it if you remain silent.”

“A-Ano po kasi…” Tiningnan ko ang itim na itim nitong matang naghihintay ng karugtong.

Ano ba kasi Amaia? Bakit ka ba nauutal? Bakit ka ba kinakabahan? Gusto mo ito ‘diba? Ang kausapin ka niya, ang hawakan ka niya kasi doon nararamdaman mo ang pag-ingat, nararamdaman mo ang mga damdaming hindi mo pa nararanasan. Kasi aminin mo, nagugustuhan mo na ang presensiya niya.

“B-Baka…baka halikan niyo po ako ulit. May…may singaw po kasi ako kaya huwag…niyo po sanang gawin.”

Halos batukan ko ang sarili dahil sa sinabi. Iyon na yata ang pinakawalang kwentang palusot na naimbento. Pero sa tingin ko kasi kaya ako nagkakaganito, kaya sobra akong kinakabahan at parang hindi ako nagiging kumportable sa mga paghawak niya ay dahil baka maulit ang nangyari noong gabing iyon. Baka halikan niya ako ulit.

Ilang segundo ang dumaan na nakatitig lang siya sakin at maya-maya’y bigla nalang itong bumunghalit sa kakatawa. His laugh was too loud. Kinabahan ako bigla dahil baka may mapadaan sa labas at pumasok, baka makita kami sa ganitong ayos lalo pa’t nakahubad siya. Baka kung anong isipin nila at baka gamitin pa nila ito para mas lalong dumihan ang pangalan ko at siraan siya.

“Seriously,” He licked his lower lip, “Iniisip mo ba na kaya kita dinala rito at ang rason kung bakit ako naririto ay para lang halikan ka?” Tumawa na naman ito ulit.

Ang ganda ng tawa nito, napakaputi ng ngipin niya at parang pati ang mata niya ay nakangiti rin. Pero naiinis ako roon, naiinis ako sa pagtawa niya dahil ako mismo ang pinagtatawanan niya. Umamba akong aalis pero mabilis naman niyang hinawakang muli ang bewang ko.

Related chapters

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 6

    “Wait, wait.”“Uuwi na po ako.” Pilit kong tinago ang inis sa boses pero ang nakanguso kong labi na mismo ang nagpakita niyon sa kanya.“Hey. I’m sorry. Huwag ka nang magalit, nakakatawa lang kasi talaga.” Tiningnan ko siya nang masama at nakita ko ang unti-unti nang pagkapawi ng ngisi niya. “Huwag kang matakot sakin, okay?” Dahil bahagyang nakaharap na ang katawan ko sa kanya, mas nagkaroon ito ng pagkakataon para mapalapit sakin. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok sa aking mukha.“I won’t kiss you if you don’t want to. Hahalikan lang kita kapag sinabi mo.” Sandali niyang binigyan ng tingin mga labi ko bago ibalik muli sa mata.Nandyan na naman ang matinding init sa pisngi ko. Umiwas agad ako ng tingin dahil sa ngiting nasa labi niya. Nakakatukso iyon tingnan, lalo pa’t napakalapit na n

    Last Updated : 2021-02-12
  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 7

    BreatheIt was the longest weekend I ever had. Dati parang sa isang kisap lang ng mata, matatapos na ang dalawang araw na bakasyon ko pero ngayon hindi ko alam kung bakit tila ba napakabagal ng paggalaw ng orasan. I don’t hate Mondays anymore, I don’t hate coming to school or waking up early to prepare. Iniisip ko palang na papasok ako sa lunes, nasasabik na ako.“Manang, tutulong na po ako.” Ngumiti si Manang Lary sakin at binigay ang isang towel at ang katatapos niya lang hugasan na plato para mapunasan ko.“Salamat Amaia.”It was Sunday, kakatapos lang naming mag-almusal. Naging nakagawian ko na ang tumulong sa paghuhugas pagkatapos kumain. Hindi nila ako sinasaway o pinagbabawalan sa pagtulong sa mga gawaing bahay dahil nasanay na rin sila. Tsaka wala rin naman akong ibang ginagawa rito sa bahay kaya para hindi mainip ay madalas akong tumutulon

