Alora's Point of View
It's already nine in the evening when we reach our destination.
Hindi ko maiwasang mamangha. It was a three story modern house. Sa pinakataas na parte ng bahay ay mapapansin ang bahaging walang bubong at may mga palamuting halaman roon. Malamlam ang liwanag sa parteng iyon kaya naman parang ang sarap tumambay roon kapag gabi. Sa second floor ay kapansin-pansin ang ilang bahagi nito na gawa sa salamin. "Nasa loob po si sir, ma'am," saad ng sumundo sa'kin dahilan para mapatingin ako sa malaking pintuan na ilang hakbang lang ang layo sa'min.Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Parang biglang nag-sink in sa'kin ang dahilan kung bakit ako nandito. Iginala ko ang paningin ko. May mga palm trees at mga halaman sa labas. Maliwanag ang paligid dahil sa mga post lamp.Hindi naman siguro ako mapapahamak dito. At tsaka, hindi naman mukhang nakakatakot ang paligid. In fact, parang nakaka-relax pa nga. Hay naku! Bahala na nga. Wala naman sigurong gagawing masama sa akin ang asawa ni Leinarie. Humakbang ako papalapit sa pintuan.Sinalubong ako ng dalawang babaeng nakasuot ng housemaid uniform."Good evening ,Ma'am" bati nila sa akin na yumuko pa bilang tanda ng paggalang. I'm still wearing my office uniform. Hindi ko na nagawang magbihis dahil biglaan naman ang lahat. At saka, sandali lang naman siguro ako dito."Sumunod po kayo sa'min ma'am. Hinihintay po kayo ni sir," nakangiting saad ng isa sa kanila. Inilabas ko ang lahat ng tapang at lakas ko. I need to be strong and face this.Pagpasok namin sa malawak na living room, bumungad sa'kin ang lalaking tumawag sa'kin kanina ng Lei.Siya siguro si Zeke. What's his name again? Ahh-- Zeke Xavier Fuentares."Care to give me a hug, wife?" he said in a cold voice. He even spread his arms telling me he's open for a hug.I can't see any emotion from his face. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako sa kanya kasi mukha naman siyang mabait. But knowing the fact that I'm on his territory, I can't stop my knees from trembling.Naku Alora! Ano ba 'tong napasok mo?" I-I am not your wife." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi iyon.Aminin ko na kaya ang totoo. Pero paano? Kapag umamin ako, anong sunod na mangyayari?"Well, you are my run-away wife who is legally married to me," he said while directly looking at me."Okay, what do you want from me?" I asked. Bakit kailangan niya akong ipasundo sa ganitong oras. Gusto ko ring palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal. At sa tono ko, pakiramdam ko sinapian ako ni Leina." I just wanna talk to you." Parang nakita kong lumambot ang expression ng mukha niya. "A-about what?""Let's talk about it while having a dinner.""I already had my dinner," maagap kong saad. Totoo namang nag-dinner na ako, hindi ko nga lang natapos ang pagkain ko dahil sa revelation ni Leina."Just this time, join me for dinner," turan niya at saka naglakad na. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko siya sundan. Mukha namang hindi siya papayag na tanggihan ko siya.Humantong kami sa pool area. Agad nahagip ng mata ko ang nakahandang pandalawahang mesa. May mga pagkaing nakahain na rin.Napatingin ako sa kanya nang ipaghila niya ako ng upuan. Alanganin naman akong lumapit at umupo. Hinintay niya akong makapwesto bago siya umupo sa katapat kong upuan.Nanatili akong walang imik nang magsimula siyang magsandok ng pagkain. Sunod niyang nilagyan ng pagkain ang plato sa harap ko. Hindi ko naman naiwasan ang mapataas ang kilay. Gentleman, huh? At mukhang maasikaso pa.Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Let's eat," walang kangiti-ngiting saad niya.Awtomatiko naman akong napatingin sa pagkain. Kakainin ko ba yan? Ayoko nga! Baka may lason pa 'yan. Baka sa sobrang galit niya kay Leina ay plano na pala niya itong lasunin.Nag-iwas ako ng tingin nang magsimula siyang kumain."May gusto ka bang kainin? I'll tell the maid to serve what you want." "Hindi ako gutom," Mabilis na sagot ko pero ang totoo hindi lang ako komportable sa presensiya siya."Hindi ka gutom? Or you are just concern with your diet?"Aalma sana ako kaso nagsalita ulit siya."You know what, even you get fat, you're still beautiful." Weww. Bolero pala ang isang 'to. I wonder kung bakit nagsawa sa kanya si Leina. Mukha naman siyang okay, mayaman at g-gwapo. Ah, Hindi! Napakagwapo niya. Nakasimangot kong kinuha ang kutsara at tinidor, tsaka nagsimulang kumain. Dapat nga siguro kumain na ako para makauwi na ako after nito.We are at the middle of our dinner when he cleared his throat and talk."It's been four years of searching. At last! I found you."Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Seryoso ba siya? Lihim na lamang akong napailing. Martyr din yata ang lalaking 'to."After all the things that your wife did to you. You still have the guts to search for her?" Hindi ko lang naiwasang magtanong. Grabe naman kasi. Hindi ako makapaniwala. This kind of man is chasing my friend? Whoa! Parang gusto ko tuloy isipin na ang swerte ni Leina."Because you are my wife. We are legally married. Anything that you will do will affect my reputation."Napangiwi na lamang ako. Ahh.. Assuming lang pala ako. Reputasyon pala ang dahilan, akala ko pa naman mahal na mahal niya ang kaibigan ko."I really wanna talk to you, so that we can fix what we need to fix. And maybe, we can discuss about it after dinner.""Sabi mo kanina while having dinner tapos ngayon after na. Pinapatagal mo lang yata ang usapan eh." Maagap kong turan. Tss.. Akala ba niya 'di ko naaalala ang sinabi niya kanina."Bakit? Hindi ba pwede?" Bago pa ako makaimik ay muli siyang nagsalita. "Bakit Lei? Naiilang ka ba? O baka naman may itinatago ka?" turan niyang hindi bumitaw ng tingin sa'kin."Hindi ako naiilang sa'yo nohh!" Mabilis kong sagot. Pero sa totoo lang parang kakainin ako ng kabog ng dibdib ko dahil sa huling tanong niya.Obvious bang may itinatago ako?
Zeke's Point of View
After dinner, dumeretso kami sa living room. Nagpalabas ako ng wine para sa aming dalawa. Pareho kaming umupo sa isang sofa. Siya mismo ang umusod palayo at gumawa ng distansya sa pagitan namin.Nanatili siyang walang imik. Mukhang wala siyang balak magsalita kung hindi ako ang mauuna. Pasimple niya akong dinedma. Bahagya niyang isinandal ang ulo niya sa kinauupuan niya.'Why it is that you're so cold with me, wife? Ba't kung umakto ka parang walang nangyari. 'Di ba dapat ngayon nagso-sorry ka dahil sa mga nagawa mo sa'kin o kaya dapat sumbatan mo ako dahil dumating ulit ako at maaaring nagugulo ko ang kasalukuyang buhay mo.' Usal ko sa aking isipan.
Ito ang mga salitang hanggang sa isip ko lang. Kahit kailan naman ay hindi ko makakayang sumbatan siya.
Gano'n ko siya kamahal. Handa ako magbulag-bulagan at magpakatanga.Hindi niya inintindi ang paninitig ko sa kanya. Tila balewala niyang ipinikit ang mga mata niya.
"How's your life?" I asked so that I could get her attention.
