My Stranger Legal Wife

My Stranger Legal Wife

last updateLast Updated : 2021-10-14
By:  amvernheartCompleted
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
11 ratings. 11 reviews
33Chapters
21.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Zeke Xavier Fuentares wants to fix his broken marriage with Alora Leigh. They both agreed staying in same roof for a month. After that, they will decide if they will fix their marriage or to legally separate. Handang gawin ni Zeke ang lahat para sa babaeng minamahal. Ngunit hanggang saan siya dadalhin ng wagas na pag-ibig kung ang lahat ay umiikot sa kasinungalingan? Sa paglantad ng katotohanan, matatabunan ba nito ang umusbong na pag-iibigan?

View More

Chapter 1

Prologue

Pagpasok ko pa lamang sa restaurant, agad nakuha ng napakapamilyar na mukha ang atensiyon ko.

Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at hagkan. Pero hindi naman kasi gano'n kasimple at kadaling gawin iyon.

"Wife," I uttered. Sapat lang ang tinig ko sa aking pandinig. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa kanya. At sa isang iglap, animo ay napako ako sa kinatatayuan ko. Labis akong kinain ng matinding pananabik. Tama nga ang ibinigay na impormasyon ng private investigator. Nandito nga siya, dito sa lugar na hindi ko inaasahan. Nakatayo siya malapit sa counter, bahagya siyang nakayuko at may hawak na papel. She's wearing a red blouse tucked with a black skirt. There is a small rectangular name plate pinned on the upper left part of her blouse. She looks decent. She's not as daring as before but she's still sexy in my eyes. Hindi naman siya baduy tingnan ngayon. Sakto lang. Tama lang since nasa trabaho naman siya.

Nakita ko siyang bahagyang ngumiti habang kausap ang isang waitress. Parang sumikdo ang puso ko sa ngiti niyang iyon. Kasabay ng pagngiti ng labi niya ay ang pagkislap ng mga mata niya. Bilugan ang mga mata niyang may malantik na pilik mata. Her eyes were shouting innocence, contrary of her real personality. May katangusan ang ilong niya. Makinis ang mukha niya at makipot ang labi niya. Katulad pa rin siya ng dati. The only difference is she looks simplier today.

"Mister, kung wala kang planong pumasok, huwag haharang-harang sa daan!" mataray na wika ng babae mula sa aking likuran.

Agad akong napalingon sa kanya. Isang babae ang nakatayo sa likuran ko, nakapusod ang kanyang buhok at may suot na salamin. Naka-lipstick din ito ng matingkad na pula na bumagay sa kulay niyang sakto lang ang kaputian. Sa tantiya ko nasa mid-wenties ang edad niya. Natigilan ako sa pagsuri sa kanya nang umarko ang kilay niya. Lalo tuloy siyang nagmukhang masungit pero 'di ako nagpatinag . Sinamaan ko siya ng tingin bago ako naglakad patungo sa isang bakanteng mesa.

Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa kinatatayuan ng aking asawa, nakatalikod na ito at naglalakad papasok sa isang pintuan. Kung pwede ko lang siyang habulin, kanina ko pa sana ginawa pero ayoko namang gumawa ng eksena.

Four years have passed since she left me.

But after all what she did, I still love her. I want her back. I badly want her back. I wanna fix our marriage.

Martir ba? Niloko niya ako. Nabuntis siya ng ibang lalake. Iniwan niya ako tapos ako itong gago, mahal na mahal pa rin siya. Nakakabuwisit ba ang katangahan ko?

Go on, judge me! Kahit buong mundo pa ang manghusga sa'kin, hindi mababago ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit gaano pa kabigat ang kasalanan niya, buong puso ko parin siyang tatanggapin. Dahil kung totoong nagmamahal ka, napakahirap magalit at napakadali lamang ang magpatawad.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ang tanong, after four years, may maaayos pa ba ako? O umaasa na lang ako sa wala? Kung anuman sa dalawa, ang mahalaga sa ngayon, makausap ko siya. After all, I am the legal husband. If we can't fix our marriage anymore then at least, we can have closure.