    Last Updated : 2021-02-12
  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 8

    “Luke…hmm. Ang gandang pangalan, siguro gwapo iyon ‘no?” Kinagat ko ang labi para pigilan ang nagbabadyang bungisngis ko.Oo manang, sobra, sobrang gwapo!“Bakit mo naman gustong bigyan siya nito?”“Ang sabi niya po kasi sakin, lagi siyang nasa school. Eh, close po yung cafeteria tuwing weekends tsaka baka palaging sa labas lang po siya kumakain kaya mas maganda po kung kumain rin siya ng mga lutong-bahay. Yung kagaya po nito.”Nang matapos niya na iyong gawin ay niyakap niya ako pagilid. Pinisil nito ang braso ko at mahinang napatawa.“Napakabait mo talagang bata.” Napatitig ako sa kanya.Hindi niya ako niyayakap o sinuman sa kanila. Ginagawa lang nila iyon kapag umiiyak ako, para patahanin ako. Pero sa mga pagkakataong kagaya nito, kailanman hindi pa ako nakatanggap ng isang yakap mula sa kanya. B

    Last Updated : 2021-02-12
  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 9

    “Bakit tayo nandito, Kuya Luke?” Nilapag niya ang bag ko sa parteng mababa lamang ang damo, umupo ito sa tabi non at iminuwestra ang katabi niya.“We will eat here. Hindi rito mainit at mas nakakaganang kumain kapag sariwa ang hangin.”Tumabi na rin ako sa kanya. Kinuha ko ang bag ko para ilabas ang mga laman nito. Naglatag muna ako ng malapad na panyo at doon ipinatong ang lunch box, ang mga prutas at ang tubig. While doing that, I saw him watching me. He didn’t say a word, nakatitig lang ito sakin habang inaayos ko iyon.“Kumakain ka ba ng chicken curry?”“Oo naman.” Binuksan ko ang takip ng lunch box at agad na inabangan ang reaksyon niya, “Ikaw ba ang nagluto nito?”“Tinuruan ako ni Manang Lary. Sana magustuhan mo.”Inumpisahan niya na itong kainin. Naghintay akong mapunta na iy

    Last Updated : 2021-02-12
  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 10

    Nag-init na naman ang mga pisngi ko. Did he said that he likes me? Silly! Hindi naman iyon kagaya ng iniisip ko. He likes me as a friend, that’s all. Why am I even thinking beyond that? He won’t like me, he would never. Iyong mga kalebel niya lang ang magugustuhan niya, iyong mga sopistikada, matatangkad, magaganda at sexy. Iyong mga kagaya ni Ate Aizel na papantay sa estado niya.“Of course, I really should tell you what’s on my mind. I can’t lie to you.” Napangisi ito at bahagyang ginulo ang aking buhok.“That’s right. You can’t lie to me and I won’t lie to you. Too.” Bumalik ito sa dating ayos at pinagpatuloy ang pagkagat sa mansanas, “That how friends are supposed tobe, right?” Tumango ako bilang pagsang-ayon.“Then can I tell you what I think of right now?” Mabilis akong tumango. Umangat ang isang gilid ng labi nito.

    Last Updated : 2021-02-16
  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 11

    He chuckled, “Don’t mind me. You know, I was just curious. Alin kaya yung mas masakit, yung manatili rito kasama ang mga bagay o taong nagpapasakit satin o ang mapunta riyansa taas para magpahinga pero malalayonaman sa mga taong importante satin?”Nahiga rin ako sa tabi niya, tumingin rin sa taas at inisip ang itinanong niya. Minsan naitanong ko na rin iyon sa sarili ko. Will it be more painful to stay here or to go there? Will it be easier to be there or to just stay here?“Sa tingin ko mas masakityungmaiwan dito ng taong mapupunta riyansa taas.” Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang napatingin sakin.“’Cause that’s what I felt when my mom went there.” Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Meanwhile, he just remained staring at me.“Ikaw Kuya Luke, ikaw naman ang magkwento tungkol sa sarili mo. Alam mo na ang