"Just fine," she answered lazily without opening her eyes."How's your child?" Agad siyang napamulat ng mata dahil sa tanong ko. Awtomatiko rin siyang napatingin sa'kin."Kumusta siya?" Ulit ko. Bumuntong -hininga siya bago sumagot. "He's with his father."Hindi ko naman naiwasan ang mapakunot-noo. "Meaning, you two are living in a separate house?"Binigyan naman niya ako ng nagtatakang tingin."Well,I'm expecting that you two live like husband and wife now." Sumimsim ako sa wine glass na hawak ko. Tila kinurot ang puso ko sa ideyang bumuo na siya ng pamilya kasama ang ama ng kanyang anak ngunit hindi na lamang ako nagpahalata. Hindi niya inalis ang tingin niya sa'kin bago siya nagsalita. "Kung may asawa na ako, tingin mo ba pupunta pa ako dito?"Ibinaba ko ang baso ng alak na hawak ko. "Oh I forgot! You can't be a wife to anybody because I am your legal husband."Bago pa siya makaimik ay muli akong nagsalita habang mataman akong nakatitig sa kanya. "Hindi ka talaga magkakaroon ng ibang asawa. Kundi kabit, kabit lang," sunod kong turan. Gusto kong ipamukha sa kanya ang posisyon ko sa buhay niya. "Tsk!" naiiling siyang bumaling sa ibang direksyon.Hindi na rin siya muling umimik. Ine-expect ko pa namang makikipagtalo siya pero kalmado lang siya na para bang hindi apektado sa mga sinabi ko.Sandaling namayani ang katahimikan."Gusto ko nang umuwi." Turan niya kasabay ng pagpikit niya sa kanyang mga mata. Hindi ko siya sinagot. Hindi pa nga namin napag-uusapan ang sitwasyon namin, gusto na agad niyang umuwi. Aaan siya uuwi? Sa condo unit kung saan ko siya pinasundo? O baka naman sa lalaki niya? Siguro sa mag-ama niya. Kahit siguro kasal kami, talo pa rin ako kasi may anak sila."You're already at home." Malamig kong turan kaso 'di siya sumagot. Pilit kong ikinubli ang nasaktan kong puso at pride. Inaasahan kong aalma siya. Inaasahan kong ipagpipilitan niya ang gusto niya. Gano'n naman siya, ipipilit at ipipilit niya ang gusto niya.Tinitigan ko siya. This is my chance since her eyes were closed.
Napakaganda pa rin niya. Simpleng-simple siya ngayon. Napaka-natural at walang kahit anong make-up. Para siyang anghel. Hindi siya mukhang m*****a at maarte ngayon.I sighed.Ngayong nagkita na kami ulit, ano na ang mangyayari? Tuluyan na ba kaming maghihiwalay?" Wife," tawag ko sa kanya pero wala man lang siyang reaksyon. Ni hindi man lang siya gumalaw. Nanatili siyang nakapikit.
Ito ba ang paraan niya para iwasan ako? Gano'n ba niya ka-ayaw na kausapin ako?"Wife," muli kong tawag sa kanya pero ni hindi siya natinag.Napakurap ako. Realization hit me. Tulog na ba siya?
Kumilos ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. Pero agad ding natigil sa ere ang kamay ko nang marinig ko ang mahina niyang paghilik.
Napailing na lamang ako. Hindi ko rin naiwasan ang mapangiti.What happened to her? Nasaan na ang Alora Leigh na maselan sa katawan, ang babaeng hindi niya hahayaang makatulog ang sarili na hindi nakakapag-shower at nakakapaglagay ng kung anu-ano sa katawan; women's stuff like lotions, facial cream and so much more.
Anong nangyari sa aking pinakamamahal na asawa?
Alora's Point of ViewNaalimpungatan ako dahil sa pagtawag at magaang pagtapik. Nang magmulat ako ng mata ay bumungad sa'kin ang kisame. I roomed around my eyes. Spacious room with minimal furnitures is observed. Kulay cream ang pintura ng dingding. The floor to ceiling glass wall is covered with a gray curtain.
Napabalikwas ako ng bangon.
"Where am I?" Bulalas ko.
"Nandito po kayo sa kwarto niyo ma'am. Nagbilin po si sir na gisingin kayo para makapagpalit ng damit." Awtomatiko akong napabaling sa pinagmulan ng tinig. Bumungad sa akin ang isa sa katulong na sumaubong sa akin kanina. May hawak itong paper bag na hula ko ay may lamang damit.
"No need. I have to go home now." Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa pintuan pero bago pa man ako makalapit ay bumukas na ito.
Bumungad sa'kin si Zeke. Nakasuot na ito ng dark blue T-shirt na tinernuhan niya pajama na kakulay din ng damit niya.
Nanatili siyang nakatayo sa pintuan kaya hindi tuloy ako makalabas."I'm going home," puno ng kumpiyansang turan ko.Kumunot naman ang kanyang noo. "At this hour? Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas na lang? Ganyan mo ba ako iniiwasan kaya kahit alas-dose na, you still want to go home?" Halata ang iritasyon sa boses niya.Napalunok ako. Kung ipagpipilitan kong umuwi, may masasakyan pa kaya ako sa ganitong oras? Nakakahiya naman kung magpapahatid ako sa sumundo sa'kin kanina.I sighed. Mukhang wala na akong choice kundi magpalipas ng gabi rito."Fine! But I want a separate room from you!" saad ko at tsaka ko na siya tinalikuran.
