Alora's Point of View
"I'm home!" I declared as I reached the living room.
Agad ko namang nakuha ang atensiyon niya. She stood up , embraced me and gave me a kiss on my cheek."How was your day, my dear," she asked. Matamis rin ang ngiti niya."It was fine, Leina." Inilapag ko ang gamit ko sa center table bago maupo. Leina or Leinarie is my bestfriend. We've been friends for more than ten years. Nakatira kami sa iisang condo unit. Ang unit na pareho naming pinagtulungang bayaran. Pero dahil mas malaki ang ambag niya, sa kanya ito nakapangalan.Madalas kaming mapagkamalang magkapatid o kaya kambal. Para akong nakatingin sa sarili ko habang tinititigan siya. Magkamukhang-magkamukha kami pero hindi naman kami magkadugo. I am Alora Leigh Andrada and she is Leinarie Melendrez. Not relatives, just friends.Sumandal ako sa sofa at napapikit. Kasabay ng pagpikit ay ang pagdaloy sa aking alaala nang nangyari seven years ago."What?! " Hindi ko naitago ang gulat ko sa kanyang tinuran.
"Yes, I want to undergo plastic surgery," she looks so helpless while saying that." But why do you want to have the same face as mine?"I don't get her point. Maganda na siya pero bakit gusto niyang palitan ang mukha niya ng mukha ko."Because, I admire your beauty." Hindi ko tuloy napigilan ang matawa."At nagagandahan din ako sayo, Leina. You don't need to undergo plastic surgery."Maganda naman talaga siya. Artistahin nga ang mukha niya, iyon lamang at mukha siyang mataray dahil sa manipis na kilay at sa kurba na rin nito. Malagatas ang kanyang balat, bilugan ang kanyang mata, matangos ang ilong at may kakapalan ang kanyang labi.Humawak ang dalawang kamay niya sa kamay ko. Kitang-kita ko ang pagsusumamo sa mukha niya dahilan para mawala ang ngiti ko."Parang awa mo na, pumayag ka na. Ito na lang kasi ang alam kong paraan para makatakas kay Franc."Franc is her possessive boyfriend.Hindi ko naiwasan ang mapabuntong-hininga. "I don't want to marry him. Pero hindi ko naman siya matatakasan. I know I can only get rid of him if I will undergo plastic surgery. Hindi na niya ako makikilala and I'll be free."Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Mayaman, maganda at nakatapos ng pag-aaral si Leina. Walang maipipintas sa kanyang buhay. Ang tanging hindi kanais-nais lang siguro sa mundo niya ay ang pagkakaroon ng buhay na nakakasakal. "Please Leigh, this is my only hope." Kitang-kita ko ang pagsusumamo sa mukha niya. Muli na lamang akong npabuntong-hininga. Hindi ako makakatanggi dahil na rin napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Three years ago, I was fourth year college that time. Titigil na dapat ako sa pag-aaral matapos mamatay ang parents ko dahil sa isang plane crash. Naiwan akong mag-isa. Alam kong may mga kamag-anak kami sa probinsya pero hindi ko naman sila gano'n kakilala dahil lumaki akong malayo sa kanila.May pera naman sina Mama at Papa sa bangko pero halos sumapat lang para sa pagpapalibing sa kanila at pambayad sa mga naiwan nilang utang.Thanks that I met Leina. Sa una naming pagkikita, nabangga ako ng kotseng sinasakyan niya. Dinala nila ako sa hospital. Pinaimbestigahan na pala niya ako bago ako madischarge sa hospital noon. When she found out my situation, she offered her house to me. She also asked me to do the household chores for her and in return, she will finance my study. Naging hulog ng langit ang pagdating niya sa buhay ko.Napamulat ako at napatitig sa kisame. Parang kailan lang nangyari ang lahat ng iyon.
