Home / All / Manipulated Love Affair / Chapter 1 - I'm Not A Cannibal!

Share

Manipulated Love Affair
Manipulated Love Affair
Author: Sham M. Villaflores

Chapter 1 - I'm Not A Cannibal!

last update Last Updated: 2021-07-07 18:08:54

CHAPTER 1

Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu.

Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito.

Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’.

Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siya paharap sa kanan, isinandal ang dalawang kamay sa armrest ng kinauupuan at pinagmasdan ang mga ulap sa labas ng bintana. Maaaninag sa maaliwalas niyang mukha at aura ang kapanatagan at kakuntentuhan sa buhay.

Ulila na siya sa ama at namumuhay na lamang kasama ang ina at nag-iisang kapatid na lalake. Bakas sa maaliwalas niyang mukha na hindi siya gaanong nakaranas ng paghihirap kung ikukumpara sa karamihan. Masasabi niyang masuwerte siya at hindi ganoon kabigat na mga suliranin ang kanyang pinasan. Marahil, dahil na rin sa pagiging peace loving kaya madalas niyang iiwas ang sarili sa maaaring magsuong sa kanya sa hindi magandang sitwasyon.

Kapag tumitimbang siya ng suliranin mas pinipili niya ang mas madaling solusyon sapagkat hindi siya mahilig mag-risk. Hindi siya adventurous. Walang masyadong thrill ang buhay niya. Ika nga ng marami, boring.

Well, kung career ang pag-uusapan, masasabi niyang hindi naman ganoon kaboring ang buhay niya. Marami siyang nakakasalamuha. Iba’t ibang uri ng tao sa magkakaibang antas ng pammumuhay. Madalas siyang bumiyahe dahil hinihingi ng trabaho hindi dahil trip niya lang. Marami rin siyang natututunan sa mga research na ginagawa niya para sa mga artikulong nakaatang sa kaniya.

Kung lovelife naman ang pag-uusapan, sa kasalukuyan ay betlog siya. Zero lovelife kungbaga. Minahal naman niya ang mga nakarelasyon dati pero tanggap niya ang kasabihang kung hindi ukol hindi bubukol. Parating bukas ang puso niya sa anumang posibilidad para magmahal at hangga’t hindi pa dumarating si Mr. Right, hindi siya mapapagod mag-antay.

 

Hindi mapagkit ang tingin ni Zeck sa mukha ng katabi. Bibihira lang siyang makakita ng ganoon kaaliwalas na mukha ng isang tao. Tila walang problema ang babaeng abala sa pagmamasid sa tanawing nasa labas ng bintana. Tila nasisiyahan nitong pinanonood ang mga ulap.

Pinilig niya ang ulo.

Sumandal at pumikit.

Marami ang mapagbalatkayo sa paligid. Iyon ang katagang parating pinapaalala niya sa sarili. Maaaring sa likod ng maaliwalas na mukhang iyon nagtatago ang isang mabigat na suliranin. Karamihan sa masasayahing tao ay dumaranas ng matinding kabiguan na nagagawa lamang ikubli sa maskara ng isang masayahing mukha.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkayamot. Galit siya sa mga taong mapagpanggap. Ano man ang rason at kahit anong paraan ng pagpapanggap. Para sa kanya larawan pa rin iyon ng hindi pagiging totoo.

Naglaro sa isipan niya ang nakaraan...

Pinilig-pilig niya ang ulo. Hindi na dapat binabalikan ang pangit na pangyayari.

Muling naglaro sa isipan niya ang maaliwalas na mukha ng babaeng katabi kaya napamulat siya. Pagtingin niya sa gawi nito ay nakasandal na rin ito sa upuan. Nakapikit. Tila alipin na ng panaginip. Kahit sa pagtulog makikita ang kapanatagan sa mukha nito.

