SCARLETT NATAHIMIK ng ilang segundo sa loob ng opisina, si Claire ay nakatulala lang kay Lucien habang lumuluha. Hindi inaasahan na wala pa lang pipiliin sa kanilang dalawa. Habang si Crystal naman ay hindi pa rin makapaniwala sa naging desisyon ni Lucien. Siguro kung wala kami sa ganitong tagpo, kung wala sana si Claire dito. Baka humagalpak ako ng tawa dahil sa pagkapahiya niya. Feel na feel na niya kanina na siya ang pinili pero may matinding plot twist pala si Lucien. Minsan nga raw mahirap umasa dahil masasaktan ka lang. Nagulat ako ng mabilis na tumalikod si Claire tapos patakbong tinungo ang pinto habang pinupunasan ang mga luha. “Claire, wait!” Mabilis na sinundan ni Lucien ang babae ng makalabas ito. Sumunod rin naman ako. “Leave me alone, Lu! Wala na tayo kaya ‘wala ka ng pakialam sa akin!” Galit na sigaw nito ng maabutan siya ng lalaki saka muling nilakad takbo ang patungong elevator. Akmang susundan pa ni Lucien ang babae pero mabilis ko siyang hina
SCARLETT NADATNAN kong mahimbing na natutulog si Lucien kaya ma-ingat kong nilapag ang tray sa side table tapos yumuko para idikit ang likod ng palad sa kanyang noo para alamin ang temperatura nito. Napabuntong hininga ako ng mas uminit ito. Sunod ko namang ginawa ay kinapa ang kanyang leeg. Naku! Basang basa na ng pawis! Pumunta ako sa walking closet niya para kumuha ng t-shirt. Pagkabalik ay marahan ko siyang tinapik sa balikat para gisingin. “Sir, gising na. Nandito na ang pagkain. Kumain ka muna para makainom ng gamot. Saka magpalit ka ng damit basang basa na ‘yang suot mo dahil sa pawis.” Dahan-dahan naman dumilat ang lalaki, tinulungan ko siyang makaupo saka sinandal sa headboard ng kama. “S-salamat, Hermosa.” “Sige na, Magpalit kana ng damit mo. Baka matuyuan ka ng pawis.” Sambit ko saka inabot sa kanya ang T-shirt. Kinuha naman niya yun. “Kaya mo ba?” “Y-yeah.” Nang huhubarin na niya ang suot na damit ay agad kong iniwas ang tingin at binaling sa da
SCARLETT Napasapo ako sa aking dibdib habang sumasagap ng hangin. Anong nangyari sa akin? Bakit ako pumayag na mahalikan muli ng lalaking ‘yun? At higit sa lahat bakit ako bumigay? Argh! napasabunot na lang ako sa aking buhok. Sana lang talaga hindi maalala ni Lucien ang nangyari dahi kung hindi wala akong mukhang ihaharap sa kanya! Ilang minuto pa akong nagtagal doon bago napag-pasyahan na bumalik sa loob. Hindi ko pwedeng iwan ang lalaki ganong hindi pa siya tuluyang gumagaling. Baka ano pa ang mang-yari sa kanya at konsensya ko pa. Hindi na lang ako lalapit kay Lucien para makaiwas sa pwede na naman nitong gawin. Bahala na siya kung magsalita man siya habang tulog basta hindi na ako lalapit! Dahan-dahan kong hinila ang upuan na gamit ko kanina palayo sa kama. Saka muling naupo doon. Ilang minuto rin akong nagmuni-muni hanggang sa hindi kona namalayan na hinahatak na ako ng antok. Nagising ako dahil sa tumatamang liwanag sa aking mukha. Bigla akong napabalikwas ng
