“Luke…hmm. Ang gandang pangalan, siguro gwapo iyon ‘no?” Kinagat ko ang labi para pigilan ang nagbabadyang bungisngis ko.
Oo manang, sobra, sobrang gwapo!
“Bakit mo naman gustong bigyan siya nito?”
“Ang sabi niya po kasi sakin, lagi siyang nasa school. Eh, close po yung cafeteria tuwing weekends tsaka baka palaging sa labas lang po siya kumakain kaya mas maganda po kung kumain rin siya ng mga lutong-bahay. Yung kagaya po nito.”
Nang matapos niya na iyong gawin ay niyakap niya ako pagilid. Pinisil nito ang braso ko at mahinang napatawa.
“Napakabait mo talagang bata.” Napatitig ako sa kanya.
Hindi niya ako niyayakap o sinuman sa kanila. Ginagawa lang nila iyon kapag umiiyak ako, para patahanin ako. Pero sa mga pagkakataong kagaya nito, kailanman hindi pa ako nakatanggap ng isang yakap mula sa kanya. Biglang dumaan ang alaala ni mommy na niyayakap ako, bigla kong naalala kung gaano kasarap sa pakiramdam ang yakap ng pagsuporta. Patango-tango akong ngumiti sa kanya.
“Kumain ka na muna bago ka umalis, ah? Sabayan mo na ang ate mo.”
“Sige po, salamat po Manang. Kain na rin po kayo, ah?”
Magkaiba ang pinagkakainan namin at ng mga kasambahay. Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong sumabay kina Manang Lary pero ayaw nilang ginagawa ko iyon kapag nandyan si ate o daddy. Gusto nilang sa ‘pamilya’ ko ako sasabay, kahit na sila naman talaga ang mas tinuturing kong pamilya rito sa bahay.
As usual, Ate Aizel just glared at me when she saw me entered the dining area. Hindi nagtagal ang tingin niya sakin dahil nasa cellphone niya ang atensyon. She is paying attention to her phone more than her food. Mas gusto kong ganoon siya para hindi niya na ako pansinin. Mas napapanatag ang loob ko kapag nasa iba ang atensyon niya, mas nagiginhawaan ako kapag iniignora niya lang ako.
Binilisan ko ang pagkain, hindi dahil sa ayaw kong kasama si Ate o ang makasabay siya kundi dahil gustong-gusto ko na talagang makita si Kuya Luke. I don’t know, that’s just how I feel—excitement of seeing him again.
Nanghihinayang ako at hindi ko sinulit ang pagkakataong nakasama ko siya noong Biyernes. Sana tinanong ko na lahat ng gusto kong malaman tungkol sa kanya. I just felt this urge to know him more right now. Ayaw kong maghintay pa ng ilang linggo o buwan para kilalanin siya. I was in a hurry of knowing him, I was in a hurry of completely becoming part of his life.
I’ve wondered for so many years how it feels to have a friend. And now that I am about to know the answer, I want every moment I spend with him to be remembered and worth keeping. Gagawin ko ang mga bagay na kailanman hindi ko pa nagagawa, sasabihin ko ang mga bagay na dati-rating kinatatakutan kong ipagsabi sa iba, ibabahagi ko sa kanya ang isang parte ng buhay ko. I will make him a part of not just my life but of me.
Siguro sa iba, sobra-sobra na ito para sa isang kaibigan lang. But for me, it was never enough, maliban kay mommy at sa mga kasambahay, si Kuya Luke lang ang nagparamdam sakin na mahalaga ako. It was really hard to find someone to do that for me, and now that I’ve finally found someone, I’ll do everything to make him stay.
This world gives lesser good people than we expect, when we find one, they should be kept. Not everyone will be granted, it’s to keep them now or lose them forever. We choose.
Nilagay ko sa backpack ang lunch box, sinamahan ko rin ito ng tubig na sa sarili ko ring tumbler nilagay, naglagay rin ako ng saging doon at isang mansanas. I couldn’t help but smile. All I did was just to smile.
