Nangunot ang noo ko dahil hindi ako kinakausap ni ante. Nakakapagtaka, ano kaya ang nangyari kay ante? Nakatuon lamang ang paningin niya sa may likuran ko na para ngang may multo siyang nakita. Balak ko sanang tignan sa aking likuran ngunit sa takot ko ay hindi ako lumingon. Nanatili lamang ako sa harapan ni ante na hanggang ngayon ay hindi pa din ito kumukurap. Sinubukan kong huwag matakot at matapang kong hinarap mula sa aking likuran. Ngunit isa din akong nabato sa kinatatayuan ko dahil may isang impaktong nilalang ang nasa harapan ko. Isang impaktong guwapong lalaki dahil sa wala itong suot pang itaas. Bumaba ang paningin ko sa namumukol na bahaging 'yon at napatakip na lang ako ng bibig pagkakita ko 'yon.
Grabeng laki ng bukol. Hindi ko na maialis ang pagkakatutok ng mga mata ko sa bandang namumukol na 'yon dahil para akong nahipnotismo sa buhay na bagay na 'yon. Napanganga pa ko na parang biglang lumaki iyon. "Are you done looking at my body?" Tanong ng isang baritonong boses na lalaki. Doon lamang ako nagising sa pagkakahipnotismo nang magsalita itong lalaking nasa harapan ko. "A-Ah w-wala akong k-kinalaman diyan," nabubulol kong sabi sa hindi ko kilalang taong nasa harapan ko dahil sa kahihiyan na ginawa ng mata kong makasalanan. Agad kong hinarap si ante at niyuguog siya sa kan'yang balikat upang magising din siya sa pagkakatulala niya. "Ante ano ba?" sabay sampal ko sa mukha niya. Doon lamang siya nagising sa pagkakatulala niya gawa ng pagsampal ko. "Aba! Bakit mo ko sinampal? Naku Kayrelle umayos ka ha," gigil na sabi niya. "Kausapin niyo na po siya," tarantang sabi ko. Nahihiya na kong humarap sa kan'ya dahil sa ginawa kong paninitig sa kan'yang buhay na alaga. "Ikaw na kumausap kay Jeho dahil marami pa pala akong gagawin sa boarding house." Dali dali siyang umalis rito at iniwan na lang niya ko dito mag isa. "Asar ka talaga ante kahit kailan," sigaw ko. Wala na kong pakialam kung maingay ako dito sa tapat ng mga apartment at mabulabog ko lahat ng mga natutulog dito. Bakit anong paki nila tagarito naman ako ah. Sabay harap ko sa lalaking kani kanina lang at ngayon ay tatlo na silang nasa harapan ko. Napalunok ako ng laway sa tatlong lalaking nasa harapan ko at tanging si Jeho lang ang kilala ko sa kanila. Wala silang suot na pang itaas at hindi ko na alam kung kanino ba ako titingin dahil lahat sila ay maganda ang pagkakahubog ng kanilang mga katawan. Para akong isang baby na hinihele kapag ganito ang nasa harapan ko. Tinuon ko na lamang ang paningin ko sa tatlo at nginitian ko sila. "Where's ante Minda?" kunot noo niyang tanong. "Ahm... nauna na siyang umalis. Marami pa daw kasi siya na tatapusing trabaho sa boarding house. Bakit mo siya natanong at hinahanap?" "Did she tell you what is your job here?" Nangunot ang aking noo dahil hindi ko pa alam kung ano ang magiging trabaho ko sa kan'ya. Umiling ako. Suminghal ito at bakas sa mukha niya ang nang aasar na tingin dahil mula ulo hanggang paa ang pagkakatitig nito sa akin. Napahawak pa ito sa kan'yang baba na parang may iniisip na hindi maganda. "Come inside," pag aya nito sa akin habang 'yung dalawa niyang kasama ay nakatayo pa sa gilid ng pintuan. Ayaw kumilos ng dalawa kong paa dahil sa natatakot ako. Sari saring tanong sa aking isipan kung ano ang magiging trabaho ko dito. Kinabahan ako at binalak na lang na huwag na lang tumuloy sa trabaho. Kaya pala ang laki ng sahod ko