LUCIEN Bago lumabas ng kwarto, kinuha ko muna ang cellphone ko saka dumeretso sa kusina para makapag luto na. Naabutan ko sa kusina si Manang. Medyo nagulat pa nga ito ng makita ako. “Magandang umaga, Iho, Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni manang. “Magandang umaga din manang, Opo ayos na ang pakiramdam ko.” “Nagugutom kana ba? Ipaghahanda kita ng almusal.” Umiling naman ako saka lumapit sa kitchen Island. “Ako na manang, wag na kayo mag abala pa.” “Sigurado ka ba Iho? Baka mabinat ka niyan. Kagagaling mo lang sa sakit.” Matamis akong ngumiti kay Manang. “Wag ho kayong mag alalala manang magaling na ako. Mahusay kaya ang nurse ko.” Proud kong sabi. Napailing lang naman si Manang. “Siguraduhin mo lang Iho, dahil hindi mo alam kung gaano nag alala sayo si Louise. Inalagaan ka talaga niya. Masyadong nag alalala sayo ang dalaga. Halos lahat ng kinain mo ay siya ang nagpiprisinta na magluto. Inaalalayan ko lang siya.” Mas napangiti ako dahil sa narinig
LUCIEN Nasa kalagitnaan kami ng pinapanood ay ang ingay-ingay ni Hermosa. Akala ko pa naman ayaw niya ng Mystery pero grabe kung mang-hula sa susunod na mangyayari. Kulang na lang ay pumasok siya sa loob ng TV para siya na ang tumulong sa bida. Nasa ganoon akong tagpo ng biglang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko iyon sa aking bulsa. Napatigil ako ng makitang si Claire ang caller. Dahil hindi ko pa sinasagot ang tawag napalingon na sa akin si Hermosa. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag? Sino ba iyan? Client?” Nagtatakang tanong niya. Napalunok ako saka nagsalita. “It's Claire.” Pagkasabing pagkasabi ko ng pangalan ng babae ay lumiwanag ang mukha niya. Biglang na-excite. “Sagutin muna! Baka handa na siyang makipag usap sayo. Atleast magkaayos man lang kayong dalawa. Kahit maging magkaibigan.” Bumuntong hininga ako. Mahalaga talaga kay Hermosa si Claire. Parang hindi nga lang kaibigan kung ituring, parang kapatid na rin. Sinagot ko ang tawag.
SCARLETT Nasa loob ako ng sasakyan at nakatingin sa loob ng cafe kung nasaan sila Lucien at Claire. Sana maging maayos ang pag-uusap nilang dalawa. Alam kong mahirap ang pinag-dadaanan ngayon ni Claire dahil hindi niya inaasahan ang nangyari. Biglaan ang lahat. Sa isang iglap ay nagkahiwalay sila ni Lucien. Ilang minuto ang lumipas napaayos ako ng upo ng makitang tumayo na ang dalawa at si Claire ay lumabas na ng Cafe. Tapos na agad sila mag-usap? Ganon kabilis? Nang mapagtanto kong sa sasakyan na kinaroroonan ko siya papunta ay mabilis akong lumabas ng kotse para salubungin ang dalaga. Tipid siyang ngumiti. “Hi, Louise.” Matamlay niyang bati sa akin. “Claire tapos na kayo mag-usap ni Lucien?” Tumango naman siya. “Ang bilis naman ata? Wait, ok ka lang?” Tanong ko ng mapansin na nangingilid ang kanyang mga luha. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap saka mahinang umiyak sa aking balikat. Lumamlam ang mga mata ko, saka tinaas ang isang kamay para hagur
SCARLETTContinuation.. “So, bro bakit napadalaw ka? Hindi ka man lang nagtext sa amin na pupunta ka.” “Biglaan lang din.” “I see, anyway mukhang ok na kayo ni Louise ah? Mukhang nagbago ka simula nung huli niyong bangayan noong nasa isang Bar tayo ni Ace.” Nakangising anas ni Isaiah. Hindi naman ako kumibo. “Well I realized na tama naman si Hermosa. Saka maraming nang-yari nitong mga nakaraang araw.” “Wait, totoo ba iyong nabalita na wala na daw kayo ni Claire? Actually, hindi kami naniniwala ni Ace dahil hindi galing sa‘yo. Pwede kasing tsismis lang iyon.” Sambit ni Isaiah. Napailing na lang ako dahil kalalaking tao ang daldal at tsismoso. Isa pa pala naging balita nga ang hiwalayan ni Lucien at Claire. Nagawan naman na agad ng paraan ng manager ni Claire ang lahat kaya hindi na masyadong big deal. Tumulong din si Lucien para hindi masira ng tuluyan ang career ng dating kasintahan. “Yeah, Claire and I are already broke up.” “Really? So, totoo nga ang balitan