Iniwasan kong makita ni Ate Aizel sa paglabas ng bahay. Una kong napansin ay ang pagkawala ng presensiya ng Subaru Forester na sasakyang nakaparada sa labas. It was in front of the neighborhood the whole week, pero wala ito ngayong weekend. Hindi ko na iyon pinansin, baka nga talagang bisita lang ng kapit-bahay iyon.
Nang makarating ako ng school, ang ngiti agad ng guwardiya ang bumungad sakin. Bukas ito kahit na Linggo at nagpapapasok pa rin ng estudyante basta may dala kang ID. I showed him mine and we exchanged smiles.
Pagkapasok ng gate ay ang malawak na football field agad ang sasalubong sa’yo. Walang naglalaro roon, walang katao-tao sa buong eskwelahan. Tahimik at tanging ang ingay lang ng mga dumadaang sasakyan sa labas ang maririnig. Tirik rin ang araw kung kaya’t parang nakakatakot sumulong sa field, masakit sa balat ang init.
Dumaan ako sa outdoor hallway na nasa gilid, ito ang aming karaniwang daan papunta sa main building. Sarado ang malaking pintuan sa main building kaya umikot ako sa likuran para makapunta sa clinic. Hindi ko alam kung nandoon siya, iyon lang ang unang pumasok sa isip ko dahil doon din kami huling nagkita.
Seeing the white door of the clinic made my heart jump. Naalala ko ulit ang nangyari noong Biyernes sa loob nito, hindi ko na naman naiwasan ang ngiti ko. Ngayong ang pinto palang ang nakikita ko, naghuhurmentado na ang puso ko. How much more when I see him? Happiness is suffocating sometimes, like this time.
Subalit ganoong napawi na lamang ang ngiti ko nang hindi nagbukas ang pinto nang itulak ko ito. Hindi man ako siguradong nandito siya, umasa pa rin akong makikita siya rito o bubukas ang pinto at sasalubungin niya sa loob. And now that he is not here, where should I go to find him? Or should I just wait here?
‘Di ba ang sabi niya sakin noong Biyernes, if I need him he will be the one to find me? I need him now, I badly need and want to see him right now. Pero paano niya naman malalamang kailangan ko siya? Paano niya malalaman kung kailan at saan ako dapat puntahan? I suddenly felt sad thinking about the answers. Paano kung wala pala siya ngayon dito?
Should I just go home now or will I stay here and wait a little bit longer?
Tinalikuran ko ang pinto at malakas na napabuntong hininga. Mahigpit akong napakapit sa strap ng backpack ko habang pinagmamasdan ang nagdadalawang-isip na umalis kong mga paa. Noong magdesisyon na itong magsimulang maglakad, agad rin itong napatigil nang mapatingin ako sa katapat kong puno.
In there stands a man, so beautiful and really masculine. Nakasuot na naman ito ng long sleeves na polong kulay asul na pinaresan ng itim na slacks, nakabukas ang unang tatlong butones at nakaroloyo hanggang siko ang magkabilang manggas. Nasa bulsa ang mga kamay habang ang mga mata nito’y nakatitig sa akin, at ang mga labi’y matamis na nakangiti rin sakin.
Nakagat ko ang labi bago malapad na napangisi. Patakbo akong lumapit sa kanya at nang makita ko siya nang mas malapitan, hindi ko maintindihan ngunit mas lumakas ang kabog ng dibdib ko, mas tumindi ang saya sa puso ko.
“Paano niyo po nalamang nandito ako?” Hindi ko magawang itago ang ngiti sa gitna ng pagsasalita. Marahan itong tumawa.
“Can you drop the ‘po’? Hindi naman ganoong nagkakalayo ang edad natin.”
“S-Sorry. Nasanay lang po kasi ako…” Tiningnan ako nito na pawang pinapaalala ang sinabi niya.
“Sorry ulit.” Tumawa na naman ito at hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya.
I had a clearer view of him now that the sun is out. Sobrang tangkad nito na umaabot lang ako hanggang dibdib niya. Sobrang puti rin niya na tila kumikinang itong tingnan dahil sa pagtama ng araw sa balat niya. Kuya Luke is a pretty boy, his face doesn’t have a structure as rough as his body. Gayunpama’y napakaseryoso tingnan ng mukha niya, he still looks dangerous and very intimidating. Nagmumukha lang itong maamo ngayon dahil nakatawa siya. And I got fond with that laugh now, hindi ko magawang ialis ang pagkakatitig sa kanya.