ay ito na pala 'yon. Kahit hindi na ko makatikim ng b**** basta huwag lang ganito ang magiging trabaho ko. Kahit guwapo pa sila ay hindi ko gagawin 'yon. Kainis ka talaga ante. Kahit sarili mong kadugo ay nagawa mo kong ibenta. "Hey ano pa ang inaantay mo diyan? Umpisahan mo ng magtrabaho." Sabay abot nila sa akin ang isang bagong walis tambo, walis tingting, isang mop at isang basahan. Ha? Ano to? Langya! nasapo ko ang aking noo dahil mali ako ng iniisip. Mas bet ko na itong trabahong 'to kaysa ibenta ang aking katawan. Nanindig ang balahibo ko dahil sa mga iniisip ko. Pa'no ako maglilinis kung ganito ang aking suot? Tapos nakasuot pa ko ng sandalya na may 2inches ang taas. Halla! Pa'no ko kikilos neto? Napahilamos na lang ako ng mukha. Kaya pala tinanong ako ni ante kanina kung bakit ganito ang aking suot at pinuna din niya ang suot kong sandalya. Ang tanga ko talaga. Hindi ko kasi binasa lahat ng mensahe sa 'kin ni ante kahapon. Kasalanan ko din naman 'to eh. "Hey wake up," gising pa nila sa isang kasama nila at wala din itong suot na pang itaas. Sobrang daming kalat nang makapasok ako sa loob. May mga plastic bottled, can beer at mga sitseryang nakakalat sa may tiles. May mga upos ng sigarilyo ding nakakalat sa may mesa na halatang hindi nailagay sa may ash tray. "Saan ba ako mag uumpisa? P'wede bang sa labas na muna kayong lahat para makapaglinis ako ng mga kalat niyo," mahinahon kong sabi sa kanila. "P'wede naman miss beautiful," sabi ng isa na kagigising lang. "P'wede bang timplahan mo muna kami ng kape?" utos ng isa na siyang unang nagbukas ng pintuan kanina. "Ah p'wede naman," maayos na sagot ko sa kan'ya. Nagpunta ako ng kusina at nadatnan kong kay dami ding kalat dito sa may lababo at pati din sa mesa. Langya! ang gugwapo nga nila pero ang dogyot ng kanilang tinutuluyan. Pa'no ba sila nakakatiis sa ganitong kaduming tirahan. Walang paligoy ligoy pa at agad ang paglilinis ko dito sa maduming kusina saka ko sila titimplahan ng kape pagkatapos kong malinisan dito. Hindi talaga ako sanay na kumilos kapag may nakikita akong kalat. Inipon ko muna ang mga kalat sa mesa at pati na din sa may lababo. Hinugasan ko na din ang mga gamit na plato, baso, kutsara at tinidor. Salamat at natapos ko na din ang paglilinis ko dito sa kusina saka ko sila ginawaan ng kape. Inilapag ko na ang apat na natimplang kape sa may tray saka maingat na binuhat at dinala sa may living room. Nakakapagtaka dahil wala sila dito sa loob kaya naisipan kong nasa labas ang mga ito kaya nagtungo ako sa labas.Tama nga dahil narito nga silang apat at tahimik sila na parang may pinapanood sa cp. Hindi nila nahalata na naritio ako sa likuran nila. Inilapag ko muna ang tray na may laman na apat na kape at umuusok pa ito. Nagtataka ako kung bakit parang hindi sila nakakaramdam na narito ako sa likuran nila dahil sa abala ang mga ito sa kanilang pinapanood. Gusto kong malaman kaya nagdahan dahan akong lumapit sa likuran ni Jeho. Nang makalapit na ko ay nasilip ko agad kung ano ang pinag kakaabalahan ng apat. Aahh!!! ahhh!!!! ahhh!!!, yeah!!! yeah!!! dinig kong halinghing sa pinapanood nilang p**n videos. Nakagawa ako ng ingay dala ng pagkagulat sa nakita ko. Napalingon sa gawi ko si Jeho ngunit sa paghakbang ko ay natapakan niya ang aking paa kaya nawalan kami ng balanse at parehong natumba. Nasa ibabaw ko si Jeho at ramdam ng aking katawan ang bigat niya. "Looks great, ganda