Home / Romance / Manipulated Love Affair / Chapter 3 - COLLATERAL

Share

Chapter 3 - COLLATERAL

last update Last Updated: 2021-08-02 20:25:15

Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.

Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.

“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.

Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.

“Oh come on!” maarteng anito. “Matagal ka nang pinag-uusapan dito dahil sa biglang pagbabago ng mood at aura mo mula nang makasama mo iyang mga Santillan. Halos lahat iisa ang laman ng isip, in-love ka sa isa sa mga bachelor ng Santillan.”

She sighed again.

“Magkuwento ka na kasi,” pabulong na tudyo nito.

Magsasalita sana siya nang biglang may sumingit. Isang invitation letter ang iniabot ng isang 'di kilalang lalake sa kanya.

“Umaasa po ang mga Santillan sa pagdating ninyo, Ms. Conteza.”

Sa-Santillan!

Nahuli niya ang nanunuksong tingin ni Joan pero binalewala niya iyon. Sinipat niya ang invitation letter.

Engagement party! Sino sa mga Santillan?

Isa lamang iyon maliit na tarheta at nakasulat lamang doon na iniimbetahan siya sa nasabing event at next week na iyon. Tinupi niya iyon at nag-angat ng mukha para sana kausapin ang nagbigay ng imbetasyon wala na ito.

“Patingin naman.” Muntik na iyong agawin ni Joan mabuti’t maagap siya.

“Pasensiya na Joan pero personal ito.” Itinago na niya iyon sa kanyang bag. “Pakiusap Joan, huwag mo sana itong isasama sa write ups mo.” Nagsusulat ito sa isang weekly news tungkol sa mga kilala at matatayog na nilalang sa bansa.

“Well, wala pa naman akong maisusulat sa ngayon kaya huwag kang mag-alala safe pa ang sekreto mo,” tugon nito sa pabulong na tono. Tumalikod na ito at naupo. Hinarap na nito ang pinagkakaabalahan sa harap ng computer. Gayon din naman ang ginawa niya.

 

Pinanabikan ni Heiley na makita si Zeck sa event na iyon ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang ito mismo ang umiwas kanina. Blangko pa ang emosyon nito nang magkatitigan sila kaya hindi niya magawang magsaya. Pumunta pa naman siya roon para masilayan ito. Akala niya pagkakataon na iyon para magkalapit sila pero masyado nga siguro siyang nangangarap.

Bakas sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Mabuti na lang nasa madilim na bahagi siya ng bulwagan. Nakadaupang-palad na niya ang lahat sa mga Santillan maliban dito. Sayang lang ang get-up niya. She’s wearing a black dress with white polka dots matched with black high heeled shoes. Nagpasalon pa man din siya! Lalo siyang napabusangot. Gumastos siya para sa event na ito pagkatapos magiging bulaklak sa pader lang pala siya!

Boba ka kasi! Tingnan mo nga ang mga tao sa paligid mo. Tototoong sosyal ang mga nakapaligid sa `yo at kung ikukumpara ka sa kanila, isa ka lang trying hard na pasosyal!

Bakit ba naman kasi naimbetahan pa siya rito? Sana hindi na lang siya pumunta. Bumababa tuloy ang self-esteem niya.

“Shall we dance?” untag ni Xander. Nakalahad na ang kamay nito habang nakasilay ang maluwang na ngiti sa labi. Pinaunlakan na lang niya tutal mayamaya lang ay engage na ito.

Tahimik lang silang sumabay sa mabining tugtog na pumailanlang sa buong paligid. Hanggang ngayon naiilang pa rin siya sa mga titig sa kanya ng binata pero iniisip na lang niyang ganoon talaga ito tumitig.

Sa pag-iwas niya sa mga titig nito napaling ang atensyon niya sa pares na nagsasayaw sa bandang likuran ng kapareha. Nakaramdam siya ng kirot sa puso nang masilayan si Zeck kasayaw ang isang napakaganda at eleganteng babae.