“So what brings you here?” Napailing-iling ako at kumurap para manumbalik sa katinuan.
“Do you need something?” He added.
Nangapa ako ng maisasagot. Should I tell him my real purpose in coming here? Hindi ba nakakahiya iyon? Normal lang naman sa magkaibigan siguro iyon ‘diba? Normal lang naman ang pagdalhan siya ng lunch ‘di ba? Tsaka hindi ako dapat na magsinungaling sa kanya, I should tell him everything because he is my friend.
“Tumulong ako kanina sa pagluluto sa bahay. Naisip ko lang…na…na dalhan ka. K-kumain ka na ba? Ayos lang naman kung hindi mo rin kainin.” I laughed awkwardly, “Ugh…hindi naman kita pinipilit. Ano lang…ummm…b-baka nagugutom ka ulit? Hindi ako sigurado kung kumakain ka ng chicken curry pero meron rin naman akong dalang saging tsaka mansanan, baka ‘yon gusto mo? Tubig! Tubig, meron din ako. Baka nauuhaw ka. Ano…K-Kuya Luke, hindi naman ako namimilit…ano lang…baka…”
Hiningal ako pagkatapos ng mahabang sinabi. Naramdaman ko ang pamamawis ng noo dahil sa kaba. Hindi pa rin siya sumasagot kaya kinakabahan ako na baka nakakain na nga siya. Hindi naman sa ayaw kong masayang ito, gusto ko lang talaga siyang mas makasama pa ng matagal, magkaroon ng dahilan para manatili muna ako rito.
“Nasa loob ba ng bag mo yung dinala mo para sakin?” Mabagal akong tumango habang pinag-aaralan ang malumanay na ngiti niya sa labi.
“Akin na.”
“Ha?” Natulala ako. Ngumiti ito at siya na mismo ang nagtanggal ng bag ko mula sa balikat.
“Tara.” Mas lalo akong natulala sa kanya ng hawakan nito ang kamay ko. Isinukbit niya sa balikat ang bag at hinila ako kung saan.
Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kamay naming magkahawak. His hand is hard, it is rough in texture too, but why does it feel so good holding it? Napakalaki niyon kumapara ng akin pero hindi nagagapos ang kamay ko. He is too careful and gentle in holding it. Wala sa sarili akong napangiti.
“Kuya Luke, paano mo nalamang nandito ako?” He slightly tilted his head to glance at me.
“I will always find you.”
“Paano naman? Sinusundan mo ba ako?” Natawa ito samantalang nanatili lamang na nagtatanong ang mga mata ko.
“It doesn’t matter how. I will run to you whenever or wherever you are. Okay?” Parang bata akong napatango.
Hanggang sa maabot na namin ang ibig niyang puntahan, hindi nawala sa labi ko ang ngiti. Nasa school garden kami, hindi kalayuan sa clinic at nasa likod lang rin ng main building. Kapag may klase, hindi ito madalas puntahan ng mga estudyante dahil nasa liblib ito, mayabong ang mga puno’t halaman at madamo. Nakakatakot mapadpad dito nang mag-isa pero ngayong kasama ko si Kuya Luke, hindi ako matatakot.
