Daddyyyyy!" Umalingawngaw ang pagtawag ni Neil sa kanyang ama. Napailing na lang si Franc. "Let's continue this tomorrow." Tinapik niya ang balikat ng kausap. Tinanungan naman siya nito. Alam na agad iyon ng lahat sa loob ng Melendrez Corp. Alam nilang handang ipagpalit ni Franc ang lahat para sa kanyang anak. "Daddy! Daddy!" Agad hinarap ni Franc ang anak. "Daddy, let's go to the mall. I want to buy a new toys." "But daddy is working, son." Agad namang nalukot ang mukha ng bata. Sumimangot at saka humalukipkip ito habang direstso ang tingin ng nanlilisik niyang mata sa kanyang ama. "Manang-manang ka talaga sa nanay mo." Naiiling na lamang na naisaisip ni Franc Belmonte. "I want to go to the mall, now!" Pumadyak-padyak pa ito.Alam na ni Franc na ipipilit at ipipilit na naman nito ang kanyang gusto. Bagay na nakuha niya sa kanyang ina. Napabuntong-hininga na lamang si Franc. "Alright! Wait for me here." "Yeheyyyy!" Nagtalon-talon pa ito sa labis na tuwa. Para namang hinap
Matamis ang ngiting pumasok ni Alora sa mansion. Binati pa nga siya ng guwardiya na si mang Mado. Nginitian pa nga siya ni Jessa nang madaanan niya ito sa living area. Nawala lang ang ngiti niya nang tumapat ang paa niya sa kwarto ni Zeke. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Lumipas ang limang araw pero ni wala lang itong paramdam sa kanya. "Siguro masaya siya sa Japan kasama si Miss Ravina." Ang usal ng kanyang isip. Napabuntong-hininga na lamang siya. Ilang araw na rin siyang napapatanong kung ano nga bang plano ni Zeke Fuentares sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at agad na tinungo ang kanyang kwarto. Agad lumapat ang kamay niya sa malamig na doorknob. Ngunit natigil siya nang makaramdam siya ng presensya sa kanyang kanan. Liningon niya iyon at agad nagtama ang kanilang mga mata. "Nakauwi na pala kayo." Pinilit ngumiti ni Alora. Agad namang lumapit sa Richelle Ravina sa kinaroroonan niya. "Yes po, kauuwi lang namin, ma'am." Isinuksok nito ang kamay sa kanyang bulsa.
Agad napansin ni Alora na wala na ang suot niyang bracelet. Kaagad niya iginala ang kanyang paningin. Ilang sandali lang ay natagpuan niya iyon malapit sa kama. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang napigtas na iyon. "Nasira mo yata 'tong regalo ni Miss Ravina sa'kin." Malumanay ang pagkakasabi niya na para bang wala sa sariling nasabi niya iyon. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang kasama. Nanatili sa bracelet ang atensiyon nito. "Let me see." Agad namang lumapit sa kanya si Zeke. Hindi namang umimik si Alora. Nanatili siya sa ginagawa nitong pag-ayos sa bracelet. Hinawakan ni Zeke ang kamay niya dahilan para mapatingin ito sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay kinuha nito ang bracelet na hawak ni Alora. "Ipapaayos ko 'to bukas." Hindi na niya hinintay na makasagot ang kabiyak. Mabilis niyang inilagay sa bulsa nito ang polseras. "Tara na, siguradong ready na ngayon ang dinner sa rooftop." Inihad pa nito ang kamay niya sa kanyang misis. Puno ng pag-aala