Hindi niya mawari kung ano’ng hatak mayroon ang katabi pero nagawa niyang pag-aralan ang anyo nito. Dahil nakapikit, litaw ang malalantik at mahahaba nitong pilikmata. Bumagay iyon sa katamtamang pagkasingkit ng mata nito, base sa nasaksihan niya kanina habang nakamulat ito. Tamang tangos ng ilong at mamula-mulang mga labi na bahagya pang nakaawang. Hindi naman iyon nakabawas ng ganda nito bagkus ay cute iyon sa paningin niya.

She’s simply beautiful. Hiyaw ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Simple lang ito manamit. Blouse at pantalon lang. Tanging relo ang aksesoryang suot nito. Nagtataglay ito ng makinis at katamtamang puti ng balat. Medyo mabalbon, pino ang mga iyon.

Nakatitiyak siyang hindi ito kabilang sa mundo ng mga alta-sosyedad na madalas niyang makasalamuha.

“Kuya Zecky, do you like her?”

Napaling ang atensyon niya sa nagsalita. Sa kaharap na upuan nakadungaw ang bunsong kapatid na si Sabrina. Ang labing-anim na taong gulang na dalagita ang nag-iisang babae sa kanilang apat na magkakapatid. Yumao na ang kanilang ina apat na taon na ang nakararaan.

“Sabrina, stop it.”

Bagamat hindi nasilayan, alam ni Zeck na ang kanilang ama ang nagsalita. Ito ang katabi ni Sabrina. Napasimangot ang huli bago nagpasyang ayusin ang pagkakaupo. Nakahinga siya nang maluwag. Madaldal at maingay ito na kabaliktaran naman ng personalidad nilang apat na barako sa pamilya. Muli niyang tinapunan ng tingin ang katabi bago nagpasyang samahan ito sa pagtulog.

 

Naalimpungatan si Heiley sa mahihinang tapik sa kanyang pisngi kasabay ang tinig ng isang lalake na nagsasabing ‘Miss, we’re about to land’. Rinig din niya ang boses ng isang flight attendant na nagpapaalala sa mga pasahero. Unti-unti ang ginawa niyang pagmulat sa mata. Isang malawak na ngiti ang pinawalan niya na lagi niyang ginagawa sa tuwing gigising. Unti-unting nabura ang ngiting iyon nang mapagtantong nakahilig pala ang ulo niya sa balikat ng katabi. Dagli siyang napatuwid ng upo. Nasilayan niya ang pormal na mukha ng lalakeng katabi. Marahil hindi nito nagustuhan ang pagsandig ng ulo niya sa balikat nito. Mukha kasi itong mayaman at maselan.

“I-I’m sorry...” hinging paumanhin niya.

Hindi nito pinansin ang paghingi niya ng paumanhin, sa halip, may dinukot ito sa bulsa ng pantalon nito. Mayamaya’y in-spray-an nito ng hawak na maliit na botelya ng pabango ang balikat kung saan siya sumandal! Bagamat mabango at banayad ang amoy ng pabango nito hindi pa rin niya napigilan ang sariling bumulusok sa galit. Nainsulto siya nang husto sa inakto nito.

“Excuse me, hindi po ako naglalaway and if ever man na nalawayan ko iyang polo mo hindi naman ako bad breath para gawin mo ang nakakainsultong bagay na iyan sa harapan ko!” Natutop niya ang bibig sa pagkabigla. Masyado naman atang eksaherada ang reaksiyon niya. Pero nangyari na ang nangyari, kaya wala na siyang magagawa kundi makipagtitigan sa sininghalan. Naroon pa rin ang galit sa kanyang mga titig.

Ito nama’y tila binabasa ang reaksiyon niya tapos ay nakangisi nitong sinabi “Miss, I don’t see anything wrong with spraying a perfume, so stop staring at me like you are a cannibal.”

Nakisabay sa tinis ng ugong ng makina ng eroplano ang pag-ahon ng galit sa dibdib niya nang marinig ang mga kataga nito. Naramdaman niyang sumayad na sa lupa ang eroplano kasabay niyon ay ang pilit na pagpapakalma sa kanyang sarili.

