Home / Romance / Manipulated Love Affair / Chapter 4 - UNSPOKEN FEELINGS

Share

Chapter 4 - UNSPOKEN FEELINGS

Author: Sham M. Villaflores
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.

“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.

“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”

“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”

Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.

“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”

“May pagka-praktikal ka pala.”

“Peace loving lang.”

Patlang.

“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.

Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied. Kung siya ang papipiliin, hindi niya gustong makita o maramdaman man lang ang presensiya nito sa kasalan baka kasi ipagkanulo siya ng sariling damdamin.

“I’ll try for Xander’s sake,” seryosong anito.

“Thanks.”

Muling namayani ang katahimikan hanggang sa marating nila ang pakay na lugar. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Naroon na sa tapat ng simbahan ang kasama sa entourage. Hindi na siya nakatanggi nang hawakan nito ang kamay niya at igiya siya patungo sa karamihan partikular sa groom.

“Heiley, you look stunning!” manghang-manghang papuri ni Troy sa kanya. Nangiti lang siya. Nakapusod lang naman sa taas ang buhok niya at simpleng make-up din lang ang nasa mukha niya. Ang tingin niyang mas nagpatingkad sa kagandahan niya ngayon ay ang gown na suot niya. Maganda kasi ang tabas at uri ng tela. “Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka na pinakawalan ni Xander,” makahulugang dugtong nito.

“Nandiyan na ang bride!” excited na pahayag ng isa. Ang lahat ng atensyon ay napako sa paparating na bridal car. Nang magbukas ang pinto ay naroon na si Troy upang salubungin ang makakaisang-dibdib. Masaya siya para sa kaibigan.

“Heiley, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Cindy nang makalapit sa kanya.

Bigla siyang nahiya. “A-Ano ka ba? Dapat kasal mo lang ang iniisip mo huwag kung ano-ano. Siyempre ayos lang ako, as always.” Nagpakawala siya ng maluwang na ngiti para hindi na ito mag-alala. Alam kasi nito ang hinaing niya tungkol sa naging pagbabago ng takbo ng buhay niya lately.

“Nasaan ang groom to be mo?” usisa nito.

“He has an appointment,” singit ni Zeck.

“Pero susubukan niya raw um-attend sa reception,” segunda niya.

“Ganoon ba. Sana makaabot siya para masabon ko. Biro lang.” Masayang humalakhak si Cindy bago nagpasyang simulan na ang seremonya.

Naging solemn at nakakaiyak ang tagpong iyon para sa mga kinakasal. Habang pinanonood ni Heiley ang pagiging isa ng dalawa dahil sa pag-ibig ay hindi niya mapigilang manibugho. Ilang linggo na lang ikakasal na rin siya kay Xander pero hindi siya na-e-excite sa mangyayari. Ang nalalabing linggo ay ilalaan niya sa pagtanggap ng katotohanan para kapag nasa sitwasyon na ay hindi na siya mahihirapan pang tanggapin ang magaganap.

 

“Bakit hindi ka makiumpok doon?” untag ni Zeck mula sa likuran. Tinutukoy nito ang pakikipag-agawan sa ihahagis na bulaklak ni Cindy.

“Hindi kaya para sa iyo ang linyang iyan?” Hindi rin naman kasi ito nakiumpok sa ihahagis na garter ni Troy. Kung ikukumpara kasi sa kanya na engage na, mas kailangan nito iyon.

Bahagya itong tumawa. “Hindi mo na nga pala kailangang makipila. I almost forgot that you’re engaged to Xander.” Nilingon niya ito at nakita niya ang ngiti sa labi nito saka unti-unting sumeryoso ang anyo.

Haay, nakakatunaw ang kaguwapuhan mo!

“If you were only there I won’t hesitate to join them because I love the idea of wearing that garter on your leg,” seryosong anito.

Kakaiba ang hatid ng linyang iyon sa sistema niya. Para siyang kinilig na ewan. Lalo na nang titigan niya ito. Nakatanaw pa rin ito sa pinanonood nila pero halatang nasa malayo ang isip. Nangingiti pa. Tila ba naglalaro sa isipan nito ang sinabi kanina. Bigla siyang pinamulahan nang maglaro rin sa isipan niya ang eksenang gusto nitong mangyari. Pinilig niya ang ulo.