Sinipat ni Zeke ang sarili mula sa salamin. Nakasuot siya ng kulay abong V-neck shirt at saka pinatungan niya iyon ng leather jacket. Tinernuhan niya iyon ng pantalon at rubber shoes. Simple lang ang kanyang suot ngunit hindi maitatangging mamahalin ang mga iyon. Sinipat niya ang kanyang napakagwapong mukha sa salamin bago humakbang palabas ng kanyang silid at tinungo ang kwarto ng kanyang asawa. "Alora?" Kumatok ng tatlong beses si Zeke sa pintuan ng kwarto ng kanyang asawa. Ilang sandali lang ay bumukas naman ang pinto. Bumungad sa kanya ang napaka-among mukha ng kanyang misis. Nakasuot ito ng kulay asul na blouse na tinernuhan niya ng pantalon at kulay puting rubber shoes. "Let's go?" Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Huwag na muna tayong lumabas ngayon, Zeke." Agad namang nawala ang ngiti ni Zeke. Lumipas na rin ang mahigit dalawang linggo mula nang mangyari ang tagpo sa rooftop. At napagkasunduan nila na kikilalanin nila ang isa't-isa. Kaya naman sa mga lumipas na araw, pagka
Hindi mapalis ang matamis na ngiti ni Zeke habang nakatingin kay Alora. Kasalukuyan silang magkatabing nakaluhod sa loob ng simbahan. Habang taimtim na nagdarasal ang kanyang misis ay hindi nito tinanggal ang titig nito sa kanya na para bang isang magandang tanawin. Matapos mag-sign of the cross si Alora ay agad itong lumingon sa kanya. "Tapos ka na magdasal?" Matamis ang ngiting iginawad nito. "Hindi pa." Umiling pa si Zeke kasabay ng kanyang tugon. Pinagsalikop ni Zeke ang kanyang dalawang palad at saka pumikit. "Lord, thank you for bringing the lady kneeling beside me into my life. " Hindi naman naiwasang mapangiti lalo ni Alora dahil sa narinig. "Kaya lang Lord, she's still doubtful. Alam niyo po ba? Kasal kami pero parang hindi. Sana Lord, dumating na 'yong time na ma-realize niyang mahal din niya ako." Humawak si Alora sa braso nito. Nang magmulat ng mata si Zeke at lumingon sa kanya ay binigyan niya ito ng masuyong tingin. "Nagpasalamat din ako sa Kanya kasi nakilala
"Come in, Miss Ravina. Kanina pa kita hinihintay." Iginala ni Richelle ang kanyang paningin. Maliwanag sa loob ng conference room subalit tanging si Artheo Pueblo ang nadatnan niya roon. Dumagundong ang kaba ni Richelle. Nararamdaman niyang may iba. Nararamdaman niyang may mali. "Please sit down." Kalmante naman ang boses at kilos ni Artheo habang nakatayo sa harap. "Na'san ang mga ka-meeting natin, Mister Pueblo?" Doon na nag-angat ng tingin si Art. Nagtama ang kanilang mga mata at saka umarko ang gilid ng labi nito. "The meeting is only between the two of us, Miss Ravina." Lalong dumagundong ang kaba ni Richelle. "The agenda of the meeting is about knowing the thruth." Hindi nito inalis ang titig kay Richelle. Napalunok na lamang si Richelle. Maya-maya lang ay nag-flash ang isang litrato sa malaking LED screen. Larawan iyon ni Kenneth Quino. May kasama itong babae ngunit nakatalikod mula sa kumuha ng litrato. Gayunman, alam na ni Richelle na siya ang babaeng iyon. Kilala
"I recieved the sample of invitation yesterday. Bakit nabago ang venue ng event? " Sumandal si Zeke sa labas ng kanyang kotse. Nakatapat sa kanyang tainga ang cellphone na hawak ng kanyang kanang kamay at ang isang kamay naman nito ay nakapamulsa. ["Hindi po kasi available ang hotel na gusto niyo, sir. Kaya po naghanap kami ng iba."] "Kaya bang i-accomodate ng hotel ang mga activities?" ["Yes sir. Actually po, mas malawak at mas maganda ang mga facilities ng Cerie.] "Okay. Make sure that everything in the event will be fine." ["Yes, sir."] "At ginawa mo ba ang pinakaimportanteng bilin ko, Art?" ["Yes sir. Every thing is already settled."] "Okay, good! Very good, Art." ["Oo nga pala sir, may problema sa Melendrez Corp."] "What it is?" ["Nadiskubre po ang nawawalang pondo. Marami na pong investor ang gustong mag pull out ng share nila, sir. Kung magtutuloy po ito, malulugi po sila. Anong gagawin natin, sir?" "Send to me the further details. Aaralin ko muna then after that I w