Hindi sinasadyang nagtama ang kanilang mga paningin pero agad siyang umiwas. May panunumbat kasi ang mga titig nito pero hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhan nito. Nang muli niya itong tingnan ay nakikipagtawanan na ito sa kapareha. Tila dinudurog ang puso niya sa nakita.

“Thank you for coming to this very important event in our family. Let us all witness the engagement of my eldest son Xander Santillan to Ms. Heiley Conteza!”

Nanlaki ang mata niya sa narinig at napaawang ang mga labi. Bahagya siyang napalayo sa kapareha. Tinitigan ito sa nagtatanong na paraan.

Hindi siya makapagsalita.

Ramdam niyang ang lahat ng atensyon ay nakapako sa kinaroroonan nila. Saka lang niya napansing nawala ang mga pares na nagsasayaw. Silang dalawa na lamang ni Xander ang naroon. Gusto niyang tumutol pero paano?

“Ano’ng ibig sabihin nito?” naguguluhang tanong niya sa kaharap.

“Your mother will explain later.”

Mother?!

Matinding kaguluhan ang rumehistro sa mukha niya at sinamantala iyon ni Xander para hilahin siya palapit sa kinaroroonan ng ama nito. Nakita niya roon ang ina at kapatid. Inagaw nito ang mikropono. Nagsalita ito pero wala siyang maunawaan. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay pinagtulungan siya at wala siyang kalaban-laban.

Para siyang nasa kawalan.

Gusto niyang magwala, tumutol, umiyak. Nahimasmasan siya sa sunud-sunod na tama ng liwanag na nagmumula sa kamera ng iba’t ibang mediamen. Hindi na niya kinaya ang eksena. Tinulak niya si Xander at tumakbo palayo. Nasalubong niya si Zeck. Sinubukan siya nitong hawakan pero pumiksi siya. Marahil alam nito ang mga magaganap.

May pait at kirot ang mga titig niya rito saka siya tumakbo.

Lakad-takbo ang ginawa niya makalayo lang sa lugar. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng masasaganang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng venue pero agad siyang nagpahatid sa bahay. Marami siyang katanungan. Gusto niya ng eksplinasyon kaya hinintay niyang makauwi ang ina.

 

Namumugto ang mata nang dalawin niya ang mga Santillan kinabukasan pero nakatago iyon sa suot na dark sunglasses. Ang ama ng tahanan lang ang hinarap niya.

“We’re sorry kung nabigla ka, hija.”

“Bakit dinaan ninyo pa sa gimik ang lahat?” halos pabulong na aniya. “Pinlano ninyo pati ang patatampok ng D Elite pero bakit hindi na lang ninyo sinabi sa `kin bago ko lisanin ang mansyon? Nagmukha akong tanga. Inalisan ninyo ako ng karapatang malaman ang katotohanan.” Hindi man nakahantad ang mata kita naman sa ekspresyon ng mukha at sa boses niya ang panunumbat.

“We never want this to happen. In fact, we were about to reject the request of D Elite `til the incident in the plane between you and Xander happened.”

Xander?! Napakunot-noo siya. Wala naman siyang maalala na naka-engkuwentro niya ang binata sa eroplano. May dinukot ito sa drawer at inabot nito iyon sa kanya. Iyon nga ang I.D. na naiwala niya. Saka niya naalalang may nakabunggoan pala siya noon bago bumaba sa eroplano.

“You mean magkakasama kayo sa plane the time na naging mag-seatmate kami ni Zeck?” pangungumpirma niya. Tumangu-tango ito. “Habang nasa Seoul ako ay pinuntahan na ng abogado ninyo ang mama ko bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat? Personal ninyo na lang sana akong kinausap.”

“That’s the original plan but when we found out that you're the exclusive writer of D Elite, sinamantala namin ang pagkakataon para kilalanin ka, kaya pinaunlakan namin ang alok ng pamunuan at nangyari ang mga nangyari.”

