SCARLETT “Hey, Hermosa, Are you okay?” Nakatulala pa rin ako habang nakatingin sa magandang katawan ni Lucien. Sa tagal ko dito sa mansion ngayon ko lang nakita ng ganito ang katawan ng lalaki. “Hey, Hermosa.” Napakurap-kurap ako ng mapansin na nakalapit na pala si Lucien sa akin. Wala sa hulog na napa-atras ako at napalunok. Pakiramdam ko mas lalo akong napaso dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Nagtaka naman ang lalaki saka kumunot noo. Tapos unti-unting bumaba ang tingin niya sa braso kong natalsikan ng mantika. Humakbang siya at maingat na hinawakan ang braso ko. Balak ko pa sana iyong iiwas pero mabilis ang naging kilos ni Lucien. Kaya wala na akong nagawa pa. And there it was again, that strange spark I felt when our skin touched. Mahinang napamura si Lucien ng makita ang braso kong natalsikan ng mantika, namumula iyon at mahapdi. Napasinghap ako ng marahan niya akong hinila patungo sa lababo at maingat na hinugasan ang paso ko. “Does it h
SCARLETT Magaan ang pakiramdam ko habang nakasunod kay Lucien papasok sa loob ng building ng kompanya. Good mood ako dahil sa nakalipas na dalawang araw ay todo pahinga lang ang aking ginawa. Hindi ako hinayaan ng lalaki na kumilos. Nakakatawa nga dahil paso lang naman ‘yung natamo ko pero grabe niya ako pag bawalan. Daig ko pa ang nabaril at malala ang tama. Sa dalawang araw na iyon hindi ko naramdaman ang pagiging isang maid. Nakasakay na kami ng elevator pinindot ko ang floor kung saan ang opisina ni Lucien. Papasarado na ang elevator ng may humarang na kamay kaya muli itong nag bukas. Napataas ako ng kilay ng makita si Crystal na abot tenga ang ngiti tapos pumasok sa loob at tumabi kay Lucien. Nang ibaling ko ang tingin sa lalaki ay walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin lang sa harap. Hindi pinansin ang kakapasok lang na si Crystal. Napangisi na lang ako saka tumingin kay Crystal na patingin tingin sa katabing lalaki at halatang nagpapansin. Binalik
SCARLETT PAGKARATING sa kwarto kung saan gaganapin ang shoot ay naabutan namin na abala ang lahat. Hindi din namin nakita si Claire dahil inaayusan pa rin daw ito. Ayaw naman ni Lucien na puntahan ang kasintahan dahil ayaw niyang makaabala. Naupo na lang kami sa gilid habang nakamasid sa mga abalang tao. Wala rin kasi ang manager ni Claire dahil kasama ito ng dalaga sa dressing room, kaya wala ring makakausap si Lucien. Maya-maya pa napatingin ako sa entrada ng pinto ng makitang papasok si Crystal, nakangiti ang babae habang may kausap na isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali kasing edad lang niya at kasama nila sa project. Masayang nag-kwekwentuhan ang mga ito. Hanggang mapatingin ako sa dalawang lalaking nakasunod sa kanila, nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang mga ito. Si Thunder at Night! Anong ginagawa nila dito? Napatingin sa gawi ko si Night saka simple akong tinanguan. Makahulugan naman akong tumingin sa kanya at na-gets naman niya ang gusto kong iparat
SCARLETT NAKATAAS ang isang kilay ko habang nanonood kela Lucien. Hindi namin masyado marinig ang kanilang sinasabi dahil hindi naman kalakasan ang kanilang boses. Nagtataka tuloy ako kung ano na naman ang gusto ni Crystal. Halata sa mga mukha nila na hindi maganda ang kanilang pinag-uusapan. Pasulyap sulyap pa nga sila dito sa gawi namin. Hindi ko naman magawa na lumapit dahil naguusap nga sila at baka madamay pa ako sa kung anong pinagtatalunan nilang dalawa. Hanggang sa bumukas ulit ang pinto, namilog ang mga mata ko at napatayo dahil nakita kong si Claire ang papalabas pero napatigil din agad ito sa naabutang eksena. Shit! Hindi man lang napansin ng dalawa na bumukas ang pinto. Huli na para sabihan ko pa si Lucien dahil kitang kita na ng girlfriend niya ang lahat. Ang malas naman! Sinasabi ko na nga ba meron akong hindi magandang kutob e. Tumingin ako kay Night, sakto nilingon din naman ako nito saka nakakaintinding tumango. “Go ahead, kailangan k