Bumalik ako sa kinatatayuan ng katulong at kinuha mula sa kanya ang hawak niyang paper bag. "Saan po dito ang comfort room, manang?" I asked while sweetly smiling at her.Napaawang naman ang labi ng katulong. Kitang-kita ang pagtataka sa mukha nito bago siya magsalita. "D-doon po, Ma'am." Alanganin niyang itinuro ang isa sa mga pintuan sa loob ng kwarto."Seriously? You're asking that? You lived here for three years, so you must know where it is!" Sabat ni Zeke. Hindi parin nawala ang iritasyon sa boses niya.
Tila naman nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. 'Naku, patay ka ngayon Alora Leigh. Ang tanga mo!' ugong ng aking isipan. " I can't believe you're asking such kind of question, Lei. "I tried to compose myself. Hindi ako pwedeng mabuko. "Malay ko ba kung nagpa-renovate ka." Lihim na lamang akong nagdasal na sana ay bumenta ang palusot ko."Look around. Halata naman siguro na walang nagbago. Renovate, huh? Where did you get that idea?"I held my chin up. "Malay ko nga kung may nagbago. Ilang taon din naman kasi ang lumipas noh." Since iyon ang nasabi ko, kaya paninindigan ko na lang. Bahala na!"Oh! Whatever!" umiiling niyang saad.
Tila naman nakahinga ako ng maluwag.
Thanks naman at mukhang nalusutan ko ang katangahan kong iyon.
"Yeah. Whatever!" saad ko at saka walang kalingon-lingon akong pumasok sa pintong itinuro ng katulong.
Wish ko lang ay matapos na ang pagpapanggap ko bilang asawa ni Zeke Xavier Fuentares.
Alora's Point of View May anim na malalaking kwarto sa second floor pero sa unang tingin palang, alam ko na agad na ang kwartong tinulugan ko ang pinakamalaki. It must be the master's bedroom.Ewan ko lang kung saan natulog si Zeke kagabi, hindi ko na rin naman siya nakita pagkatapos kong mag-shower at makapagpalit ng damit.Nainis lang ako sa pantulog na binigay niya dahil sobrang ikli at nipis kaya naman ang ending nangialam ako sa closet niya. Buti na lang at may nahanap akong silk robe na hanggang tuhod ko ang haba. Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Halos hindi rin naman ako nakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon ko. Pagkabangon ko , agad akong naligo. Isinuot ko ang damit na suot ko kahapon. Nagising akong nakapatong na iyon sa bedside table, nalabhan at ready to use na.Nang bumaba ako ng hagdan, bumungad sa'kin si Zeke. He is wearing a grey three piece suit. Mukhang papasok din siya sa trabaho. Maaga din pala siyang nagising. Akala ko pa naman makakauwi na a
Zeke's Point of View "Good evening Ma'am, Sir." Sabay-sabay na yumukod sa amin ng mga katulong na sumalubong sa'min. "Pakidala ang mga gamit ng asawa ko sa kwarto namin." Iniabot ko ang susi ng kotse kay Manang Linda upang makuha nila ang mga gamit ng asawa. "Teka! Lilinawin ko lang. I don't want to share a room with you," mabilis niyang asik sa'kin . Mahina na lamang akong napabuntong-hininga. Kanina lang maayos kaming nag-uusap pero ngayon mukhang balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa. "Why not? We're husband and wife." At saka para namang bago sa kanya ang may makatabing lalaki sa kama.Pinandilatan niya ako. "Sige, ipagpilitan mo 'yan then I'll just go home!" banta niya sa'kin.Heto na naman kami. Mukhang kailangan ko na namang magpatalo.I sighed."Okay, Stay in our room. I'll just stay in the guest room." Magpapatalo nalang ako kaysa naman umalis siya."You don't have to do that. I'll just use the guest room," saad niyang nagpatiuna na sa paglalakad pa