Hindi agad siya nakaimik. Sa isang linggo pala niyang pananatili sa lugar ay lihim siyang pinag-aralan ng mga Santillan. Kaya pala espesyal ang trato ng mga ito sa kanya. Kahilera pa ng tinuluyan niyang silid ang silid ng mga magkakapatid. Kaya pala mabait si Xander sa kanya una pa lang at kaya rin nito nasabing hindi pa iyon ang huli nilang pagkikita.

Gusto niyang magalit pero para ano pa? Wala nang mababago kahit paliguan niya pa ng masasakit na salita ang kaharap. Hindi na mababago ang katotohanang kabilang siya sa mga biktima ng arrange marriage na tinatawag. Matindi ang hinanakit niya sa ina sapagkat hindi man lang nito iyon pinaalam sa kanya.

“Bakit ngayon lang?” kapagdakay aniya. Isa rin sa malaking katanungan niya kung bakit sa tagal ng panahon ngayon lang maisasakatuparan ang pinagkasunduan and for goodness sake ni hindi man lang sila binigyan ng pagkakataong magkakilala ng taong nakatakda niyang pakasalan.

“Simple lang ang sagot diyan, hija. Ngayon lang naisipan ni Xander na lumagay sa tahimik.”

“Aalis na ho ako. Gusto kong makausap si Xander tungkol dito. Paalam.”

 

Habang patungo sa silid ni Xander nasalubong niya sa pasilyo si Zeck. May bitbit itong maleta. Nagkatinginan sila. Gusto niyang magpaliwanag pero wala naman siyang karapatang gawin iyon. Isa pa, ni hindi nga niya nakitaan ng pait ang ekspresyon ng mukha nito. Malamang parte lang din ng pag-aaral nito sa pagkatao niya ang ginawa nitong pang-aakit sa kanya.

“Congratulations in advance,” anito. Iyon na ata ang pinakamasakit na salitang narinig niya sa buong buhay niya. Parang tinarakan ng punyal ang dibdib niya. Nanatiling tikom ang bibig niya. “I have a business trip. I don’t know if I can make it on your wedding day but I wish you good luck.” Pakasabi niyon ay nilagpasan na siya nito.

“Wait.” Alam niyang maaari siyang masaktan sa itatanong pero gusto niya lang makumpirma kung tama ang kanyang hinala.

“Yes?”

Hindi na niya piniling humarap dito. “M-May kinalaman ba sa plano iyong halikang naganap sa pagitan natin? Intensyon mo lang ba iyon o udyok ng sarili mong damdamin kaya mo iyon ginawa?”

Nagpakawala ito ng maikling tawa. “You are so naive, Heiley. Haven’t I told you that I just claimed my prize? Or− let’s just put it this way, the first kissed was to help you overcome your nervousness and the second one was simply longingness of a man for a woman’s lips. Any further question?” Cool na cool ito sa pagpapaliwanag samantalang siya ay tila natulos sa kinatatayuan.

Ngayon niya lang naramdaman ang sinasabi nilang nagkadurug-durog na puso. Nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilang magpakawala ng impit na daing. Napakasakit ng katotohanan. Mabuti na lang nakatalikod siya rito kung hindi kitang-kita nito ang pagpipigil niyang lumuha. Pinatatag niya ang sarili. “T-Thanks for being honest,” tila may bikig sa lalamunang aniya. “Enjoy the trip.” Iyon lang at humakbang siya palayo. Mabibilis ang lakad niya sapagkat hindi na niya magawang pigilan ang emosyon. Napaluha siya. Naghanap siya ng mapagkukublihan at doon siya umiyak.