SCARLETT NATAHIMIK ng ilang segundo sa loob ng opisina, si Claire ay nakatulala lang kay Lucien habang lumuluha. Hindi inaasahan na wala pa lang pipiliin sa kanilang dalawa. Habang si Crystal naman ay hindi pa rin makapaniwala sa naging desisyon ni Lucien. Siguro kung wala kami sa ganitong tagpo, kung wala sana si Claire dito. Baka humagalpak ako ng tawa dahil sa pagkapahiya niya. Feel na feel na niya kanina na siya ang pinili pero may matinding plot twist pala si Lucien. Minsan nga raw mahirap umasa dahil masasaktan ka lang. Nagulat ako ng mabilis na tumalikod si Claire tapos patakbong tinungo ang pinto habang pinupunasan ang mga luha. “Claire, wait!” Mabilis na sinundan ni Lucien ang babae ng makalabas ito. Sumunod rin naman ako. “Leave me alone, Lu! Wala na tayo kaya ‘wala ka ng pakialam sa akin!” Galit na sigaw nito ng maabutan siya ng lalaki saka muling nilakad takbo ang patungong elevator. Akmang susundan pa ni Lucien ang babae pero mabilis ko siyang hina
SCARLETT NADATNAN kong mahimbing na natutulog si Lucien kaya ma-ingat kong nilapag ang tray sa side table tapos yumuko para idikit ang likod ng palad sa kanyang noo para alamin ang temperatura nito. Napabuntong hininga ako ng mas uminit ito. Sunod ko namang ginawa ay kinapa ang kanyang leeg. Naku! Basang basa na ng pawis! Pumunta ako sa walking closet niya para kumuha ng t-shirt. Pagkabalik ay marahan ko siyang tinapik sa balikat para gisingin. “Sir, gising na. Nandito na ang pagkain. Kumain ka muna para makainom ng gamot. Saka magpalit ka ng damit basang basa na ‘yang suot mo dahil sa pawis.” Dahan-dahan naman dumilat ang lalaki, tinulungan ko siyang makaupo saka sinandal sa headboard ng kama. “S-salamat, Hermosa.” “Sige na, Magpalit kana ng damit mo. Baka matuyuan ka ng pawis.” Sambit ko saka inabot sa kanya ang T-shirt. Kinuha naman niya yun. “Kaya mo ba?” “Y-yeah.” Nang huhubarin na niya ang suot na damit ay agad kong iniwas ang tingin at binaling sa da
SCARLETT Napasapo ako sa aking dibdib habang sumasagap ng hangin. Anong nangyari sa akin? Bakit ako pumayag na mahalikan muli ng lalaking ‘yun? At higit sa lahat bakit ako bumigay? Argh! napasabunot na lang ako sa aking buhok. Sana lang talaga hindi maalala ni Lucien ang nangyari dahi kung hindi wala akong mukhang ihaharap sa kanya! Ilang minuto pa akong nagtagal doon bago napag-pasyahan na bumalik sa loob. Hindi ko pwedeng iwan ang lalaki ganong hindi pa siya tuluyang gumagaling. Baka ano pa ang mang-yari sa kanya at konsensya ko pa. Hindi na lang ako lalapit kay Lucien para makaiwas sa pwede na naman nitong gawin. Bahala na siya kung magsalita man siya habang tulog basta hindi na ako lalapit! Dahan-dahan kong hinila ang upuan na gamit ko kanina palayo sa kama. Saka muling naupo doon. Ilang minuto rin akong nagmuni-muni hanggang sa hindi kona namalayan na hinahatak na ako ng antok. Nagising ako dahil sa tumatamang liwanag sa aking mukha. Bigla akong napabalikwas ng
LUCIEN Bago lumabas ng kwarto, kinuha ko muna ang cellphone ko saka dumeretso sa kusina para makapag luto na. Naabutan ko sa kusina si Manang. Medyo nagulat pa nga ito ng makita ako. “Magandang umaga, Iho, Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni manang. “Magandang umaga din manang, Opo ayos na ang pakiramdam ko.” “Nagugutom kana ba? Ipaghahanda kita ng almusal.” Umiling naman ako saka lumapit sa kitchen Island. “Ako na manang, wag na kayo mag abala pa.” “Sigurado ka ba Iho? Baka mabinat ka niyan. Kagagaling mo lang sa sakit.” Matamis akong ngumiti kay Manang. “Wag ho kayong mag alalala manang magaling na ako. Mahusay kaya ang nurse ko.” Proud kong sabi. Napailing lang naman si Manang. “Siguraduhin mo lang Iho, dahil hindi mo alam kung gaano nag alala sayo si Louise. Inalagaan ka talaga niya. Masyadong nag alalala sayo ang dalaga. Halos lahat ng kinain mo ay siya ang nagpiprisinta na magluto. Inaalalayan ko lang siya.” Mas napangiti ako dahil sa narinig