Alora's Point of View
May anim na malalaking kwarto sa second floor pero sa unang tingin palang, alam ko na agad na ang kwartong tinulugan ko ang pinakamalaki. It must be the master's bedroom.
Ewan ko lang kung saan natulog si Zeke kagabi, hindi ko na rin naman siya nakita pagkatapos kong mag-shower at makapagpalit ng damit.Nainis lang ako sa pantulog na binigay niya dahil sobrang ikli at nipis kaya naman ang ending nangialam ako sa closet niya. Buti na lang at may nahanap akong silk robe na hanggang tuhod ko ang haba.Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Halos hindi rin naman ako nakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon ko.
Pagkabangon ko , agad akong naligo. Isinuot ko ang damit na suot ko kahapon. Nagising akong nakapatong na iyon sa bedside table, nalabhan at ready to use na.Nang bumaba ako ng hagdan, bumungad sa'kin si Zeke. He is wearing a grey three piece suit. Mukhang papasok din siya sa trabaho. Maaga din pala siyang nagising. Akala ko pa naman makakauwi na ako ng bahay bago pa siya magising."Ang aga-aga pero nakasimangot kana agad." Puna niya sa'kin. Wala siyang kangiti-ngiti pero magaan ang boses niya kaya naman hindi siya tunog masungit.Napanguso na lang ako sa tinuran niya. "Come and join me for breakfast before I'll drop you to your work." Ilang sandali rin niya akong tinitigan bago nagpatiuna sa paglalakad.Walang imik na lang akong sumunod sa kanya.Hindi bale, konting tiis na lang at makakaalis na ako dito.
Ipinaghila pa niya ako ng upuan bago siya umupo sa tapat ko. Walang alinlangan akong umupo sa upuan. Gutom na rin ako kaya sumandok na ako ng kanin.
Ngunit nang aksidente akong mapatingin sa kanya, nakita kong nakaawang ang labi niya, mukhang nagulat siya sa ginawa ko.Huli na nang maalala kong hindi pala kumakain ng kanin si Leina tuwing umaga. A slice of bread and cup of milk is enough for her. Oo tama, gatas, hindi siya umiinom ng kape.
Alanganin akong napangiti."I need rice. You know, I will work the whole day," palusot ko na lang. 'Naku naman Alora, nakakarami kana nang katangahan. Isip-isip din pag may time, huh?' Ugong ng aking isipan. Sa totoo lang ay gusto ko nang batukan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya nagkibit-balikat sa sinabi. Nang ibaling niya ang atensiyon niya sa kanyang plato ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
" You told me last night that we will talk. But it seems that we only talk about useless things. Is that all what you want to say?" I opened up. Gusto ko ring matapos na ito para makauwi na ako. At para na rin hindi na siya magpakita sa akin.Tumingin siya sa akin bago siya nagsalita.
" Actually, I want us to talk about our marriage."
"I want a divorce." Agaran akong nagsalita. Hindi ako bumitaw ng tingin sa kanya. Mabuti na yo'ng unahan ko siya.
"Pwede bang ako naman ang pagbigyan mo ngayon? Even just this time," saad niyang lumamlam ang tingin niya sa akin.Hindi ako umimik."Give our marriage a chance."Aalma sana ako kaso nagsalita ulit siya." Until now, I still can't decide on what to do. Give us a chance. Even just a month, stay with me. And if it doesn't work then I'll give the divorce that you want."Napailing na lamang ako. Hindi ko yata kakayanin ang katangahan ng lalaking 'to. "After all the things that happened, you still can't decide?" Hindi ko napigilan ang sarili kong boses sa pagtaas ng tono. Sobra na kasi ang pagkamartir ng lalaking ito.Unbelievable 'tong taong 'to. Niloko na't lahat-lahat pero 'di pa rin makapag-decide. Ano yo'n? Patay na patay lang kay Leina? Sa kwento mismo ng kaibigan ko, masasabi ko na si Leina ang nagkamali. Kaya hindi ko rin gets kung ba't hindi pa niya ako pagbigyan sa divorce na hinihingi ko.
"Just give me a month, that's what I'm only asking from you."
Geez.
Muli na lamang akong napailing."Okay, sige magkita tayo after one month." pagsuko ko.
Huwag lang sanang malaman 'to ng boyfriend ko dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Ayokong masayang ang limang taong relasyon namin ni Kenneth. I already planned my future with him. Proposal na lang niya ang kulang."That's not what I want. Stay with me in this house for one month. Let's try to fix our marriage."Nanlaki ang mga mata ko. Naku! Naloko na!"We can't fix it anymore! Let's just proceed to the divorce," pilit ko.