Pitong taon, pitong taon na pala kaming magkamukha. Pagkatapos ng plastic surgery niya, umalis siya at hindi na kami nagkita o nagkausap sa loob ng tatlong taon. Nang bumalik siya, parang pasan niya ang mundo. Ang malala, buntis siya. Hindi na ako nagtanong pa bilang respeto sa kanya. Three years old na ngayon ang bata. Na'san siya? Nasa poder ni Franc dahil siya ang ama nito.Kung magbiro nga naman ang tadhana, 'di ba?Nagpalit siya ng mukha para layuan si Franc pero after three years nabuntis siya at ito ang ama.Anong nangyari? Hindi ko rin alam. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano ako magtatanong. Magkaibigan kami pero kailangan pa rin naman niya ng privacy."Lei," tawag niya sa 'kin dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Awtomatiko ring napatingin ako sa kanya. Madalas Lei o kaya Alora ang tawag niya sa'kin. But most people who knows me, calls me Alora. Siya lang talaga ang tumatawag sa'kin ng Lei. " Dinner is ready. Kain na tayo," saad niya nang tumingin ako sa kanya.Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya.Habang kumakain kami, bigla kong naalala ang lalaking tumawag din sa'kin ng Lei. Si Leina lang naman ang tumatawag sa'kin ng gano'ng nickname. Hindi ko naiwasang mapaisip. Who's that man?Speaking of him, hindi ko makalimutan ang hitsura niya. Matangkad at moreno. Itim na itim ang buhok niya. Kapansin-pansin rin ang berdeng mata niya. Ewan ko kung natural iyon o kung contact lense lang. Nakakatulala ang mata niya kaya hindi ko na nagawa pang magsalita kanina. Tinalikuran ko na lang siya matapos may humintong taxi sa tabi ko. Muli kong sinariwa sa isip ko ang ilang detalye ng hitsura niya.Matangos ang ilong niya. Mamula-mula rin ang bibig niya at napansin ko ring may kakapalan ang pang-ibang parte ng labi niya. Ang sarap niya sigurong halikan.Agad kong ipinilig ang ulo ko.Ang halay ng utak ko!"Ang lalim naman ng iniisip mo. Want to share?" She sweetly smiles to me. Ngumiti rin ako pabalik."Do you remember any person who also calls me Lei?"Baka kasi kilala ko talaga ang lalaking iyon pero' di ko lang siya matandaan."Why?" she asked kasabay ng pagkunot-noo niya. Naging seryoso na rin ang mukha ko."Meron kasing lalaki kanina," panimula ko."And then?" tanong niya kasabay ng pagpapatuloy niya sa pagkain."Una, narinig ko siyang may tinatawag na wife and then after that he calls me Lei." Agad na napatingin sa'kin si Leina dahil sa sinabi ko. "Alam kong ako yo'ng tinatawag niya kasi nang lumingon ako sa kanya, nakatingin siya sa'kin. Hindi naman siguro ako assuming-----"Naputol ang sasabihin ko nang mabitawan niya ang hawak niyang kutsara.Shock was evident in her face. Lumunok siya bago magsalita. " Can you describe him? "Napakurap naman ako bago magsalita. " Ahm gwapo siya. Parang may foreign blood kasi green ang kulay ng mata niya."Awtomatiko siyang napatayo dahil sa tinuran ko. "My God!" bulalas niya. Nanlalaki ang kanyang mata at bahagya ring nakaawang ang kanyang labi.Kinabahan ako. At naguluhan din at the same time."W-why? S-sino ba siya?" Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. Kitang-kita kong nanginginig ang mga iyon. "Natatakot ako, Lei. Hindi ko alam ang gagawin ko." Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa mesa, tila ba nanghihina.Malinaw na sa'kin ngayon, napagkamalan ako ng lalaking iyon. Akala niya ako si Leina."Sino ba kasi ang lalaking yo'n?"Hindi siya umimik. Nakita ko ang pagyugyog ng balikat niya, senyales ng tahimik niyang pag-iyak habang nakayuko."Please, sabihin mo sa'kin."Nakita kong pinunas niya ang kanyang pisngi bago tumingin sa'kin at magsalita."H-He is my ex-husband" "W-what!" Napatayo ako.Ex-husband? Is she kidding me? Ex-husband? Pa'no nangyari yo'n?"Nang umalis ako, after the plastic surgery, nakilala ko siya. He is Zeke Xavier Fuentarez. I fell in love with him and after just a month of dating, we got married."I gasped. Wala akong maapuhap na salita dahil sa shock." You know, I really want to get rid of Franc, so I married him. After all, he can give everything I want including a life of a queen." "So, it's not love, Leina. You just used him," mahinahon kong saad. Kahit papaano na-absorb na ng utak ko ang revelation niya." Sabihin na nating gano'n. We're okay for a year. Hanggang sa maramdaman kong malungkot palang maging asawa niya. Yes, I can buy anything and everything I want but he's always out for business trip." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Tila ba habang nagkukwento siya ay nakikita niya sa kanyang isipin ang nangyari noon."At nakakalungkot iyon , naramdaman ko ang pagkukulang niya. So, I do clubbing every time he's out. And honestly, I flirt with different men. I cheated on him and he's aware of that. Alam niya lahat pero hinayaan niya ako." Tumulo ang luha niya pero agad din niya iyong pinunas. "And then, Franc came into the picture. I enjoyed his company and he got me pregnant," sunod niyang saad kasabay ng pag-iwas ng tingin.Hindi ako mapaniwala sa narinig ko. Napaka-complicated ng buhay niya. Hindi ko akalaing legally married siya tapos may anak siya sa ibang lalaki. Kahit gaano ko isipin, hindi maitatangging si Leina ang nagkamali. Kung nalulungkot siya, hindi sagot ang clubbing at pagbaling ng atensiyon sa ibang lalaki."Ba't ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan, Leina?" mahinang saad ko. "Because I thought, it was done. Akala ko pwede nang ibaon sa limot ang lahat."Ibaon sa limot? Nagbibiro ba siya? Kasal sila kaya paano niya iyon naisip? I can't believed it!"So what's your plan now?" Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Naiinis ako sa klase ng pag-iisip ng kaibigan ko pero labas naman ako sa issue na ito. Hindi naman yata tama kung maghihisterikal ako."I need to fix the mess I made. I need to file a divorce as soon as possible."Marahan akong napatango. " Do it, if that's what you think is right," saad kong bumalik na sa pakakaupo. Dapat lang na ayusin na niya dahil lumalaki na ang anak niya."But I need your help." Agad akong napatingin ako sa kanya. Bakit kailangan niya ng tulong ko?"Kailangang ikaw ang magfile ng divorce." Napaawang ang labi ko"B-bakit?""Because the person he married is----" Napapikit siya bago nagsalita. "---is A-Alora Leigh Andrada"Para akong nawalan ng lakas. Pakiramdam ko nanginginig ang tuhod ko. Pakiramdam ko matutumba ako kahit nakaupo naman ako.Mabilis siyang lumapit sa'kin at agad na lumuhod sa tabi ko. Humawak ang dalawang kamay niya sa hita ko."I'm sorry. I'm really sorry. That time, hindi ko pa naayos ang identity ko. No one will believe that I am Leinarie Melendrez. All the documents present at that time telling that I am you. I really want to marry Zeke that time and I have no choice but to use your identity."Tumulo ang luha ko. Gusto ko siyang saktan pero parang nilunod na ako ng panghihina ng kalamnan."B-bakit mo nagawa sa'kin 'to?" Iyan lang tanging lumabas sa bibig ko."I'm sorry. Sorry." Lumakas ang hikbi niya.Akmang bubukas na ang bibig ko para magsalita nang biglang may mag-door bell. Pinunas ko ang luha ko. Sino ba kasi ang nasa labas? Napaka-wrong timing naman ng dating niya. Napakarami ko pang gustong sabihin kay Leina."Fix yourself. Mukhang may bisita ka," saad ko. Siguro isantabi na muna namin 'to, mukhang may bisitang dumating.Tumango siya bilang tugon bago siya tumayo at inayos ang kanyang sarili.Muling tumunog ang doorbell."Titingnan ko kung sino yo'n." Nagboluntaryo na lang ako. Para naman kasing hindi pa siya handang humarap sa kahit sino. Dapat ako yo'ng pinaka-apektado pero bakit sa hitsura niya parang siya ang pinagsakluban ng lupa. Patuloy sa pagtulo ang luha niya kaya naman kumalat na ang eye liner niya. Kung bakit ba naman kasi, nasa loob na nga siya ng bahay kailangan pa niyang mag-make up!Nang buksan ko ang pinto. Isang lalaki ang bumungad sa'kin. Makapal ang kanyang kilay, singkit ang kanyang mga mata. Hazel brown ang kulay ng kanyang bilumata na animo'y tumerno sa kayumanggi niyang balat. