Sinampal ni Neil ang hita niya sa loob ng booth sa ikalawang palapag. “Ang kapatid ko nanaman ang tagapagligtas ng araw!”Agad siyang tumayo ng sabik. “Zach, Yuri, sundan niyo ako!”Nabigla ang dalawang bodyguard na kumakain pa rin. “Boss, saan tayo pupunta?”“Para protektahan ang computer sa backstage! Kung sakaling may balak na pumatay ng power!”Agad na hinabol nila Zach at Yuri si Neil. “Tama kayo, Boss!”Narinig din ni Nigel ang sinabi ni Neil. Tumawa siya ng mahina, “Salamat naman at may konsensya ka pa.”Ngumuso si Neil at pinulot niya ang necklace. “Kung sabagay, ako ang nagkamali! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero niligtas mo ako, kapatid!”“Ikaw lang ang magtitiwala sa masamang lalaking ‘yun.”Pagkatapos makipag kwentuhan kay Neil, tumingin si Nigel sa malaking screen mula sa surveillance ng venue.Kontrolado niya na ang screen. Huminga siya ng malalim at pinalabas niya ang video sa kanyang desktop.“Ito ang recording at resibo ng unang transaksyon ni Ms. Au
Sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumingin siya ng malamig kay Luna. “‘Wag ka maging bastos.”Tumingala si Joshua at kinuha niya ang microphone. “Pasensya na po sa lahat at nakita niyo ito. Pero, may sariling paraan ang pamilya Lynch sa pagharap ng ganitong mga problema.”Nagpatuloy siya, “Nagtitipon tayo lahat dito para ipagdiwang ang kaarawan ni Granny Lynch. Ang lahat ng nandito ay kaibigan o kamag anak ng pamilya Lynch, kaya’t sigurado ako na pamilyar kayo lahat kung paano namn hinaharap ang mga bagay. Kapag may nakalabas na kahit isang salita mula dito…”Naging malupit ang tingin ni Joshua. “Sigurado ako na alam niyo ang mangyayari.”Agad na tumahimik ang madla. Nagkatinginan ang lahat sa isa’t isa, hindi nila alam ang gagawin nila.Halata ang gustong ipahiwatig ni Joshua: hindi niya gusto na tumawag sila ng pulis, at ayaw niya rin na maparusahan si Aura. Sa halip, gusto niyang maging isang lihim lamang ito.Nalito ang lahat ng nasa venue. Pinilit ni Joshua na walang namam
Walang hahadlang!“Nellie, gusto mo ba ng cake?”Nakakandong si Nellie kay Adrian. Tumanggi siya sa alok, at nakapokus lang ang tingin niya sa paalis na si Luna. “Wala po ako sa mood. Wala po akong gusto na kahit ano…”Sa kabilang dulo ng karagatan, pinapanood ni Nigel ang lahat ng ito mula sa surveillance camera. Nang makita niya ito, pumikit siya. Pagkatapos, makalipas ang ilang saglit, inabot niya at hinawakan ang imahe ni Luna sa screen.“Mommy, pasensya na po…” kung hindi lang dahil sa sakit ni NIgel, hindi na dapat babalik sa Banyan City ang nanay niya para puntahan si Joshua. Kung hindi dahil kay Nigel, hindi sana ulit masasaktan si Luna ng masamang lalaking ‘yun.…Sa likod na pinto ng hotel.Dinala ni Joshua si Aura sa likod ng hotel gamit ang mahigpit niyang kapit.“Joshua!” ang sigaw ni Aura. Masakit na ang braso niya, at mabilis siyang hinila paalis ng eksena. Naramdaman ni Aura na hindi niya na ito kaya.Binitawan na rin siya ni Joshua. Sumandal si Aura sa pinto h
“Luna, lasing ka na.” habang nakaupo sa sulok ng bar, tumingin si Malcolm kay Luna, na umiinom pa rin ng beer. “Tumigil ka na dapat sa pag inom.”Nagpanggap si Luna na hindi niya narinig si Malcolm at kumuha pa siya ng isang baso.“Tumigil ka na!” hindi na ito matiis ni Malcolm at hinawakan niya ang kamay ni Luna para ilayo ang baso ng beer. “Alam mo naman na madali kang malasing, bakit mo ba pinipilit ang sarili mo ng ganito?”Tinitigan siya ng blank ni Luna at tumawa ito. “Malcolm, masakit.” Lasing siyang tumuro sa kanyang dibdib. “Masakit dito. Ang tanga ko talaga. Akala ko na nagbago na siya. Akala ko na pinapahalagahan ng mga tao ang pamilya kaysa sa iba, pero…”Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha bago siya nagpatuloy. “Masyado ba akong walang alam? Alam ko na galit siya sa akin, pero hindi ko inakala na galit din siya sa sarili niyang anak… matapos kong makita kung paano siya nagmalasakit kay Nellie nung halos mamatay na siya, akala ko… akala ko na mahalaga sa kanya
