“Ayaw ko.”Sumimangot si Joshua at inalis niya ang mga braso ni Luna sa leeg niya. “Hindi na gagana ang plano mo. Baka kung mas maaga kang nagtanong, papayag ako. Pero pagkatapos nung nangyari kagabi…”Nilapit niya ng mga labi niya sa tainga ni Luna, magkasama ang mababang boses niya at mainit na hininga, “Alam ko na kasama mo si Malcolm Quinn. Sa tingin mo ba ay tatanggapin ko ang isang tao na tapat sa kaaway ko para magtrabaho para sa akin?”Pagkatapos, lumingon ng malamig si Joshua at naghanda na siyang umalis.Pero, inabot ni Luna ang kwelyo ni Joshua, tila may paghamon sa mga mata niya. “Hindi po ba kayo kampante sa sarili niyo?”Sumimangot siya at tumingin siya kay Luna, hindi siya nagsalita.Namuo ang ngiti sa kanyang mukha. “Babae lang po ako, gumawa na po kayo ng background check sa akin, alam niyo na po dapat ngayon ang kakayahan ko. At ngayon po ay natatakot kayo na nanakawin ko ang mga sikreto ng kumpanya niyo, ano pa po ba ‘yun kung hindi kampante?”Sadya niyang sin
Kahit anong mangyari, sigurado si Luna, naapektuhan si Joshua na hindi tulad sa pagpapanggap niya.At least naakit si Joshua sa pisikal na itsura ni Luna, pwede niyang gamitin ang pagnanasa ni Joshua.Sapat na ‘yun!Bukod pa dito, ang kailangan niya lang kapag umuwi siya ay ang anak ni Joshua!Para naman sa kung sino talaga ang gusto ng masamang lalaking ‘yun, wala nang pakialam dito si Luna!Habang iniisip ito, hinalikan ni Luna sa pisngi ang anak niya. “Hindi kita sinisisi.”“Binigyan mo ako ng magandang ideya.”Pagkatapos, huminga siya ng malalim at tumalikod na siya para umalis.“Saan po kayo pupunta?”Habang nakatingin kay Luna, sumimangot si Nellie, at agad siyang naglakad sa corridor.“Uuwi na ako.”Huminto si Luna para ngumiti kay Nellie. “Magkikita rin uit tayo kaagad!”Magkikita rin tayo kaagad?Nagbuntong hininga si Nellie, muli niyang narinig ang mga sinabi ng tatay niya kagabi.Napagtanto niya na may ibang bagay pa na dapat niyang sabihin sa nanay niya.Hali
Umikot ang mga mata ni Anne kay Luna. “Sa tingin mo ba, ang isang habang buhay na single na tulad ko, ay may ganun sa bahay?”Ngumiti si Luna. “Pero narinig ko kay Neil na may isang gwapong uncle na nililigawan ka?”Nang marinig ito ni Aura, agad na namula ang mukha niya.“Nag… nagkasama lang kami, at wala pa kami sa stage na kailangan na ng pregnancy test!”Habang nakatingin sa pulang mukha ni Anne, agad na gumanda ang mood ni Luna.Ngumiti siya at binuksan niya ang TV gamit ang remote control. Itutuloy niya pa lang sana ang pagasar kay Anne, nang tumunog ang doorbell.“Delivery!”Delivery?Tumingin si Luna kay Anne. “Umorder ka ba ng pagkain?”Nagkibit balikat si Anne. “Para sayo ‘yun.”Naghihinala na binuksan ni Luna ang pinto.Inabot ng delivery man ang paperbag kay Luna.Sa loob ng kwarto, binuksan ni Luna ang paperbag.“Plak—"Ang bagay na nalaglag mula sa paperbag ay ang tinutukoy ni Luna, isang pregnancy test!Tumingin si Luna sa mga pregnancy test na nahulog sa
“Lumalaki na mature ang mga bata habang tinuturuan sila ng magulang nila. Pero mature na agad ang tatlong anak mo… at kahit anong turo mo sa kanila, hindi na nila maibabalik ang pagkabata nila?”Hindi ito makontra ni Luna.Parang tama si Anne.Kasalanan ito lahat ni Joshua, bakit ang lakas ng dugo niya!Anim na taong gulang pa lang ang tatlong bata ng ‘yun, at mas marami na silang alam kaysa sa mga nasa paligid nila!Binalik ni Luna ang phone sa kanyang bulsa, dinala niya papunta sa kwarto niya ang pregnancy test, hinanda ang mga ito sa tabi ng drawer, at nagsuot ng kanyang mask at natulog.Lasing na lasing siya nung nakaraan.Pero dahil sa bigat ng pakiramdam ng ulo niya...Hindi siya nakatulog ng matagal.Habang iniisip ang tungkol kagabi, pumalakpak ng isang beses si Luna. “Mabuntis ka, please, mabuntis ka…”Pagkatapos ng mga dasal niya, nakatulog na siya.“John, makinig ka sa akin, pakiusap!”Malabo na narinig ni Luna ang boses ni Anne mula sa labas, narinig na parang