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mamasa-masa niyang labi. He look decent in his white polo paired with slacks."Good evening, ma'am. I am looking for Alora Leigh Andrada-Fuentares," he said fluently. Matikas ang katawan niya at maayos ang kanyang tindig. "A-ako yo'n. What can I do for you?" Hindi ko naiwasang mapakunot-noo at mapatitig sa kanya.Sino ba kasi 'to? "Ma'am, your husband told me to fetch you."Napaawang ang labi ko. Husband? Kaagad akong nakaramdam ng pagkataranta at pagkabalisa. I tried to compose myself."Wait a minute here," turan ko bago dali-daling isinara ang pinto.Napasandal ako sa pintuan pagkasara ko nito. Bumungad din sa'kin ang nakatayong si Leina."H-hinahanap ka nila." Para akong lalamunin ng matinding kaba."No, i-ikaw ang hinahanap nila, Lei." Kita ko rin ang pagkataranta sa mukha niya. Lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko."But they are referring to you. Dahil ikaw naman talaga ang ex-wife niya." Pakiramdam ko pinagpawisan ako ng malapot. Jusko! Ba't ba ako napunta sa ganito kakomplikadong sitwasyon?"Legally, ikaw ang asawa. Dahil pangalan mo ang ginamit ko noon." Napalunok ako.Anong gagawin ko?Humakbang siya palapit sa'kin at masuyong hinawakan ang mga kamay ko." Please, help me fix my mess. You know right now, I'm trying to get my son from Franc. And I can't do that if I have to deal with Zeke." "P-Pero, Leina." Parang hindi ko yata kaya ang pinapagawa niya."Please Lei. Nakikiusap ko. Please, mag-uusap lang naman kayo. And just go with the flow. Give what he wants so that we can easily file the divorce."I sighed. Pakiramdam ko maluluha ako pero pilit kong pinigilan. Ang mahirap kapag nakabaon ka sa utang na loob, hindi ka makakatanggi. Plus paano ba naman ako makakatanggi sa kanya, eh parang pamilya ko na siya. At sa hitsura niya ngayon, kaagad natibag ang namuong galit ko sa kanya. Nangibabaw na ang awa.Tumingin ako sa kanya. Muli akong bumuntong-hininga bago ko buksan ang pintuan at harapin ang lalaking sumusundo sa'kin.
Alora's Point of View It's already nine in the evening when we reach our destination.Hindi ko maiwasang mamangha. It was a three story modern house. Sa pinakataas na parte ng bahay ay mapapansin ang bahaging walang bubong at may mga palamuting halaman roon. Malamlam ang liwanag sa parteng iyon kaya naman parang ang sarap tumambay roon kapag gabi. Sa second floor ay kapansin-pansin ang ilang bahagi nito na gawa sa salamin. "Nasa loob po si sir, ma'am," saad ng sumundo sa'kin dahilan para mapatingin ako sa malaking pintuan na ilang hakbang lang ang layo sa'min.Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Parang biglang nag-sink in sa'kin ang dahilan kung bakit ako nandito. Iginala ko ang paningin ko. May mga palm trees at mga halaman sa labas. Maliwanag ang paligid dahil sa mga post lamp.Hindi naman siguro ako mapapahamak dito. At tsaka, hindi naman mukhang nakakatakot ang paligid. In fact, parang nakaka-relax pa nga. Hay naku! Bahala na nga. Wala naman sigurong gagawing masama sa akin
Alora's Point of View May anim na malalaking kwarto sa second floor pero sa unang tingin palang, alam ko na agad na ang kwartong tinulugan ko ang pinakamalaki. It must be the master's bedroom.Ewan ko lang kung saan natulog si Zeke kagabi, hindi ko na rin naman siya nakita pagkatapos kong mag-shower at makapagpalit ng damit.Nainis lang ako sa pantulog na binigay niya dahil sobrang ikli at nipis kaya naman ang ending nangialam ako sa closet niya. Buti na lang at may nahanap akong silk robe na hanggang tuhod ko ang haba. Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Halos hindi rin naman ako nakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon ko. Pagkabangon ko , agad akong naligo. Isinuot ko ang damit na suot ko kahapon. Nagising akong nakapatong na iyon sa bedside table, nalabhan at ready to use na.Nang bumaba ako ng hagdan, bumungad sa'kin si Zeke. He is wearing a grey three piece suit. Mukhang papasok din siya sa trabaho. Maaga din pala siyang nagising. Akala ko pa naman makakauwi na a
