Zeke's Point of View
"Good evening Ma'am, Sir." Sabay-sabay na yumukod sa amin ng mga katulong na sumalubong sa'min."Pakidala ang mga gamit ng asawa ko sa kwarto namin." Iniabot ko ang susi ng kotse kay Manang Linda upang makuha nila ang mga gamit ng asawa.
"Teka! Lilinawin ko lang. I don't want to share a room with you," mabilis niyang asik sa'kin .
Mahina na lamang akong napabuntong-hininga. Kanina lang maayos kaming nag-uusap pero ngayon mukhang balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa.
"Why not? We're husband and wife." At saka para namang bago sa kanya ang may makatabing lalaki sa kama.
Pinandilatan niya ako. "Sige, ipagpilitan mo 'yan then I'll just go home!" banta niya sa'kin.Heto na naman kami. Mukhang kailangan ko na namang magpatalo.I sighed."Okay, Stay in our room. I'll just stay in the guest room." Magpapatalo nalang ako kaysa naman umalis siya."You don't have to do that. I'll just use the guest room," saad niyang nagpatiuna na sa paglalakad paakyat. Sumunod naman sa kanya ang mga katulong na nagdala ng gamit niya.Naiiling nalang ako habang tanaw ko siyang papalayo. Siya na naman ang nasunod. Lagi naman ganito, siya ang laging superior."Good evening, sir." Agad akong napalingon sa nagsalita. It was Artheo Pueblo, my most trusted man.
"Art!" Ginawaran ko siya ng munting ngiti. Hindi ko pa pala siya napapasalamatan sa pagsundo niya sa asawa ko. Kahit sinasahuran ko siya, hindi matatawaran ng pera ang serbisyo at katapatan niya sa'kin. "May qualified na po sa position ng CEO's secretary, sir." Napatango ako. Mahigit three weeks na rin akong walang secretary matapos mag-resign ang dati kong secretary."Go signal niyo na lang po ang kailangan, sir. The HR will immediately hire her upon your approval.""Let's discuss about her in the library. Follow me."
Alora's Point of View
Maaga akong nagising. Nakakahiya naman kung feeling prinsesa ako dito samantalang hindi naman talaga ako ang asawa niya."Tulungan ko na po kayo sa pagluluto, manang," saad kong nakangiti.
"Naku, huwag na po, ma'am." Halatang nahihiya siya, bigla rin siyang naging conscious sa mga kilos niya."Sige na po, manang. Sanay naman po ako sa gawaing bahay," saad ko. Hindi ko siya lulubayan hanggang sa hindi siya pumayag."Kaya lang po ma'am, baka po magalit si sir kapag-----""Kapag 'di niyo po ako pinayagan manang, magtatampo po ako," saad ko bago pa niya matapos ang sasabihin niya.Parang nataranta naman siya kaya sinamantala ko iyon para kunin ang apron na nakasabit sa gilid ng refrigerator. Hindi na rin siya umimik nang magsimula na akong kumilos.Kinuha ko na ang bacon at ako na ang nagprito.I was busy cooking when an arms encircled my waist. Sa gulat ko muntik ko ng ipalo sa kanya ang sandok na hawak ko buti nalang nagawa niyang pigilan ang kamay ko."Good morning, wife." He is hugging from my back. Ipinatong rin niya ang baba niya sa balikat ko."Alam mo bang na-miss kita ng sobra? I'm really happy you're back home," malambing niyang saad.I sighed."Pwede ba, stop hugging me. Alis!" sungit ko sa kanya. Ayoko lang sa ideyang niyayakap niya ako dahil akala niya ako si Leina.Kumalas naman siya sa pagyakap sa'kin. Agad ko siyang hinarap matapos kong patayin ang stove."Ba't hindi ka pa bihis? Wala ka bang work ngayon?" I asked. Nakasuot lng kasi siya ng sando at short. "I'm on leave."Hay naku! Ano ba yan! Umaasa pa naman ako na mamayang gabi ko na ulit siya makikita."Pero aalis din ako mamaya. I have to meet someone." Bago pa ako makaimik ay muli siyang nagsalita. "Then after my short meeting, let's go out for a date."Akmang magsasalita ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinapa iyon sa bulsa ko. At nang makita ko kung sino ang tumatawag, hindi ko mapigilan ang mapangiti.The man of my life."Babe!" Hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako kasi naalala niya akong tawagan ng ganito kaaga.Sa sobrang saya ko ay nawala sa isip ko na kaharap ko pala si Zeke. Nagbalik lang ako sa reyalidad nang makita kong nakatingin siya sakin. Bahagyang nakakunot-noo niya at bahagyang nakaarko ang isa ng kilay. Bahagya ring nakaawang ang labi niya.Eh paki ko kung narinig niya. Mabuti nga yo'n para pagbigyan na niya agad sa divorce.Bago siya makaimik ay tila balewala akong lumakad ako palabas para makausap si Kenneth.