Wala na talagang maaayos. Hindi na sila pwede ni Leina. Everything is complicated. Wala nang dapat ayusin. Wala na. Ang pinakatamang solusyon sa problema nila ay ang maghiwalay."Subukan sana natin para balang-araw wala tayong pagsisihan. Stay with me and let's find out what's better; to fix our marriage or to legally separate." Kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya.
"Hindi na natin kailangan ang one month na yan, let's just proceed immediately to the legal separation." Giit ko. "Pagbigyan mo naman ako, one month lang naman ang hinihingi ko." Pagmamakaawa niya.Sa totoo lang, gusto kong batukan ang lalaking 'to. Napagwapo niya para magpakatanga ng ganyan sa isang babae.
"Let's just see kung wala na talaga tayong maaayos. Gusto ko lang masiguro na hindi ako magsisisi balang-araw," sunod niyang saad.
Napatanga nalang ako. Mukhang determinado siyang ipilit ang gusto niya.
Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Mabuti sana kung nandito si Leina. She knows this man better and for sure she knows the better decision. At isa pa, problema naman nilang dalawa ito.
Nanatili akong tahimik.Hindi naman ako ang magdedesisyon kundi si Leina. Siya naman talaga ang asawa niya. Siya ang asawa pero pangalan ko ang nasa marriage certificate. Haysss.. Ewan! Ang gulo. Naloloka na ako! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa sitwasyon na 'to."Okay, I'll give you one day to think. The day after that, susunduin kita sa trabaho mo to know your decision. Sana naman pagbigyan mo ako. This is the only thing I'm asking from you."Napaawang na lamang ang labi ko.
Aba! Mukhang mangongonsensya pa para lang yata mapapayag ako.
Inihatid nga ako ni Zeke sa trabaho. Wala kaming imikan habang nasa biyahe kami. Nakikita ko siyang pasulyap-sulyap sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Hindi rin naman siya nagsalita kaya hindi ko na rin siya kinibo.
At saka baka makagawa na naman ako ng katangahan kapag nag-usap pa kami. Nang huminto ang sasakyan ay tila lumukso ang puso ko nang bigla na lamang siyang dumukwang palapit sa'kin. "Teka! Anong gagawin mo?" Hindi ko napigilan na panlakihan siya ng mga mata. Tila balewala naman siyang tumitig sa'kin at saka nginuso ang seatbelt. Nang ma-realized ko ang gusto niyang ipahiwatig ay naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Hayys. Malay ko bang 'yong seatbelt ang sadya niya. Akala ko kasi ay hahalikan niya ako."Kaya ko na 'to," mabilis na saad ko at saka kaagad na tinanggal ang seatbelt ko.Bumuntong-hininga na lang siya at saka lumabas ng kotse niya. Humakbang siya patungo sa tapat ko at pinagbuksan ako ng pintuan.Hindi ko naman naiwasan ang mapaisip.
Bakit ba nagsawa si Leina sa lalaking 'to? Ano pa bang kulang?
"Take care and don't forget to eat on time," saad niya nang makababa na ako.
Iba din ang lalaking 'to.
Sayang naman siya."Salamat. Ikaw din,"sagot ko na lang bago ako tumalikod at pumasok sa pinagtratrabahuan ko.
Hindi na ako nag-abalang lingunin siya kahit ramdam ko ang paninitig niya sa akin.
Mabilis lumipas ang araw. Pag-uwi ko sa unit ni Leina, kaagad niya akong sinalubong na parang kanina pa nag-aabang."Ano, kumusta? What happened? Nakahalata ba siya? C'mon tell me." Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Gano'n ba siya katakot sa mister niya? Sabagay, mukha namang mas mayaman at makapangyarihan ang asawa niya kaysa sa kanya. Plus maaaring magkagulo kapag nalaman 'to ni Franc."Tingin ko, hindi naman siya nakahalata," saad ko bago ako dumeretsong umupo sa sofa."Yaya! Magdala ka dito ng tubig," pasigaw na tawag ni Leina sa katulong namin. You heard it right. Napakaliit ng unit namin pero nag-hire pa siya ng stay-out maid. Buti nalang at nang magdramahan kami kahapon ay nakauwi na ang katulong."Ano pang nangyari?" saad niya at saka tumabi sa'kin."Kumain lang kami at nag-usap," tipid kong sagot. Dumating na rin kasi ang katulong dala ang tubig kaya hindi sandali akong natahimik. Nang makaalis ito sa sala, ipinagpatuloy kong magsalita."Sinabi kong gusto ko ng divorce.""What did he say?" Halata ang excitement sa mukha niya."Hindi siya pumayag," sagot ko dahilan para mawala ang kislap sa mukha niya."I'm sorry,"she said. Nakita ko ang sinseridad sa mukha niya. "Gusto niyang tumira ako sa bahay niya ng one month. He said , he want to see if we could fix the marriage and if not he will give the divorce that I'm asking." "What did you say then?" Mabilis niyang usisa. "Hindi ako sumagot. Wala ako sa posisyon para magdesisyon. Ikaw naman talaga ang asawa niya. I am just his wife in papers." To sum it all, gulo nila ito at nadamay lang ako.Kinuha ko ang baso at saka tinungga ang laman nitong tubig."Pumayag ka! Sigurado naman akong kapag tumanggi ka, kukulitin ka parin niya hanggang sa mapapayag ka niya." Nasamid ako dahil sa narinig ko. Akala ko pa naman, sasabihin niyang tumanggi ako. Agad naman niyang hinagod ang likod."Pero Leina, pa'no si Kenneth? What if he finds out about this?" turan ko nang makabawi ako sa pagkasamid."He's out of country for training ,diba? Hindi niya malalaman. Pwede mo naman siyang i-text o tawagan kapag wala si Zeke." Seryoso ba siya?Parang ang dali ng pinapagawa niya sa'kin ah."Pero uuwi siya after two weeks. Pa'no ko maitatago 'to sa kanya?""Magagawan natin 'yan ng paraan. Tiwala lang, okay?" saad niya. Napaawang na lamang ang labi ko. Ayos ha! Palibhasa ako ang maiipit kapag nagkataon."Another thing, how could I stay with him if I don't even know how to act as a wife?" nasaad ko. Totoo naman kasi. Wala nga akong kaalam-alam kung paano sila bilang mag-asawa."Don't think too much about that. Just be your self, okay?" Napailing na lamang ako. Napakagaling din ng advice nitong kaibigan kong 'to, nohh?"Meaning, I don't need to act like you? Hindi kaya siya makahalata?" I asked. Naniniguro lang. Baka ikapahamak ko pa kapag nabuking ako.
"Four years kaming hindi nagkita. Siguro naman hindi niya ako gano'n kakilala. Three years lang naman kaming nagsama."Hindi naiwasan ang mapataas ang kilay. Whoa. Three years LANG daw. LANG lamang para sa kanya ang three years. As if she was only talking about a one month relationship."Pag nagtanong siya at nase-sense mong nagdududa siya then just tell him that people change. Tutal ang alam naman niya, twenty years old lang ako noong magpakasal kami."Noong maregister ang kasal, Twenty years old ako noon at si Leina naman ay twenty-two ang edad. Identity ko nga talaga ang ginamit niya kasi pati edad ko hiniram niya.
"Ilang taon na ba ang asawa mo?" Usisa ko.
"Twenty-nine na siya ngayon," sagot niya.
Mas matanda pala siya sa'kin ng two years. He looks younger than his age."Pareho pala kayong twenty-two that time. Too young to get married." Nawika ko. Hindi ko rin maipaliwag ngunit tila kusang lumabas iyon sa bibig ko.
"That time, we both believe that were deeply in love with each other."
Hanggang ngayon naman yata deeply inlove parin si Zeke sa kanya. If it's not then he won't try to fix their broken marriage---- I mean our marriage in papers.
Ang masaklap, ako ang kailangang umayos ng gulong ginawa niya kasi busy rin naman siya sa pag-ayos sa sarili niyang buhay.
Sana lang ay kayanin ko ang pinagagawa sa akin ng kaibigan ko.
Sana lang ay hindi ko to pagsisihan sa huli.
Zeke's Point of View
Dumating na ang araw ng usapan namin. Hindi ko naitago ang aking excitement. At kung pwede ko lang hilain ang oras ay kanina ko pa sana ginawa.