Zeke's Point of View "Good evening Ma'am, Sir." Sabay-sabay na yumukod sa amin ng mga katulong na sumalubong sa'min. "Pakidala ang mga gamit ng asawa ko sa kwarto namin." Iniabot ko ang susi ng kotse kay Manang Linda upang makuha nila ang mga gamit ng asawa. "Teka! Lilinawin ko lang. I don't want to share a room with you," mabilis niyang asik sa'kin . Mahina na lamang akong napabuntong-hininga. Kanina lang maayos kaming nag-uusap pero ngayon mukhang balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa. "Why not? We're husband and wife." At saka para namang bago sa kanya ang may makatabing lalaki sa kama.Pinandilatan niya ako. "Sige, ipagpilitan mo 'yan then I'll just go home!" banta niya sa'kin.Heto na naman kami. Mukhang kailangan ko na namang magpatalo.I sighed."Okay, Stay in our room. I'll just stay in the guest room." Magpapatalo nalang ako kaysa naman umalis siya."You don't have to do that. I'll just use the guest room," saad niyang nagpatiuna na sa paglalakad pa
Alora's Point of View Nang magising ako, bumungad sa'kin ang puting kisame. The room is a little bit dim. Tanging ang ilaw lamang mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nanlaki ang mata ko. Kwarto ito ni Zeke! Bakit nandito ako sa kwarto ni Zeke?Pinilit kong inalala ang nangyari. Naaala kong nang umulan ay kaagad kaming tumakbo patungo sa kwarto niya. Napakurap ako nang maalala kong nakaidlip ako sa biyahe. Napalunok ako. Binuhat ba niya ako patungo rito? Naramdaman kong may nakadantay sa aking tiyan. Only to find out na kamay pala ni Zeke iyon.Dahan-dahan kong tinanggal iyon kaya naman naramdaman ko ang nakakapasong init mula dito.Hindi ako nagdalawang isip na damhin ang noo niya. Ang init niya. Mukhang nilalagnat siya.Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Nang tingnan ko ang oras, pasado alas onse na ng gabi. Siguradong tulog na ang mga maid niya.I look for a first aid kit. May nahanap naman ako sa cr. Nang may makita akong thermometer, I checked his temperature
Alora's Point of View "About the coming expansion, sir, the team is still working about it. And honestly sir, sobra po silang nahihirapan. We really need your presence there, sir."Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa business kaya naman para lang akong audience dito habang pasimpleng pasulyap-sulyap sa kanila.Sumulyap sa'kin si Zeke. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. "I'm sorry, sir. I was being inconsiderate. Nakalimutan ko pong on leave po pala kayo." Magaan ang boses ni Richelle Ravina. Animo ay isa itong anghel sa malamyos niyang tinig na bumagay naman sa maganda niyang mukha. Bagay na bagay rin sa kanya ang lipstick niyang pula."Is it okay if you have a night shift, Miss Ravina? Let's work about the expansion during night." Hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin dahil sa sinabi ni Zeke.Magtratrabaho siya sa gabi? So ano? Balak ba niyang patayin ang sarili niya?"Hindi mo naman kasi kailangang mag-leave sa trabaho si Zeke." Sumabat ako sa usapan nila bago pa su
Zeke's Point of View Napakunot-noo ako nang lumabas siya mula sa malaking pintuan ng bahay. She's wearing a black shirt paired with rugged pants and a white rubber shoes.Nagbago na nga talaga siya. The old kind of wife I had won't wear T-shirt. She always wear a semi-formal dress, mapa-bahay o mapa-labas man. She never wear pants. Kahit nga sa loob ng bahay naka-make up siya. But look at her today, she's not even wearing any make up or even just a lipstick. "Ang ganda niyo talaga, ma'am." Nakangiti ang driver naming si Mang Kanor. Nasa edad singkwenta na ito. Makikita iyon mula sa mangilan-ngalang hibla ng puti niyang buhok. Nagsimula na ring mangulubot ang balat nito."Thanks, Mang Kanor." Kumislap ang mata ng asawa ko kasabay ng pagngiti ng labi niya.Totoo ang sinabi ni Mang Kanor, maganda siya kahit simple lang ang suot niya. At lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Well, kahit naman nakasimangot siya, maganda pa rin siya.Pinagbuksan mo siya nang walang kaimik-imik. Kahit noo