Kaagad akong naligo at nagbihis pagkatapos naming kumain. I am wearing a hanging t-shirt paired with high waist pants. I also use a rubber shoes. Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa'kin si Zeke na bihis na bihis. Nakasuot pa ito ng blue three piece suit. Parang gusto tuloy ang humagalpak sa tawa."Ano ba naman yan? Wala na bang mas pormal diyan?" Sumimangot siya kaya naman pinigilan ko na sarili ko sa pagtawa. Baka kasi mamaya ay lalong siyang maasar."Halika nga, ako pipili ng susuotin mo," turan kong hinila siya papunta sa kwarto niya. Nang makapasok kami, hinayaan ko siyang magpatiuna papunta sa walk in closet niya. “Ito ang gamitin mo para 'di ka magmukhang ewan sa puountahan natin." Biro ko kasabay ng pag-abot sa kanya ng napili kong damit. I chose a dark blue polo and a denim plants for him. I also blue picked slip on shoes for him. Kaagad naman niyang tinanggap iyon.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang maghubad sa harap ko."Gosh! Magsabi ka naman kung maghuhubad ka para mabigyan kita ng privacy." Mabilis kong tili. "What?Privacy? We use to get naked in bed. So what's new if magbihis ako sa harap mo? "Aba! Ang bulgar naman nito. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya para pagtakpan yun sinipa ko siya sa paa tapos walang sabi-sabing iniwan siya.
"Shit!" Nakangiwing bukalas niya matapos ko siyang sipain pero di'ko na sinubukang lingunin pa.
Zeke's Point of View
Where is she?" Agad kong bungad kay Sam pagkalabas ko ng elevator."Nasa loob na po, sir."
Walang-imik akong naglakad papasok ng opisina. Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa aking babaeng medyo may katangkaran. Kasuot ito ng white three-fourth sleeves na tinernuhan niya ng skirt. Kaagad siyang napatayo nang makita niya ako.
Agad ring nanlaki ang mata niya nang makilala niya ako.
'Hello, miss sungit. We met again.' Ugong ng aking isipan.
"Miss Richelle Ravina, I would like you to meet your new boss. He is Zeke Zavier Fuentares." Formal ang pagpapakilala sa amin ni Artheo.
Agad naman akong umupo sa aking upuan.
"Please sit down, Miss Ravina." Wala akong kangiti-ngiti.
Gumuhit ang hiya at pagkabalisa sa mukha niya. Dahan-dahan siyang umupo, nakayuko pa siya ng bahagya.
"I know Mister Pueblo already discussed the details of your job and so with your salary and benefits.""Yes sir, he already discussed every detail." Mahinang turan niya.
"Alright! Did he mentioned that I will be on leave?"
"Yes, sir. He already told me what to do sir."
Marahan akong napatango.
"Okay. That's good." Tumango-tango ako bago ako tumayo sa pagkakaupo.
"Alright, that's allNice meeting you. Mister Pueblo will tour you around."
Bumaling ako ng tingin kay Art.
"Art, ikaw na ang bahala sa kanya."
Agad naman itong tumango.
"Yes, sir."
Hindi ko na tinapunan pa ng tingin si Richelle Ravina nang tunguhin ko ang pinto. Mabilis kong tinalunton ang pasilyo pagkálabas ko ng aking opisina.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang nakaupo sa waiting area kung saan siya nagpaiwan kanina.
"I'm sorry for making you wait, wife." Agad namang siyang tumayo sa sofa nang makita niya ako."Nah. Maliit na bagay." Gumuhit ang munting ngiti sa labi nito.
