Share

Chapter 4

Napabangon ako agad sa aking kama na maring kong may kumakatok sa may pintuan. Nangunot ang aking noo nang mapansin kong wala akong damit pang itaas at pang ibaba. Nakita ko na lang sa may sahig ang mga damit na nagkalat doon at dali dali ko itong dinampot at sinuot ko uli. Natataranta akong maisuot ang damit na suot ko pa kagabi. Hindi ko na din tinignan kung baliktad man ito o hindi basta maisuot ko lang 'to.

Nang matapos ko nang maisuot ang mga damit ko ay agad kong binuksan ang kanina pang kumakatok sa may pinto. Bumungad sa akin ang nakapameywang kong ante. Namilog ang aking mga mata dahil sa ngayon ko lang siya nakitang galit ang mukha.

"Magandang umaga po ante," bati ko na nakangiti sa kan'ya.

"Anong maganda sa umaga ha Kayrelle?" galit nitong tanong.

"Tanghali na, bilisan mo riyan at kumilos ka na. Marami pa tayong gagawin," sabay talikod nito sa akin.

Sinarado ko agad ang pinto pagka alis niya. Tinatamad ako ngayong araw at gusto kong matulog maghapon.

Naupo ako sa aking upuan at nakapalumbaba ako sa harap ng salamin. Napaisip na lang ako dahil dito na umiikot ang mundo ko. Napapagod na ko sa araw araw na gawain dito sa boarding house. Wala na kong ginawa dito kundi ang mamalengke, magluto, maglaba, maglinis at maglakad paroon parito. Hay buhay, wala nang katapusan ang pagiging manang ko rito. Gusto ko naman sanang maranasan na may manligaw sa 'kin kaso wala eh. Laging zero lovelife. Maganda naman ako at seksi ngunit hindi nga lang nailalantad ang kagandahan ko dahil sa ganito na ko magsuot ng mga damit. 'Yung tipong hindi ka lilingunin ng mga lalaki dahil sa hindi maganda ang pananamit ko. Paano kaya kung magsuot ako ng mga seksing mga damit. Pero hindi ko kayang magsuot ng mga ganung klaseng damit na nilalantad ang hita at 'yung tipong nakalitaw din ang dibdib.

Perfect! sabay tayo ko sa kinauupuan ko. Ang galing mo talaga mag isip self, turo ko sa harap ng salamin.

"Kayrelle!" sigaw na naman ni ante sa akin at panay katok pa sa pinto. Agad ko na naman itong tinungo ang pintuan upang pagbuksan si ante.

Nakangiti akong nakaharap sa kan'ya pagkabukas ko ng pinto pero siya ay kabaligtaran dahil sa galit na naman ng kan'yang mukha.

"Bakit hindi ka pa nakakapagpalit ng damit mo? Kayrelle naman, hindi mo ba alam na ngayon na mag uumpisa ang trabaho mo," galit niyang sabi.

"Po," kasabay 'yon ng paglaki ng dalawa kong mga mata. Hindi ko alam na may trabaho ako ngayon at ngayon na araw pa talaga ako mag uumpisa. Salamat na lang at nabago din ang aking trabaho. "Ano pong trabahong 'yon ante?" kunot noo kong tanong sa kan'ya dahil excited na kong malaman 'yon.

"Wala ka bang natatanggap na mensaheng pinadala ko sa cp mo kahapon?" paalala niya sa mensaheng hindi ko pa binabasa. Wala na ko sa huwisyo kahapon ng mag-text siya dahil sa lasing ako.

"Pasensya na po ante hindi ko po nabasa," nakagat ko ang kukong hinliliit ko dahil sa pagsimangot ni ante.

"Basahin mo na lang kaya Kayrelle 'yung mga tinext ko sayo. Napapagod na talaga ako sa paroon parito dito sa boarding house. Wala na kong ginawa maghapon kundi ang mamalengke, magluto, maglaba at maglinis. Hay! buhay, tumandang dalaga na ko. Wala na talagang pag asang magka love life kundi Zero," sabay talikod niya sa 'kin. Inis na umalis si ante sa harapan ko.

Natulala ako sa sinabi ni ante at narito pa din ako sa aking puwesto habang nakatingin sa papalayong likod niya.

Aba't! teka nga lang, linya ko 'yung linya ni ante eh. Sabi na nga ba't pati din siya ay gano'n din ang nararamdaman niya kagaya ng sa akin. Ito 'yung kinatatakutan kong mangyari ang magaya sa kan'ya. Kaya't habang maaga pa ay maghahanap na ko ng lalaking mabibihag. Ayoko magaya kay ante na tumandang dalaga.

Hinanap ko ang aking cp kung saan ko ito nailagay. Nang mahanap ko na ay agad kong binasa ang limang mensahe ni ante sa akin na dapat ay kahapon ko pa binasa.

Napahawak ako sa sariling bunganga ko nang mabasa ko ang unang mensahe.

Ano? As in ngayon na talaga at huli na ko sa una kong trabaho? Sayang din 'yon dahil makakaipon pa ko para sa itay ko. Kailangan kong magpursiging magtrabaho para lang makaipon.

Hindi ko na binasa pa ang ibang mensahe dahil sa pagmamadali ko ay dapat makarating ako agad doon. Saglit lang ako naligo at nagsuot ako ng magandang damit. Nakasuot ako ng isang bestidang hindi lalagpas ang haba hanggang tuhod kaya kita ang mapuputi kong hita. Wala ding pawad ang suot kong damit kaya litaw ang maputi at makinis kong braso. Medyo litaw na din ang aking dibdib ngunit konti lang naman at baka sakaling may makapansin na sa akin.

