Nasa malalim ako ng pag iisip habang isa isa kong pinupulot ang mga nagkalat ng mga inuming alak sa may sahig dahil ang akala ko ay mababago na ang lahat pero ganito din pala ang aking magiging trabaho ko at walang nagbago. Isang taon akong magtatrabaho sa kan'ya hanggat hindi pa siya nakakapagtapos ng pag aaral. Hindi ko din alam ang kan'yang dahilan kung bakit naririto siya at dito piniling mag aral samantalang may kaya naman ito sa buhay. Kung tutuusin ay hindi mo makikitaan sa kan'ya ang mababang uring tao dahil sa pananalita, pananamit at sa mga magagarang gamit niya'y mukhang mamahalin na.
Isang oras ang tinagal ng paglilinis ko rito sa loob ng kan'yang tinitirahan. Pakiramdam ko ay mag isa na lang ako dito dahil sobrang tahimik na. Gusto ko sanang umuwe muna upang makapagpalit ng damit dahil hindi pa ko tapos sa paglilinis ng bakuran at maya maya ay maglalaba ako ng mga nagdumihan niyang mga damit. Tumakas ako dahil alam kong hndi niya ko papayagang umuwe para magpalit ng damit. Dumaan ako sa may likuran niyang bakuran at dumaan sa may bukid dahil doon ang daan papunta sa may boarding house. Malapit na ko sa boarding house nang makita kong kay daming costumer ngayon ni ante na pumapasok sa loob ng bakuran. Dahan dahan akong pumasok sa loob at nakita nang dalawa kong mata na naririto sila kumakain. Sumiksik pa ako para lang makapasok sa loob ng kantina. "Hoy! magsialisan nga kayo dito kung hindi naman kayo bibili ng ulam," matapang kong sabi sa kanila dahil narito lang sila para lang sa apat na lalaking naririto. "Grabe ka talaga manang. Bawal bang tumingin sa mga 'yan," turo niya sa apat na lalaking kumakain. "Aba! kung makapagsalita ka ay hindi kayo nakakasagabal sa mga ibang costumer," singhal ko. "Taga saan ba ang mga 'yan manang?" Tanong ng kapit bahay naming tsismosa. "Bakit ako ang tinatanong mo? Jowa ko ba ang mga 'yan? Kung gusto mong malaman sila ang tanungin mo at hindi ako," mataray kung sabi. "Tsupe! umalis na kayo dito," pagtataboy ko sa kanila. "Kainis! sana tumanda ka na lang na dalaga," inis nilang turan sa 'kin at isa isang nagsisilabasan ang mga ito sa may gate. Patungo na ko sa loob nang makita nila akong papasok sa kantina. Tumayo ang isa sa mga kaibigan ni Jeho at saktong dumaan ako sa may gilid upang makaiwas ngunit sa pag iwas ko naman ay nabangga ko ang isa pa niyang kaibigan na may hawak na tubig kaya natapunan niya ng tubig ang aking damit. Biglang nilamig ang aking katawan dahil sa pagkakatapon ng tubig na may laman na yelo. Sobra akong gininaw kaya napayakap ako sa aking katawan. "Oh Im sorry," hinging paumanhin nito ngunit hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pisngi ng dibdib kong litaw. Agad namang may tumakip na puting tshirt sa aking katawan. Lumingon ako kung sino 'yon. May ngiti sa aking mga mata nang makita kong si Jeho ang may gawa 'nun. Sa kan'ya pala ang damit na iyon at nakita kong muli ang kan'yang mala adonis niyang katawan ngunit hindi ko 'yon pinansin. "Magpalit ka na nga ng damit mo manang," utos niya sa 'kin. Napalitan ng inis nang marinig ko muli sa kan'ya ang salitang manang. Kailangan pa ba niyang diinan ang pagbigkas sa salitang manang. Parang ang pangit sa aking panding kapag siya ang nagsasalita ng salitang manang. Naningkit ang aking mga mata sa kan'ya dala ng pagkainis. Imbes sa kaibigan niya ako mainis ay nabaling tuloy sa kan'ya. "Ano