Alora's Point of View Nang magising ako, bumungad sa'kin ang puting kisame. The room is a little bit dim. Tanging ang ilaw lamang mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nanlaki ang mata ko. Kwarto ito ni Zeke! Bakit nandito ako sa kwarto ni Zeke?Pinilit kong inalala ang nangyari. Naaala kong nang umulan ay kaagad kaming tumakbo patungo sa kwarto niya. Napakurap ako nang maalala kong nakaidlip ako sa biyahe. Napalunok ako. Binuhat ba niya ako patungo rito? Naramdaman kong may nakadantay sa aking tiyan. Only to find out na kamay pala ni Zeke iyon.Dahan-dahan kong tinanggal iyon kaya naman naramdaman ko ang nakakapasong init mula dito.Hindi ako nagdalawang isip na damhin ang noo niya. Ang init niya. Mukhang nilalagnat siya.Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Nang tingnan ko ang oras, pasado alas onse na ng gabi. Siguradong tulog na ang mga maid niya.I look for a first aid kit. May nahanap naman ako sa cr. Nang may makita akong thermometer, I checked his temperature
Alora's Point of View "About the coming expansion, sir, the team is still working about it. And honestly sir, sobra po silang nahihirapan. We really need your presence there, sir."Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa business kaya naman para lang akong audience dito habang pasimpleng pasulyap-sulyap sa kanila.Sumulyap sa'kin si Zeke. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. "I'm sorry, sir. I was being inconsiderate. Nakalimutan ko pong on leave po pala kayo." Magaan ang boses ni Richelle Ravina. Animo ay isa itong anghel sa malamyos niyang tinig na bumagay naman sa maganda niyang mukha. Bagay na bagay rin sa kanya ang lipstick niyang pula."Is it okay if you have a night shift, Miss Ravina? Let's work about the expansion during night." Hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin dahil sa sinabi ni Zeke.Magtratrabaho siya sa gabi? So ano? Balak ba niyang patayin ang sarili niya?"Hindi mo naman kasi kailangang mag-leave sa trabaho si Zeke." Sumabat ako sa usapan nila bago pa su
Zeke's Point of View Napakunot-noo ako nang lumabas siya mula sa malaking pintuan ng bahay. She's wearing a black shirt paired with rugged pants and a white rubber shoes.Nagbago na nga talaga siya. The old kind of wife I had won't wear T-shirt. She always wear a semi-formal dress, mapa-bahay o mapa-labas man. She never wear pants. Kahit nga sa loob ng bahay naka-make up siya. But look at her today, she's not even wearing any make up or even just a lipstick. "Ang ganda niyo talaga, ma'am." Nakangiti ang driver naming si Mang Kanor. Nasa edad singkwenta na ito. Makikita iyon mula sa mangilan-ngalang hibla ng puti niyang buhok. Nagsimula na ring mangulubot ang balat nito."Thanks, Mang Kanor." Kumislap ang mata ng asawa ko kasabay ng pagngiti ng labi niya.Totoo ang sinabi ni Mang Kanor, maganda siya kahit simple lang ang suot niya. At lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Well, kahit naman nakasimangot siya, maganda pa rin siya.Pinagbuksan mo siya nang walang kaimik-imik. Kahit noo
Alora's Point of View Agad akong napakilos nang dumating ang taong hinihintay ko. Kaninang umaga pa ako naghihintay sa harap ng condo unit niya. "Nandito ka na naman? I already told you, we're done!" Lumapit ito sa pintuan. Agad naman akong sumunod sa kanya. "Hayaan ko naman akong magpaliwanag, Ken." Hinawakan ko siya pero marahas niyang tinanggal ang kamay ko. "For what? Para lokohin at paikutin ako?" "Hindi. Hindi ko magagawa 'yan sa'yo." "Hindi ko naman talaga siya asawa. Si Leina naman talaga ang totoong asawa niya," sunod kong saad. "Then what the fuck are you doing there? Huwag mong sabihin na nandoon ka para magpanggap na si Leina?" "Iyon naman talaga ang----" Napatigil ako nang magsalita siya. "Stop it, Alora! Hindi ako maniniwala sa'yo!" "Maniwala ka sa'kin. Kung gusto mo kahit kausapin mo pa si Leina. Mapapatunayan niyang nagsasabi ako ng totoo." Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha. "Lalo lang akong hindi maniniwala. That bitch is your bestfriend! Kun