I went to the restaurant before it gets five in the afternoon. I parked my car on the parking area of this fast-food restaurant which is located just in front of this small building. Matiyaga akong naghintay sa kanya. Mag-aalas-sais na rin ng hapon nang makita ko siyang lumabas.She is carrying a small travelling bag and a shoulder bag. Lumabas ako ng kotse for her to recognize me. Dumeretso naman siya sa'kin nang makita niya ako. Habang minamasdan ko siyang papalapit sa kinaroroonan ko ay tila bumilis din ang tibok ng aking puso. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay kaagad kong kinuha ng dala niyang bag."Pakihintay nalang ako. May kukunin pa ako," walang kangiti-ngiting saad niya.Inilagay ko na lang sa backseat ang mga gamit niya. Parang gusto kong mag-celebrate. From this travelling bag alone, I can already conclude her decision. Mukhang papayag na siyang tumira sa bahay namin.Maya-maya pa ay bumalik na siya. Pero napakunot ang noo ko sa nakita ko. May dala siyang box na may lamang gamit katulad ng libro, notebooks, at may nakita rin akong picture frame sa ibabaw.Nakasimangot siya at walang kaimik-imik na pumasok sa backseat. At ginawa pa talaga akong driver. Sisitahin ko sana siya kaso padabog niyang inilapag ang dala niya.Pagkatapos ay sumandal siya at humalukipkip. Salubong pa rin ang kilay niya.Obviously, she's in a bad mood. Dahil ba labag sa loob niya ang pagtira sa bahay namin?Buntong-hiniga na lamang akong pumasok sa driver's seat at wala ring imik na nag-drive.When we are halfway to our home, I glance at her in the rear view mirror. This time, hindi na siya nakakunot-noo."Let's eat, outside? We can stop at the nearest restaurant, if you want." I said to break the silence."It's too early to have dinner," matamlay niyang sagot. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. At napakasakit lang na tinanggihan niya ako."Pero kung hindi ka naman maarte, mag-street food nalang tayo," Maya-maya lamang ay turan niya.Street food? Kumakain na pala siya ngayon ng street food.I can't believe how time changed her food preference."If that's what you want then we'll go to that." Nakangiting turan ko. Palagi namang gano'n dati. Nakasunod lang ako lagi sa gusto niya.Just a few minutes, may nadaanan kaming park at saktong may maraming nakahilerang streetfood stalls. "Pwede na tayo diyan." She said that's why I immediately looked for the nearest parking area to park my car.Pasimple ko naman siyang sinulyapan nang maparada ko ang sasakyan. From the rear view mirror, I saw how her eyes shines in glee. Bahagya pa siyang nakangiti. Hindi na rin niya hinintay na pagbuksan ko siya. Siya na ang nagkusang nagbukas ng sasakyan.Dumeretso kami sa nagtitinda ng street food. Bumili siya ng iba't-ibang klase nito then after that dumeretso kami sa park. Tumabi ako sa kanya nang umupo siya sa bakanteng bench. "Kain na," she said then she offered the food she bought."Thanks." Kumuha naman ako ng isang stick ng natuhog na kwek-kwek.First time ko pero mukhang 'di siya aware. Though alam ko naman ang mga pagkaing ito, I never had experienced eating food like this." Stress-reliever talaga ang mga ganitong pagkain," she uttered. Sandali pa itong pumikit na parang ninanamnam ang kinain niyang calamares. On that cue, sinubukang kong magtanong."Why? Are you stressed today?" Try lang, baka naman sakaling mag-open up siya.Gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha. "Wala na akong trabaho. I got fired," kalmadong saad niya."On what grounds?" Muli kong usisa. Tinitigan niya ako. Ooppss! Wrong moves yata, mukhang ayaw niyang magtanong ako."Sinipa ko ang boss ko kanina. Buti na nga naka-heels ako eh. For sure nagkagalos 'yon." Turan niya kasabay ng pagkuha niya ng isaw. "Why did you do that? Is it because he fired you?" Nalukot ang mukha niya. "Nope, binastos niya ako. Bwisit ang lalaking yo'n . Hipuan ba naman niya ako!" Halata ang gigil sa boses niya pero kasabay ay nakita kong pinahid niya ang isang patak ng luhang tumulo mula sa mata niya."Nakakainis! Akala ba niya sa'kin mumurahing babae?" sunod niyang turan.Napakurap naman ako. Sa loob-loob ko, gusto ko siyang kontrahin. Sa dinami-dami ng naging kabit niya dati, nagagawa pa niyang sabihin na hindi siya mumurahing babae? So ano? May dignidad pa siya sa lagay na 'yon?" Nakakagigil talaga siya!" Nanggagalaiti niyang turan. "Gusto mo ba idemanda natin siya?" malumanay kong saad. I will just keep all my sentiments with me for the sake of fixing our marriage.Kaagad naman siyang napalingon sa akin. Unti-unti ring nagbago ang ekspresyon ng mykha niya."Huwag na. Ayoko na rin namang makita pa ang pagmumukha ng demonyong 'yon."
Hindi na ako sumagot. Muling natuon ng pansin ko sa kanya na kumakain ng streetfood.