Alora's Point of View Agad akong napakilos nang dumating ang taong hinihintay ko. Kaninang umaga pa ako naghihintay sa harap ng condo unit niya. "Nandito ka na naman? I already told you, we're done!" Lumapit ito sa pintuan. Agad naman akong sumunod sa kanya. "Hayaan ko naman akong magpaliwanag, Ken." Hinawakan ko siya pero marahas niyang tinanggal ang kamay ko. "For what? Para lokohin at paikutin ako?" "Hindi. Hindi ko magagawa 'yan sa'yo." "Hindi ko naman talaga siya asawa. Si Leina naman talaga ang totoong asawa niya," sunod kong saad. "Then what the fuck are you doing there? Huwag mong sabihin na nandoon ka para magpanggap na si Leina?" "Iyon naman talaga ang----" Napatigil ako nang magsalita siya. "Stop it, Alora! Hindi ako maniniwala sa'yo!" "Maniwala ka sa'kin. Kung gusto mo kahit kausapin mo pa si Leina. Mapapatunayan niyang nagsasabi ako ng totoo." Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha. "Lalo lang akong hindi maniniwala. That bitch is your bestfriend! Kun
Zeke's Point of View Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dumaloy mula sa hubad kong katawan ang mga butil ng tubig.I tried reminiscing everything. Dumaloy sa isip ko ang mukha niya nakangiti habang kausap ang waitress. Sariwa pa sa alaala ko kung gaano kasimple ang suot niyang blouse at skirt noon. Bumalik din sa alaala ko ang sandaling binigyan niya ako ng blangkong expression at ang pagpasok niya sa taxi na parang hindi niya ako kilala. "I am not your wife."Napapikit ako ng mariin.Sinabi nga niya noon na hindi siya ang asawa ko. Ilang beses din niyang sinabi iyon. That's maybe the reason why she usually says 'your wife' or 'asawa mo' because she is really referring to other person. Naalala ko rin ang pagtatanong niya noon sa katulong kung nasaan ang comfort room. That's it! Hindi niya alam iyon dahil hindi naman talaga siya ang asawa ko.Napasabunot ako sa sarili ko.Argh! How stupid! Hindi ko man lang na-realize iyon. Napabuga ako ng hangin. Dapat noon pa ako naghinal
Makalipas ang isang taon..... Akmang papaandarin ni Zeke ang kanyang kotse nang makita niya ang paglabas ni Alora sa kanilang mansiyon. Nakasuot ito ng maong na pantalon at kulay asul na T-shirt. Maya-maya lang ay nakita nito ang pagpasok niya backseat ng isa lang kotse. Sumunod naman na pumasok sa driver's seat ang driver na si Kanor. Umusbong naman ang pagtataka ni Zeke. Wala siyang maalalang nagpaalam ang misis niyang may pupuntahan ito. Nang umandar ang sinakyan nina Alora, pinaandar na rin ang kanyang sasakyan upang sundan sila. Huminto ang sasakyan sa tapat ng sementeryo. Kitang-kita niya ang pagbaba ni Alora mula doon. Nang makaalis ang sinakyan nito ay nagpasya din siyang bumaba at sundan ang kanyang misis.Pinagmasdan niya ito mula sa hindi kalayuan.Nakita niyang huminto at umupo sa gitna ng dalawang puntod. Kitang-kita pa ni Zeke ang magkasunod paghaplos ni Alora sa lapida ng mga ito.Ilang sandali lang ay nakita niya ang ginawang pagpahid nito sa kanyang pisngi.Gusto
Pagbaba ni Zeke ng hagdan ay nabungaran niya si Franc Belmonte sa kanilang sala. Agad rin itong tumayo nang makita niya si Zeke."I'm in a hurry, Mister Belmonte." "I know. But give me few minutes, Mister Fuenteres. Kailangan mo lang 'tong makita."Inilahad nito ang kanyang cellphone.Kunot-noong iniabot iyon ni Zeke. Sa screen ay makikita ang isang video. Saglit pa niyang liningon si Franc bago niya pindutin ang play button.Humagikgik ang batang si Neil."Today we're gonna play my new car." Inilapit nito ang mukha sa camera. Inilagay rin nito ang kanyang palad sa gilid ng kanyang labi." Mommy brought this one." Pabulong nitong wika.Muli siyang humagikgik nang lumayo siya sa camera.Bumalik ang tingin ni Zeke kay Franc. Pabalik nitong isinaksak sa dibdib nito ang hawak niyang cellphone."So what is this? You want me to watch your son's video? Nawawala ang asawa ko, Mister Belmonte! Wala akong panahon sa mga ganyan."Humakbang ito paalis ngunit mabilis din siyang hinarang ni Franc."
