LINDSEYPagkauwe namin dito sa bahay galing sa bahay ng kaibigan ko ay hindi na ko tinigilan sa kakatext niya. Unang kita pa lang niya kay Jero ay crush niya na ito.Kinunutan ko siya ng aking noo. Pagkakuha niya sa mga damit niya ay dumiretso na ito sa loob ng banyo. Napaawang na lang ang aking ibabang labi dahil sa mga kinikilos niya. Hindi ko tuloy masabi kay Grace kung ano talaga ang pagkatao nito. Bakla ba talaga si Jero?Nahiga na ko rito sa aking kama habang katext ko siya. Gusto ko na yata maiyak ngayon dahil naguguluhan ako kay Jero. Lumabas siya ng banyo at nakita ko na lamang na nakabihis ito.Dahil sa hawak ko ang phone ko ay lihim ko siyang kinuhanan ng mga larawan saka ko sinend yung iba kay Grace para siya na ang humusga kung ano ba talaga si Jero kung bading ba siya o lalaki. "I saw your phone Lindsey," saka ito ngumisi. "Kinukuhanan mo ba ko ng larawan?" Sabay higa nito sa kan'yang kama. Inunan niya ang dalawang mga kamay nito habang nakatitig siya sa itaas ng kisame
"Where's the new janitress here?" Galit na sigaw ni Jeho sa kan'yang opisina. Sobrang dami ng kalat na kan'yang pinaghahagis sa kung saan saan. Palaging mainit ang kan'yang ulo sa hindi malamang dahilan at walang araw na hindi ito nagwawala sa kan'yang opisina kaya walang nagtatagal na janitress sa kan'ya. Nginig na pumasok ang kan'yang secretary nang siya ay makapasok sa loob ng opisina ng kan'yang boss. "S-sir umalis po agad yung bagong hired na janitress dito," na may panginginig ang kan'yang boses. "What?!" Matigas nitong tanong. "Fired her and find some other who's willing in this job, 30k is enough for his salary." Lumaki ang dalawang mata ng kan'yang secretary dahil sa laki ng kan'yang offer sa sahod ng janitress halos katumbas lang ng sinasahod nito bilang secretary ngunit kawawa naman 'yung babaeng kakapasok lang at baka mamulubi pa lalo ito pag natanggal agad sa trabaho. Malaking pera ang pangangailangan ng babae para sa kan'yang anak na may sakit. "Sir ako na lang po mu
Alas singko ng hapon na ko dumating sa boarding house ng ante ko. Napaubos ko ang mga saging na benta ko kaninang umaga at hawak hawak ko na ang perang napagbentahan ko para ibigay kay ante. "Kayrelle, tulungan mo magluto si Monette at maligo ka na nga muna ang bantot mo na." Sabi ni ante ng makasalubong ko siya sa hagdanan papuntang second floor. Nasa unang palapag kasi ang canteen para dagdag negosyo na din 'yon."Ante naman siyempre galing po ako ng palengke eh kaya amoy mabaho ako." Nasa second floor na kami sa parteng visiting area at may apat na boarders ang narito nakaupo sa sofa."Naku, delikado na yan at baka may amoy na din yang tahong mo." Sabay tawa ng mga boarders na kalalakihan dito. "Hoy mga tsismoso! Magsitigil kayo kung ayaw niyong singilin ko kayo ng maaga sa mga upa niyo rito." Pagtatanggol sa akin ni ante."Pasensya na po Aling Minda, kaya po pala may amoy tahong dito eh, kay manang pala ang amoy na 'yon." Sinamaan ko ng tingi
Alas singko ng hapon na ko dumating sa boarding house ng ante ko. Napaubos ko ang mga saging na benta ko kaninang umaga at hawak hawak ko na ang perang napagbentahan ko para ibigay kay ante. "Kayrelle, tulungan mo magluto si Monette at maligo ka na nga muna ang bantot mo na." Sabi ni ante ng makasalubong ko siya sa hagdanan papuntang second floor. Nasa unang palapag kasi ang canteen para dagdag negosyo na din 'yon. "Ante naman siyempre galing po ako ng palengke eh kaya amoy mabaho ako." Nasa second floor na kami sa parteng visiting area at may apat na boarders ang narito nakaupo sa sofa. "Naku, delikado na yan at baka may amoy na din yang tahong mo." Sabay tawa ng mga boarders na kalalakihan dito. "Hoy mga tsismoso! Magsitigil kayo kung ayaw niyong singilin ko kayo ng maaga sa mga upa niyo rito." Pagtatanggol sa akin ni ante. "Pasensya na po Aling Minda, kaya po pala may amoy tahong dito eh, kay manang pala ang amoy na 'yon." Sinamaan ko ng tingin si Abet ganun din ang mga kasama