SCARLETT BINUBUKSAN ni Lucien ang sasakyan pero hindi niya mabuksan. Naparami nga ang inom nito dahil hindi man lang naisip na nasa akin ang susi. Tsk, kabilin-bilinan ko pa sa kanya kanina na ‘wag iinom dahil kagagaling lang sa sakit pero ang hudyo matigas talaga ang ulo. Hindi ko lang nabantayan ginawa na ang gusto. Naku! Ang sarap sapakin ng lalaki. Mabilis akong humakbang palapit sa kanya saka siya marahang hinawi. “Ako ang magdadrive. Lumipat ka sa passenger seat.” Anas ko saka pinindot ang lock ng sasakyan. “Tsk, what are you doing here? Diba hindi kapa tapos makipag usap doon sa kaibigan mo? Kaya kong umuwi mag isa.” Iritableng sambit niya at bubuksan na sana ang sasakyan ng hampasin ko ang kamay niya. “Ouch! What"s that for?!” Angil niya habang hinahawan ang nasaktan na kamay. Namewang ako sa harap niya saka siya dinuro. “Ako tigilan mo sa ganyan mo ha! Sinabihan kita kanina na ‘wag ka maginom pero uminom ka? Alam mong kagagaling mo lang sa sakit! Ta
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaki. Baka magbago pa ang isip. “You like K-restaurant, right? Then order whatever you want. It’s on me,” He said bossily as we sat down. Instead of getting annoyed, I just smiled and shook my head. I think I already know why he’s acting like this—it’s because of Night. “Why are you shaking your head? Don’t you want to eat here? Where do you want to go? Let’s go there instead,” he said.“Nah, I like it here,” I replied with a smile. “Tss. Stop smiling.” “Why? I’m happy.” “Really, huh?”“Yeah, good thing you asked me to join you. I didn’t eat properly earlier. I didn’t even finish my food.” “Huh, paano enjoy na enjoy ka makipag usap sa Night na 'yon. May pa punas punas pa sa gilid ng labi mo.” I grinned at his reaction. He looked like a jealous boyfriend. “Why? Are you jealous? Do you want to be the only one to do that for me? Why? Are you in love with me?” I teased him.“What the… In your dreams. I’m loyal to Crystal,” he s
UWIAN Nakasunod ako kay Lucien at Crystal na magkahawak ang kamay. Patungo kami sa paborito nilang kainan para mag dinner. Well, Sila lang ang kakain dahil hindi naman nila ako niyaya. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Lucien. Isa pa ayoko din silang makasabay. Sa bahay na lang siguro ako kakain or bibili na lang ako. Nasa harap na kami ng restaurant ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit, nakalimutan kong i-silent. Naka-agaw tuloy ako ng atensyon. Tumigil ako saglit at nagmamadaling kinuha sa bulsa ang phone. Napansin kong tumigil din ang dalawa at sinulyapan ako ni Lucien. Hindi ko siya pinansin, nang makitang si Night ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Hello Night?” “Hi, Are you guys having dinner?” Nangunot naman ang noo ko. “Huh? No, just them. I’m not joining. Why?” “Good, then let’s eat together. I’ll come to you.” “Huh? Where are you?” “Same place kung nasaan kayo. wait for me there.” “Naku, ‘wag na sa bahay na ako kakain ok—” Hindi kona nata