pa ang tinatayo tayo mo diyan? Go upstairs and put on clothes where you feel comfortable," utos niya ulit sa 'kin na akala mo ay siya ang mas matanda sa aming dalawa. Napangiwi ako, "opo manong Jeho," magalang kong sabi at tinalikuran ko na agad siya. "Don't touch my sweetheart," dinig kong sabi niya sa mga kaibigan niya nang papaakyat na ko sa itaas ng aking kuwarto. Hay naku Jeho, ang galing galing mong mang uto sa mga kaibigan mo. Ako sweetheart niya? Aba! kahit mayaman siya ay hindi ko siya papatulan. Ayoko sa mas bata ang edad kaysa sa 'kin kahit siya pa ang lalaking natitira sa mundo kahit hindi na ko magka jowa basta huwag lang siya. Ano ang mapapala ko sa kan'ya pag nagkataon na naging kami? Nasa kuwarto na ko't nagpapalit ng damit. Sabi niya, isuot ko daw 'yung damit kung saan ako komportable. Kaya napili kong magdamit na lawlaw na damit na tshirt at pajama. Saglit lang ako nagpalit kaya bumaba na ulit ako. Naroon pa ang apat na magkakaibigan tila may inaantay. Si Jeho ay humihithit ng sigarilyo at pinitik na niya ito nang maubos na niya ang sigarilyo. Nakatingin ang apat sa akin. Nagtataka siguro sila sa suot ko dahil pang manang nga naman ang dating. Nauna na kong lumabas sa kanila at hindi ko na sila tinawag dahil hindi naman kami close. Binalak kong muli na maglakad sa bukid papunta sa kan'yang apartment dahil mas malapit lang itong lakarin dito kaysa sa kalasada kasi iikot pa mula rito hanggang doon sa tinitirahan niyang apartment. Tumili na naman ang mga abangers naming kapitbahay na akala mo naman ay hindi sila nakakita ng guwapo. Pero teka! pakiramdam ko parang nakasunod sila sa akin. "Sinusundan niyo ba ko ha?" Tanong ko paglingon ko sa kanila. "Hindi ba obvious manang," sabi ng isang lalaking nakatapon ng tubig sa aking damit. "Huwag niyo na ko sundan dahil maraming tae ng kalabaw at baka ang nagkalat dito sa bukid," paalala ko sa kanila. "Narito na kaming apat manang, pababalikin mo na naman kami sa kalsada," sabi ni Marko. "Saan ba ito patungo manang?" Tanong niya ulit. "Sumunod na lang kayo at malalaman niyo kung saan ito patungo," seryoso kong sabi. Tumabi sa akin si Jeho na nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa kan'yang khaki short ngunit lumayo ako ng konti sa kan'ya. Kunot noo niya kong tinignan. "Arte mo manang!" biglang sabi nito. "Maluwang kaya ang daanan kaya puwede akong maglakad kung saan ko gusto," irap kong sabi sa kan'ya at binilisan ko ng maglakad para makarating na kami agad do'n. "Fuck! shit!" mura nila. Lumingon ako kung bakit nagmumura si Jeho at pati din 'yung isa niyang kaibigan habang ang dalawang kasama nila ay panay ang tawa nila. Nakita ng dalawa kong mata na nakatapak sila ng tae ng kalabaw na medyo basa pa ng konti. Sumabay na din ako sa pagtawa sa kanila dahil buong paa nila ang nalagyan ng tae. Nainis ang dalawa kaya pati ang dalawang kaibigan nito ay nadamay. Walang pag aalinlangan na kinamay ni Jeho ang tae ng kalabaw. Lumaki ang dalawa kong mga mata na sa akin nakatingin si Jeho. Napangiwi ako dahil alam kong sa akin niya ito ibabato. Tama nga ko dahil sa 'kin nga niya binato at sapol sa aking mukha. Tinawanan ako ng apat dahil sa pagbato niya sa aking mukha. Hindi ako handa dahil iniisip kong nagbibiro lang siya kaya hindi ko agad nakaiwas. "Jeho!" inis kong sigaw. Dahil sa inis ko ay namulot na din ako ng tae ng kalabaw at agad