"Tara na." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Itinaas naman niya ang kamay niya ngunit natigil iyon sa ere.
Nang titigan ko siya, nakita kong nakabaling sa bandang likuran ko ang mata niya. Agad ding napunta roon ang atensiyon ko.
Nakatutok ang mata niya kina Art at ang bago kong secretary.
"What's the matter?"
Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo.Agad naman siyang napatingin sa'kin.
"Wala naman. Iyong babae kasi, parang kilala ko siya."
"She's Richelle Ravina, my newly hired secretary."
Muling bumalik ang tingin niya sa aking bagong secretary.
"Parang nakita ko na siya somewhere.""Maybe she's one of your costumer in the restau."
Bumaling siya sa akin
"Ah siguro nga.""So let's go!"
"Sige, tara na." Muli pa niyang nilingon si Richelle Ravina nang magsimula kaming lumabas ng building.
Nawala lang atensyon siya sa bago kong secretary nang tumunog ang cellphone niya. It's a notification alert. Mukhang may text message siya.
Walang na kaming imikan hanggang sa makarating na kami sa sasakyang naghihitay sa'min.
Tumabi ako sa kanya sa back seat. I just instructed the family driver where to go." Wife," I called her to get her attention. Kanina pa kasi siya busy sa cellphone niya. Tumingin naman siya sa'kin.
"Don't call me wife."Tila kinurot ang puso ko. Oo nga pala! May babe na kasi siya."Okay. Lei, " Ayaw niya ng wife, eh di Lei nalang tutal yo'n naman ang tawag ko noon sa kanya. Iyon siguro ang gusto niya kasi dati naman 'di ko siya tinatawag ng 'wife'."Call me Alora. That's my name." Gusto kong matawa, para namang hindi ko alam."I know. Alora Leigh, that's your name. I'm aware of that because you're my wife.""Hayan ka na naman sa linyahan mong ganyan. Sooner or later, hindi mo na ako asawa. So treat me like a stranger," litanya niya at saka isinandal ang ulo niya headrest ng sasakyan.Pakiramdam ko tuloy para kong pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya at siya naman pilit akong pinagtatabuyan."Tell straight to my face. What's wrong with me as husband?"Tumingin siya sa 'kin."Don't ask me that. Alam kong alam mo kung bakit ka ipinagpalit ng asawa mo."Oo nga pala. Nasabi na pala niya sa'kin dati when I confronted her about her other man."Sabi mo sa'kin nagkulang ako ng time sa'yo dahil busy ako sa trabaho. If that's my lacking as husband then I will fix that. Kaya nga ako nag-leave to have time with you. But look at you, you're still cold at me."Kaso sa halip na sagutin niya ako, bumaling siya sa driver."Manong, malayo pa ba tayo?"Napabuntong-hininga na lamang
Paano kami magkakaayos kung ganito siya sa akin?
Alora's Point of View
"Sabi mo sa'kin nagkulang ako ng time sa'yo dahil busy ako sa trabaho. If that's my lacking as a husband then I will fix that. Kaya nga ako nag-leave to have time with you. But look at you, you're still cold at me," saad niya.Nakonsensiya naman ako bigla. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang lahat, kaso hindi naman talaga ako ang asawang nakasama niya dati. I should leave it to Leina. Siya dapat ang magtapat ng katotohanan.Kaya para matigil na ang usapang ito, bumaling ako sa driver at tinanong kung malayo pa ba kami.Buti nalang at ilang minuto lang ay nakarating na kami. Gosh! I'm saved again. Pero hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan?Nothing special this day, nag-grocery lang kami, kumain, nanood ng sine, kumain ulit , nagshopping, kumain na naman ulit at namasyal sa parke. Naging mabilis ang oras, namalayan ko na lang na alas-otso na pala ng gabi. Ngunit tila wala pa siyang balak magyaya na umuwi. Gabi na pero nandito pa rin kami sa park. Nakaupo kami sa damuhan."Pagod na ako, Zeke," wala sa sariling nasaad ko.'Sana mapagod ka na ring magpakatanga kay Leina.' Ugong ng aking isipan."Zeke? That's new. You call me Zav