“Sigurado ako na isang malaking gulat ito kay Nellie…”Halos mamatay na si Nellie ng maraming beses. Kahit na matatag ang pag iisip niya. Nakaharap siya ng maraming paghihirap sa murang edad, emosyonal pa rin talaga para sa isang bata na pagbigyan ng tatay niya ang babaeng halos pumatay sa kanya. Walang kapatawaran ito!“Gabu na,” ang sabi ni Nigel, nagbuntong hininga siya. “Susubukan kong pagaanin ang loob niya pag gising niya.”Tumango si Neil. “Okay.”Si Neil ang nagpadala kay Nellie kay Joshua. Ginawa niya ito para mabilis maging malapit si Luna kay Joshua at para may katulong siya mula sa loob. Gayunpaman, nawala na sa kontrol ang sitwasyon ngayon. Isang mahusay na bata si Neil, pero kahit siya ay nabigo ngayon.Nagbuntong hininga si Neil at yumuko siya para tumingin kay Luna sa baba niya. Lasing na lasing na si Luna sa ngayon.May hotel sa itaas na palapag ng bar. Sinusubukan siyang dalhin ni Malcolm pataas ng hagdan, karga ang buong bigat niya sa katawan ni Malcolm. Kahit
Malamig ang simoy ng hangin.Ngumisi si Joshua at tumingin siya ng malamig kay Luna. “Bakit mo ako kinamumuhian?”“Kinamumuhian kita…” Tumawa si Luna at tumingin siya kay Joshua. “Kinamumuhian kita dahil wala kang pakialam sa akin, at wala karin pakialam kay Nellie!”Naglabas ng isang pakete ng sigarilyo si Joshua at sinindihan niya ang isa. “Anong ibig mong sabihin , wala akong pakialam kay Nellie?”Huminto si Luna. “Kung may pakialam ka sa kanya… bakit para hindi mo pinaparusahan si Aura?” Itinikom ni Luna ang mga labi niya at nahirapan siyang magsalita. Nahihilo siya dahil sa alcohol at natumba siya sa direksyon ni Joshua at napasandal siya dito. “Sabihin mo ang totoo… hindi mahalaga sayo… hindi mahalaga sayo si Nellie, at hindi rin ako mahalaga sayo.”Walang balak sumagot si Joshua nung una, pero ngayon at nakasandal si Luna sa kanya, wala siyang magawa kundi tulungan si Luna na tumayo.“‘Wag mo akong hawakan…” ang lasing na pagsabi ni Luna, mahina ang katawan niya. “Mahal mo
Gumising si Nellie ng madaling araw at bumaba siya para kumuha ng tubig, nang bigla niyang marinig ang pag uusap ni Lucas at ng mga katulong.“Importante ang utos ni Sir. Lasing na lasing ang babae.”Biglang nagkaroon ng alarm bells sa isip ng batang babae.Babae, na lasing na lasing?Kinagat niya ang labi niya at lumapit siya ng galit, tumingala siya para tumingin kay Lucas.“Lucas, sino po ang babae na tinutukoy niyo? Anong po ang nangyari kay Daddy?”Napatalon sa gulat si Lucas. “Little Princess.”“Nagtatanong po ako tungkol sa babae, ano pong ibig sabihin niyo na lasing na lasing?”Nagbuntong hininga si Lucas, wala siyang magawa kundi sabihin ang totoo. “Si Luna. Lasing siya at dinala siya ni Sir sa kwarto niya.”Napahinto ang batang babae.Matapos ang ilang saglit, kinagat niya ang labi niya at sinabi, “Edi… maghanda po kayo ng maiinom niya para sa hangover niya.”Pagkatapos, parang may naalala si Nellie na mahalagang bagay, tumingin siya ng inosente kay Lucas. “Narinig
Hindi inaasahan ni Nellie na madali lang susunod ang Daddy niya, natulala siya ng ilang saglit bago siya bumalik sa sarili. Pumasok siya sa kwarto gamit ang maliit niyang mga binti.Umupo ang batang babae sa maliit na upuan sa tabi ng bintana, tumingin siya kay Luna na lasing na lasing na nakahiga sa kama, halata sa mga mata ni Nellie ang pag aalala. “Daddy, bakit po nasa kwarto niyo si Auntie?”Dumilim ang mga mata ni Joshua. “Lasing siya.”“Ah.” tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi. “Malungkot po siguro si Auntie ngayong gabi.”Tinaas ni Joshua ang baso at pinuno niya ito. “Bakit naman?”“Syempre po.” Habang nakaupo, naglalaro ang mga paa ni Nellie sa ere. “Sinabi po ni Auntie na sa tingin niya hindi mabait sa akin si tita Aura, gusto niya pong tapusin ang problema kay tita Aura bago siya umalis, kung hindi, mag aalala po siya.”Pagkatapos sabihin ito, tumingin ang batang babae sa tatay niya, makikita ang sama ng loob sa ekspresyon niya. “Pero kayo po, Daddy? Pinabayaan niyo