    Last Updated : 2021-02-16
  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 12

    LikeThird Person’s P.O.V.Pinuno ng lahat ng mga staff sa eskwelahan ang mga upuang nakapalibot sa mahabang mesa sa loob ng conference room. Sa kabisera, kung saan naroroon ang pinakanaiibang upuan, nakatayo ang presidente na siya ring nagmamay-ari ng eskwelahan.“I apologize for suddenly calling an emergency meeting amidclass hours.” He smiled, “But this will be quick.”Lahat din sila ay nagulat sa biglang pagpapatawag nito ng meeting lalong-lalo na ang biglaan din nitong pagpunta sa eskwelahan. Unang beses pa lamang ito na makita siya ng mga bagong guro at pangalawa o tatlo pa lamang siguro ng mga matagal nang nagtatrabaho rito.Hindi naman kasi talaga ito madalas dito, kapag may kailangan o importanteng gagawin madalas ay pinapahatid niya lamang sa bahay niya ang trabaho, kapag naman may mga kailangang daluhang meeting o ev

    Last Updated : 2021-02-16
  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 13

    Amaia’s P.O.V.Malapit nang magtago ang araw, halos nakauwi na lahat ng estudyante at pati mga guro, tapos na rin ang practice namin sa volleyball, ang tanging hinihintay ko nalang ngayon para makauwi ay ang matapos na ang lahat sa pagligo at pagbihis.Hindi ko magawang makisabay sa kanila, sa halip na magmadali at okupahin ang bakanteng cubicle, tahimik lamang akong naghihintay na matapos silang lahat. Ayoko nang maulit ang nangyari dati, ayokong mapagtripan nila ulit habang nasa shower ako. Kaya ngayon, kahit na gabihin pa, pinili ko pa ring maghintay para makaiwas sa mga maaari nilang gawin.Habang naghihintay sa mahabang upuan sa sulok ng locker room, hindi ko naman maiwasan ang paglipad ng isip ko sa nangyari kanina. Kuya Luke was watching our game, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na mapaisip kung naging maayos naman ba ang paglalaro ko kanina. Ayokong mapahiya sa kanya.Pinag-initan n

    Last Updated : 2021-02-16

Latest chapter

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 85

    Probably, that is the last thing that I would ever want to happen between us. But despite that, I still let it happen. I could have pushed him away, and I know he won’t force himself anymore. I could have easily pushed him away if I wanted to. So why didn’t I? How come I didn’t even try to resist him anymore?“Dominic is acting weird these days.”My fingertips are cold. Something feels like tickling my stomach from the inside. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na rin itong pagkakagat sa loob ng pisngi ko upang pilitin lang na alisin sa isipan ang alaala ng nangyari kahapon. Since last night, I have been occupied by those thoughts, those memories, by that heat emanating from his fingers as if I could still feel them today.“Lagi na lang siya umaalis, nagmamadali. Tapos kapag tinatanong, ayaw sabihin kung saan pupunta, minsan halata pang nagdadahilan lang.”Napahilamos ako ng mukha na siyang nagpatigil sa pag-uusap nila para mapatingin sa akin. Ilang beses ko na rin itong na

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 84

    “When did you come?”“Around two, I think?”“It’s six now.”Napadilat ang mga mata ko sa gulat at akmang babangon na sana nang pigilan ako ng kamay nitong nasa bewang ko.“May importante ka bang gagawin o pupuntahan ngayong gabi?”Saglit akong napaisip bago umiling.“Then stay here for a while.”“But I brought food and medicines. Can you eat and take them for now?” Ngumiti ito.“Kanina pa ako gising. I already did. Thank you.”After he said that, I rested back on the bed, now his arm being my pillow. May maliit na siwang na sa kurtina at doon natanaw ko na ang kalangitang unti-unti nang dumidilim. Hindi narin kasing-init ng kanina ang balat niya.“I’m sor-”Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ay nagsalita na ito, “It’s not your fault.”“But you got sick because-”And for the second time, he cut me off, but not through his words but through kiss. He pulled me closer to him, pressing my body against his. A hard thing poking my stomach but my attention was focused more on his rough pa

