Share

Chapter 3

Naubos na ang lahat ng mga lutong ulam at narito pa din si Jeho pero my kasama itong isa pang lalaki pero hindi ko siya gaanong makita. Kinakausap nila si ante pero hindi ko marinig ang kanilang pinag uusapan. Mukhang mayaman din siya at sa kan'ya ang sasakyang nakaparada sa may labas. Hindi nagtagal ay pumasok din si ante dito sa loob kasabay nun ang pag alis ng dalawa.

"Bilisan mo na riyan magligpit Kayrelle para makapagpahinga ka na rin."

"Sige po ante matatapos na rin po ako." Sagot ko.

"Sumunod ka na lang sa itaas at bukas ko na lang sasabihin sayo," sabi niya sabay kunot ng aking noo. Tatanungin ko sana siya ngunit nauna na itong umakyat ng hagdanan.

Sumunod na ko sa itaas nang matapos na ko magligpit dito sa canteen. Palaisipan sa akin ang bagay na iyon kung ano ang sasbihin nito sa akin.

Kinabukasan, maaga akong nagising upang mamalengke. Kasama ko si Monette at tig isa kami ng hawak na basket. Nilalakad lang namin ito papuntang palengke. Napansin namin ni Monette kung bakit ang daming dalagitang nag jojoging samantalang noon ay wala naman.

"Monette, kailan pa ba nauso ang pag jojoging dito sa lugar natin?"

"Naku naman manang, huli ka na sa balita eh. Tignan mo yun?" Turo nito sa akin sa lalaking matangkad na paparating dito sa way namin ni Monette.

"Eh sino naman yan?" Tanong ko dahil hindi ko naman siya kilala. Malapit na ito sa amin. Kumunot ang noo ko nang tumingin ito sa akin. Malamig ko siyang tinignan dahil hindi ko naman siya kilala. Tumili si Monette ng ngumisi ang lalaking 'yon. Napahawak ako sa dalawa kong tenga. Masakit sa tenga na parang mabibingi ako. Malakas kong binatukan si Monette kaya tumigil ito sa pagtili.

"Aray! ang sakit nun ha," reklamo nito. "Ano bang problema mo't nambabatok ka riyan?" Inis na sabi niya.

"Aba! kung tumili ka naman parang wala kang kasama dito ha." Inis kong sagot.

"Palibhasa kasi hindi ka marunong tumingin ng guwapo kaya hanggang ngayon wala pang nagkakagusto sayo."

"Alam kong guwapo siya, kahit tumili ka riyan kung hindi ka naman niya papansinin, wala ding kwenta. Kaya tumigil ka na sa kakapantasaya mo riyan sa kan'ya."

Iniwan ko na siya at pinagpatuloy na lang sa paglalakad. Nakarating din ako agad sa palengke ng hindi pinapansin si Monette. Nang matapos na kong makapamili ay iniwan ko na din siya. Bahala siya sa buhay niya dahil minsan ay pahamak ang babaeng 'yon.

Mag-isa akong umuwe at nilakad ko na lang pauwe sa boarding house. Narating ko na din agad at naupo muna sa may waiting area dito sa tapat ng canteen upang makapagahinga. Maya't-maya ay pumasok din ako agad sa loob ng canteen para maihanda na ang mga lulutuin para mamaya.

"Manang! kape pa nga," utos nito sa akin at nilingon ang taong nagsalita. Naningkit ang dalawa kong mata ng mapag sino ang nagsalita. Siya yung lalaking nagjojoging kanina sa may kalsada ng makasalubong namin ni Monette. Nabato ako sa kinatatayuan ko't hindi na maialis ang paningin ko sa guwapong mukha niya.

"Naks! naman, tulaley ka diyan." Nawaglit ang pagkatulala ko ng magsalita ang bagong dating na si Monette. "Sir Jeho pasensiya na kayo at talagang ganito lang si Kayrelle kapag nakakakita ng guwapo."

Para akong nabingi ulit ng marinig ang sinabi niyang Jeho. Ibig ba niyang sabihin, siya yung lalaking kumakain na nakashades kagabi na nakasombrero't naka jacket? Umiling ako't tumalikod na lang upang ipagtimpla na lang siya ng kape niya.

"Sir heto na ang kape niyo," mahinhin kong sabi. Tipid niya lang akong nginitian at ipanagpatuloy niyang muli ang pagtitipa sa kan'yang cp.

Matapos ko siyang mabigyan ng kape ay umakyat akong muli sa itaas upang magpalit ng damit. Isang fitted na dilaw ang suot ko saka brown na palda na hanggang lagpas tuhod ang haba. Maaga akong pupunta sa eskwelahan para asikasuhin ang mga papel para sa paglilipat ng aking pinsang buo. Magkapatid ang ina ko at ang ina niya. Balak din niyang dito umupa sa boarding house ni ante Minda.

Hindi ko ba alam sa kanya kung ano ang naisip na gawin 'yon at kung bakit dito pa niya gustong mag aral sapagkat may kaya naman ang kan'yang pamilya. Nakapag asawa si ante Alice ng mayaman kaya gumanda ang kanilang buhay.

Balak sana nitong bukas siya luluwas papunta rito sa Probinsiya ngunit hindi ko pa siya pinayagan na magpunta ng maaga rito dahil makalat pa ang aking kuwartong matutuluyan niya.

Bumaba na ko para hanapin si ante ngunit wala ito para kausapin siya tungkol sa sasabihin niya sana kagabi pa. Naratnan kong wala na doon si Jeho at si Monette na lang ang nakita ko.