before." Kumabog ang dibdib ko pero pinilt kong huwag magpahalata. "Ah, okay. Zav"Napangiwi ako. Kung bakit ba naman kasi hindi man lang ako in-inform ni Leinarie. Ngumiti siya."It's okay if you call me Zeke. Actually, I'm happy because mom also calls me like that."It reminds him of his mom? Hind ko naiwasan ang panliitan siya ng mata. Iyong tawag ko ba talaga sa kanya o mukha na akong nanay kasi ang haggard ko na ngayon?"Sana maulit 'to," turan niya kasabay ng pilit na ngiti. Itinukod ko ang kamay ko sa ulo ko at tumingin sa kanya habang nagsasalita."Babawi ako sa mga pagkukulang ko noon, wife." Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya. Nakatuon ang atensiyon ko sa mukha niya. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Na-focus roon ang tingin ko at animo'y tumigil ang ikot ng mundo. Parang nilamon ako ng nakakahumaling na kulay berde niyang bilumata.Natigil lang ako sa pagtitig sa kanya nang may pumatak na tubig sa pisngi ko.Wala sa sariling napatingala ako."It's starting to rain. Let's go."Tumayo siya at mabilis na kinuha niya ang kamay ko. Tila tuod naman ako na nagpahila.Sabay kaming tumakbo habang magkahawak kamay. At sa sandaling magkahugpong ang aming kamay para nag-slow motion ang lahat.
Ang tanging namalayan ko na lang ay ang malakas ng pagtibok ng aking puso na animo'y isang magandang musika sa aking pandinig.
Alora's Point of View Nang magising ako, bumungad sa'kin ang puting kisame. The room is a little bit dim. Tanging ang ilaw lamang mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nanlaki ang mata ko. Kwarto ito ni Zeke! Bakit nandito ako sa kwarto ni Zeke?Pinilit kong inalala ang nangyari. Naaala kong nang umulan ay kaagad kaming tumakbo patungo sa kwarto niya. Napakurap ako nang maalala kong nakaidlip ako sa biyahe. Napalunok ako. Binuhat ba niya ako patungo rito? Naramdaman kong may nakadantay sa aking tiyan. Only to find out na kamay pala ni Zeke iyon.Dahan-dahan kong tinanggal iyon kaya naman naramdaman ko ang nakakapasong init mula dito.Hindi ako nagdalawang isip na damhin ang noo niya. Ang init niya. Mukhang nilalagnat siya.Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Nang tingnan ko ang oras, pasado alas onse na ng gabi. Siguradong tulog na ang mga maid niya.I look for a first aid kit. May nahanap naman ako sa cr. Nang may makita akong thermometer, I checked his temperature
Alora's Point of View "About the coming expansion, sir, the team is still working about it. And honestly sir, sobra po silang nahihirapan. We really need your presence there, sir."Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa business kaya naman para lang akong audience dito habang pasimpleng pasulyap-sulyap sa kanila.Sumulyap sa'kin si Zeke. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. "I'm sorry, sir. I was being inconsiderate. Nakalimutan ko pong on leave po pala kayo." Magaan ang boses ni Richelle Ravina. Animo ay isa itong anghel sa malamyos niyang tinig na bumagay naman sa maganda niyang mukha. Bagay na bagay rin sa kanya ang lipstick niyang pula."Is it okay if you have a night shift, Miss Ravina? Let's work about the expansion during night." Hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin dahil sa sinabi ni Zeke.Magtratrabaho siya sa gabi? So ano? Balak ba niyang patayin ang sarili niya?"Hindi mo naman kasi kailangang mag-leave sa trabaho si Zeke." Sumabat ako sa usapan nila bago pa su