Sinipat ni Leinarie ang sarili sa salamin. Pinakatitigan niya ang kanyang mukha. Bilugang mata, malalantik na pilikmata, sakto lang ang tangos ng ilong at makipot na labi."I am Alora Leigh Andrada now." Nausal niya sa kanyang isip.Madaling napapayag ni Leinarie ang kanyang kapatid na gayahin niya ang mukha nito. Matapos nitong gamitin ang skills sa pag-arte at konting kasinunggalingan ay lumambot na ang puso nito. Kinagat ni Alora ang dahilan niyang gusto niyang takasan si Franc Belmonte."Utu-u***g Alora." Nasambit niya habang nakatingin sa salamin. Nakasuot siya ng kulay maroon na bestidang hapit na hapit sa kanya. Naglagay rin siya ng light make up sa kanyang mukha. Nang masigurong maayos na ang kanyang hitsura ay kaagad siyang sumakay sa kotse at pinuntahan ang lugar na kanyang pakay.Puno ng kumpiyansa itong naglakad papasok sa loob. Alas dyes na rin ng gabi kaya naman marami na rin ang tao sa bar.Iginala niya ang paningin. Sinaliksik ng mata niya ang kanyang pakay. At hindi n
Flashback .... "I now pronounce you, husband and wife. Congratulation Mister and Mrs. Belmonte."Umirap pa si Leina matapos sabihin iyon ng judge. Si Richelle at ang driver ni Franc ang naging witness sa kasal."We'all keep it a secret for now." Tinalikuran ni Leina si Franc at nagpatuloy ito sa paglalakad. Naiiling na lang na sumunod rin sa kanya si Franc. "Huwag ka sanang atat. Bibigyan kita ng anak kapag ready na ako. Hindi ka naman talo dito, nagpakasal pa ako sa'yo." "I know, bata ka pa. But I just want to remind you, hindi mo ako matatakasan."Agad naman siyang liningon ni Leina."Siguro nga. Pero alam mong hindi mo ako kayang kontrolin na parang isang robot." Ngumisi ito sa kanya. "But don't worry, susunod ako sa usapan natin."Umirap pa ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lang naman sa kanya si Franc. Si Richelle at ang driver naman ni Franc ay sumakay sa kabilang kotse. Si Franc naman ang nag-drive sa kotseng sinakyan nila ni Leina."Closed na pala ang kaso ni Tito Ar
Nagising si Alora na tila pinupukpok ang ulo sa sakit. Iginala niya ang kanyang paningin. Walang gamit sa paligid, ang mga dingding naman ay nagkukulay itim na. Tila dating may pintura ito dahil sa mababakas pa ang kulay puting tila naluma na. Sinubukan niyang gumalaw subalit naramdaman niya ang taling nakapulupot sa beywang niya gayundin ang kamay niyang nakatali sa likod ng kinauupuan niya. "Good thing that you're awake." Agad siyang napabaling sa pinagmulan ng tinig. "Leina?" Bumalatay ang gulat sa mukha ni Alora. "Yes my dear, it's me." Ngumisi ito sa kanya. Maya-maya lang ay lumapit si Richelle kay Leina at inaabot sa kanya ang isang baril. Nakaramdam ng pangangatog ng tuhod si Alora. "Anong ibig sabihin nito, Leina?" "What's the meaning of this?" Ngumisi ito ng nakakaloko. "Nakalimutan mo na ba, my dear? Sabi ko dati, All I want for you is a remarkable life." "Bakit?" Hindi naitago ni Alora ang panginginig. Nagsimula na rin niyang maramdaman ang paghapdi ng kanyang mata.