“Bakit tayo nandito, Kuya Luke?” Nilapag niya ang bag ko sa parteng mababa lamang ang damo, umupo ito sa tabi non at iminuwestra ang katabi niya.“We will eat here. Hindi rito mainit at mas nakakaganang kumain kapag sariwa ang hangin.”Tumabi na rin ako sa kanya. Kinuha ko ang bag ko para ilabas ang mga laman nito. Naglatag muna ako ng malapad na panyo at doon ipinatong ang lunch box, ang mga prutas at ang tubig. While doing that, I saw him watching me. He didn’t say a word, nakatitig lang ito sakin habang inaayos ko iyon.“Kumakain ka ba ng chicken curry?”“Oo naman.” Binuksan ko ang takip ng lunch box at agad na inabangan ang reaksyon niya, “Ikaw ba ang nagluto nito?”“Tinuruan ako ni Manang Lary. Sana magustuhan mo.”Inumpisahan niya na itong kainin. Naghintay akong mapunta na iy
Nag-init na naman ang mga pisngi ko. Did he said that he likes me? Silly! Hindi naman iyon kagaya ng iniisip ko. He likes me as a friend, that’s all. Why am I even thinking beyond that? He won’t like me, he would never. Iyong mga kalebel niya lang ang magugustuhan niya, iyong mga sopistikada, matatangkad, magaganda at sexy. Iyong mga kagaya ni Ate Aizel na papantay sa estado niya.“Of course, I really should tell you what’s on my mind. I can’t lie to you.” Napangisi ito at bahagyang ginulo ang aking buhok.“That’s right. You can’t lie to me and I won’t lie to you. Too.” Bumalik ito sa dating ayos at pinagpatuloy ang pagkagat sa mansanas, “That how friends are supposed tobe, right?” Tumango ako bilang pagsang-ayon.“Then can I tell you what I think of right now?” Mabilis akong tumango. Umangat ang isang gilid ng labi nito.
He chuckled, “Don’t mind me. You know, I was just curious. Alin kaya yung mas masakit, yung manatili rito kasama ang mga bagay o taong nagpapasakit satin o ang mapunta riyansa taas para magpahinga pero malalayonaman sa mga taong importante satin?”Nahiga rin ako sa tabi niya, tumingin rin sa taas at inisip ang itinanong niya. Minsan naitanong ko na rin iyon sa sarili ko. Will it be more painful to stay here or to go there? Will it be easier to be there or to just stay here?“Sa tingin ko mas masakityungmaiwan dito ng taong mapupunta riyansa taas.” Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang napatingin sakin.“’Cause that’s what I felt when my mom went there.” Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Meanwhile, he just remained staring at me.“Ikaw Kuya Luke, ikaw naman ang magkwento tungkol sa sarili mo. Alam mo na ang
LikeThird Person’s P.O.V.Pinuno ng lahat ng mga staff sa eskwelahan ang mga upuang nakapalibot sa mahabang mesa sa loob ng conference room. Sa kabisera, kung saan naroroon ang pinakanaiibang upuan, nakatayo ang presidente na siya ring nagmamay-ari ng eskwelahan.“I apologize for suddenly calling an emergency meeting amidclass hours.” He smiled, “But this will be quick.”Lahat din sila ay nagulat sa biglang pagpapatawag nito ng meeting lalong-lalo na ang biglaan din nitong pagpunta sa eskwelahan. Unang beses pa lamang ito na makita siya ng mga bagong guro at pangalawa o tatlo pa lamang siguro ng mga matagal nang nagtatrabaho rito.Hindi naman kasi talaga ito madalas dito, kapag may kailangan o importanteng gagawin madalas ay pinapahatid niya lamang sa bahay niya ang trabaho, kapag naman may mga kailangang daluhang meeting o ev
Amaia’s P.O.V.Malapit nang magtago ang araw, halos nakauwi na lahat ng estudyante at pati mga guro, tapos na rin ang practice namin sa volleyball, ang tanging hinihintay ko nalang ngayon para makauwi ay ang matapos na ang lahat sa pagligo at pagbihis.Hindi ko magawang makisabay sa kanila, sa halip na magmadali at okupahin ang bakanteng cubicle, tahimik lamang akong naghihintay na matapos silang lahat. Ayoko nang maulit ang nangyari dati, ayokong mapagtripan nila ulit habang nasa shower ako. Kaya ngayon, kahit na gabihin pa, pinili ko pa ring maghintay para makaiwas sa mga maaari nilang gawin.Habang naghihintay sa mahabang upuan sa sulok ng locker room, hindi ko naman maiwasan ang paglipad ng isip ko sa nangyari kanina. Kuya Luke was watching our game, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na mapaisip kung naging maayos naman ba ang paglalaro ko kanina. Ayokong mapahiya sa kanya.Pinag-initan n