Bumungad kay Alora ang sampung palapag na kulay kremang gusali. Sa itaas ng malaking pintuan nito sa ground floor ay makikita ang salitang CERIE na ang bawat letra nito ay nasa malalaking titik. Simple lamang ang hitsurang panlabas ng gusali ngunit napaka-presko naman sa paningin ang mga puno at halaman na nasa paligid nito. "The hotel looks new." Agad na nasaad ni Zeke nang lumapit sa kanila si Art. "Yes, sir! Halos tatlong buwan pa lamang po mula noong magbukas ito." "But don't worry, sir. The facilities of the hotel are good." Kaagad rin niyang turan. Tumango-tango naman si Zeke. Maya-maya lang ay lumabas na rin mula isang mini bus na pag-aari ng kompanya ang higit sa benteng empleyado ng kompanya. Nang lumakad papasok sa hotel sina Alora, Zeke, Art at Richelle ay sumunod na rin sa kanila ang mga empleyado. Pili lamang ang mga empleyado na kasali sa event. Bahagi lamang ito ng malaking pagdiriwang sa anibersaryo ng kompanya. "Welcome to Cerie Hotel!" Sabay-sabay ang masigla pa
Makalipas ang isang taon..... Akmang papaandarin ni Zeke ang kanyang kotse nang makita niya ang paglabas ni Alora sa kanilang mansiyon. Nakasuot ito ng maong na pantalon at kulay asul na T-shirt. Maya-maya lang ay nakita nito ang pagpasok niya backseat ng isa lang kotse. Sumunod naman na pumasok sa driver's seat ang driver na si Kanor. Umusbong naman ang pagtataka ni Zeke. Wala siyang maalalang nagpaalam ang misis niyang may pupuntahan ito. Nang umandar ang sinakyan nina Alora, pinaandar na rin ang kanyang sasakyan upang sundan sila. Huminto ang sasakyan sa tapat ng sementeryo. Kitang-kita niya ang pagbaba ni Alora mula doon. Nang makaalis ang sinakyan nito ay nagpasya din siyang bumaba at sundan ang kanyang misis.Pinagmasdan niya ito mula sa hindi kalayuan.Nakita niyang huminto at umupo sa gitna ng dalawang puntod. Kitang-kita pa ni Zeke ang magkasunod paghaplos ni Alora sa lapida ng mga ito.Ilang sandali lang ay nakita niya ang ginawang pagpahid nito sa kanyang pisngi.Gusto
Pagbaba ni Zeke ng hagdan ay nabungaran niya si Franc Belmonte sa kanilang sala. Agad rin itong tumayo nang makita niya si Zeke."I'm in a hurry, Mister Belmonte." "I know. But give me few minutes, Mister Fuenteres. Kailangan mo lang 'tong makita."Inilahad nito ang kanyang cellphone.Kunot-noong iniabot iyon ni Zeke. Sa screen ay makikita ang isang video. Saglit pa niyang liningon si Franc bago niya pindutin ang play button.Humagikgik ang batang si Neil."Today we're gonna play my new car." Inilapit nito ang mukha sa camera. Inilagay rin nito ang kanyang palad sa gilid ng kanyang labi." Mommy brought this one." Pabulong nitong wika.Muli siyang humagikgik nang lumayo siya sa camera.Bumalik ang tingin ni Zeke kay Franc. Pabalik nitong isinaksak sa dibdib nito ang hawak niyang cellphone."So what is this? You want me to watch your son's video? Nawawala ang asawa ko, Mister Belmonte! Wala akong panahon sa mga ganyan."Humakbang ito paalis ngunit mabilis din siyang hinarang ni Franc."