ng timing mo dude," sabi ng isa niyang kaibigan. "U-ma-lis ka sa ibabaw ko!" galit kong sabi sa kan'ya. "Hindi ako aalis dito sa ibabaw mo manang hanggat hindi mo ko iniaalis dito sa ibabaw mo," sabay ngisi sa kan'yang labi. Aba't ako pa dapat ang gumawa 'yon pero sinasadya niya talagang magpabigat upang hindi ko siya maialis sa ibabaw ko. "Gusto mo bang makatikim ng tadyak," madiin kong sabi. "Go, if you can. But if you can't do I will kiss you on your lips," banta nito sa akin. Kung tatadyakan ko siya ay malamang na makikita nilang tatlo ang aking tinatagong butas na panty. Hindi ko siya kayang ialis sa aking ibabaw. "Ang bigat mo. Ilang kilo ba yang katawan mo at parang apat na baboy sa bigat ng timbang mo?" Inis kong tanong. "Guess what and I'll leave on top of your body," seryosong sabi niya. Tapat lang ng mukha niya ang mukha ko kaya amoy na amoy ko ang kan'yang mabangong hininga. Iniiwas ko ang paningin ko sa kan'ya dahil hindi ko matagalan ang paninitig niya sa akin. "P'wede bang umalis ka na sa ibabaw ko dahil masakit na ang likod ko lalo na 't ang bigat mo pa," reklamo kong sabi. "Luma na yang taktika mo. Ano? Masaya ka bang nasa ibabaw kita? Naiipit mo na yang dede ko," bulong ko sa kan'ya kasabay ng pag ngisi niya sa kan'yang labi. "Okay sweetheart," sabay kindat niya sa akin. Tila ang sarap sa pandinig na marinig ang salitang sweetheart. Pero biro niya lang 'yon at ganoon naman ang mga kabataan ngayon. Umalis din siya agad sa ibabaw ko ngunit parang hindi ko naman maigalaw ang katawan ko. Parang nakadikit na ang likod ko sa may damuhan. "Ayos ka lang manang?" tanong ng isang lalaking nahuling nagising kanina. "Namanhid na ata ang katawan ko," agad kong sagot. Pilit ko namang igalaw ang katawan ko ngunit para naman akong nabato sa kinahihigaan kong damo. "Okay let me help you." Patungo na siya sana sa akin nang pigilan siya ni Jeho. "Let me do this Marko," pigil niya sa kaibigan niyang si Marko. Inalalayan akong makatayo ni Jeho at nakatayo naman ako ng maayos. Ramdam ko pa din ang bigat niyang katawan sa katawan ko. Inirapan ko muna siya at tuluyan ko na silang tinalikuran at iniwan sa labas. Pinagpatuloy kong muli ang paglilinis dito sa loob ng apartment.Nasa malalim ako ng pag iisip habang isa isa kong pinupulot ang mga nagkalat ng mga inuming alak sa may sahig dahil ang akala ko ay mababago na ang lahat pero ganito din pala ang aking magiging trabaho ko at walang nagbago. Isang taon akong magtatrabaho sa kan'ya hanggat hindi pa siya nakakapagtapos ng pag aaral. Hindi ko din alam ang kan'yang dahilan kung bakit naririto siya at dito piniling mag aral samantalang may kaya naman ito sa buhay. Kung tutuusin ay hindi mo makikitaan sa kan'ya ang mababang uring tao dahil sa pananalita, pananamit at sa mga magagarang gamit niya'y mukhang mamahalin na. Isang oras ang tinagal ng paglilinis ko rito sa loob ng kan'yang tinitirahan. Pakiramdam ko ay mag isa na lang ako dito dahil sobrang tahimik na. Gusto ko sanang umuwe muna upang makapagpalit ng damit dahil hindi pa ko tapos sa paglilinis ng bakuran at maya maya ay maglalaba ako ng mga nagdumihan niyang mga damit. Tumakas ako dahil alam kong hndi niya ko papayagang umuwe