Nang ipaalam ng stewardess na maaari na silang bumaba ay agad niyang kinalas ang pagkakapulupot ng seatbelt sa kanyang katawan. Lakas loob niya muling binalingan ang seatmate na abala sa pagkuha ng bagahe nito.

“Mister,” kalabit niya. Nakakunot-noo itong lumingon. “FYI, hindi masamang magpabango pero kung ginawa mo iyon in a mean way ibang usapan iyon.” Pahablot niyang kinuha ang sariling bagahe. Paalis na sana siya nang may maalala kaya muli niya itong hinarap. “Isa pa, hindi ako cannibal at lalong hindi ako bad breath!” singhal niya dito at agad na humakbang palayo.

“Nice one!” thumbs up na singit ng isang dalagita sa harapan ng kinauupuan nila.

Nabigla man ay nginitian na lamang niya iyon. Habang nakamasid dito ay may nabunggo pa siya. Hindi na lang niya iyon pinansin at tuluyang naglakad palayo.

 

Pagkagaling sa airport ay nagpadiretso si Heiley sa bahay na tinutuluyan. Kasama niyang nanunuluyan doon ang ina at nag-iisang kapatid na lalake. Sinalubong siya ng ina at kapatid na si Archie. Humalik ang mga ito sa pisngi niya.

“Ate, nanlalake ka sa Korea, `no?” panunuksong bintang ng kapatid.

“Huh?” kunot-noong aniya.

“Kunwari ka pa. Amoy pabango ng lalake ang damit mo.” Inamoy-amoy niya ang damit. Hindi naman. Pabango niya ang naamoy niya. “Huwag mo nga akong pag-trip-an. Hindi ko ibibigay ang pasalubong mo.” Pananakot niya sa kapatid.

“Sa manggas naninikit iyong amoy. Mayroon pa nga sa leeg. Malamang nilapa ka sa leeg ng lalake mo!” pahalakhak na tukso nito.

Napaawang ang bibig niya. Naalala niya ang aksidenteng pagkakahilig sa balikat ng seatmate sa eroplano. Malamang doon niya iyon nakuha. Napasimangot siya nang maalala ang ginawang pang-iinsulto sa kanya ng seatmate niya na iyon. Mukha pa namang edukado hindi marunong gumalang sa babae. Pananamit at hitsura pa lang mukha na itong mayaman. Masasabi niyang may hitsura rin ito.

Teka! Bakit ba niya pinag-aaksayahang isipin ang ugok na iyon?

Nagbabanta niyang tinapunan ng tingin ang kapatid. Dito niya binaling ang pagkayamot.

“Sige na nga. Hindi ka na nanlalake. Iyong pasalubong ko, ha.” Pakasabi niyon ay tumalikod na ito at lumakad palayo.

Ang ina naman ang napuna niya. Tila may bumabagabag dito.

“May nangyari bang hindi maganda habang wala ako?” usisa niya sa ina.

“Wala naman anak,” pilit itong ngumiti. “Huwag mo na akong pansinin. Ganito talaga `pag tumatanda. Halina sa hapagkainan siguradong gutom ka na.”

Nagpatiuna naman siya at isinantabi ang napansin. Nanabik siya sa luto ng ina kaya naparami siya nang kain. Nakatanggap siya ng tawag mula sa pinagtatrabahuhan at pinag-re-report agad siya bukas. Mabuti pala at umuwi na siya. Noong isang araw pa sana siya nandito kasama ng photographer at interpreter pero naisipan niyang magpaiwan para puntahan ang ibang magagandang lugar sa Seoul.

“Anak,” tawag ng ina sa kanya habang kinakalikot niya ang kuko sa paa.

“Ma, kung ano man ang bumabagabag sa iyo sabihin mo na. Tungkol ba iyan kay Archie?” tukoy niya sa bunsong kapatid.

“Ano kaya kung ipagpatuloy mo na iyong pangarap mong makapag-aral sa Amerika ng Filming?”

Natigilan siya sa ginagawa. Kunot-noo siyang napatingin sa ina. Nakapagtatakang ito pa ang nag-uudyok sa kanya na gawin iyon samantalang dati-rati ay panay ang kontra nito sa plano niyang iyon kaya nga hindi na lang niya tinuloy ang balak.