Closure! Iyon nga siguro ang kailangan ko.

Nag-order lang ako ng nag-order ng pagkain. Na halos 'di ko naman nagalaw. Since, hapon na rin naman, napagdesisyunan kong hintayin na lamang siya. Isinabay ko na rin ang pagbabasa ng mga e-mails sa aking phone para hindi ako mabagot.

Mahigit dalawang oras rin bago bumukas ang pintuang pinasukan niya kanina. Nang makita kong siya ang lumabas mula sa pinto, awtomatiko akong napatayo at binulsa ang phone ko. Nakita kong may kinausap siyang isang crew, pagkatapos ay lumabas na siya.

Agad naman akong sumenyas sa waiter para sa bill ko. Hinabol ko siya pero medyo nakalayo na siya kaya napagdesisyunan kong tawagin na lamang siya.

"Wife!"I almost shouted so she can hear me. Nabigo ako dahil hindi naman siya lumingon.

Stupid!

Hindi naman kasi wife ang pangalan niya.

"Lei!" I called her.

Lumingon siya. Tumigil ang tingin niya sa'kin. Parang tumigil rin ang ikot ng mundo ko, para akong kinapos ng hininga.

Tinitigan niya ako ng ilang sandali pero blangko ang expression ng mukha niya. Ano yo'n? Bakit gano'n ? Hindi man lang siya nagulat? Wala man lang siyang naramdaman nang makita niya ang asawa niya?

Huminto ang isang taxi sa tapat niya. Walang anu-ano ay binuksan niya ito at 'di na ako tinapunan pa ng tingin.

Napakumpas na lamang ang kamay ko sa hangin. Matapos akong maghintay, gano'n lang pala ang mangyayari. Napapadyak akong umikot pero pagtalikod ko bumungad sa'kin ang nakatayong si miss sungit.

Halos dalawang metro ang layo niya mula sa kinatatayuan ko pero hindi nakaligtas sa'kin ang nakaarko niyang kilay habang nakatingin sa'kin. Mukhang nakita niya ang nangyari. Lalo tuloy nasira ang araw ko dahil sa ideyang iyon.

Sumimangot ako at saka humakbang upang lampasan siya. Ngunit naramdaman ko ang pagsunod ng titig niya. Lalo tuloy akong nainis kaya naman hindi na ako nakapagpigil upang lingunin siya kahit nalampasan ko na siya.

"Will you stop staring at me!" Call me rude, pero talagang naubos na ang pasensiya ko. "

Mister! Huwag kang assuming! Hindi ikaw ang tinititigan ko! Yo'ng ale doon oh," saad niyang ngumuso pa sa bandang likuran ko.

Agad ko namang liningon iyon. Totoo ngang may babae doon. May hawak itong kulay bughaw na mga rosas.

"Nanggaling siya kanina roon," sunod niyang turan dahilan para bumalik ang atensiyon ko sa kanya.

Awtomatiko ring sinundan ko ang tingin niya.

Medyo malapit lang iyon sa kinatatayuan kanina ng asawa ko. Nagsasabi ba siya ng totoo?

"Huwag assuming, ha? Kaya tayo nasasaktan dahil assume tayo ng assume!" sunod niyang turan bago naglakad palayo sa'kin.

Napatanga na lamang ako.

Mali nga bang umasa na pwede pa kami ni Alora?

Masasaktan lang ba ulit ako?

Napatingin ako sa likuran ng papalayong si Miss sungit.