 

Nag-file ng leave si Heiley para umiwas sa bulung-bulongang naririnig sa opisina. Siguradong hindi siya tatantanan ng media kapag nalaman ng mga ito na matutuloy ang kasalan sa kabila ng pag-walk out niya sa engagement party. Walang nakakaalam ng dahilan kung bakit bigla siyang ikakasal sa isa sa mga Santillan kaya marami ang gusto siyang makapanayam. Mabuti na lang at nirerespeto ng pamunuan ang kanyang pananahimik.

Nang magkausap sila ni Xander marami ang nabuong kasunduan sa pagitan nila. Isa na roon ang pagiging pribado ng magaganap na kasalan. Sa tingin naman niya ay magiging epektibo silang mag-asawa, dangan nga lang ay wala siyang nararamdamang pagmamahal dito. Kumbaga, kung wala sila sa ganitong sitwasyon magiging mabuti silang magkaibigan. Marami ang nagsasabi na natututunan naman daw ang pagmamahal pero ayon din sa marami hindi raw nadidiktahan ang puso.

Napabuntong-hininga siya.

Bahala na!

 

Naging napakaabala ng mga sumunod na araw para sa kanya at kay Xander dahil na rin sa pag-aasikaso sa nalalapit nilang kasal. Mabuti na lang sanay siya sa paulit-ulit na biyahe. Marami silang pinupuntahan at medyo nasasanay na nga siyang palagi itong kasama. Enjoy naman siya sa company nito. He is sweet caring and gentleman. Kung tutuusin masuwerte siya sa mapapangasawa. Mayaman, guwapo at mabait. Sa kasalukuyan ay wala pa silang hindi pinagkakasunduan. Lahat kasi ng gusto niya ay sinusunod nito. Hindi niya alam kung magtatagal sila pagkatapos nilang ikasal pero umaasam siyang sana matutunan niya itong mahalin.

Sa mansyon na rin pala siya tumitira kasama ang ina at kapatid. Gusto niyang bumukod sila ni Xander pagkatapos ng kasal para iwasang makatagpo si Zeck pero tumutol ito. Nakapangako raw kasi ang magkakapatid sa puntod ng ina na hindi maghihiwalay at kahit mag-asawa na, doon pa rin maninirahan para hindi malungkot ang haligi ng tahanan. Nakakatuwa ang pagiging family oriented ng mga Santillan. Isang bagay na kahanga-hanga sa angkan.

“Anak, sigurado ka na ba?” usisa ng kanyang ina.

Nanahimik siya. Bakit nga ba siya nagpapatangay sa agos? May karapatan siyang tumanggi at ipaglaban ang sariling karapatang pumili ng aasawahin pero mas pinili niya ang tanggapin ang lahat. Likas sa kanya nag umiwas sa gulo. Likas sa kanya na pumili ng kung ano ang mas makakabuti pero alam niyang kalokohan lang ang mga dahilang iyon dahil ang totoo mas matimbang ang sakit. Udyok ng sugatang puso kaya malaya niyang tinanggap ang lahat.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka hinarap ang ina. “Ma, nakita ko ang napakalaking pagkakaiba ng buhay natin sa buhay nila. Maraming praktikal na babae ang gustong malagay sa buhay na ganito tapos ako tatakbuhan ko lang?” Sa kabilanag banda, sumagi talaga iyon sa isip niya.

“Nabulag ka ng kayamanan nila, anak. Akala ko kuntento ka sa simpleng buhay na mayroon tayo?”

Tama ang ina. Hindi siya ang tipo ng babaeng praktikal pero para kumbinsehin ito na desidido siya sa naging desisyon ay paninindigan niya ang huling kataga. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Isa pa, ayokong manumbat pero kayo ni papa ang nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon. Kung mas maaga ninyo pa sanang sinabi ang lahat baka hindi sana umabot sa ganito.”

“Pagkakamali nga namin ng ama mo iyon kaya nga hiyang-hiya ako sa iyo ngayon.”

“Tama na. Nakapagdesisyon na ako. Magpapakasal ako kay Xander at sisiguraduhin kong mamumuhay kami ng masaya kaya huwag kayong mag-alala.”