“Huwag mo naman akong titigan ng ganyan, Heiley.” Bihira lang siyang tawagin ng ina sa pangalan kaya talagang naguguluhan na siya sa inaakto nito. Nanatili siyang walang kibo sapagkat ramdam niyang may nais pa itong sabihin. “Naisip ko kasi nasa tamang edad ka na para pabayaan sa gusto mong gawin. Napatunayan mo na sa akin na kaya mo nang mabuhay sa sarili mong paraan. Hindi na ako gaanong mag-aalala kung malayo ka sa amin. Isa pa, gusto ko ring sundin mo ang pangarap mo.”

Kumbensido naman siya sa mga sinabi ng ina ngunit malakas ang kutob niyang may iba pang dahilan kaya bigla na lang nito iyong inungkat. Iniwan niya ang ginagawa. Nilapitan ito at hinarap. Ginagap niya ang palad nito. “Ma, masaya at kuntento na ako sa kinahinatnan ng buhay ko ngayon. Maaaring pinangarap ko ang filming dati pero hindi na iyon ang desire ng puso ko. Ang nais ko na lamang sa buhay ay makasama kayo ni Archie. Manatili tayong malulusog at maligaya na magkakasama.”

Ngunit hindi nabawasan ng mga katagang binitiwan niya ang alalahanin sa mukha ng ina. Inagaw nito ang palad at tinalikuran siya. “Kung iyan ang desisyon mo wala na akong magagawa.” Agad itong naglakad palayo. Naiwan siyang naguguluhan.

Nang kausapin niya ang bunsong kapatid, nalaman niyang may naging panauhin ang kanyang ina habang wala siya. Hindi naman daw nito narinig ang pinag-usapan ng mga ito sapagkat mismong ang ina ang nagbawal dito na makinig sa usapan. Simula raw noon ay naging balisa na ang ina at parating malalim ang iniisip.

Kapag nagkaroon siya ng pagkakataon, kakausapin niya ng masinsinan ang ina. Hindi puwedeng ganoon na lang ito palagi.

 

Ngunit ang balak na makasarilinan ang ina ay hindi niya mabigyan ng panahon sa kadahilanang maraming naka-line up na artikulo sa kanya para sa mga susunod na isyu ng TeenyMag. Bawat isyu ng nasabing magasin ay may isang artikulo siyang kontribusyon.

Minsan, nagmumula sa kanya ang topic, ideya o itatampok pero mas madalas na ang pamunuan ang nagbibigay niyon at bahala na siyang mag-research at dumiskarte sa artikulong inatang sa kanya. Mabuti at madalas pulos researching lang ang binibigay sa kanya. Minsanan lang ang magkaroon ng interview kaya ikinatuwa niya ang pambihirang panayam na iyon sa South Korea. Enjoy rin kapag sa big event or gig siya ina-assign na bihira mangyari sapagkat contributor writer lang naman siya.

Ang pinagtatakhan niya, sa mga susunod na buwan pa naman isasama ang ilang artikulo na pinagagawa sa kanya kung madaliin siya parang deadline na.

Sa kabilang banda, naisip niyang mas maigi iyon. Magiging maluwag ang oras niya sa mga susunod na buwan. Magkakaroon na siya ng oras para makausap nang masinsinan ang ina tungkol sa bumabagabag dito.

Isa pa, mas dapat niyang pagtuunan ng oras ang pagiging exclusive writer and editor ng D Elite magazine sapagkat doon siya may kontrata.

Ayon sa pamunuan ng D Elite, aprubado na ang susunod na itatampok na pamilya sa nasabing magasin. Mga kilalang tao at galing sa alta-sosyedad na mga angkan ang itinatampok dito.