"Manang!' Sigaw ng apat na lalaki. Lumingon ako at kinabahan. Napatingin ako sa paligid na nagkalat ang tae ng kambing, baka at kalabaw. Napaurong ako nang wala sa oras dahil sa mapagtripan na naman nila ako. Malapit na sila sa gawi ko ngunit napatakbo na lang ako bigla. Akala ko ay hindi sila makikisabay sa 'kin sa pag alis ngunit mali pala ako ng akala. Hingal akong nakarating dito sa apartment habang ang iba ay hinihingal din. Sabay sabay na natuyo ang aming mga damit dahil sa init ng araw. "Bakit ka ba tumakbo ha manang? Pinamukha mo lang sa amin na isa kaming rapist," sabi ni Marko."Aba! sa gusto ko nga eh. Sinabi ko bang tumakbo din kayo," inis kong turan saka ko sila tinalikuran. Nagtungo ako sa laundry area at naroon na ang mga lalabhan ko. Napaawang na lang ang aking ibabang labi nang makita kong sobrang dami ng lalabhan ko. Isang gabundok ba naman ang aking lalabhan. Kailan kaya ko matatapos nito? Badtrip talaga itong Jeho na 'to. Hindi man lang matutunang maglaba, magl
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay hindi tama ang aking ginawa. Ramdam pa din ng aking palad na hanggang ngayon ay naroon pa din ang sakit. Kasalanan ko to dahil sa nabigla ako nang makita kong wala siyang damit pang itaas. Nasapo ko bigla ang aking noo nang maalala ko ang nangyari kagabi na ngayon lang bumalik sa aking isip na nilalamig pala ako kagabi. Nainitan siguro siya kaya nagtanggal ng damit pang itaas dahil sa pagkakapatay niya ng aircon. Naging padalos dalos ako sa aking kinikilos at masyado na yata akong nagiging conservative sa sarili.Lumabas ako ng kuwarto upang hanapin siya at humingi ng tawad sa kan'ya pero wala ito dito nang tingnan ko sa salas at kusina. Lumabas ako at nagpunta ng bakuran. Nakita kong may kausap siya'ng lalaki. Tumingin ang lalaki sa akin samantalang si Jeho ay parang ayaw niya kong makita."Who is she?" Tanong niya."She's manang Kayrelle. My maid," malamig nitong sagot na hindi ito tumitingin sa 'kin. Nginitian ko siya ng t
Pumayag ako na sumama sa kan'ya kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako nakadamit pang gala na hindi nababagay na tabihan ang isang malinis na kagaya ni Jeho. Nagmukha tuloy akong basahan kung kami'y pagtabihin. Pero hindi naging problema 'yon sa kan'ya dahil ayos lang naman sa kan'ya. Huminto ang sasakyan nang kami ay nakalayo ng konti."Bakit tayo huminto Jeho?" tanong ko sa kan'ya ngunit sa may daan nakatuon ang kan'yang paningin."Nothing, bigla lang ako may naalala," sabi nito at muli na naman niyang pinaandar ang sasakyan."Ano ang naalala mo? Wala ka bang dalang pera?" agad kong tanong. Hindi ko ba alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko dahil iyon naman ang nasa isip ko."Tsk! patawa ka talaga manang," sabi nito. Napangiwi na lang ako nang sabihin niya ulit 'yong manang. Minsan sweetheart, ngayon manang na naman ang sinabi nito. Napasandal na lang ako ng ulo sa bintana ng sasakyan at nag emote na lang. Kung anu ano na din ang pumapasok sa isip ko at bigla ko na lang na
Hindi naglaon, ako ang unang umiwas dahil hindi na siya kumukurap sa paggawang paninitig nito sa 'kin. "Are you okay Kayrelle?" tanong nito sa 'kin habang nasa tabi ako niya. "Oo naman," tipid kong sagot.Nalingat lang ako ng konti nang may biglang humawak sa aking kamay. Nilingon ko ang taong 'yon kung sino nangahas humawak sa aking kamay at si Jeho na halatang nanglilisik ang kan'yang mga mata."Let's go there," sabi nito."Teka Jeho," pagpapatigil niya sa 'ming dalawa kaya kami napahinto. Nangunot ang noo ni Jeho nang hawakan din ni Lucio ang aking kamay. "She's with me Jeho. Ako na bahala sa kan'ya. Hindi mo din siya maasikaso dahil sa mga barkada mo," sabi ni Lucio."She's mine kuya," madiin nitong sabi habang mata sa mata sila naglalaban at wala ni isa ang gustong magpatalo. "And no one else will touch her, ako lang and not you," sabay hila niya sa aking kamay at tinunton namin papunta sa kanilang mesa. Halos sa akin nakatingin ang ibang mga bisitang naririto. Parang ako ang n