Sinipat ni Leinarie ang sarili sa salamin. Pinakatitigan niya ang kanyang mukha. Bilugang mata, malalantik na pilikmata, sakto lang ang tangos ng ilong at makipot na labi."I am Alora Leigh Andrada now." Nausal niya sa kanyang isip.Madaling napapayag ni Leinarie ang kanyang kapatid na gayahin niya ang mukha nito. Matapos nitong gamitin ang skills sa pag-arte at konting kasinunggalingan ay lumambot na ang puso nito. Kinagat ni Alora ang dahilan niyang gusto niyang takasan si Franc Belmonte."Utu-u***g Alora." Nasambit niya habang nakatingin sa salamin. Nakasuot siya ng kulay maroon na bestidang hapit na hapit sa kanya. Naglagay rin siya ng light make up sa kanyang mukha. Nang masigurong maayos na ang kanyang hitsura ay kaagad siyang sumakay sa kotse at pinuntahan ang lugar na kanyang pakay.Puno ng kumpiyansa itong naglakad papasok sa loob. Alas dyes na rin ng gabi kaya naman marami na rin ang tao sa bar.Iginala niya ang paningin. Sinaliksik ng mata niya ang kanyang pakay. At hindi n
Flashback .... "I now pronounce you, husband and wife. Congratulation Mister and Mrs. Belmonte."Umirap pa si Leina matapos sabihin iyon ng judge. Si Richelle at ang driver ni Franc ang naging witness sa kasal."We'all keep it a secret for now." Tinalikuran ni Leina si Franc at nagpatuloy ito sa paglalakad. Naiiling na lang na sumunod rin sa kanya si Franc. "Huwag ka sanang atat. Bibigyan kita ng anak kapag ready na ako. Hindi ka naman talo dito, nagpakasal pa ako sa'yo." "I know, bata ka pa. But I just want to remind you, hindi mo ako matatakasan."Agad naman siyang liningon ni Leina."Siguro nga. Pero alam mong hindi mo ako kayang kontrolin na parang isang robot." Ngumisi ito sa kanya. "But don't worry, susunod ako sa usapan natin."Umirap pa ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lang naman sa kanya si Franc. Si Richelle at ang driver naman ni Franc ay sumakay sa kabilang kotse. Si Franc naman ang nag-drive sa kotseng sinakyan nila ni Leina."Closed na pala ang kaso ni Tito Ar
Nagising si Alora na tila pinupukpok ang ulo sa sakit. Iginala niya ang kanyang paningin. Walang gamit sa paligid, ang mga dingding naman ay nagkukulay itim na. Tila dating may pintura ito dahil sa mababakas pa ang kulay puting tila naluma na. Sinubukan niyang gumalaw subalit naramdaman niya ang taling nakapulupot sa beywang niya gayundin ang kamay niyang nakatali sa likod ng kinauupuan niya. "Good thing that you're awake." Agad siyang napabaling sa pinagmulan ng tinig. "Leina?" Bumalatay ang gulat sa mukha ni Alora. "Yes my dear, it's me." Ngumisi ito sa kanya. Maya-maya lang ay lumapit si Richelle kay Leina at inaabot sa kanya ang isang baril. Nakaramdam ng pangangatog ng tuhod si Alora. "Anong ibig sabihin nito, Leina?" "What's the meaning of this?" Ngumisi ito ng nakakaloko. "Nakalimutan mo na ba, my dear? Sabi ko dati, All I want for you is a remarkable life." "Bakit?" Hindi naitago ni Alora ang panginginig. Nagsimula na rin niyang maramdaman ang paghapdi ng kanyang mata.