Zeke's Point of View Napakunot-noo ako nang lumabas siya mula sa malaking pintuan ng bahay. She's wearing a black shirt paired with rugged pants and a white rubber shoes.Nagbago na nga talaga siya. The old kind of wife I had won't wear T-shirt. She always wear a semi-formal dress, mapa-bahay o mapa-labas man. She never wear pants. Kahit nga sa loob ng bahay naka-make up siya. But look at her today, she's not even wearing any make up or even just a lipstick. "Ang ganda niyo talaga, ma'am." Nakangiti ang driver naming si Mang Kanor. Nasa edad singkwenta na ito. Makikita iyon mula sa mangilan-ngalang hibla ng puti niyang buhok. Nagsimula na ring mangulubot ang balat nito."Thanks, Mang Kanor." Kumislap ang mata ng asawa ko kasabay ng pagngiti ng labi niya.Totoo ang sinabi ni Mang Kanor, maganda siya kahit simple lang ang suot niya. At lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Well, kahit naman nakasimangot siya, maganda pa rin siya.Pinagbuksan mo siya nang walang kaimik-imik. Kahit noo
Alora's Point of View Agad akong napakilos nang dumating ang taong hinihintay ko. Kaninang umaga pa ako naghihintay sa harap ng condo unit niya. "Nandito ka na naman? I already told you, we're done!" Lumapit ito sa pintuan. Agad naman akong sumunod sa kanya. "Hayaan ko naman akong magpaliwanag, Ken." Hinawakan ko siya pero marahas niyang tinanggal ang kamay ko. "For what? Para lokohin at paikutin ako?" "Hindi. Hindi ko magagawa 'yan sa'yo." "Hindi ko naman talaga siya asawa. Si Leina naman talaga ang totoong asawa niya," sunod kong saad. "Then what the fuck are you doing there? Huwag mong sabihin na nandoon ka para magpanggap na si Leina?" "Iyon naman talaga ang----" Napatigil ako nang magsalita siya. "Stop it, Alora! Hindi ako maniniwala sa'yo!" "Maniwala ka sa'kin. Kung gusto mo kahit kausapin mo pa si Leina. Mapapatunayan niyang nagsasabi ako ng totoo." Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha. "Lalo lang akong hindi maniniwala. That bitch is your bestfriend! Kun
Zeke's Point of View Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dumaloy mula sa hubad kong katawan ang mga butil ng tubig.I tried reminiscing everything. Dumaloy sa isip ko ang mukha niya nakangiti habang kausap ang waitress. Sariwa pa sa alaala ko kung gaano kasimple ang suot niyang blouse at skirt noon. Bumalik din sa alaala ko ang sandaling binigyan niya ako ng blangkong expression at ang pagpasok niya sa taxi na parang hindi niya ako kilala. "I am not your wife."Napapikit ako ng mariin.Sinabi nga niya noon na hindi siya ang asawa ko. Ilang beses din niyang sinabi iyon. That's maybe the reason why she usually says 'your wife' or 'asawa mo' because she is really referring to other person. Naalala ko rin ang pagtatanong niya noon sa katulong kung nasaan ang comfort room. That's it! Hindi niya alam iyon dahil hindi naman talaga siya ang asawa ko.Napasabunot ako sa sarili ko.Argh! How stupid! Hindi ko man lang na-realize iyon. Napabuga ako ng hangin. Dapat noon pa ako naghinal
Third Person's Point of View Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Kenneth sa buong silid. Sapu-sapo pa nito ang kanyang tiyan na sumakit dahil sa pagtawa. "Stop laughing or else you'll see. Tatahiin ko 'yang bunganga mong 'yan." Pinalo siya sa dibdib ng babaeng kaharap. "Sorry! I just can't help it." Pinigil nito ang sarili sa pagtawa. "Mukhang natauhan na ang utu-u***g si Alora." Nakangising itong umiling-iling. "And it's all your fault! Kung hindi mo sinabing iharap niya sa'yo si Fuentares, hindi niya maiisipang gawin iyon! You bullshit! Sinira mo ang plano!" "Napaaga lang naman ah. Doon rin naman papunta ang plano mo." Naglakad ito patungo sa balkonahe at agad naman siyang sinundan ng kausap. "How can I be so sure that she will get hurt and be punished by Zeke Xavier? Masyado pang maaga para dito!" Agad namang siyang liningon ni Kenneth. "Nakita mo naman kung paano siya umiyak at maghabol sa'kin. Hindi pa ba siya nasaktan sa lagay na 'yon?" "Kulang pa 'yon! Kulang na kula
