Share

Chapter 2

Alas singko ng hapon na ko dumating sa boarding house ng ante ko. Napaubos ko ang mga saging na benta ko kaninang umaga at hawak hawak ko na ang perang napagbentahan ko para ibigay kay ante.

"Kayrelle, tulungan mo magluto si Monette at maligo ka na nga muna ang bantot mo na." Sabi ni ante ng makasalubong ko siya sa hagdanan papuntang second floor. Nasa unang palapag kasi ang canteen para dagdag negosyo na din 'yon.

"Ante naman siyempre galing po ako ng palengke eh kaya amoy mabaho ako." Nasa second floor na kami sa parteng visiting area at may apat na boarders ang narito nakaupo sa sofa.

"Naku, delikado na yan at baka may amoy na din yang tahong mo." Sabay tawa ng mga boarders na kalalakihan dito. "Hoy mga tsismoso! Magsitigil kayo kung ayaw niyong singilin ko kayo ng maaga sa mga upa niyo rito." Pagtatanggol sa akin ni ante.

"Pasensya na po Aling Minda, kaya po pala may amoy tahong dito eh, kay manang pala ang amoy na 'yon." Sinamaan ko ng tingin si Abet ganun din ang mga kasama niyang narito. Saka sumunod na ko papaakyat ng third floor.

"Ante naman pinapahiya niyo naman po ako eh," bulong ko sa kan'ya na nakasunod lang ako sa kan'ya ng marating na namin ang third floor dahil naroon ang mga kuwarto namin.

"Lambing ko lang yun, ikaw naman hindi mabiro." Napakamot na lang ako ng ulo sa inasal ni ante.

Makalipas ang ilang oras ay bumaba na ko na mabangong mabango. Kalahating oras ang itinagal ko sa pagbabad sa loob ng banyo para matanggal ang mga kumapit na dumi sa aking katawan. Nakasuot ako ng pajama at malaking tshirt.

Nakasalubong ko pa si Abet sa may hagdanan at inilapit niya ang mukha nito sa akin. Lumayo ako sa kan'ya para makaiwas.

"Ang bango mo manang ha!" Sabi nito,

"Ano naman ngayon kung mabango ako?" Nakangiti kong tanong.

"Walang nagbago eh, manang ka pa din kahit maligo ka pa ng 10 timba na may lamang punong tubig wala ng mababago sayo." Sabay halakhak nito at patuloy na ito sa pag akyat sa second floor. Sumama ang timpla ng aking mukha na kanina lang nakangiti habang nakasunod ang tingin ko sa papaakyat na si Abet.

Asar ka talaga! Sa loob loob ko.

Itinuloy ko na ang paglalakad at tinungo ko na ang canteen para tumulong sa pag aasikaso sa kusina pero inutusan ako ni ante na magserve na lang sa mga costumer.

Tinawanan pa ko ni Monette sa hindi malamang dahilan.

"Hoy Monette, ang saya mo ha. Anong meron at nakatawa ka diyan na parang timang?" Tanong ko rito habang nakaupo dito na nagbabantay sa mga ulam.

"Paano ba naman kasi Kayrelle, tignan mo nga naman yang suot mo?" Turo nito sa akin sabay tingin ko sa suot ko.

"Anong problema mo dito eh maayos naman ah." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Anong maayos diyan sa suot mo? Tignan mo nga oh! Ang laki na nga ng t'shirt mo at maluwang pa ang pajama mo, nagmukha ka tuloy na ghost na lumulutang diyan sa suot mo. Kaya wala pang nanliligaw sayo kasi mukha kang manang. Mag ayos ka naman Kayrelle para magka boyfriend ka na. Tumatanda ka na sa kalendaryo. Ilang buwan na lang mag 25 ka na."

"Oo na darating din tayo diyan Monette para makatikim naman din ako ng b***t at ng hindi mo na ko pina iinggitan noh!" Pagdidiin kong sabi sa kan'ya ngunit tahimik lang siya na parang nagulat ang itsura nito. "Hoy natahimik ka na riyan." Tumingin ako sa may harapan dahil sa nakatalikod ako sa may mga nakalatag na ulam sa mesa at napanganga ako ng makita kong may customer pala. Napatayo ako't umalis dahil sa kahihiyan kong mga nasabi kanina.

Ngunit nauna ng umalis si Monette kaya no choice kundi ang balikan ang nag aantay na customer. Naka sombrero siya na kulay itim at naka shades din ito. Matangkad din ang lalaki at may kaputian din ito. Naka jacket siya na may puting t'shirt sa panloob nito.

"Ano pong ulam ang order niyo sir?" Hiya kong tanong.

Hindi ito nagsalita at parang may hinahanap pang mga ibang putaheng ulam.

"May tahong ka ba manang?" Tumayo ang aking mga balahibo pagkasabi niyang 'yon dahil iba ang ibig sabihin nun sa akin at parang kilala ko ang boses na 'yon na dati ko ng narinig. Napakunot ang aking noo sa tahong na hinahanap niyang ulam eh wala namang tahong na naka display na ulam dito.

"Hoy anong klaseng tahong ba ang hinahanap mo? Kita mo naman diba na walang tahong na naka display na ulam dito," galit kong sabi sa kan'ya.