Nagpatuloy pa ang pagpapadala ng litrato ni Alora na pawang mga stolen shots. Araw-araw ay may natatanggap si Zeke na litrato nito. Hindi rin nakaligtaang i-message sa kanya kung anong kinain nito sa maghapon. Updated rin siya sa kung anong ginawa nito sa maghapon. Maging ang oras ng pagtulog nito ay hindi nakaligtaang sabihin sa kanya. Maging ang ultrasounds photo at laboratory resullts ay ipinapadala rin sa kanya. Gayunman, wala pa ring kasing lungkot ang mga nagdaan mga buwan. Hindi sapat ang mga 'di mabilang na larawan upang maibsan ng pangungulilang kanyang nadarama. "Do you have any good news, Art?" "I'm sorry, sir. Sampung private investigator ang kumikilos pero sadyang wala silang makuhang impormasyon. Nagpamigay na rin po ng mga flyers at meron na ring pong post sa iba't-ibang social media account pero wala pa rin talaga, sir." Nabuntong-hininga na lamang si Zeke. "Dapat pa ba akong umaasa na makikita ko pa siya?" Napatitig siya sa litratong huling ipinadala sa kanya.
Ibinulalas ni Richelle ang kanyang sunod-sunod na mura. "Ano na naman bang problema?" Nakahukipkip na itinuon ni Kenneth ang atensiyon sa kanya. "Nawawala si Alora. Saan mo ba kasi napulot 'yong mga palpak na taong iyon?" Nagpupuyos ito sa galit. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito. "Nagawa nilang sunugin ang mansiyon pero ang mga bobo, hindi naman nagawang ma-kidnap si Alora. Bwisit!" "Relax, okay? Baka pahiwatig na ito na dapat tumigil ka na sa mga ginagawa mo." "Hindi! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan marami na akong nagawa sa plano. Tapos na sana ang lahat kundi lamang sa mga gunggong na iyon." Napabuntong-hininga na lamang si Art. "Hindi pwedeng masayang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi pwede!" Sa nanlilisik niyang mga mata, unti-unting gumuhit ang alaala ng nangyari sa Cerie Hotel. Pasimpleng nagmamasid si Richelle sa kilos ng kanyang amo. Nakikihalubilo siya sa mga empleyado ngunit nobenta porsyento ng kanyang atensiyon ay nasa mag-asawa. Nang makita niyang nagl
Nagising si Alora na wala na si Zeke sa kanyang tabi. Nakaramdaman siya ng kahungkagan. Nagsisimula na rin niyang kwestunin kung totoo ba ang nangyari kagabi o isa lamang iyong panaginip."Good morning ma'am."Lumapit sa kanya si Jessa. May hawak itong tray na may lamang pagkain at isang baso ng gatas."Umalis na po si sir, ma'am. Pero ipinagluluto po niya kayo bago siya pumasok sa trabaho."Sumilay ang ngiti sa labi ni Alora Leigh. Ngayon niya nakumpirmang hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi."Pero kung may gusto kayo ma'am, sabihin niyo lang po.""Pickles sana. Iyong papaya pickles.""Meron po ma'am. Marami po kaming ginawa ni Manang Linda simula po noong una kang mag-request ma'am." Nakangiting turan ni Jessa."Salamat, Jessa. At saka pwede bang sa labas ako mag-agahan. Gusto kong nakikita 'yong mga halaman diyan sa labas.""Sige po, ma'am." Masiglang saad nito."Thank you. Maghihilamos lang ako then lalabas na ako.""Samahan ko na po kayo, ma'am." Kumilos ito upang ibaba a
Napunta ang tingin ni Zeke sa screen ng kanyang laptop. Mula roon ay nakikita niya si Alora. Mahimbing pa ang tulog nito. Muling ibinalik ni Zeke ang tingin sa papeles na kanyang kaharap. Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Natuon ang buong atensiyon niya roon nang makita niya ang pagkilos ni Alora. Ilang sandali nitong iginala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan niya bago ito bumangon. Katatayo pa lamang nito sa kanyang kama nang mapatakip ito bunganga. Awtomatiko ring napatayo si Zeke nang tumakbo si Alora sa banyo. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis nito sa kanyang noo. Nang magsuka si Alora sa sink ay lalo siyang naalarma. Kumilos ang kanyang paa pahakbang. Natigil lamang siya nang makita niya ang paglapit ng mayordomang si Linda sa kanyang misis. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag nang makita niyang hinagod niya ang likod nito. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo nang makita niyang inakay na ng katulong si Alora palaba