 

Panauhin niya kinagabihan sa kanyang silid si Sabrina. Mula nang mangyari ang engagement party hindi pa sila nagkakasarilinan. Madalas niya itong makitang nakatingin sa kanya pagkatapos ay iiwas. Naalala niyang sinabi nitong gusto siya nitong maging ate pero ngayong nangyayari na parang tutol naman ito.

“I’ll help you escape.”

Kunot-noo siyang napatitig dito. “Para saan?”

“For you to be happy. Naiipit ka lang sa kasunduan. Gusto kitang maging ate but not this way.”

“Nakapagdesisyon na ako.”

“I want you for kuya Zeck not for kuya Xander.”

“Hindi lahat ng gusto ng tao nasusunod. Kadalasan pa nga, kung ano ang ayaw iyon ang nangyayari.”

“May option ka.”

“May mga pangyayari na wala kang pagpipilian kundi ang alam mong mas makabubuti para sa lahat kahit kapalit pa niyon ang sariling kaligayahan.”

“Hindi ka anghel para sa lahat ng pagkakataon pipiliin mo ang mas nakabubuti para sa lahat. Minsan ang pagpili ng inaakalang tama para sa lahat ang mas nakakasama.”

Naglabas siya ng malalim na paghinga sabay nanlulumong bumuga ng hangin. “Hindi na mababago ng mga katagang iyan ang napagdesisyunan ko na, Sabby. I want peaceful life at hindi ko makukuha iyon kung tatakas ako rito at habang buhay na magtatago. If you won’t mind, inaantok na ako.”

“Sa tingin mo ba magiging panatag ka kung pakakasalan mo si kuya Xander gayong ang laman ng puso mo ay si kuya Zeck?” pasarkastiko nitong pasaring.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo.”

“Narinig ko ang huling pag-uusap ninyo ni kuya Zeck and I heard clearly that you’ve kissed twice. I saw you crying after the incident.”

Natigilan siya. Kapagadaka’y “Enough!” mataas ang tonong saway niya dito. “Huwag mo nang gawing mas kumplikado ang lahat, Sabby. Buhay ko `to at kung maging miserable man ako sa pipiliin ko wala ka na roon.”

Disappointed itong napatingin sa kanya tapos tumapang ang anyo. “Kuya ko ang pakakasalan mo kaya may pakialam ako. Kung magiging miserable ka, sa palagay mo ba hindi kami damay roon?”

“Mabuting tao si Xander. I don’t think our marriage will be miserable.”

Ito naman ang natigilan. Matagal bago ito muling nakapagsalita. “Kung mahal mo si kuya Zeck, ipaglaban mo siya.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito.

Paano niya ipaglalaban ang ugok na iyon eh hindi naman mutual ang feelings nila?

Balak niya nga sana itong ipaglaban kung noong huling pag-uusap nila eh nakitaan man lang niya ito ng pagtutol sa magaganap na kasalan pero kinongratyuleyt pa siya. Tama lang ang desisyon niya.

 

Kinabukasan, hindi niya inaasahang makikita niya sa hapagkainan si Zeck. Nagtaka man, tahimik na lang siyang nakisalo sa hapag.

“Nagawa mong umuwi para sa kasal ng kaibigan mong si Troy pero para sa kasal ng kuya Xander mo hindi ka makakarating,” rinig niyang pahayag ng ama ng tahanan habang nakatingin sa anak nitong si Zeck. May panunumbat sa tono nito.

Oo nga pala! Sa sobrang dami ng nangyari sa buhay niya nakalimutan niyang bahagi pala siya at si Zeck sa kasalang magaganap bukas makalawa.

“I’m Troy’s bestman. Isa pa, wala naman akong papel sa kasal ni Xander. If he only gave me one, walang rason para hindi pumunta,” makahulugang rason nito.