Panahon na nga ba para mag-let go at ibaling na sa iba ang atensiyon ko?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

Comments

user avatar
Bratinela17
Nice story ...
2022-07-30 10:46:25
1
user avatar
Chrysnah May
Nice story...keep writing!
2022-07-27 08:09:57
1
default avatar
Dumpidomp
love the story!!
2022-07-26 21:15:18
2
user avatar
Maria
great storyline
2022-07-25 22:37:45
1
user avatar
gwICEyneth
This book is amazing!
2022-07-25 14:24:08
1
user avatar
janeebee
Great Story! Keep Going!
2022-07-23 13:29:15
1
user avatar
Rona Doctorr
ang gandaaaaa
2022-07-22 13:31:05
1
user avatar
Ms.aries@17
good story, recommended
2022-07-22 13:26:10
1
user avatar
Liza
Maraming twist at hindi cliche. Something new for me
2021-10-30 12:08:13
0
user avatar
Liza
Shemay! Miss A, Ang daming pa twist!
2021-10-30 11:24:07
0
user avatar
Liza
Love it ...️
2021-10-29 17:10:37
0
33 Chapters
Prologue
Pagpasok ko pa lamang sa restaurant, agad nakuha ng napakapamilyar na mukha ang atensiyon ko.Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at hagkan. Pero hindi naman kasi gano'n kasimple at kadaling gawin iyon."Wife," I uttered. Sapat lang ang tinig ko sa aking pandinig. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa kanya. At sa isang iglap, animo ay napako ako sa kinatatayuan ko. Labis akong kinain ng matinding pananabik. Tama nga ang ibinigay na impormasyon ng private investigator. Nandito nga siya, dito sa lugar na hindi ko inaasahan. Nakatayo siya malapit sa counter, bahagya siyang nakayuko at may hawak na papel. She's wearing a red blouse tucked with a black skirt. There is a small rectangular name plate pinned on the upper left part of her blouse. She looks decent. She's not as daring as before but she's still sexy in my eyes. Hindi naman siya baduy tingnan ngayon. Sakto lang. Tama lang since nasa trabaho naman siya.Nakita ko siyang bahagyang ngumiti haban
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more
Chapter 1
Alora's Point of View "I'm home!" I declared as I reached the living room. Agad ko namang nakuha ang atensiyon niya. She stood up , embraced me and gave me a kiss on my cheek."How was your day, my dear," she asked. Matamis rin ang ngiti niya."It was fine, Leina." Inilapag ko ang gamit ko sa center table bago maupo. Leina or Leinarie is my bestfriend. We've been friends for more than ten years. Nakatira kami sa iisang condo unit. Ang unit na pareho naming pinagtulungang bayaran. Pero dahil mas malaki ang ambag niya, sa kanya ito nakapangalan.Madalas kaming mapagkamalang magkapatid o kaya kambal. Para akong nakatingin sa sarili ko habang tinititigan siya. Magkamukhang-magkamukha kami pero hindi naman kami magkadugo. I am Alora Leigh Andrada and she is Leinarie Melendrez. Not relatives, just friends.Sumandal ako sa sofa at napapikit. Kasabay ng pagpikit ay ang pagdaloy sa aking alaala nang nangyari seven years ago. "What?! " Hindi ko naitago ang gulat ko sa kanyang tinuran. "Yes
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more
Chapter 2
Alora's Point of View It's already nine in the evening when we reach our destination.Hindi ko maiwasang mamangha. It was a three story modern house. Sa pinakataas na parte ng bahay ay mapapansin ang bahaging walang bubong at may mga palamuting halaman roon. Malamlam ang liwanag sa parteng iyon kaya naman parang ang sarap tumambay roon kapag gabi. Sa second floor ay kapansin-pansin ang ilang bahagi nito na gawa sa salamin. "Nasa loob po si sir, ma'am," saad ng sumundo sa'kin dahilan para mapatingin ako sa malaking pintuan na ilang hakbang lang ang layo sa'min.Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Parang biglang nag-sink in sa'kin ang dahilan kung bakit ako nandito. Iginala ko ang paningin ko. May mga palm trees at mga halaman sa labas. Maliwanag ang paligid dahil sa mga post lamp.Hindi naman siguro ako mapapahamak dito. At tsaka, hindi naman mukhang nakakatakot ang paligid. In fact, parang nakaka-relax pa nga. Hay naku! Bahala na nga. Wala naman sigurong gagawing masama sa akin