Third Person’s P.O.V.“Mine.” Sigaw ni Number 14 bago lumukso para hampasin ang bola papunta sa kabilang panig ng court.Nagawa iyong harangan ng blockers sa kabilang team, bumwelo si Amaia, nilipat ang bigat sa kaliwang binti bago tumalon nang napakataas at buong lakas na hinampas ang bola papunta sa parteng walang nakabantay. Pasok, walang nakahabol sa bola, puntos nila.Nagsigawan ang mga estudyanteng pumapanig sa team nila Amaia at sa lahat ng naroroon ay umangat ang hiyawan ng grupo ng mga kalalakihang nanonood sa bandang likuran nila. Nagsi-apiran pa ang mga ito, hindi maalis-alis ang mga ngising aso sa labi.Luke stepped inside the court, closer to the group of boys. Kanina pa ito nanonood mula sa malayo, hindi siya nakikita ni Amaia dahil nasa laro ang buong atensyon nito. But now that he is finally inside, imposible nang hindi pa rin siya makita lalong-lalo na kapag may gaw
Napatunganga si Amaia sa likuran niyang naglalakad na palayo. Hindi nito maintindihan kung bakit mukhang nagmamadali at balisa si Luke. Ano ba ang sasabihin nito at mukhang hindi na siya makapaghintay? May nagawa na naman ba akong kasalanan? Hindi niya maiwasang itanong sa sarili.But inthe end, she followed him but she took the route at the other side of the gym. Dala-dala ang bigat niya sa dibdib sa nakita kanina, sumunod pa rin ito kagaya ng lagi niyang ginagawa. Afterall, she can’t say no to Luke.May mga bilugang mesa na gawa sa bato sa likuran ng gym. Nakahilera ang mga iyon at may mga mahahaba na batong upuan ring kasama. Walang katao-tao roon dahil malapit nang magdilim at wala ring ilaw doon na nagpapamukhang nakakatakot sa lugar. Sumandal si Luke sa isang mesa habang nasa loob ng bulsa ang mga kamay.Mahigpit ang pagkakahawak ni Amaia sa laylayan ng kanyang damit. Doon niya binubunton ang kaba, kaba
Holiday“K-Kuya…Luke.” I mumbled. Kinakapos ako ng hininga, I couldn’t even move a bit. Isang pag-alsa lang ng dibdib ko upang humugot ng hangin, pakiramdam ko madidikit ulit ang labi o ilong nito sa balat ko sa leeg. It’s making my body tremble—no! It is making me crazy!“Hm?” Dinig ko roon ang panunukso. I don’t know why he is teasing me. Obviously, I’m not having fun with this pero hindi ko man lang siya maitulak palayo. Hindi ko man lang siya masabihang lumayo sakin.I can’t pretend as if I don’t like this, I can’t lie even to myself that I dislike this, ang ekspresyon ko sa mukha ay hindi rin kayang magsinungaling dahil alam ko, gusto ko rin ito. That I like him being this close to me. Even if it’s kind of uncomfortable, I want him close to me.“Ba…babalik na ako.”
Probably, that is the last thing that I would ever want to happen between us. But despite that, I still let it happen. I could have pushed him away, and I know he won’t force himself anymore. I could have easily pushed him away if I wanted to. So why didn’t I? How come I didn’t even try to resist him anymore?“Dominic is acting weird these days.”My fingertips are cold. Something feels like tickling my stomach from the inside. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na rin itong pagkakagat sa loob ng pisngi ko upang pilitin lang na alisin sa isipan ang alaala ng nangyari kahapon. Since last night, I have been occupied by those thoughts, those memories, by that heat emanating from his fingers as if I could still feel them today.“Lagi na lang siya umaalis, nagmamadali. Tapos kapag tinatanong, ayaw sabihin kung saan pupunta, minsan halata pang nagdadahilan lang.”Napahilamos ako ng mukha na siyang nagpatigil sa pag-uusap nila para mapatingin sa akin. Ilang beses ko na rin itong na