Zeke's Point of View Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dumaloy mula sa hubad kong katawan ang mga butil ng tubig.I tried reminiscing everything. Dumaloy sa isip ko ang mukha niya nakangiti habang kausap ang waitress. Sariwa pa sa alaala ko kung gaano kasimple ang suot niyang blouse at skirt noon. Bumalik din sa alaala ko ang sandaling binigyan niya ako ng blangkong expression at ang pagpasok niya sa taxi na parang hindi niya ako kilala. "I am not your wife."Napapikit ako ng mariin.Sinabi nga niya noon na hindi siya ang asawa ko. Ilang beses din niyang sinabi iyon. That's maybe the reason why she usually says 'your wife' or 'asawa mo' because she is really referring to other person. Naalala ko rin ang pagtatanong niya noon sa katulong kung nasaan ang comfort room. That's it! Hindi niya alam iyon dahil hindi naman talaga siya ang asawa ko.Napasabunot ako sa sarili ko.Argh! How stupid! Hindi ko man lang na-realize iyon. Napabuga ako ng hangin. Dapat noon pa ako naghinal
Third Person's Point of View Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Kenneth sa buong silid. Sapu-sapo pa nito ang kanyang tiyan na sumakit dahil sa pagtawa. "Stop laughing or else you'll see. Tatahiin ko 'yang bunganga mong 'yan." Pinalo siya sa dibdib ng babaeng kaharap. "Sorry! I just can't help it." Pinigil nito ang sarili sa pagtawa. "Mukhang natauhan na ang utu-u***g si Alora." Nakangising itong umiling-iling. "And it's all your fault! Kung hindi mo sinabing iharap niya sa'yo si Fuentares, hindi niya maiisipang gawin iyon! You bullshit! Sinira mo ang plano!" "Napaaga lang naman ah. Doon rin naman papunta ang plano mo." Naglakad ito patungo sa balkonahe at agad naman siyang sinundan ng kausap. "How can I be so sure that she will get hurt and be punished by Zeke Xavier? Masyado pang maaga para dito!" Agad namang siyang liningon ni Kenneth. "Nakita mo naman kung paano siya umiyak at maghabol sa'kin. Hindi pa ba siya nasaktan sa lagay na 'yon?" "Kulang pa 'yon! Kulang na kula
Makalipas ang isang taon..... Akmang papaandarin ni Zeke ang kanyang kotse nang makita niya ang paglabas ni Alora sa kanilang mansiyon. Nakasuot ito ng maong na pantalon at kulay asul na T-shirt. Maya-maya lang ay nakita nito ang pagpasok niya backseat ng isa lang kotse. Sumunod naman na pumasok sa driver's seat ang driver na si Kanor. Umusbong naman ang pagtataka ni Zeke. Wala siyang maalalang nagpaalam ang misis niyang may pupuntahan ito. Nang umandar ang sinakyan nina Alora, pinaandar na rin ang kanyang sasakyan upang sundan sila. Huminto ang sasakyan sa tapat ng sementeryo. Kitang-kita niya ang pagbaba ni Alora mula doon. Nang makaalis ang sinakyan nito ay nagpasya din siyang bumaba at sundan ang kanyang misis.Pinagmasdan niya ito mula sa hindi kalayuan.Nakita niyang huminto at umupo sa gitna ng dalawang puntod. Kitang-kita pa ni Zeke ang magkasunod paghaplos ni Alora sa lapida ng mga ito.Ilang sandali lang ay nakita niya ang ginawang pagpahid nito sa kanyang pisngi.Gusto
Pagbaba ni Zeke ng hagdan ay nabungaran niya si Franc Belmonte sa kanilang sala. Agad rin itong tumayo nang makita niya si Zeke."I'm in a hurry, Mister Belmonte." "I know. But give me few minutes, Mister Fuenteres. Kailangan mo lang 'tong makita."Inilahad nito ang kanyang cellphone.Kunot-noong iniabot iyon ni Zeke. Sa screen ay makikita ang isang video. Saglit pa niyang liningon si Franc bago niya pindutin ang play button.Humagikgik ang batang si Neil."Today we're gonna play my new car." Inilapit nito ang mukha sa camera. Inilagay rin nito ang kanyang palad sa gilid ng kanyang labi." Mommy brought this one." Pabulong nitong wika.Muli siyang humagikgik nang lumayo siya sa camera.Bumalik ang tingin ni Zeke kay Franc. Pabalik nitong isinaksak sa dibdib nito ang hawak niyang cellphone."So what is this? You want me to watch your son's video? Nawawala ang asawa ko, Mister Belmonte! Wala akong panahon sa mga ganyan."Humakbang ito paalis ngunit mabilis din siyang hinarang ni Franc."