Hinintay ni Zeke ang pagpasok ng dalawa. Kalmante itong umupo at humalukipkip. Diretso lang ang tingin nito sa dalawang babae. Parehong-pareho sila ng hulma ng mukha. Gayunman ay agad ding mapapansin ang pagkakaiba ng dalawa. Bukod sa istilo ng pananamit, mas balingkinitan ang pangangatawan ng sopistikadang babae. "Do I still need to introduce myself?" Nakaarko ang kilay nito habang nakatingin kay Zeke. Nanatili lamang silang nakatayo, tila wala silang planong patagalin ang usapan. Hindi naman umimik ang lalake, nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Sa loob niya ay tinitimbang ang kanyang damdamin sa babaeng dati niyang kinasama. "Alright! I am Leinarie Melendrez. And I am your real wife." "As far I know, I am legally married to Alora Leigh Andrada." Pinanatili ni Zeke Xavier na huwag magpakita ng emosyon. Kahit na ang totoo ay nagsisimula na siyang kainin ng labis na pagkamuhi. Animo'y bumalik ang sakit ng panloloko at pang-aabandonang ginawa sa kanya noon ng babaeng kanyang
Nagpalinga-linga si Zeke sa hapag kainan ngunit wala roon ang gusto niyang makita. "Where is Alora, manang?" Muli itong nagpalinga-linga. "Nasa kuwarto po niya, sir." Inilapag nito ang hawak niyang mangkok sa mesa katabi ng iba pang pagkain. "What? Sinabihan ko naman siyang hintayin ako dito." Hindi naitago ni Zeke ang pagkairita sa boses nito. Matapos kasi ang pag-uusap nila kanina sa library ay parang naging awkward na ang atmospera sa paligid kaya naman iniba na niya ang usapan at sinabihan niya itong bumaba na at hintayin siya sa kusina para sa agahan. "Naku, intindihin mo na lang, sir. Siguradong masama pakiramdaman niya. Hindi rin naman kasi biro ang sakit ng unang karanasan." Napaubo naman si Zeke sa sinabi nito. Parang gusto niya tuloy magsisi na hinayaan niya ito na makita si Alora sa gano'n kalagayan. "Ngayong bumalik na ang totoo mong asawa, ano na ang mangyayari sa kanya? Aalis na ba siya dito?" Nabanaag niya ang lungkot sa tono at mukha ng mayordoma. "Dapat ko ba s
Makalipas ang isang taon..... Akmang papaandarin ni Zeke ang kanyang kotse nang makita niya ang paglabas ni Alora sa kanilang mansiyon. Nakasuot ito ng maong na pantalon at kulay asul na T-shirt. Maya-maya lang ay nakita nito ang pagpasok niya backseat ng isa lang kotse. Sumunod naman na pumasok sa driver's seat ang driver na si Kanor. Umusbong naman ang pagtataka ni Zeke. Wala siyang maalalang nagpaalam ang misis niyang may pupuntahan ito. Nang umandar ang sinakyan nina Alora, pinaandar na rin ang kanyang sasakyan upang sundan sila. Huminto ang sasakyan sa tapat ng sementeryo. Kitang-kita niya ang pagbaba ni Alora mula doon. Nang makaalis ang sinakyan nito ay nagpasya din siyang bumaba at sundan ang kanyang misis.Pinagmasdan niya ito mula sa hindi kalayuan.Nakita niyang huminto at umupo sa gitna ng dalawang puntod. Kitang-kita pa ni Zeke ang magkasunod paghaplos ni Alora sa lapida ng mga ito.Ilang sandali lang ay nakita niya ang ginawang pagpahid nito sa kanyang pisngi.Gusto
Pagbaba ni Zeke ng hagdan ay nabungaran niya si Franc Belmonte sa kanilang sala. Agad rin itong tumayo nang makita niya si Zeke."I'm in a hurry, Mister Belmonte." "I know. But give me few minutes, Mister Fuenteres. Kailangan mo lang 'tong makita."Inilahad nito ang kanyang cellphone.Kunot-noong iniabot iyon ni Zeke. Sa screen ay makikita ang isang video. Saglit pa niyang liningon si Franc bago niya pindutin ang play button.Humagikgik ang batang si Neil."Today we're gonna play my new car." Inilapit nito ang mukha sa camera. Inilagay rin nito ang kanyang palad sa gilid ng kanyang labi." Mommy brought this one." Pabulong nitong wika.Muli siyang humagikgik nang lumayo siya sa camera.Bumalik ang tingin ni Zeke kay Franc. Pabalik nitong isinaksak sa dibdib nito ang hawak niyang cellphone."So what is this? You want me to watch your son's video? Nawawala ang asawa ko, Mister Belmonte! Wala akong panahon sa mga ganyan."Humakbang ito paalis ngunit mabilis din siyang hinarang ni Franc."