This is so odd of her. Sa lahat naman ng date namin dati, sa mga mamahaling restaurant kami kumakain.I can't believed how she changed. But I am enjoying while watching her other side. Tila napahanga niya ako habang kumikilos siya na walang kaarte-arte.Zeke's Point of View "Good evening Ma'am, Sir." Sabay-sabay na yumukod sa amin ng mga katulong na sumalubong sa'min. "Pakidala ang mga gamit ng asawa ko sa kwarto namin." Iniabot ko ang susi ng kotse kay Manang Linda upang makuha nila ang mga gamit ng asawa. "Teka! Lilinawin ko lang. I don't want to share a room with you," mabilis niyang asik sa'kin . Mahina na lamang akong napabuntong-hininga. Kanina lang maayos kaming nag-uusap pero ngayon mukhang balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa. "Why not? We're husband and wife." At saka para namang bago sa kanya ang may makatabing lalaki sa kama.Pinandilatan niya ako. "Sige, ipagpilitan mo 'yan then I'll just go home!" banta niya sa'kin.Heto na naman kami. Mukhang kailangan ko na namang magpatalo.I sighed."Okay, Stay in our room. I'll just stay in the guest room." Magpapatalo nalang ako kaysa naman umalis siya."You don't have to do that. I'll just use the guest room," saad niyang nagpatiuna na sa paglalakad pa
Alora's Point of View Nang magising ako, bumungad sa'kin ang puting kisame. The room is a little bit dim. Tanging ang ilaw lamang mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nanlaki ang mata ko. Kwarto ito ni Zeke! Bakit nandito ako sa kwarto ni Zeke?Pinilit kong inalala ang nangyari. Naaala kong nang umulan ay kaagad kaming tumakbo patungo sa kwarto niya. Napakurap ako nang maalala kong nakaidlip ako sa biyahe. Napalunok ako. Binuhat ba niya ako patungo rito? Naramdaman kong may nakadantay sa aking tiyan. Only to find out na kamay pala ni Zeke iyon.Dahan-dahan kong tinanggal iyon kaya naman naramdaman ko ang nakakapasong init mula dito.Hindi ako nagdalawang isip na damhin ang noo niya. Ang init niya. Mukhang nilalagnat siya.Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Nang tingnan ko ang oras, pasado alas onse na ng gabi. Siguradong tulog na ang mga maid niya.I look for a first aid kit. May nahanap naman ako sa cr. Nang may makita akong thermometer, I checked his temperature
Alora's Point of View "About the coming expansion, sir, the team is still working about it. And honestly sir, sobra po silang nahihirapan. We really need your presence there, sir."Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa business kaya naman para lang akong audience dito habang pasimpleng pasulyap-sulyap sa kanila.Sumulyap sa'kin si Zeke. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. "I'm sorry, sir. I was being inconsiderate. Nakalimutan ko pong on leave po pala kayo." Magaan ang boses ni Richelle Ravina. Animo ay isa itong anghel sa malamyos niyang tinig na bumagay naman sa maganda niyang mukha. Bagay na bagay rin sa kanya ang lipstick niyang pula."Is it okay if you have a night shift, Miss Ravina? Let's work about the expansion during night." Hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin dahil sa sinabi ni Zeke.Magtratrabaho siya sa gabi? So ano? Balak ba niyang patayin ang sarili niya?"Hindi mo naman kasi kailangang mag-leave sa trabaho si Zeke." Sumabat ako sa usapan nila bago pa su
Zeke's Point of View Napakunot-noo ako nang lumabas siya mula sa malaking pintuan ng bahay. She's wearing a black shirt paired with rugged pants and a white rubber shoes.Nagbago na nga talaga siya. The old kind of wife I had won't wear T-shirt. She always wear a semi-formal dress, mapa-bahay o mapa-labas man. She never wear pants. Kahit nga sa loob ng bahay naka-make up siya. But look at her today, she's not even wearing any make up or even just a lipstick. "Ang ganda niyo talaga, ma'am." Nakangiti ang driver naming si Mang Kanor. Nasa edad singkwenta na ito. Makikita iyon mula sa mangilan-ngalang hibla ng puti niyang buhok. Nagsimula na ring mangulubot ang balat nito."Thanks, Mang Kanor." Kumislap ang mata ng asawa ko kasabay ng pagngiti ng labi niya.Totoo ang sinabi ni Mang Kanor, maganda siya kahit simple lang ang suot niya. At lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Well, kahit naman nakasimangot siya, maganda pa rin siya.Pinagbuksan mo siya nang walang kaimik-imik. Kahit noo
Alora's Point of View Agad akong napakilos nang dumating ang taong hinihintay ko. Kaninang umaga pa ako naghihintay sa harap ng condo unit niya. "Nandito ka na naman? I already told you, we're done!" Lumapit ito sa pintuan. Agad naman akong sumunod sa kanya. "Hayaan ko naman akong magpaliwanag, Ken." Hinawakan ko siya pero marahas niyang tinanggal ang kamay ko. "For what? Para lokohin at paikutin ako?" "Hindi. Hindi ko magagawa 'yan sa'yo." "Hindi ko naman talaga siya asawa. Si Leina naman talaga ang totoong asawa niya," sunod kong saad. "Then what the fuck are you doing there? Huwag mong sabihin na nandoon ka para magpanggap na si Leina?" "Iyon naman talaga ang----" Napatigil ako nang magsalita siya. "Stop it, Alora! Hindi ako maniniwala sa'yo!" "Maniwala ka sa'kin. Kung gusto mo kahit kausapin mo pa si Leina. Mapapatunayan niyang nagsasabi ako ng totoo." Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha. "Lalo lang akong hindi maniniwala. That bitch is your bestfriend! Kun