Gusto ko ang eksenang iyon pero mas gusto ko kung ikaw ang magiging groom ko sa darating na kasal namin ni Xander. Iyon sana ang laman ng kanyang puso pero iba ang lumabas sa bibig niya. “Ang ganda ng chikababe na nakasalo ng bouquet. Sinayang mo ang pagkakataon.”

Nagpakawala ito ng malalim na paghinga. Nang tingnan niya ito ay seryoso na ang mukha. Walang kangiti-ngiting nakatingin sa pinanonood nila. Nagkibit-balikat na lang siya. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang katagang iyon ng binata dahil sasaktan niya lang ang sarili. Hindi na mababago ng katagang iyon ang napipinto niyang pagpapakasal kay Xander at kung sakaling may pagtingin din ito sa kanya, too late.

 

“Alam mo mas bagay kayo ni Zeck. Bakit kaya hindi mo kausapin ang ama nila at i-request mo na sa kanya ka na lang magpakasal,” suhestiyon ni Cindy sa kanya. Katatapos lang ng reception. Iilan na lang ang naroon kaya nakikipagkuwentuhan na ang mga bagong kasal.

Napapailing na lang siya pero sa kabilang banda, bakit nga ba hindi niya iyon naisip noong na-realize niya na may pagtingin siya kay Zeck, Santillan din naman ito?

“Nakakainis kang lukaret ka. Bakit ngayon mo lang naisip iyan?” pabirong sabi niya.

“Ayiii...in love ka talaga kay Zeck, `no?” Sinundot pa siya nito sa tagiliran.

“Huwag ka ngang maingay!” saway niya. Malapit lang sa kinaroroonan nila si Zeck at kung hindi lang dahil sa ingay ng mga tao baka narinig na nito ang pinag-uusapan nila.

“Mabuti sana kung mutual ang feelings namin sa isa’t isa eh bokya ata ang rate ng beauty ko sa ugok na iyon.”

Nagpakawala ng tawa ang kaibigan bago nagsalita. “Well, mahirap nga raw talagang hulihin ang kiliti ng ugok na iyon. May nakaraan kasi pero ayaw rin namang ipaalam sa akin ni Troy. Malamang nawasak na rin ang puso niya ng isang babae.”

“Para iyon lang ayaw na niya uli ma-in love?” Napatingin siya sa gawi ni Zeck. Seryoso rin itong nakikipag-usap kay Troy. “Sayang ang lahi niya kung tatakbuhan niya lang ang lahat ng babae dahil minsan nang nawasak ang puso niya. Kalokohan iyon.”

“Palibhasa hindi ka pa na-i-in love ng bongga kaya mo iyan nasasabi.”

Akala mo lang iyon!

Sa kasalukuyan ay in love siya kay Zeck mismo. Ang lahat ng naramdaman niya para sa binata ay hindi niya naramdaman sa mga ex niya. Kapag nakikipag-break siya noon makakaramdam siya ng lungkot at pangungulila pero hindi kasing-tindi nang nararamdaman niya ngayon. Ang kaalamang ikakasal siya sa iba at wala man lang pakialam ang ugok na iyon kahit ilang beses na nilang pinagsaluhan ang maaalab na halik ang nagpapasikip sa dibdib niya.

“Di ba nga nag-hmmm-hmmm na kayo?” rinig niyang ani Cindy.

Nilingon niya ito na nakakunot-noo. “Anong hmmm-hmmm?”

“Ganito.” Nakangiti nitong pinagkiskisan ang magkakasalikop na daliri ng mga kamay.

“Lukaret ka talaga! Tigilan mo nga iyan!” saway niya. Kibit-balikat nitong tinigil ang ginagawa. “Iyong kissing scene namin no feelings involve,” halos pabulong na aniya. “Alam mo na lalake. Eh ako naman si madaling bumigay. Tanga.”

“Bakit kasi hanggang doon lang. Sana tinodo mo na para nahumaling sa iyo tapos ang ending panira ka ng pamilya.” Humalakhak na naman ito sa sarili nitong biro.

“Loka-loka ka talaga!” May punto naman ang huling tinuran nito. Kapag pinaglaban niya ang pag-ibig kay Zeck may posibilidad nga na mag-away ang magkapatid.