"Wow! mukhang nag iimprove na tayo sa suot natin ha," pang aasar nito sa akin.

"Punta ako ng school. Pakisabing gagabihin ako ng uwe," pagbibiro ko.

"Ha! Bakit gabi? Eh ang lapit lang ng eskwelahan ha. Siguro makikipagtanan ka noh!"

"Hindi ako kagaya mo Monette, matino akong tao. Ikaw na munang bahala rito dahil aasikasuhin ko pa ang mga papel ng pinsan ko."

"Okay, ingat!" sambit nito saka tuluyan na kong lumabas ng boarding house.

Nag aantay ako ng masasakyang tricyckle ng may humintong sasakyan sa may harapan ko. Binaba nito ang bintana at iniluwa doon si Jeho.

"Saan ang punta mo manang? Sumabay ka na sa akin," sabi nito. Bumaba siya at naka uniporme na ito. Binuksan nito ang pintuan para sa akin.

Nangasim ang muhka ko, "Ang lakas naman ng loob mong pasakayin ako riyan. Hoy, kahit guwapo ka hindi ako sasakay riyan sa sasakyan mo," pagtataray ko.

"Tsk! tsk! tsk! ako na nga itong nagmamagandang loob ikaw pa itong maarte," saka pabalibag na sinarado ang pinto ng sasakyan.

Humaba nguso ko pagkasabi niyang 'yon.

"Hoy bata," turo ko sa kan'ya. "FYI ha, hindi ako maarteng babae, i*****k mo riyan sa baga mo," pagdidiin ko sa baga niya ang hintuturo ko. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko at kinulong niya gamit ang dalawa nitong malambot niyang mga kamay.

"Next time, I won't let you to say the word bata again. Ipapatikim ko sayo ang sinasabi mong 'yan and I will prove it once you say it again," pagbabanta nito sa akin. Saka niya binitawan ang aking kamay.

Sumakay na ito sa kan'yang magarang sasakyan at mabilis na umalis papuntang eskwelahan.

Sa wakas ay may dumating na ding tricyckle at sumakay na ko agad. Mali ata ako dahil naging bastos ata ako sa kan'ya. Alam kong mas matanda ako sa kan'ya at wala namang masamang ayain niya kong sumakay sa kan'yang sasakyan. Ako tuloy nag mukhang bata ang inasal kanina. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa dami ng iniisip ko ngayon.

Ligtas din akong nakarating sa Augustus College. Palinga linga ako sa daan ng mahagip ko ang paningin ko sa may bunbunan ng mga studyante. Diretso lang ako sa pagalakad at Nagtungo sa Registrar Office.

Agad kong inasikaso ang mga papel ng aking pinsan para sa kan'yang paglilipat ng eskwelahan. Inabot ako ng tatlong oras kaya nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura.

Alas onse 'y media na pala ng tignan ko ang orasan sa aking dalang cp. Kumain muna ako sa canteen bago gumala pagkatapos ko dito.

Nahagip na naman ng aking paningin si Jeho na may mga babaeng nakasunod sa kan'ya. Nagtama ang aming mga mata at matalim niya kong sinulyapan. Gusto ko sanang mag sorry sa kan'ya dahil napag isip sip kong mali ako.

Umalis din ako agad ng matapos na kong kumain. Balak ko sanang gumala pero napag isipan kong puntahan na lang si Jessica, ang kaibigan kong bakla.

Nag antay ako ng masasakyang tricyckle na may huminto din agad sa aking harapan. Gusto ko sanang lakarin na lang papunta roon pero ayaw kong mag amoy pawis.

Nasa tapat na ko ng kanilang bahay at nag uumpisa na ang kasiyahan sa kanilang bahay.

"Oh beshie, salamat naman at nakarating ka." Bungad nito sa akin sa may labas ng gate.

"Oo naman, pero hindi ako iinom ha. Magagalit si ante sa akin," pagtatanggi ko.

"Don't worry beshie ako ang bahala sayo noh. Pinagpaalam na kita kay ante Minda." Sabay na kaming pumasok sa loob.

"Narito pala ang lahat ng mga kabatch natin pero may kulang," lungkot kong sabi.

"Hay naku, hindi siya kawalan darling. Narito naman ako, ang mga friends natin. Hayaan mo na siya, may asawa na 'yon."

Dahil sa lungkot ko ay nagawa kong uminom at magpakalasing. Wasak ang puso ko ngayon. Yung kaisa isang nanligaw sa akin noon ay may asawa na pala ito. Tatanda na lang ako na wala ng magkakagusto.

Hinatid akong lasing ng umuwe sa boarding house. Tulog na ang mga tao dito dahil alas diyes y media na ng gabi. Mabuti at may hawak akong duplicate na susi kaya makakapasok ako anumang oras. Maingat akong pumasok sa loob at dahan dahan ang aking pag akyat papuntang third floor. Muntik pa akong matisod sa nakaharang na bola dito sa may visiting area kung hindi ako nakahawak agad.

Narating ko din agad ang aking kuwarto at naka lock pa ito. Maingat kong binuksan iyon gamit ang susi kong hawak hawak saka diretso pasok ng hindi ko na maisipang buksan pa ang ilaw at sinarado ko din agad ang pinto. Isa isa kong tinanggal ang suot kong damit pang itaas at pang ibaba. Hindi ko na magawang magbihis pa dahil sa pagod at inaantok na ko saka nahiga sa malambot kong kama na naka bra at panty lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status