Share

Kabanata 137

Hindi inaasahan ni Nellie na madali lang susunod ang Daddy niya, natulala siya ng ilang saglit bago siya bumalik sa sarili. Pumasok siya sa kwarto gamit ang maliit niyang mga binti.

Umupo ang batang babae sa maliit na upuan sa tabi ng bintana, tumingin siya kay Luna na lasing na lasing na nakahiga sa kama, halata sa mga mata ni Nellie ang pag aalala. “Daddy, bakit po nasa kwarto niyo si Auntie?”

Dumilim ang mga mata ni Joshua. “Lasing siya.”

“Ah.” tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi. “Malungkot po siguro si Auntie ngayong gabi.”

Tinaas ni Joshua ang baso at pinuno niya ito. “Bakit naman?”

“Syempre po.” Habang nakaupo, naglalaro ang mga paa ni Nellie sa ere. “Sinabi po ni Auntie na sa tingin niya hindi mabait sa akin si tita Aura, gusto niya pong tapusin ang problema kay tita Aura bago siya umalis, kung hindi, mag aalala po siya.”

Pagkatapos sabihin ito, tumingin ang batang babae sa tatay niya, makikita ang sama ng loob sa ekspresyon niya. “Pero kayo po, Daddy? Pinabayaan niyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status