“When did you come?”“Around two, I think?”“It’s six now.”Napadilat ang mga mata ko sa gulat at akmang babangon na sana nang pigilan ako ng kamay nitong nasa bewang ko.“May importante ka bang gagawin o pupuntahan ngayong gabi?”Saglit akong napaisip bago umiling.“Then stay here for a while.”“But I brought food and medicines. Can you eat and take them for now?” Ngumiti ito.“Kanina pa ako gising. I already did. Thank you.”After he said that, I rested back on the bed, now his arm being my pillow. May maliit na siwang na sa kurtina at doon natanaw ko na ang kalangitang unti-unti nang dumidilim. Hindi narin kasing-init ng kanina ang balat niya.“I’m sor-”Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ay nagsalita na ito, “It’s not your fault.”“But you got sick because-”And for the second time, he cut me off, but not through his words but through kiss. He pulled me closer to him, pressing my body against his. A hard thing poking my stomach but my attention was focused more on his rough pa
Nakaupo sa mahabang sofa sa harapan ko sina Chezka, Nicole, at Yvonne. Nakatitig ang mga ito sa akin na tila ba isa akong akusadong kanilang hinahatulan. I just told them everything that has happened and the reason why I couldn’t go to them yesterday.At sa mga ekspresyon nila, hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang kanilang iniisip. Hindi naman mapanghusga o galit ang kanilang mga titig, subalit hindi ko rin masabing natutuwa ang mga ito.“And through that kiss, how did you know you like him?” naunang pang-uusisa ni Nicole.I bit my lower lip and unconsciously fiddled with my fingers.“W-when… when I didn’t want him to stop. Just like how it felt back then with Luke,” I said so quietly, as if afraid that they’d hear me.“God, Amaia!” bulalas ni Nicole.“I am in trouble, right?” Mapait akong ngumiti.Ibinuntong-hininga ni Nicole ang hindi makapaniwala niyang tingin sa akin. Si Yvonne nama’y nanatiling nakakatitig, mukhang nag-iisip pa rin ng sasabihin.Nang bumaling ako kay Chezka
I didn’t wait for the rain to stop nor did I wait for him to come back. Sinulong ko ang malakas na buhos ng ulan nang walang kahit anong pansilong, patungo sa kabilang direksyon, kung saan hindi ko ito makakasalubong, kung saan makakatakas ako nang matagumpay. But when I arrived at the shed outside the school, I only stood there helplessly, unknowing of what to do next. Where should I go now? Hindi ko pwedeng puntahan ang mga kaibigan ko nang ganito ang ayos. If I stand here longer, wait for the rain to stop or let myself dry from the wind, would he come finding me here through this rain? Or if I go home now, would he be the one I’ll find at my door, waiting for me? Despite knowing the possibility of that happening, pumara pa rin ako ng taxi, I still decided to go home. If i don’t see him there, better. And if I do, I’ll just do what I have been always good at-running away. Noong huminto na ang taxi sa tapat ko, patakbo ko itong tinungo. I extended my arms to reach for the door ha
“Don’t stop halfway. You’ll drive me crazy,” he whispered, voice sounding husky before the heat of his lips dispersed from my mouth into my entirety.Nakarinig kami ng pagkatok sa pintong nasa likuran ko subalit hindi niya ito binigyan ni katiting na pansin.“Topher, you in there?” Von called.Ginamit niya ang ingay ng boses at pagkatok nito upang mapasandal ako sa pinto. The knock reverberated at the back of my head. Ngunit kahit gaano pa man kaingay, pawang hindi ko ito marinig. All I can hear are the silent noises that our lips make.Kinuha niya ang bag kong nakasabit sa aking balikat at marahan itong binagsak sa sofa sa gilid. Dinala niya ang magkabila kong kamay pagkatapos upang iyapos sa kaniyang batok. At kahit hindi niya naman diniktahan, kusang naglakbay ang mga daliri ko upang haplusin ang likuran ng ulo niya, papunta sa kaniyang tenga, pababa sa leeg niya.“Baka nakaalis na. Let’s go back,” dinig ko ang boses ni Hanes. Natigil na ang pagkatok at hindi na rin namin narinig