Sa kasalukuyan, ang target ay angkan ng mga Santillan. Ayon sa karamihan, mga pribadong tao ang mga ito at bihira mapapayag sa isang panayam. Nabibilang sa daliri ng isang kamay ang artikulong nababasa ukol sa personalidad ng bawat miyembro ngunit hindi naman mabilang sa daliri ng kamay at paa ang ilang artikulong nagpapakilala na ang angkan ay isa sa pinakamayayaman sa bansa at angat sa usaping negosyo. Marami-rami nang naitampok sa D Elite pero sa palagay niya, ito ang pinakapag-uusapan at aabangan ng mga mambabasa ng nasabing magasin.

Wala sa loob na tinapunan niya ng tingin ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga Santillan. Bubuklatin na lamang iyon nang mag-ring ang telepono. Agad niyang dinampot ang awditibo.

Ang matalik na kaibigang si Cindy ang nasa kabilang linya. Pinaalala nito ang usapan nilang pagkikita mamaya. Saglit lang naman ang naging pag-uusap nila. Alam kasi nito na madalas siyang makalimot sa usapan kaya sanay na siya sa pagpapaalala nito. Sa totoo lang, nakalimutan nga niya na may usapan sila.

 

Simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot ni Zeck habang papasok sa hindi gaanong class na restaurant. Sapat lang ang get-up niya sa tinukoy na lugar. Dumiretso siya sa counter area para itanong kung saang mesa ang inukopa ng katagpong kaibigan. Iginiya naman siya ng isa sa mga waiter sa lugar. Tinuro nito ang mesa na inuukopahan ng isang babae. Nagpasalamat siya at binigyan ng tip ang binatilyong waiter.

“You must be Cindy. Where is Troy?” untag niya sa babaeng abala sa pagkalikot ng hawak nitong cellphone. Nang mag-angat ito ng mukha ay pareho pa silang nagkagulatan. Umahon ito sa kinauupuan at handa na sanang magsalita ngunit nabitin sa ere.

“We’re late!”

Kapwa sila napalingon sa direksiyon ng mga paparating. Si Troy iyon kasama ang isang simpleng babae. Kung ganoon, hindi pala ang nadatnan sa mesa ang kasintahan ng matalik niyang kaibigan. Nang makita niyang nag-beso-beso ang dalawang babae ay nahulaan niyang kaibigan ng kasintahan ni Troy ang babaeng nadatnan sa mesa kanina. Naramdaman niya ang tapik ng kaibigan sa likod niya.

“Early bird ka talaga, pare at early worm din pala itong si Heiley. Siguro kung nagpa-late pa kami ng konti, natuka na ng bird ang worm.” Humagalpak ito ng tawa pagkasabi ng mapagbiro at makahulugang linya.

Napapailing na lang siya. Nakita niyang pinamulahan ang tinawag ni Troy na Heiley samantalang pigil naman ng kasintahan nito ang tawa. Pormal nitong pinakilala si Cindy bilang kasintahan. Nasa middle class lang ang antas ng pamumuhay ng kasintahan ng kaibigan. Sa rami ng naging kasintahan nito sa alta-sosyedad kagulat-gulat na mauuwi lang ito sa isang simpleng dalaga. Ganoonpaman, suportado niya ang kaibigan. Mukha namang in-love at inspired ang loko.

Nang ipakilala ay nagkamayan at nagngitian lang sila ng dalagang Heiley kung tawagin. First name basis lang ang pagpapakilanlan. Inutusan pa siya ng kaibigan na lumipat sa tabi ng dalagang wala pa ring imik at panay lang ang ngiti. Halatang-halata namang pilit.

 

Bahagyang inusod ni Heiley ang kinauupuan nang tumabi ang binatang nagngangalang Zeck. Akalain mong magkikita pa sila ng naging seatmate niya sa eroplano kamakailan lang? Kailangan niya talagang iwasang madikit masyado rito. Mahirap na baka mainsulto uli siya. Isa pa, masyado itong mabango baka manikit na naman ang amoy nito sa damit niya at ma-okray uli siya ng kapatid.

Hindi niya rin mawari ang ilang na nararamdaman. Nang magdantay ang mga kamay nila kanina ay may kakaibang kuryenteng dumaloy pataas sa sa braso niya kaya nga nabawi agad niya ang kamay.