Sinuot ko pa ang mamahaling sandalya ko na may 2 inhces ang taas. Inayos ko din ang mahaba kong buhok at tinali ko ito paitaas kaya kita ang namumuti kong batok.

Nakangiti akong lumabas ng kuwarto nang matapos na kong mag ayos at pababa na ko ng hagdan. Wala 'yung mga boarders dito dahil gumala pa ang mga 'yon.

"Aba't bakit gan'yan ang suot mo?" takang tanong ni ante.

"Siyempre nag ayos po ako ante kaya ganito po ang suot ko saka first time ko kaya magkaroon ng trabaho kaya pinaghandaan ko para tumagal ako sa aking unang trabaho."

Humaba ang nguso ni ante at napasimangot pa. Akala mo eh nalugi ng kita sa canteen.

"Sigurado ka na ba diyan sa suot mo?" paninigurado niya sa akin.

"Opo naman saka excited na ko sa una kong trabaho," masaya kong sabi. "Maganda po ba ako ante? Ayos na ba ang suot ko?" tanong ko habang nakahawak ako sa aking bewang at umikot na parang prinsesa sa harapan niya.

"Ayos na sana kung hindi ka na sana nagtakong. Ano kaya ang magiging itsura mo kapag naroon ka na sa trabaho mo? Baka hindi mo kayanin at bumigay ka agad. Alalahanin mo, 20k a month ang sasahurin mo kaya magsipag ka. Kapag naman nagustuhan niya ang trabaho mo ay pwede pa niyang taasan ang sahod mo."

Nanlaki ang dalawa kong mga mata. 20K a month? Grabe ang laki pala ng sasahurin ko kapag gan'on nga kalaking halaga. Makakaipon at makakabayad na kami ng pagkakautang namin ni tatay. Hindi lang 20k ang sasahurin ko kundi instant 30k ang kabuuan kapag nagustuhan niya ang trabaho ko. Parang sahod lang ng pangangatulong sa ibang bansa.

Malaking tulong ito sa financial support namin ni itay. Dahil sa hirap ng aming buhay ay hindi na niya nagawang buhayin pa kami ni itay dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa isang krimeng hindi naman niya ginawa. Limang taon ng nakakulong ang aking itay kaya heto ako, narito ako sa aking ante para makatulong sa kan'ya at hindi sapat ang sweldong natatanggap ko mula sa kan'ya. Naiintindihan ko din naman siya dahil may tinutulungan din itong kamag anak.

Masaya ako sa unang araw ko nang makalabas na kami ng boarding house. Nilakad na namin ni ante kung saan ako magtatrabaho. Habang papalapit kami ng papalapit sa isang apartment kung saan umuupa ang isang binatang si Jero ay tila nag uunahan na sa kaba ang aking dibdib. Pero hindi ako sigurado na itong apartment na pupuntahan namin ay siya ang nakatira dahil may tatlo pang mga katabi ito.

May apat na magagarang kotseng naririto sa tapat ng apartment. Tila ba kay yaman ng mga taong umuupa rito. Napangiti ako ng husto dahil ang yaman ng magpapasweldo sa akin.

Nasa tapat na kami ng gate ni ante at pumasok sa loob ng bakuran.

Tamang tama lang ang lawak ng bakuran dito. Pero itong apartment na 'to ay tama lang din sa laki para sa dalawa o tatlong katao.

"Handa ka na ba sa unang sabak mo sa trabaho mo?" tanong ni ante na mukhang naninigurado pa sa akin kung tutuloy ako o hindi.

"Oo naman po ante. Sayang naman 'yung instant 30k na sasahurin ko kung uurong lang ako. Kayang kaya yan," sabay pakita sa aking muscle sa braso saka ko siya nginisian. Ngunit tinapik lang ni ante ang aking braso.

"Mahiya ka nga Kayrelle, alis!" Umalis ako sa tapat ng pintuan dahil nakaharang ako. Siya na mismo ang kumatok sa pintuan ngunit wala ni bakas na tunog na nagmumula sa loob para buksan ang pinto.

Nakatatlong katok na ito ngunit wala pang nagbubukas ng pinto. "Ikaw na nga lang kumatok baka sakaling bumukas na yan," utos niya sa akin. Nagpalit kami ng pwesto at ako na ngayon ang nasa tapat ng pintuan. Bum'welo muna ako at nang maitapat ko na ang aking kamao ay doon lang bumukas ang pinto.

"See? Bumukas po ante. Hindi ko pa nasasagi yang pintuan na yan ay bumukas na. Easy!"

Pagmamayabang ko kay ante ngunit wala man taong lumabas mula sa nakaawang na pintuan. Nakaawang lang ito ng konti at nanindig ang aking balahibo dahil sa lamig na naramdaman ng aking balat.

Hinarap ko si ante at nakatalikod ako mula sa nakaawang na pintuan ngunit walang taong lumabas o sumilip man lang.

"Parang may multo ante. Kasi wala man lang taong sumilip diyan sa pintuan na yan at tumaas pa ang mga balahibo ko," nasa boses ko ang takot. Hindi nagsasalita si ante habang kinakausap ko siya. Para siyang nasaniban ng piping ispirito dahil sa pananahimik nito. "Ante ano ba? Magsalita ka naman po. Anong nangyayari sayo at natulala ka po diyan?" Inis kong sabi kay ante dahil hindi man lang ito nagsasalita dahil nabato na siya sa kan'yang kinatatayuan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status