Naubos na ang lahat ng mga lutong ulam at narito pa din si Jeho pero my kasama itong isa pang lalaki pero hindi ko siya gaanong makita. Kinakausap nila si ante pero hindi ko marinig ang kanilang pinag uusapan. Mukhang mayaman din siya at sa kan'ya ang sasakyang nakaparada sa may labas. Hindi nagtagal ay pumasok din si ante dito sa loob kasabay nun ang pag alis ng dalawa."Bilisan mo na riyan magligpit Kayrelle para makapagpahinga ka na rin." "Sige po ante matatapos na rin po ako." Sagot ko."Sumunod ka na lang sa itaas at bukas ko na lang sasabihin sayo," sabi niya sabay kunot ng aking noo. Tatanungin ko sana siya ngunit nauna na itong umakyat ng hagdanan.Sumunod na ko sa itaas nang matapos na ko magligpit dito sa canteen. Palaisipan sa akin ang bagay na iyon kung ano ang sasbihin nito sa akin.Kinabukasan, maaga akong nagising upang mamalengke. Kasama ko si Monette at tig isa kami ng hawak na basket. Nilalakad lang namin ito papuntang
Napabangon ako agad sa aking kama na maring kong may kumakatok sa may pintuan. Nangunot ang aking noo nang mapansin kong wala akong damit pang itaas at pang ibaba. Nakita ko na lang sa may sahig ang mga damit na nagkalat doon at dali dali ko itong dinampot at sinuot ko uli. Natataranta akong maisuot ang damit na suot ko pa kagabi. Hindi ko na din tinignan kung baliktad man ito o hindi basta maisuot ko lang 'to. Nang matapos ko nang maisuot ang mga damit ko ay agad kong binuksan ang kanina pang kumakatok sa may pinto. Bumungad sa akin ang nakapameywang kong ante. Namilog ang aking mga mata dahil sa ngayon ko lang siya nakitang galit ang mukha. "Magandang umaga po ante," bati ko na nakangiti sa kan'ya. "Anong maganda sa umaga ha Kayrelle?" galit nitong tanong. "Tanghali na, bilisan mo riyan at kumilos ka na. Marami pa tayong gagawin," sabay talikod nito sa akin. Sinarado ko agad ang pinto pagka alis niya. Tinatamad ako ngayong araw at gusto kong matulog maghapon. Naupo ako sa ak
Nangunot ang noo ko dahil hindi ako kinakausap ni ante. Nakakapagtaka, ano kaya ang nangyari kay ante? Nakatuon lamang ang paningin niya sa may likuran ko na para ngang may multo siyang nakita. Balak ko sanang tignan sa aking likuran ngunit sa takot ko ay hindi ako lumingon. Nanatili lamang ako sa harapan ni ante na hanggang ngayon ay hindi pa din ito kumukurap. Sinubukan kong huwag matakot at matapang kong hinarap mula sa aking likuran. Ngunit isa din akong nabato sa kinatatayuan ko dahil may isang impaktong nilalang ang nasa harapan ko. Isang impaktong guwapong lalaki dahil sa wala itong suot pang itaas. Bumaba ang paningin ko sa namumukol na bahaging 'yon at napatakip na lang ako ng bibig pagkakita ko 'yon. Grabeng laki ng bukol. Hindi ko na maialis ang pagkakatutok ng mga mata ko sa bandang namumukol na 'yon dahil para akong nahipnotismo sa buhay na bagay na 'yon. Napanganga pa ko na parang biglang lumaki iyon."Are you done looking at my body?" Tanong ng isang bar
Nasa malalim ako ng pag iisip habang isa isa kong pinupulot ang mga nagkalat ng mga inuming alak sa may sahig dahil ang akala ko ay mababago na ang lahat pero ganito din pala ang aking magiging trabaho ko at walang nagbago. Isang taon akong magtatrabaho sa kan'ya hanggat hindi pa siya nakakapagtapos ng pag aaral. Hindi ko din alam ang kan'yang dahilan kung bakit naririto siya at dito piniling mag aral samantalang may kaya naman ito sa buhay. Kung tutuusin ay hindi mo makikitaan sa kan'ya ang mababang uring tao dahil sa pananalita, pananamit at sa mga magagarang gamit niya'y mukhang mamahalin na. Isang oras ang tinagal ng paglilinis ko rito sa loob ng kan'yang tinitirahan. Pakiramdam ko ay mag isa na lang ako dito dahil sobrang tahimik na. Gusto ko sanang umuwe muna upang makapagpalit ng damit dahil hindi pa ko tapos sa paglilinis ng bakuran at maya maya ay maglalaba ako ng mga nagdumihan niyang mga damit. Tumakas ako dahil alam kong hndi niya ko papayagang umuwe