Pinababa agad ako ni Jeho at pinagbihis ng desenteng damit. Hindi ko alam kung anong klaseng damit ang susuotin ko dahil kasura sura ang kan'yang itsura dahil lamang sa pananamit ko."Wala ka na bang ibang maisusuot kundi yang palda o di kaya'y palagi ka na lang naka pajama?" inis niyang tanong."Bakit ba ang reklamo mo? Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kan'ya nang papasakay kami ulit sa kan'yang sasakyan."Sa langit," diretsahang sagot niya saka niya mabilis na pinasibad ang kan'yang sasakyan."Langit? Langit ba kamo?" sabay yugyog ko sa kan'yang balikat. "Ayoko pang mamatay Jeho. Gusto ko pang mabuhay. Mag aasawa pa ko eh," pagmamakaawa ko."Will you please shut up your mouth manang," madiing sabi nito. "Can't you see? Im driving," turo niya sa manibela. "Isa pa, hindi mo bagay ang mag inarte. Just put in your mind," singhal nito.Sinamaan ko siya ng tingin ngunit sa daan nakatuon ang kan'yang paningin kaya't hindi niya ko makita kung ano ang pinag gagagawa ko sa kan'ya. La
Nagpunta ulit si Jeho sa fields dahil magdadalawang oras na itong wala si Kayrelle kaya hindi niya maantay sa sobrang tagal nito. Hinanap niya pa sa kung saan saan ngunit naroon pala ito nakaupo na may kausap ito at hindi siya nagkakamali dahil siya 'yung kambal ni Brandon na kasali din ito sa cheering squad. Hindi agad siya nakalapit kay Kayrelle dahil pinagmamasdan niya ang dalawa. Napangiti na lang siya ng husto dahil hindi naman halata kay Kayrelle ang pagiging manang kung magsusuot lang ito na naaayon sa kan'yang pangangatawan na halos makalumang damit palagi ang kan'yang isinusuot.Nang matapos na sila mag usap ay agad niyang pinuntahan si Kayrelle subalit nang makalapit na siya ay biglang sumulpot ulit si Brenda ang kambal ni Brandon."Hey Jeho! Narito ka ba para sunduin ako?" agad nitong tanong na may ngiti sa kan'yang labi. Nangunot ang noo Kayrelle dahil hindi niya akalain na magkakilala pala silang dalawa.Hindi agad nakapagsalita si Jeho dahil si Kayrelle ang pakay niya ng
Napabalikwas ako ng bangon gawa nang may mga kalabog na ingay mula sa labas. Napahawak ako sa aking bibig dahil....Naku naman! bakit kasi ako umimom ng alak kagabi. Paano ako nakapunta dito sa kuwarto? Alam kong nalasing ako kagabi. Naalala ko din pala 'yung niluluto kong ulam kagabi. Hala! Taranta akong bumangon sa kinahihigaan kong kama. Nagpunta muna ko ng banyo para maghilamos at magsepilyo dahil amoy alak pa ang aking hininga. Lumabas din ako agad ng banyo nang matapos na ko. Tinungo ko agad sa kusina upang magluto ng pang umagahan ngunit naroon na si Jeho nagluluto. Wala itong damit pang itaas at tanging boxer short lang ang kan'yang suot. Dahan dahan ang aking paglakad upang hindi ako makagawa ng ingay subalit nahinto ako sa paglalakad nang lingunin niya ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil ang lagkit ng kan'yang tingin at bigla na lang nangunot ang kan'yang noo."A-Ako na ang magluluto," nauutal kong sabi kasabay nang paglawak kong pagkakangiti. "Huwag ka nang maglulu