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more
Chapter 3
Alora's Point of View May anim na malalaking kwarto sa second floor pero sa unang tingin palang, alam ko na agad na ang kwartong tinulugan ko ang pinakamalaki. It must be the master's bedroom.Ewan ko lang kung saan natulog si Zeke kagabi, hindi ko na rin naman siya nakita pagkatapos kong mag-shower at makapagpalit ng damit.Nainis lang ako sa pantulog na binigay niya dahil sobrang ikli at nipis kaya naman ang ending nangialam ako sa closet niya. Buti na lang at may nahanap akong silk robe na hanggang tuhod ko ang haba. Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Halos hindi rin naman ako nakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon ko. Pagkabangon ko , agad akong naligo. Isinuot ko ang damit na suot ko kahapon. Nagising akong nakapatong na iyon sa bedside table, nalabhan at ready to use na.Nang bumaba ako ng hagdan, bumungad sa'kin si Zeke. He is wearing a grey three piece suit. Mukhang papasok din siya sa trabaho. Maaga din pala siyang nagising. Akala ko pa naman makakauwi na a
last updateLast Updated : 2021-08-06
Read more
Chapter 4
Zeke's Point of View "Good evening Ma'am, Sir." Sabay-sabay na yumukod sa amin ng mga katulong na sumalubong sa'min. "Pakidala ang mga gamit ng asawa ko sa kwarto namin." Iniabot ko ang susi ng kotse kay Manang Linda upang makuha nila ang mga gamit ng asawa. "Teka! Lilinawin ko lang. I don't want to share a room with you," mabilis niyang asik sa'kin . Mahina na lamang akong napabuntong-hininga. Kanina lang maayos kaming nag-uusap pero ngayon mukhang balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa. "Why not? We're husband and wife." At saka para namang bago sa kanya ang may makatabing lalaki sa kama.Pinandilatan niya ako. "Sige, ipagpilitan mo 'yan then I'll just go home!" banta niya sa'kin.Heto na naman kami. Mukhang kailangan ko na namang magpatalo.I sighed."Okay, Stay in our room. I'll just stay in the guest room." Magpapatalo nalang ako kaysa naman umalis siya."You don't have to do that. I'll just use the guest room," saad niyang nagpatiuna na sa paglalakad pa
last updateLast Updated : 2021-08-08
Read more
Chapter 5
Alora's Point of View Nang magising ako, bumungad sa'kin ang puting kisame. The room is a little bit dim. Tanging ang ilaw lamang mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nanlaki ang mata ko. Kwarto ito ni Zeke! Bakit nandito ako sa kwarto ni Zeke?Pinilit kong inalala ang nangyari. Naaala kong nang umulan ay kaagad kaming tumakbo patungo sa kwarto niya. Napakurap ako nang maalala kong nakaidlip ako sa biyahe. Napalunok ako. Binuhat ba niya ako patungo rito? Naramdaman kong may nakadantay sa aking tiyan. Only to find out na kamay pala ni Zeke iyon.Dahan-dahan kong tinanggal iyon kaya naman naramdaman ko ang nakakapasong init mula dito.Hindi ako nagdalawang isip na damhin ang noo niya. Ang init niya. Mukhang nilalagnat siya.Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Nang tingnan ko ang oras, pasado alas onse na ng gabi. Siguradong tulog na ang mga maid niya.I look for a first aid kit. May nahanap naman ako sa cr. Nang may makita akong thermometer, I checked his temperature
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more
Chapter 6