“Ouch! Why did you push me, Lu? That hurts!” I heard Crystal's pained complaint. But instead of paying attention and helping her, I froze in place as if rooted to the ground. “OPEN THIS FUCKING DOOR!! WHY IS YOUR DOOR LOCKED?!” Oh fck! Natataranta kong nilapitan si Crystal na kakatayo lang. “Fix your clothes quickly! Then sit over there.” “Why? Why are you panicking?” Nakataas na kilay na tanong niya. “Just do what I’m telling you.” Medyo naiinis kong sabi. “No. Don’t tell me you’re scared because your bodyguard might see us like this? Let me remind you, I’m your fiancé, there’s nothing wrong with what we’re doing. Kung makita man niya tayo wala na siya don, Right?” Inis na sagot niya sa akin pero hindi ko ‘yun pinansin dahil focus ako sa babaeng kanina pa katok ng katok. “Tsk, Just do what I'm telling you.” Sagot ko sa kanya saka inayos ang sarili at humakbang papalapit sa pinto. “KAPAG HINDI MO BINUKSAN ANG PINTO SISIRAIN KO TO LUCIEN!!” D*mn it! This woman is re
“Tsk, that's not what I want to hear. That's not the Louise I know who loves my son. I'm here to give you a chance to fight for what you feel for Lucien. Find a way to catch his attention and stir up his mind and heart.” Natigilan ako sa sinabi ni Sir Aidan. Seryosong seryoso ito. “I’m doing this because I don’t want us to have any regrets in the end. I don’t want us to blame each other later. I’m giving you a chance, but if there’s truly nothing, I’ll let Lucien go ahead and marry Crystal. I’ll intervene for the last time. So, gawin mo na ang lahat habang may natitirang araw pa. It’s up to you what fate has in store for the two of you.” Hindi agad ako nakasagot. Mariin akong pumikit saka sumandal sa kinauupuan ko. Nahihirapan akong magdesisyon lalo na sa mga binitawang salita ni Sir Aidan. Gusto kong ipaglaban si Lucien, gusto kong bawiin ang lalaking mahal ko. Pero nagtatalo ang puso’t isip ko. Sinisigaw ng puso ko na ipaglaban ko siya pero ang isip ko sinasabing mali dahil m
KINABUKASAN Ang aga-aga pero wala sa mood ang boss ko. Hindi man lang ako pinansin mula kanina, mukhang napikon ko ata kagabi. Argh! Araw araw ba na magiging ganito ang ganap ko kapag badmood ang boss ko? Bumuntong hininga ako saka sumandal sa kinauupuan at kinuha ang aking phone. Oorder na nga lang ako ng pagkain tsk! Hindi ako nakapag almusal kanina dahil na late ako ng gising ‘e. Tapos nagmamadali pa ang boss ko na pumasok. Ang ending wala akong almusal kahit man lang humigop ng hot choco or kape wala! Buti pa siya nakapag kape at almusal ‘e. Sakto naman na tumunog ang phone ko hudyat na may nag text. Bumungad sa akin ang pangalan ni Night, Agad kong binasa ang text niya. Night: Good morning, Red. Are you busy? Mabilis naman akong nagreply. To Night: Not really, why? Night: I’m here outside Lucien’s office. I brought some hot chocolate and a sandwich. I found out you didn’t have breakfast earlier, so I brought you some. Come on out, let’s eat together. Hindi
PAGBALIK sa opisina ganon pa rin ang mood ni Lucien. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin o kahit sulyap man lang. Ano bang problema niya? Ano ba ang nangyari sa kanila ni Crystal? Nag-away ba sila? Kung nag-away man sila bakit pati ako damay? Or… Galit siya sa akin dahil hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain? Hm, imposible naman ‘yun. Pakialam ba niya sakin ‘diba? Argh! Ewan! Ang hirap na nga ng sitwasyon ko dinadagan pa ng ganito. Bahala nga siya d’yan. Hahayaan ko siya sa toyo niya. Mahirap kapag sinabayan ‘e, Baka kung saan kami humantong kapag pinatulan ko siya. Hanggang sa mag-uwian hindi pa rin niya ako pinapansin. Bad mood pa din ang hinayupak. Pati ako dinadamay, nakakainis! Seryoso ako sa pagmamaneho ng biglang magsalita ang katabi kong lalaki. “Have you known that guy for a long time?” Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Anong sinasabi niya? Sinong guy? Bahagya ko siyang sinulyapan. “Who?” Taka kong tanong. “The guy who was sitting