Zeke's Point of View Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dumaloy mula sa hubad kong katawan ang mga butil ng tubig.I tried reminiscing everything. Dumaloy sa isip ko ang mukha niya nakangiti habang kausap ang waitress. Sariwa pa sa alaala ko kung gaano kasimple ang suot niyang blouse at skirt noon. Bumalik din sa alaala ko ang sandaling binigyan niya ako ng blangkong expression at ang pagpasok niya sa taxi na parang hindi niya ako kilala. "I am not your wife."Napapikit ako ng mariin.Sinabi nga niya noon na hindi siya ang asawa ko. Ilang beses din niyang sinabi iyon. That's maybe the reason why she usually says 'your wife' or 'asawa mo' because she is really referring to other person. Naalala ko rin ang pagtatanong niya noon sa katulong kung nasaan ang comfort room. That's it! Hindi niya alam iyon dahil hindi naman talaga siya ang asawa ko.Napasabunot ako sa sarili ko.Argh! How stupid! Hindi ko man lang na-realize iyon. Napabuga ako ng hangin. Dapat noon pa ako naghinal
Third Person's Point of View Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Kenneth sa buong silid. Sapu-sapo pa nito ang kanyang tiyan na sumakit dahil sa pagtawa. "Stop laughing or else you'll see. Tatahiin ko 'yang bunganga mong 'yan." Pinalo siya sa dibdib ng babaeng kaharap. "Sorry! I just can't help it." Pinigil nito ang sarili sa pagtawa. "Mukhang natauhan na ang utu-u***g si Alora." Nakangising itong umiling-iling. "And it's all your fault! Kung hindi mo sinabing iharap niya sa'yo si Fuentares, hindi niya maiisipang gawin iyon! You bullshit! Sinira mo ang plano!" "Napaaga lang naman ah. Doon rin naman papunta ang plano mo." Naglakad ito patungo sa balkonahe at agad naman siyang sinundan ng kausap. "How can I be so sure that she will get hurt and be punished by Zeke Xavier? Masyado pang maaga para dito!" Agad namang siyang liningon ni Kenneth. "Nakita mo naman kung paano siya umiyak at maghabol sa'kin. Hindi pa ba siya nasaktan sa lagay na 'yon?" "Kulang pa 'yon! Kulang na kula
Hinintay ni Zeke ang pagpasok ng dalawa. Kalmante itong umupo at humalukipkip. Diretso lang ang tingin nito sa dalawang babae. Parehong-pareho sila ng hulma ng mukha. Gayunman ay agad ding mapapansin ang pagkakaiba ng dalawa. Bukod sa istilo ng pananamit, mas balingkinitan ang pangangatawan ng sopistikadang babae. "Do I still need to introduce myself?" Nakaarko ang kilay nito habang nakatingin kay Zeke. Nanatili lamang silang nakatayo, tila wala silang planong patagalin ang usapan. Hindi naman umimik ang lalake, nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Sa loob niya ay tinitimbang ang kanyang damdamin sa babaeng dati niyang kinasama. "Alright! I am Leinarie Melendrez. And I am your real wife." "As far I know, I am legally married to Alora Leigh Andrada." Pinanatili ni Zeke Xavier na huwag magpakita ng emosyon. Kahit na ang totoo ay nagsisimula na siyang kainin ng labis na pagkamuhi. Animo'y bumalik ang sakit ng panloloko at pang-aabandonang ginawa sa kanya noon ng babaeng kanyang
Makalipas ang isang taon..... Akmang papaandarin ni Zeke ang kanyang kotse nang makita niya ang paglabas ni Alora sa kanilang mansiyon. Nakasuot ito ng maong na pantalon at kulay asul na T-shirt. Maya-maya lang ay nakita nito ang pagpasok niya backseat ng isa lang kotse. Sumunod naman na pumasok sa driver's seat ang driver na si Kanor. Umusbong naman ang pagtataka ni Zeke. Wala siyang maalalang nagpaalam ang misis niyang may pupuntahan ito. Nang umandar ang sinakyan nina Alora, pinaandar na rin ang kanyang sasakyan upang sundan sila. Huminto ang sasakyan sa tapat ng sementeryo. Kitang-kita niya ang pagbaba ni Alora mula doon. Nang makaalis ang sinakyan nito ay nagpasya din siyang bumaba at sundan ang kanyang misis.Pinagmasdan niya ito mula sa hindi kalayuan.Nakita niyang huminto at umupo sa gitna ng dalawang puntod. Kitang-kita pa ni Zeke ang magkasunod paghaplos ni Alora sa lapida ng mga ito.Ilang sandali lang ay nakita niya ang ginawang pagpahid nito sa kanyang pisngi.Gusto
Pagbaba ni Zeke ng hagdan ay nabungaran niya si Franc Belmonte sa kanilang sala. Agad rin itong tumayo nang makita niya si Zeke."I'm in a hurry, Mister Belmonte." "I know. But give me few minutes, Mister Fuenteres. Kailangan mo lang 'tong makita."Inilahad nito ang kanyang cellphone.Kunot-noong iniabot iyon ni Zeke. Sa screen ay makikita ang isang video. Saglit pa niyang liningon si Franc bago niya pindutin ang play button.Humagikgik ang batang si Neil."Today we're gonna play my new car." Inilapit nito ang mukha sa camera. Inilagay rin nito ang kanyang palad sa gilid ng kanyang labi." Mommy brought this one." Pabulong nitong wika.Muli siyang humagikgik nang lumayo siya sa camera.Bumalik ang tingin ni Zeke kay Franc. Pabalik nitong isinaksak sa dibdib nito ang hawak niyang cellphone."So what is this? You want me to watch your son's video? Nawawala ang asawa ko, Mister Belmonte! Wala akong panahon sa mga ganyan."Humakbang ito paalis ngunit mabilis din siyang hinarang ni Franc."