Sinipat ni Leinarie ang sarili sa salamin. Pinakatitigan niya ang kanyang mukha. Bilugang mata, malalantik na pilikmata, sakto lang ang tangos ng ilong at makipot na labi."I am Alora Leigh Andrada now." Nausal niya sa kanyang isip.Madaling napapayag ni Leinarie ang kanyang kapatid na gayahin niya ang mukha nito. Matapos nitong gamitin ang skills sa pag-arte at konting kasinunggalingan ay lumambot na ang puso nito. Kinagat ni Alora ang dahilan niyang gusto niyang takasan si Franc Belmonte."Utu-u***g Alora." Nasambit niya habang nakatingin sa salamin. Nakasuot siya ng kulay maroon na bestidang hapit na hapit sa kanya. Naglagay rin siya ng light make up sa kanyang mukha. Nang masigurong maayos na ang kanyang hitsura ay kaagad siyang sumakay sa kotse at pinuntahan ang lugar na kanyang pakay.Puno ng kumpiyansa itong naglakad papasok sa loob. Alas dyes na rin ng gabi kaya naman marami na rin ang tao sa bar.Iginala niya ang paningin. Sinaliksik ng mata niya ang kanyang pakay. At hindi n
Flashback .... "I now pronounce you, husband and wife. Congratulation Mister and Mrs. Belmonte."Umirap pa si Leina matapos sabihin iyon ng judge. Si Richelle at ang driver ni Franc ang naging witness sa kasal."We'all keep it a secret for now." Tinalikuran ni Leina si Franc at nagpatuloy ito sa paglalakad. Naiiling na lang na sumunod rin sa kanya si Franc. "Huwag ka sanang atat. Bibigyan kita ng anak kapag ready na ako. Hindi ka naman talo dito, nagpakasal pa ako sa'yo." "I know, bata ka pa. But I just want to remind you, hindi mo ako matatakasan."Agad naman siyang liningon ni Leina."Siguro nga. Pero alam mong hindi mo ako kayang kontrolin na parang isang robot." Ngumisi ito sa kanya. "But don't worry, susunod ako sa usapan natin."Umirap pa ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lang naman sa kanya si Franc. Si Richelle at ang driver naman ni Franc ay sumakay sa kabilang kotse. Si Franc naman ang nag-drive sa kotseng sinakyan nila ni Leina."Closed na pala ang kaso ni Tito Ar
Nagising si Alora na tila pinupukpok ang ulo sa sakit. Iginala niya ang kanyang paningin. Walang gamit sa paligid, ang mga dingding naman ay nagkukulay itim na. Tila dating may pintura ito dahil sa mababakas pa ang kulay puting tila naluma na. Sinubukan niyang gumalaw subalit naramdaman niya ang taling nakapulupot sa beywang niya gayundin ang kamay niyang nakatali sa likod ng kinauupuan niya. "Good thing that you're awake." Agad siyang napabaling sa pinagmulan ng tinig. "Leina?" Bumalatay ang gulat sa mukha ni Alora. "Yes my dear, it's me." Ngumisi ito sa kanya. Maya-maya lang ay lumapit si Richelle kay Leina at inaabot sa kanya ang isang baril. Nakaramdam ng pangangatog ng tuhod si Alora. "Anong ibig sabihin nito, Leina?" "What's the meaning of this?" Ngumisi ito ng nakakaloko. "Nakalimutan mo na ba, my dear? Sabi ko dati, All I want for you is a remarkable life." "Bakit?" Hindi naitago ni Alora ang panginginig. Nagsimula na rin niyang maramdaman ang paghapdi ng kanyang mata.