"Pero kakakain ko lang ng tahong mo kanina manang, kabilis naman maubos 'yon. Isa pa naman sa paborito kong putahe niyo dito." Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang inis ko sa kan'ya.

"Alam mo ang bastos mo," duro ko sa kan'ya.

"Hey! Anong bastos dun sa sinabi ko manang? Naghahanap lang ako ng tahong mo nagagalit ka na, anong tahong ba kasi ang nasa isip mo?" Napasinghal ang lalaking costumer kay Kayrelle saka ngumisi ito ng nakakaloko. "Kung sino man ang bastos sa ating dalawa ay walang iba kundi ikaw," turo nito sa akin.

"Ha! ako? Bakit naman ako naging bastos sayo, wala pa akong sinasabi sayo ha kaya huwag mo kong pagbintangan na ako ang bastos," galit kong sabi.

"Gusto mong makatikim ng b***t diba?" Mahinang bulong nito sa akin. Napahawak ako sa nakaawang kong bunganga gamit ang dalawa kong kamay. Mahina itong humalakhak na siya namang pagdating ni ante.

"Sir Jeho ikaw pala yan," bungad nito na may hawak na ulam na tahong sa malaking mangkok. Ito na ang paborito niyong putahe sir. Bagong luto lang ito kaya mainit init pa."

"Sige ho Aling Minda, pakiserve na lang ho doon," turo niya sa okupadong mesa. Naupo na siya doon habang ako ay naiinis lang sa kinatatayuan ko.

"Hoy Kayrelle! ano pang inaantay mo riyan. Magserve ka na at ng makakain na siya," utos nito sa akin. Lumapit sa akin si Monette na may dalang kanin na nakalagay na sa malinis na tray. Nakatawa ang kan'yang labi.

"Ilagay mo na dito ang ulam Kayrelle at ikaw na magserve sa kan'ya at may niluluto pa ko doon."

"Pahamak ka talaga Monette eh, kainis ka. Bakit hindi mo sinasbi na may tao na pala kaninang nag uusap tayo, di hindi na sana niya narinig ang mga sinabi ko kanina."

"Aba kasalanan ko pang gusto mo ng makatikim ng b***t," sabay halakhak nito papuntang kusina.

Inis kong inilagay ang ulam na tahong sa may tray at maingat kong dinala doon sa mesa na nag ngangalang Jeho. Alam kong siya din itong supladong lalaki na nakilala ko lang kaninang umaga sa may daanan papuntang bukid na malapit lang doon ang kanilang apartment.

Inilapag ko na ang kan'yang order at isa isang inalis sa tray ang isang mangkok na tahong at isang punong kanin sa plato.

"Water please! Yung hindi gaanong malamig," utos nito na hindi nakatingin sa akin.

Tahimik lang akong umalis upang kumuha ng tubig na maiinom niya. Nakasalubong ko na naman si Abet pero hindi ko siya pinansin.

"Ang suplada naman ng asawa ko ha! hindi namamansin," biro nito sa akin. "Order sana ako ng tahong mo."

"Puwede bang ayusin mo naman ang pagkakasabi niyo ng salitang tahong, nakakainis na eh! Bakit nauso pa kasi ang tahong na yan dito," dagdag ko pang sabi. Gusto ko sanang huwag bigyang pansin 'yon kaso iba kasi ang panding ko pagdating sa akin. Bakit kailangan pang diinan ang pagkakabigkas sa salitang TAHONG MO MANANG.

Inuna ko muna ang tubig ni Jeho at inilapag sa kan'yang mesa. Halos maubos na niya lahat ang ulam at kanin. Mabuti at hindi nabulunan sa tahong na kinain. Nawala na sa isip ko ang mga bagay na kanina lang gumugulo sa aking isipan ng magsalita ito.

"If what is mine, only mine!" sabi nito, hindi ko magets kung ano ibig niyang sabihin. Inignore ko na lang ang sinabi niya nang magslita ulit si Abet.

"Kayrelle, ako ng kukuha ng tahong mo dito. Nagugutom na ko eh.!" Speaking of TAHONG MO, again and again at mauuso na talaga ang salitang TAHONG MO KAYRELLE.

Paalis na ko ng hawakan ang aking kamay ni Jeho. "Bayad na yung tahong mo kay Aling Minda. So it means, sa akin lahat ng 'yon. If what is mine, only mine manang," pag uulit niyang sabi.

"Huh!" Tipid kong tugon. Hindi ako makaimik dahil sa puro tahong mo ang nasa utak ko. Parang sirang plaka ito na paulit ulit na lang pumapasok sa aking isipan.

Nang matapos na silang kumain at hindi nakatikim ng tahong si Abet dahil sa nabili na pala lahat 'yon ni Jeho. Grabe siya, ang takaw niya sa tahong. Kakaibang klase din yung lalaking 'yon. Hindi ko man masyadong mamemorize ang mukha niya pero alam kong guwapo din siya dahil sa tikas ng pangangakatawan na tinataglay nito pero basagulero naman ito at may pagkabastos din itong magsalita. Pero he is only 19 years old na dinig kong sabi ni Jeho habang kinakausap ito ni ante. Kaya pala immature ito kung mag isip.

Hay! ang bata pa pala niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status