“At least sa pagiging loka-loka ko nakabingwit ako ng isang Troy na minahal ang pagiging lukaret ko. Hindi tulad mo, pakakasalan ka lang ni Xander dahil sa kasunduan. Well, bagay lang naman sa iyo ang set-up na iyan. Dull ka kasi.”

Alam niyang hindi intensyon ng kaibigan na saktan siya pero nasaktan talaga siya sa pinagsasabi nito. May punto din naman kasi. Hindi na siya umimik.

“Joke lang iyon, Heiley. Tampururot ka agad diyan,” pang-aalo nito. “Siyempre, alam ko naman na sa kabila ng pagiging dull ng buhay mo eh hindi ka naman talaga ganoon ka-dull. Kailangan mo rin lang ng right guy para i-enhance ang funny side mo. Kaya nga medyo hindi ko gusto si Xander para sa iyo kasi mukha rin naman siyang dull.”

“Parang iyong manok mo hindi dull, huh.”

“Ahuh! Huwag kang pakasisiguro. Ayon kasi kay Troy, si Zeck daw ang pinakatahimik sa magkakapatid pero iba kung gumawa ng gimik especially kung para sa minamahal.”

“Ahem! Parang narinig ko ang pangalan ko,” singit ni Zeck.

Parang gustong tumakbo ni Heiley at magtago kung saan nang makita si Zeck. “K-Kanina ka pa diyan?”

“Ahuh,” tango nito. “Narinig ko na mas gusto ako ni Cindy para sa iyo.” Makahulugan pa itong tumitig.

Medyo nakahinga siya ng maluwag. Kung hanggang doon lang narinig nito malamang hindi nito narinig ang mga unang napag-usapan nila.

“Maiwan ko na kayo. Pupuntahan ko lang ang mister ko. Enjoy each other’s company.” Gusto sanang pigilan ni Heiley ang kaibigan pero hindi niya nagawa. Naiwan siyang tameme sa harapan ni Zeck.

“Let’s get out of here.”

“Huh?” Hindi na siya nakatutol nang hilahin siya nito palabas patungo sa kotse nito. “T-Teka lang. Hindi pa ako nagpapaalam kay Cindy at saka si Xander baka dumating.”

“He called up. He’s not coming.”

Napilitan tuloy siyang sumakay. Nang makaupo na sila pareho ay kinausap niya ito. “Bakit hindi sa akin tumawag si Xander?”

“You don't believe me?” may galit sa tonong sita nito.

“H-Hindi naman sa ganoon.” Napayuko na lang siya. Wala siyang kalaban-laban sa nagngangalit na anyo nito. Narinig niyang umandar ang makina kapagdaka’y umusad ang kanilang sinasakyan.

Namayani ang katahimikan.

"I’ll take you home now," basag nito sa katahimikan. Nang lingunin niya ito ay napakaseryoso na ng anyo nito kaya pinili na lang niyang manahimik. Nang marating nila ang mansyon ay agad siyang pinababa sa sasakyan. Ayon dito ay ipagpapatuloy na nito ang business trip.

Gusto niya sana itong komprontahin. Nais niyang isiwalat ang itinatagong damdamin pero hindi siya nagkalakas loob. Kailangan niya nang tanggapin ang kapalarang naghihintay sa piling ni Xander...

Related chapters

  • Manipulated Love Affair   Chapter 1 - I'm Not A Cannibal!

    CHAPTER 1 Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu. Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito. Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’. Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siy

  • Manipulated Love Affair   Chapter 2 - Magnetic Gaze

    CHAPTER 2 Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck. Heiley, just relax... Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Bahala na! Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pa

  • Manipulated Love Affair   Chapter 3 - COLLATERAL

    Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.

Latest chapter

  • Manipulated Love Affair   Chapter 4 - UNSPOKEN FEELINGS

    Kanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”“May pagka-praktikal ka pala.”“Peace loving lang.”Patlang.“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied.

  • Manipulated Love Affair   Chapter 3 - COLLATERAL

    Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.

  • Manipulated Love Affair   Chapter 2 - Magnetic Gaze

    CHAPTER 2 Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck. Heiley, just relax... Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Bahala na! Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pa

  • Manipulated Love Affair   Chapter 1 - I'm Not A Cannibal!

    CHAPTER 1 Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu. Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito. Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’. Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siy

DMCA.com Protection Status