Xander? Nagtaka lang siya kung bakit hindi nito tinawag na kuya ang nakatatandang kapatid. Naisip na lang niyang first name basis siguro magtawagan ang dalawa.

“Ganunpaman, mas ma-a-apreciate ko kung nandoon ka bilang kapatid,” rinig naman niyang ani Xander.

“Well, I’ll try.” Pinagpatuloy na ni Zeck ang pagkain.

“Sa pagkakaalam ko, si Ate Heiley ang maid of honor sa kasalang iyon so magiging magkapareha pala kayo, Kuya Zeck?” makahulugang singit ni Sabrina.

Nagulat siya. Hindi pa kasi niya naipapaalam kay Xander ang tungkol sa bagay na iyon. Ang lahat tuloy ng paningin ay nakadako sa kanya.

“Mabuti pinaalala mo iyan, Sabrina.” Si Zeck iyon. Nabitin tuloy sa ere ang anumang sasabihin niya. “Since, partner naman kami sa event na iyon puwede na siguro kaming magsabay. Right, Heiley?”

Napalunok siya bago nagsalita. “B-Balak kong isama si Xander.”

“Hindi halatang balak mong isama si Kuya Xander. Tingnan mo nga siya, clueless sa pinag-uusapan ninyo.” Si Sabrina iyon.

Tinapunan niya ng tingin si Xander pero saglit lang dahil sapul siya sa pagpaparinig ni Sabrina. May pagkamaldita pala ito.

“Ayos lang sa `kin kung nakalimutang sabihin ni Heiley ang magaganap na event,” maaliwalas pa rin itong ngumiti sabay paling sa kanya ang atensyon. “I’m afraid I cannot go with you, sweety. I have an appointment that day. Kung sinabi mo nang mas maaga baka napa-move ko pa ang schedule ko.”

“I’m sorry...” hinging paumanhin niya kay Xander.

“It’s okay, sweety.” Pakasabi niyon ay pinaling nito ang paningin kay Zeck. “I will entrust her to you, Zeck so take care of my sweety.”

“No problem. She’ll be safe with me.”

Gustong tumutol ni Heiley pero parang wala siyang karapatang humindi. Nanahimik na lang tuloy siya.

 

Halos ayaw lumabas ng silid ni Heiley para iwasang makatagpo si Zeck. Aminado siyang ganoon pa rin ang hatak nito sa kanya pero hangga’t maaari gusto niyang umiwas. Nitong mga nakaraang buwan, buong puso niyang tinanggap ang kapalarang naghihintay sa kanya sa piling ni Xander at dahil hindi niya maramdaman ang presensiya ni Zeck madali niyang natanggap ang napipintong maganap. Buong akala niya ay naglaho na ang nararamdaman niya para sa huli ngunit kanina napatunayan niyang walang nagbago.

Marahil dahil sa pagiging abala ay nakalimot siya pansamantala pero sa puso niya nakatago ang katotohanang pilit niyang iniiwasan. She’s in love with Zeck.

May kumatok.

Napabusangot siya. Panira ng pag-e-emote eh. Inayos niya ang sarili bago pinagbuksan ang hindi inaasahang panauhin. Bahagya siyang napaurong nang masilayan sa harapan niya si Zeck. May bitbit na malaking kahon.

“Here’s your gown for your bestfriend’s wedding,” tukoy at lahad nito sa dalang kahon.

Kinuha niya iyon. “Thank you.”

“I want something more than a word thank you...” makahulugang bitiw nito. He’s wearing a devilish smile and an eye that full of seductions.

Kinabahan siya at pinangatugan ng tuhod sa gesture nito pero pinigil niya ang sariling bumigay sa pang-aakit nito. “Bakit kaya hindi ang humingi sa `yo ng pabor ang hingian mo ng reward?” mataray na suhestiyon niya.