Alora's Point of View "About the coming expansion, sir, the team is still working about it. And honestly sir, sobra po silang nahihirapan. We really need your presence there, sir."Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa business kaya naman para lang akong audience dito habang pasimpleng pasulyap-sulyap sa kanila.Sumulyap sa'kin si Zeke. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. "I'm sorry, sir. I was being inconsiderate. Nakalimutan ko pong on leave po pala kayo." Magaan ang boses ni Richelle Ravina. Animo ay isa itong anghel sa malamyos niyang tinig na bumagay naman sa maganda niyang mukha. Bagay na bagay rin sa kanya ang lipstick niyang pula."Is it okay if you have a night shift, Miss Ravina? Let's work about the expansion during night." Hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin dahil sa sinabi ni Zeke.Magtratrabaho siya sa gabi? So ano? Balak ba niyang patayin ang sarili niya?"Hindi mo naman kasi kailangang mag-leave sa trabaho si Zeke." Sumabat ako sa usapan nila bago pa su
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
Chapter 7
Zeke's Point of View Napakunot-noo ako nang lumabas siya mula sa malaking pintuan ng bahay. She's wearing a black shirt paired with rugged pants and a white rubber shoes.Nagbago na nga talaga siya. The old kind of wife I had won't wear T-shirt. She always wear a semi-formal dress, mapa-bahay o mapa-labas man. She never wear pants. Kahit nga sa loob ng bahay naka-make up siya. But look at her today, she's not even wearing any make up or even just a lipstick. "Ang ganda niyo talaga, ma'am." Nakangiti ang driver naming si Mang Kanor. Nasa edad singkwenta na ito. Makikita iyon mula sa mangilan-ngalang hibla ng puti niyang buhok. Nagsimula na ring mangulubot ang balat nito."Thanks, Mang Kanor." Kumislap ang mata ng asawa ko kasabay ng pagngiti ng labi niya.Totoo ang sinabi ni Mang Kanor, maganda siya kahit simple lang ang suot niya. At lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Well, kahit naman nakasimangot siya, maganda pa rin siya.Pinagbuksan mo siya nang walang kaimik-imik. Kahit noo
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more
Chapter 8
Alora's Point of View Agad akong napakilos nang dumating ang taong hinihintay ko. Kaninang umaga pa ako naghihintay sa harap ng condo unit niya. "Nandito ka na naman? I already told you, we're done!" Lumapit ito sa pintuan. Agad naman akong sumunod sa kanya. "Hayaan ko naman akong magpaliwanag, Ken." Hinawakan ko siya pero marahas niyang tinanggal ang kamay ko. "For what? Para lokohin at paikutin ako?" "Hindi. Hindi ko magagawa 'yan sa'yo." "Hindi ko naman talaga siya asawa. Si Leina naman talaga ang totoong asawa niya," sunod kong saad. "Then what the fuck are you doing there? Huwag mong sabihin na nandoon ka para magpanggap na si Leina?" "Iyon naman talaga ang----" Napatigil ako nang magsalita siya. "Stop it, Alora! Hindi ako maniniwala sa'yo!" "Maniwala ka sa'kin. Kung gusto mo kahit kausapin mo pa si Leina. Mapapatunayan niyang nagsasabi ako ng totoo." Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha. "Lalo lang akong hindi maniniwala. That bitch is your bestfriend! Kun
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more
Chapter 9
Zeke's Point of View Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dumaloy mula sa hubad kong katawan ang mga butil ng tubig.I tried reminiscing everything. Dumaloy sa isip ko ang mukha niya nakangiti habang kausap ang waitress. Sariwa pa sa alaala ko kung gaano kasimple ang suot niyang blouse at skirt noon. Bumalik din sa alaala ko ang sandaling binigyan niya ako ng blangkong expression at ang pagpasok niya sa taxi na parang hindi niya ako kilala. "I am not your wife."Napapikit ako ng mariin.Sinabi nga niya noon na hindi siya ang asawa ko. Ilang beses din niyang sinabi iyon. That's maybe the reason why she usually says 'your wife' or 'asawa mo' because she is really referring to other person. Naalala ko rin ang pagtatanong niya noon sa katulong kung nasaan ang comfort room. That's it! Hindi niya alam iyon dahil hindi naman talaga siya ang asawa ko.Napasabunot ako sa sarili ko.Argh! How stupid! Hindi ko man lang na-realize iyon. Napabuga ako ng hangin. Dapat noon pa ako naghinal
last updateLast Updated : 2021-08-17
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status