Nagpatuloy pa ang pagpapadala ng litrato ni Alora na pawang mga stolen shots. Araw-araw ay may natatanggap si Zeke na litrato nito. Hindi rin nakaligtaang i-message sa kanya kung anong kinain nito sa maghapon. Updated rin siya sa kung anong ginawa nito sa maghapon. Maging ang oras ng pagtulog nito ay hindi nakaligtaang sabihin sa kanya. Maging ang ultrasounds photo at laboratory resullts ay ipinapadala rin sa kanya. Gayunman, wala pa ring kasing lungkot ang mga nagdaan mga buwan. Hindi sapat ang mga 'di mabilang na larawan upang maibsan ng pangungulilang kanyang nadarama. "Do you have any good news, Art?" "I'm sorry, sir. Sampung private investigator ang kumikilos pero sadyang wala silang makuhang impormasyon. Nagpamigay na rin po ng mga flyers at meron na ring pong post sa iba't-ibang social media account pero wala pa rin talaga, sir." Nabuntong-hininga na lamang si Zeke. "Dapat pa ba akong umaasa na makikita ko pa siya?" Napatitig siya sa litratong huling ipinadala sa kanya.
Ibinulalas ni Richelle ang kanyang sunod-sunod na mura. "Ano na naman bang problema?" Nakahukipkip na itinuon ni Kenneth ang atensiyon sa kanya. "Nawawala si Alora. Saan mo ba kasi napulot 'yong mga palpak na taong iyon?" Nagpupuyos ito sa galit. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito. "Nagawa nilang sunugin ang mansiyon pero ang mga bobo, hindi naman nagawang ma-kidnap si Alora. Bwisit!" "Relax, okay? Baka pahiwatig na ito na dapat tumigil ka na sa mga ginagawa mo." "Hindi! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan marami na akong nagawa sa plano. Tapos na sana ang lahat kundi lamang sa mga gunggong na iyon." Napabuntong-hininga na lamang si Art. "Hindi pwedeng masayang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi pwede!" Sa nanlilisik niyang mga mata, unti-unting gumuhit ang alaala ng nangyari sa Cerie Hotel. Pasimpleng nagmamasid si Richelle sa kilos ng kanyang amo. Nakikihalubilo siya sa mga empleyado ngunit nobenta porsyento ng kanyang atensiyon ay nasa mag-asawa. Nang makita niyang nagl
Nagising si Alora na wala na si Zeke sa kanyang tabi. Nakaramdaman siya ng kahungkagan. Nagsisimula na rin niyang kwestunin kung totoo ba ang nangyari kagabi o isa lamang iyong panaginip."Good morning ma'am."Lumapit sa kanya si Jessa. May hawak itong tray na may lamang pagkain at isang baso ng gatas."Umalis na po si sir, ma'am. Pero ipinagluluto po niya kayo bago siya pumasok sa trabaho."Sumilay ang ngiti sa labi ni Alora Leigh. Ngayon niya nakumpirmang hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi."Pero kung may gusto kayo ma'am, sabihin niyo lang po.""Pickles sana. Iyong papaya pickles.""Meron po ma'am. Marami po kaming ginawa ni Manang Linda simula po noong una kang mag-request ma'am." Nakangiting turan ni Jessa."Salamat, Jessa. At saka pwede bang sa labas ako mag-agahan. Gusto kong nakikita 'yong mga halaman diyan sa labas.""Sige po, ma'am." Masiglang saad nito."Thank you. Maghihilamos lang ako then lalabas na ako.""Samahan ko na po kayo, ma'am." Kumilos ito upang ibaba a
Napunta ang tingin ni Zeke sa screen ng kanyang laptop. Mula roon ay nakikita niya si Alora. Mahimbing pa ang tulog nito. Muling ibinalik ni Zeke ang tingin sa papeles na kanyang kaharap. Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Natuon ang buong atensiyon niya roon nang makita niya ang pagkilos ni Alora. Ilang sandali nitong iginala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan niya bago ito bumangon. Katatayo pa lamang nito sa kanyang kama nang mapatakip ito bunganga. Awtomatiko ring napatayo si Zeke nang tumakbo si Alora sa banyo. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis nito sa kanyang noo. Nang magsuka si Alora sa sink ay lalo siyang naalarma. Kumilos ang kanyang paa pahakbang. Natigil lamang siya nang makita niya ang paglapit ng mayordomang si Linda sa kanyang misis. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag nang makita niyang hinagod niya ang likod nito. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo nang makita niyang inakay na ng katulong si Alora palaba