“Nandito si Mr. Lynch!”“Si Mr. Lynch!”“Dali, salubungin natin siya…”Sa sandali na pumasok si Luna sa bar, nakasalubong niya ang grupo ng mga lalaking nakasuot ng suit.Nang marinig nila na nandito na si Joshua, pumunta sa entrance ang grupo ng mga lalaki, para grupo ng mga bampira na nakaamoy ng dugo.Hindi lang mga babae ang nagkakagulo kay Joshua, pati ang mga lalaki ay hindi nakatakas sa kakisigan niya.“Excuse me.”Habang nasa kalagitnaan siya ng panunuya niya, may eleganteng lalaki na bumangga sa kanya.Ito lang ang sinabi ng lalaki, pagkatapos ay naglakad ito at sinundan ng grupo ng mga lalaki para batiin si Joshua.Ngumiti si Luna at naglakad na siya papunta ng bar, nilabas niya ang kanyang phone hanggang sa mahanap niya ang litrato na sinend sa kanya ni Anne.Wala pang isang linggo nang magkasama sina Anne at John, at hindi pa pinapakilala ni Aura si Luna kay John.Makakaasa lang si Luna sa mga litrato para mahanap si John.Sa sandali na buksan niya ang litrato,
“Ilang minuto lang ang ito.”Sumimangot si Luna. “Hindi ako nandito para pagandahin ang imahe niya, nandito ako para ipaliwanag ang hindi pagkakaunawaan na ginawa ko.”“Ikaw…”Habang nag uusap sila, nakarating na ang mga tao sa entrance ng elevator.Nangutya si John at agad siyang pumasok ng elevator.Walang magawa si Luna kundi sundan siya pataas.Sa loob ng elevator, natatakot siya na tumakas si John, kaya’t napakapit siya sa manggas nito, at binulong niya, “Makinig ka sa akin, kaya kong magpaliwanag…”Sa sandali na nagsalita si Luna, may mayabang na boses siyang narinig sa tabi niya, “John, bakit dinala mo ang babae mo sa isang business dinner?”May isa pang lalaki na tumawa, “Nabalitaan ko na may bago kang girlfriend nung ilang araw lang, bata, maganda, at hindi pa nagkakaroon ng relasyon sa iba, siya ba ‘yun?”“Ang swerte mo naman, hindi lang maganda ang girlfriend mo, makapit pa siya.”Bumuka ang bibig ni John para magpaliwanag, pero hindi niya alam kung paano.Sa huli
“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?”Pagkatapos isara ang pinto sa hagdan, inalis ni John ang kamay ni Luna. “‘Wag ka nang magpaliwanag, ‘wag mong subukan na magsinungaling sa akin! Kung kaibigan ni Anne ang isang malanding babae na tulad mo, hindi siguro siya inosente!”Umikot ang mga mata ni Luna.Kung hindi dahil sa mga binuhos na luha ni Anne para sa lalaking ito, bubugbugin niya na sana ang lalaking ito!Pinigilan niya ang galit niya. “Mr. Young, hindi ko alam kung saang isla ka lumaki, pero ang kitid ng utak mo. Kumapit ako sa braso mo dahil gusto kitang pilitin sa harap ng mga katrabaho mo, at para pilitin kita na sumama para makinig sa paliwanag ko. Hindi kita hinalikan at hindi ako nakipag siping sayo, pero sinasabi mo na malandi ako? Hindi ka pa ba nakadikit sa isang babae nung lumaki ka? Bukod pa dito, kung hindi lang dahil kay Anne, ang tapat na babaeng ‘yun na umiiyak pa rin sa bahay, sa tingin mo ba ay pupunta ako dito para makita ka?”Nung sinabi ni Luna na umiiy
“Kahit na hindi ko kaya, nasa mood ka ba para makipag usap tungkol sa business ngayon?”“Sa room number 402, ikaw na ang bahala!”Pagkatapos, tumalikod si John at halos lumipad na siya habang papunta siya sa baba.Nagbuntong hininga si Luna habang pinapanood si John.Sa katotohanan… naiinggit si Luna sa isang relasyon na ganito.Kahit na masama ang impresyon niya kay John, hindi pa rin kayang magpokus sa trabaho ng lalaking ito dahil kay Anne, kaya pang isakripisyo ni John ang trabaho para makita lang si Anne.At paano naman siya, ang sarili nya?Ang taong gusto niya dati nung bata siya, ay isang lalaki na laging inuuna ang trabaho, kahit na may sakit si Luna o malungkot dahil mag-isa lang siya.Sa puso ni Joshua, wala lang si Luna kumpara sa trabaho niya, at mas lalong wala siya kumpara kay Aura.Nagtagal pa ng konti si Luna sa hagdan, pagkatapos ayusin ni Luna ang mga magulo niyang iniisip, huminga siya ng malalim, at tumalikod na siya para bumalik sa corridor.Maraming tao