kong binato sa kan'ya. Naalala ko noong bata pa ko na ganito kami maglaro ng bato batuhan pero matittigas na tae ang pinangbabato namin noon. "Takbo manang!" sigaw nilang apat na may halong pang aasar sa kanilang mga boses. Tumakbo ako upang makaiwas ngunit nakasunod lang sila sa akin hangga't sa nakarating kami sa ilog. Ang daya, ako ang kinawawa nila. Wala na talagang modo ang mga kabataan ngayon. Tinawanan pa talaga nila ako. "Anyare sayo Kayrelle?" Tanong ni Madette na kaibigan ko nang makasalubong ko siya. Marami ang naglalaba ngayon kapag ganitong oras. "Hindi mo ba nakikita ha," inis kong sabi at lumoblob na ko agad sa tubig. Akala ko ay hindi sila makakasunod dito dahil kung saan saan ako nagpasikot sikot para lang hinfi ako masundan pero hindi pala dahil narito din sila at lumublob din sa tubig. Lumayo ako sa kanila at baka mapagtripan na naman nila ako. Umahon na si Jeho at kinakausap niya ang kaibigan kong si Madette. Hindi nila ko napapansin na pinapanood ko silang dalawa na nag uusap dahil narito ako sa may bandang malalim. Halatang masaya ang aking kaibigan habang kausap siya ni Jeho. Maganda si Madette at mas bata ito ng edad kaysa sa 'kin. Walang problema sa 'kin kung magkagustuhan man ang dalawa. "Ay buwisit!" mura ko na lang nang may humawak sa aking kamay. Agad ang aking pag ahon sa tubig dahil sa takot ngunit may humawak na naman sa aking paa nang malapit na ko sa may gilid ng ilog. Nahinto ako sa paglangoy nang may umahon bigla sa tubig at yung kumag pala ang nang tritrip na naman sa 'kin. "Ikaw, wala ka bang magawa ha," inis kong sabi. Tinawanan niya lang ako. "Galing mo talaga mang asar," sabay irap ko sa kan'ya. "Sorry babe, wala lang akong magawa eh." "Magpakalunod ka diyan para matigil yang pangbabad trip mo sa 'kin," inis kong sabi. Tuluyan na kong nakaahon sa ilog at nauna ng umalis. Hindi na ko nagpaalam pa sa kaibigan ko at baka makaistorbo pa ko sa pag uusap nilang dalawa. Pakiramdam ko ay walang nakasunod sa akin at naroon pa ang apat sa ilog at baka hindi pa napapasagot ni Jeho ang aking kaibigan."Manang!' Sigaw ng apat na lalaki. Lumingon ako at kinabahan. Napatingin ako sa paligid na nagkalat ang tae ng kambing, baka at kalabaw. Napaurong ako nang wala sa oras dahil sa mapagtripan na naman nila ako. Malapit na sila sa gawi ko ngunit napatakbo na lang ako bigla. Akala ko ay hindi sila makikisabay sa 'kin sa pag alis ngunit mali pala ako ng akala. Hingal akong nakarating dito sa apartment habang ang iba ay hinihingal din. Sabay sabay na natuyo ang aming mga damit dahil sa init ng araw. "Bakit ka ba tumakbo ha manang? Pinamukha mo lang sa amin na isa kaming rapist," sabi ni Marko."Aba! sa gusto ko nga eh. Sinabi ko bang tumakbo din kayo," inis kong turan saka ko sila tinalikuran. Nagtungo ako sa laundry area at naroon na ang mga lalabhan ko. Napaawang na lang ang aking ibabang labi nang makita kong sobrang dami ng lalabhan ko. Isang gabundok ba naman ang aking lalabhan. Kailan kaya ko matatapos nito? Badtrip talaga itong Jeho na 'to. Hindi man lang matutunang maglaba, magl