MASAYA akong tumalikod para puntahan ‘yung dalawa. Atleast ma-eenjoy ko ang lunch ko! “Hey!” Masayang bati ko sa dalawa sabay upo sa tabi ni Night. Parehas naman silang nagulat at napatingin sa akin. “Gulat na gulat? Hindi niyo man lang napansin na palapit ako. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo.” Nakangiti kong sambit. “What are you doing here, Red?” Nagtatakang tanong ni Night sa akin. “Oo nga, anong ginagawa mo dito? ginulat mo pa kami. Nasaan ang alaga mo?” Segundang tanong naman ni Thunder. Aba parang ayaw nilang nandito ako ah. Pero imbes na sagutin sila ay nginuso ko na lang kung nasaan sila Lucien tapos nanguha ng lutong pork sa plato ni Night at kinain ‘yun. “Oh, I get it. Sasabay ka dapat sa kanila no? kaso nakita mo kami ni Night dito kaya lumipat ka?” Napaangat ako ng tingin kay Thunder saka nag thumps up at ngumisi. “Yeah, good thing nandito kayo kaya nakatakas ako. Hindi ko kayang makasama ng matagal ang Crystal na ‘yun. Saka sa lagay e, mukha akong third
NANG makarating sa mansyon ay nauna itong bumaba habang ako ay pinarada muna ang sasakyan tapos pumasok na rin sa loob. Saktong pag pasok ko siyang labas naman sa kusina ng lalaki, Mukhang uminom muna ito ng tubig or tinanong ang mga katulong kung ano ang dinner. Hindi na lang ako umimik at pinauna siyang umakyat ng hagdan habang ako ay nakasunod lang. Tumigil ako sa aking kwarto at akmang bubuksan na ng biglang magsalita si Lucien. “Si Dad ba ang pumili ng kwarto mo?” Nagtataka ko naman siyang binalingan dahil sa biglaan nitong tanong. Akala ko pa naman papasok na siya sa kanyang kwarto. “Oo, bakit?” “I see, alam mo bang ang kwartong ‘yan ang pinaka maganda at espesyal sa mansyon. Maswerte ka dahil ‘yan ang naging kwarto mo. Hm, halatang paborito ka ni Dad.” Mahaba niyang turan habang nakasandal sa pader ng kanyang kwarto habang ang mga pagod niyang mata ay nakatingin sa akin. Pero wait, pinaka maganda at espesyal? Bakit hindi ko alam `yon? Hindi nabanggit ni Sir Aid
Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na close kami noon, Hindi pa rin siya sanay na ang isang katulad ko ay malapit sa kanya. Tinuon ko na lang ang pansin sa folder na hawak para basahin ‘yon. Saka naglakad sa harap ng table ni Lucien para maupo sa bakanteng upuan. Nang maintindihan ko para saan ang folder ay sinimulan kong ipaliwanag sa kanya. Nakinig naman siyang mabuti at wala akong narinig na reklamo. Pati ang ibang hindi niya maintindihan ay pinaliwanag ko na rin.Hanggang sa abutin kami ng ala singko ng hapon. “Naintindihan mo naman ba lahat ng pinaliwanag ko?” Marahan kong tanong habang nag-uunat. Masakit din sa likod ang maghapon nakaupo habang nagpapaliwanag ah. Buti na lang talaga ay may alam ako, kung hindi siguradong aburido maghapon si Lucien. Saka masaya akong nakatulong sa kanya at nabawasan ang kanyang stress. “Yes, Thank you for helping me. Kung hindi mo pina-intindi sa akin ang lahat siguradong wala akong magagawa mag-hapon.” Malamyos niyang sagot sa akin. N