Sinipat ni Leinarie ang sarili sa salamin. Pinakatitigan niya ang kanyang mukha. Bilugang mata, malalantik na pilikmata, sakto lang ang tangos ng ilong at makipot na labi."I am Alora Leigh Andrada now." Nausal niya sa kanyang isip.Madaling napapayag ni Leinarie ang kanyang kapatid na gayahin niya ang mukha nito. Matapos nitong gamitin ang skills sa pag-arte at konting kasinunggalingan ay lumambot na ang puso nito. Kinagat ni Alora ang dahilan niyang gusto niyang takasan si Franc Belmonte."Utu-u***g Alora." Nasambit niya habang nakatingin sa salamin. Nakasuot siya ng kulay maroon na bestidang hapit na hapit sa kanya. Naglagay rin siya ng light make up sa kanyang mukha. Nang masigurong maayos na ang kanyang hitsura ay kaagad siyang sumakay sa kotse at pinuntahan ang lugar na kanyang pakay.Puno ng kumpiyansa itong naglakad papasok sa loob. Alas dyes na rin ng gabi kaya naman marami na rin ang tao sa bar.Iginala niya ang paningin. Sinaliksik ng mata niya ang kanyang pakay. At hindi n
Flashback .... "I now pronounce you, husband and wife. Congratulation Mister and Mrs. Belmonte."Umirap pa si Leina matapos sabihin iyon ng judge. Si Richelle at ang driver ni Franc ang naging witness sa kasal."We'all keep it a secret for now." Tinalikuran ni Leina si Franc at nagpatuloy ito sa paglalakad. Naiiling na lang na sumunod rin sa kanya si Franc. "Huwag ka sanang atat. Bibigyan kita ng anak kapag ready na ako. Hindi ka naman talo dito, nagpakasal pa ako sa'yo." "I know, bata ka pa. But I just want to remind you, hindi mo ako matatakasan."Agad naman siyang liningon ni Leina."Siguro nga. Pero alam mong hindi mo ako kayang kontrolin na parang isang robot." Ngumisi ito sa kanya. "But don't worry, susunod ako sa usapan natin."Umirap pa ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lang naman sa kanya si Franc. Si Richelle at ang driver naman ni Franc ay sumakay sa kabilang kotse. Si Franc naman ang nag-drive sa kotseng sinakyan nila ni Leina."Closed na pala ang kaso ni Tito Ar
Nagising si Alora na tila pinupukpok ang ulo sa sakit. Iginala niya ang kanyang paningin. Walang gamit sa paligid, ang mga dingding naman ay nagkukulay itim na. Tila dating may pintura ito dahil sa mababakas pa ang kulay puting tila naluma na. Sinubukan niyang gumalaw subalit naramdaman niya ang taling nakapulupot sa beywang niya gayundin ang kamay niyang nakatali sa likod ng kinauupuan niya. "Good thing that you're awake." Agad siyang napabaling sa pinagmulan ng tinig. "Leina?" Bumalatay ang gulat sa mukha ni Alora. "Yes my dear, it's me." Ngumisi ito sa kanya. Maya-maya lang ay lumapit si Richelle kay Leina at inaabot sa kanya ang isang baril. Nakaramdam ng pangangatog ng tuhod si Alora. "Anong ibig sabihin nito, Leina?" "What's the meaning of this?" Ngumisi ito ng nakakaloko. "Nakalimutan mo na ba, my dear? Sabi ko dati, All I want for you is a remarkable life." "Bakit?" Hindi naitago ni Alora ang panginginig. Nagsimula na rin niyang maramdaman ang paghapdi ng kanyang mata.