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay hindi tama ang aking ginawa. Ramdam pa din ng aking palad na hanggang ngayon ay naroon pa din ang sakit. Kasalanan ko to dahil sa nabigla ako nang makita kong wala siyang damit pang itaas. Nasapo ko bigla ang aking noo nang maalala ko ang nangyari kagabi na ngayon lang bumalik sa aking isip na nilalamig pala ako kagabi. Nainitan siguro siya kaya nagtanggal ng damit pang itaas dahil sa pagkakapatay niya ng aircon. Naging padalos dalos ako sa aking kinikilos at masyado na yata akong nagiging conservative sa sarili.Lumabas ako ng kuwarto upang hanapin siya at humingi ng tawad sa kan'ya pero wala ito dito nang tingnan ko sa salas at kusina. Lumabas ako at nagpunta ng bakuran. Nakita kong may kausap siya'ng lalaki. Tumingin ang lalaki sa akin samantalang si Jeho ay parang ayaw niya kong makita."Who is she?" Tanong niya."She's manang Kayrelle. My maid," malamig nitong sagot na hindi ito tumitingin sa 'kin. Nginitian ko siya ng t
Pumayag ako na sumama sa kan'ya kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako nakadamit pang gala na hindi nababagay na tabihan ang isang malinis na kagaya ni Jeho. Nagmukha tuloy akong basahan kung kami'y pagtabihin. Pero hindi naging problema 'yon sa kan'ya dahil ayos lang naman sa kan'ya. Huminto ang sasakyan nang kami ay nakalayo ng konti."Bakit tayo huminto Jeho?" tanong ko sa kan'ya ngunit sa may daan nakatuon ang kan'yang paningin."Nothing, bigla lang ako may naalala," sabi nito at muli na naman niyang pinaandar ang sasakyan."Ano ang naalala mo? Wala ka bang dalang pera?" agad kong tanong. Hindi ko ba alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko dahil iyon naman ang nasa isip ko."Tsk! patawa ka talaga manang," sabi nito. Napangiwi na lang ako nang sabihin niya ulit 'yong manang. Minsan sweetheart, ngayon manang na naman ang sinabi nito. Napasandal na lang ako ng ulo sa bintana ng sasakyan at nag emote na lang. Kung anu ano na din ang pumapasok sa isip ko at bigla ko na lang na
Hindi naglaon, ako ang unang umiwas dahil hindi na siya kumukurap sa paggawang paninitig nito sa 'kin. "Are you okay Kayrelle?" tanong nito sa 'kin habang nasa tabi ako niya. "Oo naman," tipid kong sagot.Nalingat lang ako ng konti nang may biglang humawak sa aking kamay. Nilingon ko ang taong 'yon kung sino nangahas humawak sa aking kamay at si Jeho na halatang nanglilisik ang kan'yang mga mata."Let's go there," sabi nito."Teka Jeho," pagpapatigil niya sa 'ming dalawa kaya kami napahinto. Nangunot ang noo ni Jeho nang hawakan din ni Lucio ang aking kamay. "She's with me Jeho. Ako na bahala sa kan'ya. Hindi mo din siya maasikaso dahil sa mga barkada mo," sabi ni Lucio."She's mine kuya," madiin nitong sabi habang mata sa mata sila naglalaban at wala ni isa ang gustong magpatalo. "And no one else will touch her, ako lang and not you," sabay hila niya sa aking kamay at tinunton namin papunta sa kanilang mesa. Halos sa akin nakatingin ang ibang mga bisitang naririto. Parang ako ang n
Pinababa agad ako ni Jeho at pinagbihis ng desenteng damit. Hindi ko alam kung anong klaseng damit ang susuotin ko dahil kasura sura ang kan'yang itsura dahil lamang sa pananamit ko."Wala ka na bang ibang maisusuot kundi yang palda o di kaya'y palagi ka na lang naka pajama?" inis niyang tanong."Bakit ba ang reklamo mo? Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kan'ya nang papasakay kami ulit sa kan'yang sasakyan."Sa langit," diretsahang sagot niya saka niya mabilis na pinasibad ang kan'yang sasakyan."Langit? Langit ba kamo?" sabay yugyog ko sa kan'yang balikat. "Ayoko pang mamatay Jeho. Gusto ko pang mabuhay. Mag aasawa pa ko eh," pagmamakaawa ko."Will you please shut up your mouth manang," madiing sabi nito. "Can't you see? Im driving," turo niya sa manibela. "Isa pa, hindi mo bagay ang mag inarte. Just put in your mind," singhal nito.Sinamaan ko siya ng tingin ngunit sa daan nakatuon ang kan'yang paningin kaya't hindi niya ko makita kung ano ang pinag gagagawa ko sa kan'ya. La