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 83

    Nakaupo sa mahabang sofa sa harapan ko sina Chezka, Nicole, at Yvonne. Nakatitig ang mga ito sa akin na tila ba isa akong akusadong kanilang hinahatulan. I just told them everything that has happened and the reason why I couldn’t go to them yesterday.At sa mga ekspresyon nila, hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang kanilang iniisip. Hindi naman mapanghusga o galit ang kanilang mga titig, subalit hindi ko rin masabing natutuwa ang mga ito.“And through that kiss, how did you know you like him?” naunang pang-uusisa ni Nicole.I bit my lower lip and unconsciously fiddled with my fingers.“W-when… when I didn’t want him to stop. Just like how it felt back then with Luke,” I said so quietly, as if afraid that they’d hear me.“God, Amaia!” bulalas ni Nicole.“I am in trouble, right?” Mapait akong ngumiti.Ibinuntong-hininga ni Nicole ang hindi makapaniwala niyang tingin sa akin. Si Yvonne nama’y nanatiling nakakatitig, mukhang nag-iisip pa rin ng sasabihin.Nang bumaling ako kay Chezka

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 82

    I didn’t wait for the rain to stop nor did I wait for him to come back. Sinulong ko ang malakas na buhos ng ulan nang walang kahit anong pansilong, patungo sa kabilang direksyon, kung saan hindi ko ito makakasalubong, kung saan makakatakas ako nang matagumpay. But when I arrived at the shed outside the school, I only stood there helplessly, unknowing of what to do next. Where should I go now? Hindi ko pwedeng puntahan ang mga kaibigan ko nang ganito ang ayos. If I stand here longer, wait for the rain to stop or let myself dry from the wind, would he come finding me here through this rain? Or if I go home now, would he be the one I’ll find at my door, waiting for me? Despite knowing the possibility of that happening, pumara pa rin ako ng taxi, I still decided to go home. If i don’t see him there, better. And if I do, I’ll just do what I have been always good at-running away. Noong huminto na ang taxi sa tapat ko, patakbo ko itong tinungo. I extended my arms to reach for the door ha

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 81

    “Don’t stop halfway. You’ll drive me crazy,” he whispered, voice sounding husky before the heat of his lips dispersed from my mouth into my entirety.Nakarinig kami ng pagkatok sa pintong nasa likuran ko subalit hindi niya ito binigyan ni katiting na pansin.“Topher, you in there?” Von called.Ginamit niya ang ingay ng boses at pagkatok nito upang mapasandal ako sa pinto. The knock reverberated at the back of my head. Ngunit kahit gaano pa man kaingay, pawang hindi ko ito marinig. All I can hear are the silent noises that our lips make.Kinuha niya ang bag kong nakasabit sa aking balikat at marahan itong binagsak sa sofa sa gilid. Dinala niya ang magkabila kong kamay pagkatapos upang iyapos sa kaniyang batok. At kahit hindi niya naman diniktahan, kusang naglakbay ang mga daliri ko upang haplusin ang likuran ng ulo niya, papunta sa kaniyang tenga, pababa sa leeg niya.“Baka nakaalis na. Let’s go back,” dinig ko ang boses ni Hanes. Natigil na ang pagkatok at hindi na rin namin narinig