Sinipat ni Leinarie ang sarili sa salamin. Pinakatitigan niya ang kanyang mukha. Bilugang mata, malalantik na pilikmata, sakto lang ang tangos ng ilong at makipot na labi."I am Alora Leigh Andrada now." Nausal niya sa kanyang isip.Madaling napapayag ni Leinarie ang kanyang kapatid na gayahin niya ang mukha nito. Matapos nitong gamitin ang skills sa pag-arte at konting kasinunggalingan ay lumambot na ang puso nito. Kinagat ni Alora ang dahilan niyang gusto niyang takasan si Franc Belmonte."Utu-u***g Alora." Nasambit niya habang nakatingin sa salamin. Nakasuot siya ng kulay maroon na bestidang hapit na hapit sa kanya. Naglagay rin siya ng light make up sa kanyang mukha. Nang masigurong maayos na ang kanyang hitsura ay kaagad siyang sumakay sa kotse at pinuntahan ang lugar na kanyang pakay.Puno ng kumpiyansa itong naglakad papasok sa loob. Alas dyes na rin ng gabi kaya naman marami na rin ang tao sa bar.Iginala niya ang paningin. Sinaliksik ng mata niya ang kanyang pakay. At hindi n
Flashback .... "I now pronounce you, husband and wife. Congratulation Mister and Mrs. Belmonte."Umirap pa si Leina matapos sabihin iyon ng judge. Si Richelle at ang driver ni Franc ang naging witness sa kasal."We'all keep it a secret for now." Tinalikuran ni Leina si Franc at nagpatuloy ito sa paglalakad. Naiiling na lang na sumunod rin sa kanya si Franc. "Huwag ka sanang atat. Bibigyan kita ng anak kapag ready na ako. Hindi ka naman talo dito, nagpakasal pa ako sa'yo." "I know, bata ka pa. But I just want to remind you, hindi mo ako matatakasan."Agad naman siyang liningon ni Leina."Siguro nga. Pero alam mong hindi mo ako kayang kontrolin na parang isang robot." Ngumisi ito sa kanya. "But don't worry, susunod ako sa usapan natin."Umirap pa ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lang naman sa kanya si Franc. Si Richelle at ang driver naman ni Franc ay sumakay sa kabilang kotse. Si Franc naman ang nag-drive sa kotseng sinakyan nila ni Leina."Closed na pala ang kaso ni Tito Ar
Nagising si Alora na tila pinupukpok ang ulo sa sakit. Iginala niya ang kanyang paningin. Walang gamit sa paligid, ang mga dingding naman ay nagkukulay itim na. Tila dating may pintura ito dahil sa mababakas pa ang kulay puting tila naluma na. Sinubukan niyang gumalaw subalit naramdaman niya ang taling nakapulupot sa beywang niya gayundin ang kamay niyang nakatali sa likod ng kinauupuan niya. "Good thing that you're awake." Agad siyang napabaling sa pinagmulan ng tinig. "Leina?" Bumalatay ang gulat sa mukha ni Alora. "Yes my dear, it's me." Ngumisi ito sa kanya. Maya-maya lang ay lumapit si Richelle kay Leina at inaabot sa kanya ang isang baril. Nakaramdam ng pangangatog ng tuhod si Alora. "Anong ibig sabihin nito, Leina?" "What's the meaning of this?" Ngumisi ito ng nakakaloko. "Nakalimutan mo na ba, my dear? Sabi ko dati, All I want for you is a remarkable life." "Bakit?" Hindi naitago ni Alora ang panginginig. Nagsimula na rin niyang maramdaman ang paghapdi ng kanyang mata.