Bahagya itong natawa. “Cindy suggested me to claim it from you.” Hindi siya makapaniwalang napatitig dito. “I’ll just get my reward later on.” Makahulugan pa rin ang mga titig nito bago tumalikod at nakapamulsa itong humakbang palayo.

“Wala akong utang sa `yo!” hiyaw niya. “Kung gusto mo ibalik mo `to sa pinagkunan mo at ako na lang ang kukuha!” nanggigigil na dugtong niya. Hindi man lang siya nito pinansin. Padabog niyang sinara ang pinto. Kung lahat nang kabutihang nagagawa nito sa kapwa ay hinihingan nito ng kapalit, ibig sabihin ilang tao na pala ang nagpasasa sa halik nito.

Related chapters

  • Manipulated Love Affair   Chapter 4 - UNSPOKEN FEELINGS

    Kanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”“May pagka-praktikal ka pala.”“Peace loving lang.”Patlang.“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied.

    Last Updated : 2021-08-26
  • Manipulated Love Affair   Chapter 1 - I'm Not A Cannibal!

    CHAPTER 1 Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu. Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito. Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’. Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siy

    Last Updated : 2021-07-07
  • Manipulated Love Affair   Chapter 2 - Magnetic Gaze

    CHAPTER 2 Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck. Heiley, just relax... Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Bahala na! Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pa

    Last Updated : 2021-07-07

Latest chapter

  • Manipulated Love Affair   Chapter 4 - UNSPOKEN FEELINGS

    Kanina pa walang imik si Heiley habang lulan ng sasakyan katabi ang nagmamanehong si Zeck. Patungo na sila ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Troy at Cindy. Nahihiya nga siya sa huli sapagkat naturingang maid of honor siya ay hindi man lang siya nakatulong sa preparasyon ng kasal nito.“Nasaan na ang maaliwalas na mukhang nakita ko noong una kitang masilayan sa eroplano?” basag nito sa katahimikan.“Tinangay ng angkan mo ang mukhang iyon.”“May karapatan kang tumanggi pero nagpadala ka sa agos.”Tila sila makakata sa kanilang mga pananalita.“Mas pinili ko lang ang hindi masyadong kumplikado.”“May pagka-praktikal ka pala.”“Peace loving lang.”Patlang.“Gusto mo ba na makita ako sa kasal ninyo ni Xander?” untag uli nito.Hindi agad siya nakaimik sa tanong nito. “Oo naman,” she lied.

  • Manipulated Love Affair   Chapter 3 - COLLATERAL

    Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya. Lovelife.Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.“Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?” untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.Napabuntong-hininga siya. “Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa`yo baka kung ano pa isipin,” sita niya.

  • Manipulated Love Affair   Chapter 2 - Magnetic Gaze

    CHAPTER 2 Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na paunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management, nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin. Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck. Heiley, just relax... Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Bahala na! Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pa

  • Manipulated Love Affair   Chapter 1 - I'm Not A Cannibal!

    CHAPTER 1 Lulan si Heiley Conteza ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Bilang contributor writer ng isang teen magazine, nagkaroon siya ng pambihirang pagkakataong makapanayam ang isang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Park. Ilang ulit nang tinangkilik ng mga kabataang pinoy ang ilang programang pinagbidahan nito kung kaya naisipan ng pamunuan ng TeenyMag na itampok ito sa susunod na isyu. Naisipan niyang sipatin ang ilang larawang kuha na kasama ang nasabing aktor sa kanyang sariling digital camera. Walang dudang isa ito sa may pinakaguwapong mukha sa mga korean star at gustung-gusto niya ang pagiging smiling face nito. Bagamat nagkaintindihan lamang sila sa pamamagitan ng interpreter ay hinangaan naman niya ang pagiging kampante at diretsahang sagot nito. Ihahanay niya ang mga larawan nila sa scrapbook niyang may pinamagatang ‘once in a lifetime’. Excited at nakangiti niyang in-off ang digicam. Nang maitago iyon ay pumihit siy

DMCA.com Protection Status