Nagpatuloy pa ang pagpapadala ng litrato ni Alora na pawang mga stolen shots. Araw-araw ay may natatanggap si Zeke na litrato nito. Hindi rin nakaligtaang i-message sa kanya kung anong kinain nito sa maghapon. Updated rin siya sa kung anong ginawa nito sa maghapon. Maging ang oras ng pagtulog nito ay hindi nakaligtaang sabihin sa kanya. Maging ang ultrasounds photo at laboratory resullts ay ipinapadala rin sa kanya. Gayunman, wala pa ring kasing lungkot ang mga nagdaan mga buwan. Hindi sapat ang mga 'di mabilang na larawan upang maibsan ng pangungulilang kanyang nadarama. "Do you have any good news, Art?" "I'm sorry, sir. Sampung private investigator ang kumikilos pero sadyang wala silang makuhang impormasyon. Nagpamigay na rin po ng mga flyers at meron na ring pong post sa iba't-ibang social media account pero wala pa rin talaga, sir." Nabuntong-hininga na lamang si Zeke. "Dapat pa ba akong umaasa na makikita ko pa siya?" Napatitig siya sa litratong huling ipinadala sa kanya.
Ibinulalas ni Richelle ang kanyang sunod-sunod na mura. "Ano na naman bang problema?" Nakahukipkip na itinuon ni Kenneth ang atensiyon sa kanya. "Nawawala si Alora. Saan mo ba kasi napulot 'yong mga palpak na taong iyon?" Nagpupuyos ito sa galit. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito. "Nagawa nilang sunugin ang mansiyon pero ang mga bobo, hindi naman nagawang ma-kidnap si Alora. Bwisit!" "Relax, okay? Baka pahiwatig na ito na dapat tumigil ka na sa mga ginagawa mo." "Hindi! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan marami na akong nagawa sa plano. Tapos na sana ang lahat kundi lamang sa mga gunggong na iyon." Napabuntong-hininga na lamang si Art. "Hindi pwedeng masayang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi pwede!" Sa nanlilisik niyang mga mata, unti-unting gumuhit ang alaala ng nangyari sa Cerie Hotel. Pasimpleng nagmamasid si Richelle sa kilos ng kanyang amo. Nakikihalubilo siya sa mga empleyado ngunit nobenta porsyento ng kanyang atensiyon ay nasa mag-asawa. Nang makita niyang nagl
Nagising si Alora na wala na si Zeke sa kanyang tabi. Nakaramdaman siya ng kahungkagan. Nagsisimula na rin niyang kwestunin kung totoo ba ang nangyari kagabi o isa lamang iyong panaginip."Good morning ma'am."Lumapit sa kanya si Jessa. May hawak itong tray na may lamang pagkain at isang baso ng gatas."Umalis na po si sir, ma'am. Pero ipinagluluto po niya kayo bago siya pumasok sa trabaho."Sumilay ang ngiti sa labi ni Alora Leigh. Ngayon niya nakumpirmang hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi."Pero kung may gusto kayo ma'am, sabihin niyo lang po.""Pickles sana. Iyong papaya pickles.""Meron po ma'am. Marami po kaming ginawa ni Manang Linda simula po noong una kang mag-request ma'am." Nakangiting turan ni Jessa."Salamat, Jessa. At saka pwede bang sa labas ako mag-agahan. Gusto kong nakikita 'yong mga halaman diyan sa labas.""Sige po, ma'am." Masiglang saad nito."Thank you. Maghihilamos lang ako then lalabas na ako.""Samahan ko na po kayo, ma'am." Kumilos ito upang ibaba a
Napunta ang tingin ni Zeke sa screen ng kanyang laptop. Mula roon ay nakikita niya si Alora. Mahimbing pa ang tulog nito. Muling ibinalik ni Zeke ang tingin sa papeles na kanyang kaharap. Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Natuon ang buong atensiyon niya roon nang makita niya ang pagkilos ni Alora. Ilang sandali nitong iginala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan niya bago ito bumangon. Katatayo pa lamang nito sa kanyang kama nang mapatakip ito bunganga. Awtomatiko ring napatayo si Zeke nang tumakbo si Alora sa banyo. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis nito sa kanyang noo. Nang magsuka si Alora sa sink ay lalo siyang naalarma. Kumilos ang kanyang paa pahakbang. Natigil lamang siya nang makita niya ang paglapit ng mayordomang si Linda sa kanyang misis. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag nang makita niyang hinagod niya ang likod nito. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo nang makita niyang inakay na ng katulong si Alora palaba