Hindi na siya nabigla nang i-announce ng dalawa na ikakasal na ang mga ito, pero nang malaman na siya ang magiging maid of honor at bestman ang kanyang katabi ay hindi siya mapakali. Masyadong maselan ang Zeck na ito para pakisamahan. Minsan na niya itong naging seatmate kaya kabisado na niya ang pagiging maselan nito.

Nakita ng sulok ng mata niyang napatingin sa relong pambisig ang katabi. Mayamaya ay umahon ito sa kinauupuan. “I’m sorry but I still have an appointment.” Pinaling nito ang tingin kay Troy. “Expect me on your wedding day.” Tinapunan din nito ng tingin si Cindy tapos ay siya. Hindi mapagkit ang tingin niya rito sapagkat matamis ang ngiti nito habang titig na titig sa kanya. Kaswal itong nakipag-beso kay Cindy kaya bigla siyang naalarma.

Well, bakit ba siya natataranta? Beso-beso lang naman. Umahon siya sa kinauupuan para salubungin ang papalapit na binata. Nagregudon ang puso niya nang dumapo ang halik nito sa pisngi niya, lalo nang marinig ang bulong nito.

‘I love your sweet scent.’

May gumapang na kung anong kuryente sa katawan niya nang marinig iyon. May kakaiba siyang naramdaman sa bulong nito, tila kiniliti ang kanyang puso. Ang lakas ng tibok ng puso at natutuliro siya habang tanaw ang papalayong binata.

“Gotcha!” Makahulugang tumingin si Troy sa kanya. “Zeck is single and available,” tudyo pa nito.

“He’s not my type,” kaswal niyang sabi sabay balik sa kinauupuan.

“Pero attracted ka, aminin.” Si Cindy iyon.

“I’ve seen a lot of hunk and gorgeous men, Zeck is just an ordinary man to me.” Totoo naman ang sinabi niya. Kung hindi lang dahil sa pangit na engkuwentro nila baka madali lang itong nabura sa isip niya. Mukhang sa pagkakataong ito ay hindi na talaga niya ito makakalimutan. Kakaiba ang naramdaman niya kanina nang magkalapit sila. Ang dampi ng labi nito sa pisngi niya ay ramdam pa niya hanggang ngayon.

“He’s maybe hunk and gorgeous but he’s not into publicity like the people you’ve been seeing, Heiley. Zeck is a very private person.”

“Naku, Cindy. Huwag mo nga akong ipapares sa kanya. Hindi kami magka-level ng antas sa buhay. Simpleng lalake lang ang gusto kong asawahin.”

Ayoko sa maseselan! Iyon sana ang pinakapunto niya pero siyempre hindi niya iyon puwedeng isiwalat. Mabubuko na nakilala na niya ito dati.

“Well, linya ko iyan dati pero nasaan ako ngayon,” anito sabay hilig sa kasintahan. Tila nanunudyo namang ngumiti si Troy.

Hindi na lang siya umimik. Nagpasya na silang maghiwa-hiwalay matapos mapag-usapan ang mga plano. Siyempre dahil magiging abala siya hindi niya matutulungan ang kaibigan sa preparasyon. Nangako naman siya na kung may oras ay tutulong siya. Mabuti at maunawain naman ito.

 

Nanlaki ang mata ni Heiley nang mabasa ang pangalang Zeck sa magkakapatid na Santillan lalo pa nang makita ang larawan nito. Napaupo siya mula sa pagkakadapa sa kama. Bigla siyang naging interesado sa impormasyong nakasulat kaakibat ng pangalan nito.

Sa edad na dalawampu’t walong taong gulang ay angat na ito sa larangan ng pagnenegosyo. Napantayan na nga nito ang panganay na kapatid. Sakop ng negosyo nito ang telecommunication at transportation. Iba pa ang shares nito sa negosyo ng pamilya na isang real estate business. Bukod sa mga napagtagumpayan at general information ay wala nang interesante sa nabasa niya. Tila wala itong personal na bagay na binabahagi sa midya tulad din ng ibang miyembro ng pamilya.