“Saan mo planong pumunta pagkatapos nito?”Napakurap ako at tila roon lamang luminaw ang ingay ng mga yabag ng mga kaklase kong naghahanda nang umalis. I saw our professor already went out of the room, nag-iingay na ang lahat at kaniya-kaniyang yayaan kung saan sila pupunta.Dalawang subjects lang ang klase namin ngayon kaya half-day lang kami ngayon. At sa dalawang subjects na iyon, I don’t know if I even have any takeaways.Hinanap ng mga mata ko si Dominic. Mabilis na pagsulyap lang sakin ng suplado niyang tingin at inanod na ito ng pag-akbay ng isang lalaking kaklase namin papalayo sa paningin ko. Tiningala ko si Chezka sa gilid ko.“Hindi ko alam, eh. Ikaw?” Inumpisahan kong iligpit ang mga gamit.Sa dalawang subjects na iyon, iilang salita lang ang nagawa kong maisulat sa notebook ko.“Are you still preoccupied about last night?”Umilaw ang cellphone ko at nakita ang mensahe ni Ate na nagyayayang sumabay kumain ng lunch sa kanila.“Have you opened our GC? Nagyayaya ang dalawang
"I miss Luke."Alam ni Topher na ilang beses mang dumampi ang mga labi nito sa kaniya, wala pa ring magbabago sa nararamdaman nito para sa lalaki. Na kahit ilang beses niya pang subukang burahin ang bakas ng mga labi ni Luke sa dalaga, ito at ito pa rin ang maaalala ni Amaia sa tuwing maglalapat ang mga labi nila.Alam ni Topher na alam ni Amaia na mali ito una pa lang, na mali ito at hindi na maaari pang sundan, na mali ito at hindi na pwedeng ipagpatuloy pa. Subalit mali man, nagagawa niya pa ring ulitin, nagagawa niya pa ring hayaan ang lalaking gawin ang mga hindi dapat, at ang sarili niya na gawin ang mga bagay na hindi rin dapat.But just like what Topher said, she is nice, kind, and a wonderful person. And maybe because she is nice, kind, and a wonderful person, that’s why she can’t push him away so easily. Lalo na dahil sa ginawa niya at pagsisinungaling kay Aizel tungkol sa nangyari noong gabing iyon. He is sure Amaia feels bad about it and blames herself for it.And right no
“You’re crazy,” giit ko. I heard him chuckle. And for unknown reason, I found myself smiling when he chuckled. Ginawa kong daan ang pagbubukas ng pinto sa aking unit upang isawalang bahala ang pagngiting iyon. Sinalubong ako ng nakasisilaw na sikat ng araw sa tanghali dahil iniwan kong nakahawi ang kurtina rito kanina. I pulled my necktie and unfastened the first three buttons of my uniform’s blouse. Ang kaninang nakatali na buhok ko ay ngayo’y nilugay ko na. “Hindi mo ako pipigilan?” I remained silent for a while. Binagsak ko ang sarili sa sofa, pumwesto sa pinakadulong parte kung saan natitirang tumatama ang sikat ng araw. From here I could have a glimpse of the city below me. The roads, the buildings, the tight array of cars, the people walking by the sidewalk, the remaining fields left untouched in the middle of the city. I let the heat kiss my already burning cheeks as I spy on them. “Makikita ka nila,” malumanay kong bigkas. “Should I hide?” Dinig ko ang pagkasarkastiko ni
Hinawi ko ang malaking kurtina. Tirik na ang araw sa kalangitan, wala masyadong kaulapan. At kahit na nakasisilaw ang liwanag nito, pinili kong titigan pa rin iyon. It hurt my eyes, but this is better than to see his face in every corner of my room.The heat permeating through the glass window was better than the lingering feeling of the warmth of his touch in my hand and face.Ang galit niyang mga mata ang huling bagay na nakita ko bago ko siya tinulak noon at pagsarhan ng pinto at iniwan. Ang galit niyang mga mata ang huling laman ng isip ko bago nakatulog kagabi hanggang nang magising kanina.At pagkatapos ng huling sinabi niya pa kagabi, mas lalo na akong natatakot sa mga mangyayari pa.Napukaw ako ng pag-buzz at pagkatok na nila sa pinto, nasa labas na sila. Bago buksan ang pinto ay huminga pa ako nang malalim. I hope that the constant uneasiness I have been having since last night won’t show on my face. Nagtatangkang sumiklab ang kaba ko subalit pinigilan ko na ito bago pa lumal