Nagpatuloy pa ang pagpapadala ng litrato ni Alora na pawang mga stolen shots. Araw-araw ay may natatanggap si Zeke na litrato nito. Hindi rin nakaligtaang i-message sa kanya kung anong kinain nito sa maghapon. Updated rin siya sa kung anong ginawa nito sa maghapon. Maging ang oras ng pagtulog nito ay hindi nakaligtaang sabihin sa kanya. Maging ang ultrasounds photo at laboratory resullts ay ipinapadala rin sa kanya. Gayunman, wala pa ring kasing lungkot ang mga nagdaan mga buwan. Hindi sapat ang mga 'di mabilang na larawan upang maibsan ng pangungulilang kanyang nadarama. "Do you have any good news, Art?" "I'm sorry, sir. Sampung private investigator ang kumikilos pero sadyang wala silang makuhang impormasyon. Nagpamigay na rin po ng mga flyers at meron na ring pong post sa iba't-ibang social media account pero wala pa rin talaga, sir." Nabuntong-hininga na lamang si Zeke. "Dapat pa ba akong umaasa na makikita ko pa siya?" Napatitig siya sa litratong huling ipinadala sa kanya.
Ibinulalas ni Richelle ang kanyang sunod-sunod na mura. "Ano na naman bang problema?" Nakahukipkip na itinuon ni Kenneth ang atensiyon sa kanya. "Nawawala si Alora. Saan mo ba kasi napulot 'yong mga palpak na taong iyon?" Nagpupuyos ito sa galit. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito. "Nagawa nilang sunugin ang mansiyon pero ang mga bobo, hindi naman nagawang ma-kidnap si Alora. Bwisit!" "Relax, okay? Baka pahiwatig na ito na dapat tumigil ka na sa mga ginagawa mo." "Hindi! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan marami na akong nagawa sa plano. Tapos na sana ang lahat kundi lamang sa mga gunggong na iyon." Napabuntong-hininga na lamang si Art. "Hindi pwedeng masayang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi pwede!" Sa nanlilisik niyang mga mata, unti-unting gumuhit ang alaala ng nangyari sa Cerie Hotel. Pasimpleng nagmamasid si Richelle sa kilos ng kanyang amo. Nakikihalubilo siya sa mga empleyado ngunit nobenta porsyento ng kanyang atensiyon ay nasa mag-asawa. Nang makita niyang nagl
Nagising si Alora na wala na si Zeke sa kanyang tabi. Nakaramdaman siya ng kahungkagan. Nagsisimula na rin niyang kwestunin kung totoo ba ang nangyari kagabi o isa lamang iyong panaginip."Good morning ma'am."Lumapit sa kanya si Jessa. May hawak itong tray na may lamang pagkain at isang baso ng gatas."Umalis na po si sir, ma'am. Pero ipinagluluto po niya kayo bago siya pumasok sa trabaho."Sumilay ang ngiti sa labi ni Alora Leigh. Ngayon niya nakumpirmang hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi."Pero kung may gusto kayo ma'am, sabihin niyo lang po.""Pickles sana. Iyong papaya pickles.""Meron po ma'am. Marami po kaming ginawa ni Manang Linda simula po noong una kang mag-request ma'am." Nakangiting turan ni Jessa."Salamat, Jessa. At saka pwede bang sa labas ako mag-agahan. Gusto kong nakikita 'yong mga halaman diyan sa labas.""Sige po, ma'am." Masiglang saad nito."Thank you. Maghihilamos lang ako then lalabas na ako.""Samahan ko na po kayo, ma'am." Kumilos ito upang ibaba a
Napunta ang tingin ni Zeke sa screen ng kanyang laptop. Mula roon ay nakikita niya si Alora. Mahimbing pa ang tulog nito. Muling ibinalik ni Zeke ang tingin sa papeles na kanyang kaharap. Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Natuon ang buong atensiyon niya roon nang makita niya ang pagkilos ni Alora. Ilang sandali nitong iginala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan niya bago ito bumangon. Katatayo pa lamang nito sa kanyang kama nang mapatakip ito bunganga. Awtomatiko ring napatayo si Zeke nang tumakbo si Alora sa banyo. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis nito sa kanyang noo. Nang magsuka si Alora sa sink ay lalo siyang naalarma. Kumilos ang kanyang paa pahakbang. Natigil lamang siya nang makita niya ang paglapit ng mayordomang si Linda sa kanyang misis. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag nang makita niyang hinagod niya ang likod nito. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo nang makita niyang inakay na ng katulong si Alora palaba