Heiley Conteza and Zeck Santillan will meet as seatmates on the plane and will have a bizarre encounter and be followed by two more. Heiley had no idea that the next family she would interview would be the family of the man who was seatmate on the plane. She met every member of the family until it was revealed that she had to marry her eldest son Xander Santillan because of an agreement. Before the agreement was revealed, Heiley had an intimate encounter with Zeck so it can be said that she prefers it to the man who is scheduled to marry but because it is natural for her to avoid trouble and uncomplicated life, she accepted the agreement even though she loves Zeck more. On the day of her wedding with Xander, Zeck unexpectedly ran away from her in a chopper. He took her to the island and there, they deepened their feelings for each other but they both had doubts because Heiley often feels guilty about Xander's condition, Zeck thinks the latter is really the one she wants to be with. Heiley finds out that Zeck is upset with Xander so she thinks he only did it for the sake of revenge.
View MoreKanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”“May pagka-praktikal ka pala.”“Peace loving lang.”Patlang.“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied.
Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.
CHAPTER 2 Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck. Heiley, just relax... Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Bahala na! Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pa
CHAPTER 1 Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu. Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito. Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’. Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siy

Comments