Nagpunta ulit si Jeho sa fields dahil magdadalawang oras na itong wala si Kayrelle kaya hindi niya maantay sa sobrang tagal nito. Hinanap niya pa sa kung saan saan ngunit naroon pala ito nakaupo na may kausap ito at hindi siya nagkakamali dahil siya 'yung kambal ni Brandon na kasali din ito sa cheering squad. Hindi agad siya nakalapit kay Kayrelle dahil pinagmamasdan niya ang dalawa. Napangiti na lang siya ng husto dahil hindi naman halata kay Kayrelle ang pagiging manang kung magsusuot lang ito na naaayon sa kan'yang pangangatawan na halos makalumang damit palagi ang kan'yang isinusuot.Nang matapos na sila mag usap ay agad niyang pinuntahan si Kayrelle subalit nang makalapit na siya ay biglang sumulpot ulit si Brenda ang kambal ni Brandon."Hey Jeho! Narito ka ba para sunduin ako?" agad nitong tanong na may ngiti sa kan'yang labi. Nangunot ang noo Kayrelle dahil hindi niya akalain na magkakilala pala silang dalawa.Hindi agad nakapagsalita si Jeho dahil si Kayrelle ang pakay niya ng
Napabalikwas ako ng bangon gawa nang may mga kalabog na ingay mula sa labas. Napahawak ako sa aking bibig dahil....Naku naman! bakit kasi ako umimom ng alak kagabi. Paano ako nakapunta dito sa kuwarto? Alam kong nalasing ako kagabi. Naalala ko din pala 'yung niluluto kong ulam kagabi. Hala! Taranta akong bumangon sa kinahihigaan kong kama. Nagpunta muna ko ng banyo para maghilamos at magsepilyo dahil amoy alak pa ang aking hininga. Lumabas din ako agad ng banyo nang matapos na ko. Tinungo ko agad sa kusina upang magluto ng pang umagahan ngunit naroon na si Jeho nagluluto. Wala itong damit pang itaas at tanging boxer short lang ang kan'yang suot. Dahan dahan ang aking paglakad upang hindi ako makagawa ng ingay subalit nahinto ako sa paglalakad nang lingunin niya ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil ang lagkit ng kan'yang tingin at bigla na lang nangunot ang kan'yang noo."A-Ako na ang magluluto," nauutal kong sabi kasabay nang paglawak kong pagkakangiti. "Huwag ka nang maglulu
"She's a friend of Jeho tita and she's Kayrelle," sagot agad ni Lucio. "No!" singit ng daddy ni Jeho. "She's our son's fiancee," diretsahang sabi ng daddy ni Jeho.Para akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa kan'yang sinabi. Gusto ko sana siyang ngitian subalit bakas sa kan'yang mukha ang naiinis dala ng pagkagulat. Tumalim din ang kan'yang pagkakatitig sa 'kin at lumapit pa nang husto sa 'kin. Hindi namin maialis ang pagkakatitig namin sa isa't-isa dahil sa mga matang walang nais bumitaw.Napacross arm pa ito bago pa man magsalita. "You may go now and change your clothes," sabi nito saka naupo sa kabilang upuan. Ayaw ko pa sanang umuwe dahil gusto ko pang malaman kung ayos ma ba si Jeho kung ano ang lagay ng kan'yang condition ngayon kaso ay hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang Doctor na gumagamot sa kan'yang mga natamong mga sugat. "Halika na Kayrelle ihahatid na kita," salita ni Jeho mula sa aking tabi. Mapait akong ngumiti sa kanya at sumunod na lang sa kagustuhan nila.