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 80

    “Saan mo planong pumunta pagkatapos nito?”Napakurap ako at tila roon lamang luminaw ang ingay ng mga yabag ng mga kaklase kong naghahanda nang umalis. I saw our professor already went out of the room, nag-iingay na ang lahat at kaniya-kaniyang yayaan kung saan sila pupunta.Dalawang subjects lang ang klase namin ngayon kaya half-day lang kami ngayon. At sa dalawang subjects na iyon, I don’t know if I even have any takeaways.Hinanap ng mga mata ko si Dominic. Mabilis na pagsulyap lang sakin ng suplado niyang tingin at inanod na ito ng pag-akbay ng isang lalaking kaklase namin papalayo sa paningin ko. Tiningala ko si Chezka sa gilid ko.“Hindi ko alam, eh. Ikaw?” Inumpisahan kong iligpit ang mga gamit.Sa dalawang subjects na iyon, iilang salita lang ang nagawa kong maisulat sa notebook ko.“Are you still preoccupied about last night?”Umilaw ang cellphone ko at nakita ang mensahe ni Ate na nagyayayang sumabay kumain ng lunch sa kanila.“Have you opened our GC? Nagyayaya ang dalawang

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 79

    "I miss Luke."Alam ni Topher na ilang beses mang dumampi ang mga labi nito sa kaniya, wala pa ring magbabago sa nararamdaman nito para sa lalaki. Na kahit ilang beses niya pang subukang burahin ang bakas ng mga labi ni Luke sa dalaga, ito at ito pa rin ang maaalala ni Amaia sa tuwing maglalapat ang mga labi nila.Alam ni Topher na alam ni Amaia na mali ito una pa lang, na mali ito at hindi na maaari pang sundan, na mali ito at hindi na pwedeng ipagpatuloy pa. Subalit mali man, nagagawa niya pa ring ulitin, nagagawa niya pa ring hayaan ang lalaking gawin ang mga hindi dapat, at ang sarili niya na gawin ang mga bagay na hindi rin dapat.But just like what Topher said, she is nice, kind, and a wonderful person. And maybe because she is nice, kind, and a wonderful person, that’s why she can’t push him away so easily. Lalo na dahil sa ginawa niya at pagsisinungaling kay Aizel tungkol sa nangyari noong gabing iyon. He is sure Amaia feels bad about it and blames herself for it.And right no

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 78

    “You’re crazy,” giit ko. I heard him chuckle. And for unknown reason, I found myself smiling when he chuckled. Ginawa kong daan ang pagbubukas ng pinto sa aking unit upang isawalang bahala ang pagngiting iyon. Sinalubong ako ng nakasisilaw na sikat ng araw sa tanghali dahil iniwan kong nakahawi ang kurtina rito kanina. I pulled my necktie and unfastened the first three buttons of my uniform’s blouse. Ang kaninang nakatali na buhok ko ay ngayo’y nilugay ko na. “Hindi mo ako pipigilan?” I remained silent for a while. Binagsak ko ang sarili sa sofa, pumwesto sa pinakadulong parte kung saan natitirang tumatama ang sikat ng araw. From here I could have a glimpse of the city below me. The roads, the buildings, the tight array of cars, the people walking by the sidewalk, the remaining fields left untouched in the middle of the city. I let the heat kiss my already burning cheeks as I spy on them. “Makikita ka nila,” malumanay kong bigkas. “Should I hide?” Dinig ko ang pagkasarkastiko ni

  • MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)   KABANATA 77

    Hinawi ko ang malaking kurtina. Tirik na ang araw sa kalangitan, wala masyadong kaulapan. At kahit na nakasisilaw ang liwanag nito, pinili kong titigan pa rin iyon. It hurt my eyes, but this is better than to see his face in every corner of my room.The heat permeating through the glass window was better than the lingering feeling of the warmth of his touch in my hand and face.Ang galit niyang mga mata ang huling bagay na nakita ko bago ko siya tinulak noon at pagsarhan ng pinto at iniwan. Ang galit niyang mga mata ang huling laman ng isip ko bago nakatulog kagabi hanggang nang magising kanina.At pagkatapos ng huling sinabi niya pa kagabi, mas lalo na akong natatakot sa mga mangyayari pa.Napukaw ako ng pag-buzz at pagkatok na nila sa pinto, nasa labas na sila. Bago buksan ang pinto ay huminga pa ako nang malalim. I hope that the constant uneasiness I have been having since last night won’t show on my face. Nagtatangkang sumiklab ang kaba ko subalit pinigilan ko na ito bago pa lumal

DMCA.com Protection Status