Matapos maanalisa ang mga impormasyon ay pinagpuyatan naman niyang i-type ang kanyang mga katanungan. Nakatulog siyang ang laman ng isip ay mga Santillan kaya hindi nakapagtatakang napanaginipan niya ang isa sa mga iyon.

Ang sama ng gising niya kinabukasan kaya nakabusangot siya hanggang sa almusal. Managinip ka ba namang inihulog sa eroplano ng isang maselang seatmate at sa kasamaang palad bumagsak pa sa dagat. Hindi na nga siya marunong lumangoy marami pang pating ang nag-aantay na siya ay kainin. Parang rinig pa niya ang halakhak ng kontrabidang lalake sa kanyang panaginip. Si Zeck Santillan ay isang masamang bangungot!

Mayamaya ay napaisip siya. Hindi kaya masamang pangitain iyon? Nakaramdam siya ng kaunting kaba sa naisip. Ngayon lang nangyaring tila nais niyang umurong sa napipintong pakikipanayam. Kapagdaka’y pumasok naman sa isip niya ang kasabihang kabaliktaran daw ang panaginip sa totoong buhay. Natawa siya bahagya. Kung kabaliktaran nga. Masaya kung siya ang maghahagis sa Zeck na iyon sa eroplano at ito ang lalapain ng pating. Muli siyang napasimangot, as if puwedeng mangyari iyon.

“Ma, si Ate Heiley, buang na. Sisimangot, tatawa tapos sisimangot ulit.” Narinig niya ang paratang na iyon ni Archie.

“Bakit alam mo ba ang tinatakbo ng isip ko para sabihin mong buang ako?” sita niya sa kapatid. “Mas madalas kitang mahuling paiba-iba ang reaksiyon kahit mag-isa ka lang kaya baka ikaw ang buang.”

“Pikunin.” Pinagpatuloy nito ang pagkain. “Bakit in love ka ba, ate?” anito sa pagitan ng pagnguya.

“At bakit mo naman natanong iyan?” Humigop siya ng mainit na kape.

“Ganyan lang ako `pag in love ako eh.”

“Hindi ako in love.”

“Buang ka nga. At least ako may rason kapag nagkakaganyan.”

“Sige lang. Mang-asar ka pa para wala kang allowance.”

“Blackmailer!” nakabusangot na paratang nito.

Pinandilatan niya lang ang kapatid. Lihim siyang natatawa. Kapag allowance na ang pag-uusapan, nananahimik na ang kapatid. Takot lang nitong walang pang-date. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya nang mapansin ang pananahimik ng ina. Tila tagos sa mesa ang tingin nito. Oo nga pala, hindi pa pala niya ito nakakausap ng masinsinan.

Related chapters

  • Manipulated Love Affair   Chapter 2 - Magnetic Gaze

    CHAPTER 2 Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck. Heiley, just relax... Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Bahala na! Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pa

    Last Updated : 2021-07-07
  • Manipulated Love Affair   Chapter 3 - COLLATERAL

    Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.

    Last Updated : 2021-08-02
  • Manipulated Love Affair   Chapter 4 - UNSPOKEN FEELINGS

    Kanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”“May pagka-praktikal ka pala.”“Peace loving lang.”Patlang.“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied.

    Last Updated : 2021-08-26

Latest chapter

  • Manipulated Love Affair   Chapter 4 - UNSPOKEN FEELINGS

    Kanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”“May pagka-praktikal ka pala.”“Peace loving lang.”Patlang.“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied.

  • Manipulated Love Affair   Chapter 3 - COLLATERAL

    Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.

  • Manipulated Love Affair   Chapter 2 - Magnetic Gaze

    CHAPTER 2 Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck. Heiley, just relax... Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Bahala na! Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pa

  • Manipulated Love Affair   Chapter 1 - I'm Not A Cannibal!

    CHAPTER 1 Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu. Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito. Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’. Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siy

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status