Nagpatuloy pa ang pagpapadala ng litrato ni Alora na pawang mga stolen shots. Araw-araw ay may natatanggap si Zeke na litrato nito. Hindi rin nakaligtaang i-message sa kanya kung anong kinain nito sa maghapon. Updated rin siya sa kung anong ginawa nito sa maghapon. Maging ang oras ng pagtulog nito ay hindi nakaligtaang sabihin sa kanya. Maging ang ultrasounds photo at laboratory resullts ay ipinapadala rin sa kanya. Gayunman, wala pa ring kasing lungkot ang mga nagdaan mga buwan. Hindi sapat ang mga 'di mabilang na larawan upang maibsan ng pangungulilang kanyang nadarama. "Do you have any good news, Art?" "I'm sorry, sir. Sampung private investigator ang kumikilos pero sadyang wala silang makuhang impormasyon. Nagpamigay na rin po ng mga flyers at meron na ring pong post sa iba't-ibang social media account pero wala pa rin talaga, sir." Nabuntong-hininga na lamang si Zeke. "Dapat pa ba akong umaasa na makikita ko pa siya?" Napatitig siya sa litratong huling ipinadala sa kanya.
Ibinulalas ni Richelle ang kanyang sunod-sunod na mura. "Ano na naman bang problema?" Nakahukipkip na itinuon ni Kenneth ang atensiyon sa kanya. "Nawawala si Alora. Saan mo ba kasi napulot 'yong mga palpak na taong iyon?" Nagpupuyos ito sa galit. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito. "Nagawa nilang sunugin ang mansiyon pero ang mga bobo, hindi naman nagawang ma-kidnap si Alora. Bwisit!" "Relax, okay? Baka pahiwatig na ito na dapat tumigil ka na sa mga ginagawa mo." "Hindi! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan marami na akong nagawa sa plano. Tapos na sana ang lahat kundi lamang sa mga gunggong na iyon." Napabuntong-hininga na lamang si Art. "Hindi pwedeng masayang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi pwede!" Sa nanlilisik niyang mga mata, unti-unting gumuhit ang alaala ng nangyari sa Cerie Hotel. Pasimpleng nagmamasid si Richelle sa kilos ng kanyang amo. Nakikihalubilo siya sa mga empleyado ngunit nobenta porsyento ng kanyang atensiyon ay nasa mag-asawa. Nang makita niyang nagl
Nagising si Alora na wala na si Zeke sa kanyang tabi. Nakaramdaman siya ng kahungkagan. Nagsisimula na rin niyang kwestunin kung totoo ba ang nangyari kagabi o isa lamang iyong panaginip."Good morning ma'am."Lumapit sa kanya si Jessa. May hawak itong tray na may lamang pagkain at isang baso ng gatas."Umalis na po si sir, ma'am. Pero ipinagluluto po niya kayo bago siya pumasok sa trabaho."Sumilay ang ngiti sa labi ni Alora Leigh. Ngayon niya nakumpirmang hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi."Pero kung may gusto kayo ma'am, sabihin niyo lang po.""Pickles sana. Iyong papaya pickles.""Meron po ma'am. Marami po kaming ginawa ni Manang Linda simula po noong una kang mag-request ma'am." Nakangiting turan ni Jessa."Salamat, Jessa. At saka pwede bang sa labas ako mag-agahan. Gusto kong nakikita 'yong mga halaman diyan sa labas.""Sige po, ma'am." Masiglang saad nito."Thank you. Maghihilamos lang ako then lalabas na ako.""Samahan ko na po kayo, ma'am." Kumilos ito upang ibaba a
Napunta ang tingin ni Zeke sa screen ng kanyang laptop. Mula roon ay nakikita niya si Alora. Mahimbing pa ang tulog nito. Muling ibinalik ni Zeke ang tingin sa papeles na kanyang kaharap. Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Natuon ang buong atensiyon niya roon nang makita niya ang pagkilos ni Alora. Ilang sandali nitong iginala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan niya bago ito bumangon. Katatayo pa lamang nito sa kanyang kama nang mapatakip ito bunganga. Awtomatiko ring napatayo si Zeke nang tumakbo si Alora sa banyo. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis nito sa kanyang noo. Nang magsuka si Alora sa sink ay lalo siyang naalarma. Kumilos ang kanyang paa pahakbang. Natigil lamang siya nang makita niya ang paglapit ng mayordomang si Linda sa kanyang misis. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag nang makita niyang hinagod niya ang likod nito. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo nang makita niyang inakay na ng katulong si Alora palaba