“Ms. Luna, kaya mo talaga uminom ng alak.”Sa loob ng room number 402, kakatapos lang ni luna uminom ng ika-6 niyang baso.Binaba niya ang wineglass, sumandal siya sa mesa habang ang pisngi niya ay nasa kamay niya, nakakaakit niyang dinilaan ang natitirang wine sa sulok ng mga labi niya. Tumingin siya ng nakakaakit sa malaki at matabang lalaki sa tabi niya at sinabi niya, “Director Wilson, nangako kayo, kapag uminom pa ako ng isang baso, pipirmahan niyo ang kontrata. Isang big boss na tulad niyo, ay hindi po magsisinungaling sa isang maliit na babaeng tulad ko, hindi po ba?”Medyo tumaas ang tono ni Luna, parang tunog kuting, talagang nakakaakit.Nang marinig ni Director Wilson ang pagsasalita ni Luna, halos nakalimutan niya na ang pagkatao niya.Sinabi na ito ng magandang babae, paano niya pa babawiin ang pangako niya?“Pipirma ako, pipirma na ako!”Agad na inabot ni Director Wilson ang kontrata mula sa kamay ng manager. “Pipirmahan ko na ngayon!”Nagulat ang lahat ng lalaki s
“Syempre hindi.”Ngumiti si Luna. “Mahilig ako sa mga matandang lalaki.”Pagkatapos, bumukas ang pinto sa likod ni Luna.Nagulat ang lahat ng tao sa kwarto nung bumukas ang pinto, pero wala sa kanila ang nagsalita.Pero, dahil busy sa pakikipag usap sina Luna at Director Wilson, hindi nila napansin ang mga nagaganap sa likod nila.Ngumiti si Director Wilson habang ininom niya ang wine na inabot sa kanya. “Sino ang mas gwapo, ako o ang dati mong kasintahan?”Umikot ang mga mata ni Luna sa isip niya, walang hiya talaga ang matandang lalaking ito.Tumawa siya ng mahina at sinabi niya, “Syempre, mas gwapo kayo.”Kuminang ang mga mata niya at nagisip siya ng paraan para takutin ang matandang lalaki.“Kahit na nakipaglaro na ako sa maraming lalaki, wala sa kanila ang namumukod.”Pagkatapos, biglang naging malamig ang hangin sa kwarto.Nagpatuloy sa pagsasalita si Luna tulad ng plano niya. “Lalo na ‘yun kahapon, pangit at parang may sakit siya…”Sa entrance, tumingin si Lucas sa e
Sa sandali na lumabas ang mga salita sa bibig niya, tumahimik ang buong kwarto.Tumitig ang lahat kila Luna at Joshua.Halata ang pahiwatig sa mga salita niya. Kakasabi lang ni Luna na ang huling taong nakasipig niya ay pangit at parang may sakit, at tinanong ni Joshua kay Luna kung ano ang sakit na meron siya...Umatras sa pagkagulat si Director Wilson. “Mr. Lynch, kayo… nagbibiro po kayo, hindi ba?”Alam ng lahat ng tao sa Banyan City na malinis at tapat na lalaki si Joshua Lynch, tapat sa kanyang ex-wife na si Luna Gibson.Nung buhay pa si Luna, hindi pumupunta si Joshua sa mga event na may inuman kapag may kasamang babae, dahil nag-aalala siya na baka mali ang isipin ni Luna. Pagkatapos pumanaw ni Luna, uminom ng sobra si Joshua hanggang sa nagdugo ang tiyan niya. Pati, para protektahan ang kapatid ni Luna, maraming taon siyang nanatiling engaged kay Aura.Sa nakalipas na dalawang araw nung birthday party, inannounce pa ni Joshua na natuklasan niya na buhay pa si Luna Gibson,
Malakas na sinara ang pinto ng kotse, pagsasara sa kanila mula sa labas na mundo.Naramdaman ni Luna na parang sumabog ang ulo niya.Ginamit niya ang lahat ng lakas niya para manlaban kay Joshua. “Bitawan nyo po ako!”“Hindi ba’t sinabi mo na parang may sakit ako?” Naging malupit si Joshua, at pinigilan niya talaga sa pag galaw si Luna. “Kung hindi kita hawain sa sakit ko ngayong araw, paano ako mabubuhay sa mga lihim na paninirang puri na dinikit mo sa likod ko?”Nagawa niyang matuklasan niya ito ngayong gabi, ngunit paano kung hindi niya ito narinig?Susundan pa ba ito ni Luna, gagawa siya ng mga istorya tungkol kay Joshua habang nakikipaglandian sa ibang lalake?Habang iniisip ang mga eksenang ito, naging malamig ang tingin ni Joshua habang hawak niya ang ulo ni Luna.Ginitgit ni Luna ang kanyang ngipin at gusto niya nang manlaban, pero hindi niya na ito ginawa.Kailangan siyang sumunod kay Joshua; dapat siyang makahanap ng gamot para kay Nigel...Habang iniisip ito, nagdes
Puno pa rin ng galit si Luna habang palabas siya ng taxi. Nagkataon na nakita niya si Neil na nakaupo malapit sa taniman ng bulaklak sa entrance ng housing area, tila nagsasalita sa phone.Sumimangot siya at lumapit siya kay Neil. “Bakit wala ka sa loob ng bahay?”Nagkibit balikat ang batang lalaki. “Naglalandian po si ninang at ang boyfriend niya. Ayaw ko po maging pang third wheel.”Pagkatapos, tumingin siya ng tahimik kay Luna. “Mommy, gusto mo po bang umakyat at maging pang third wheel?”Naging tahimik ng ilang saglit si Luna. “Kailan pa sila nasa taas?”“Mga kalahating oras na po.”Nagbuntong hininga si Neil. “Mommy, pwede pa po ba tayo matulog sa bahay ni ninang ngayong gabi? Nakita ko po siya na umiiyak sa yakap ng boyfriend niya, at pareho po silang tumatawa at umiiyak.”Umupo ng mas komportable si Neil at naglaro ang kanyang maliit na mga paa sa ere. “Emosyonal po ba talaga ang mga magkasintahan?”Umikot ang mga mata ni Luna. “Hindi mo maiintindihan.”Bago pa lang ang
“Sa wakas, kasama ko na ulit matulog si Mommy.”Habang nakaupo sa kama, yakap ni Neil ang braso ng Mommy niya. “Simula po nung bumalik tayo, hindi ko na po kayo masyadong nakasama. Araw araw niyo pong kasama si Nellie, at mahirap rin po kahit man lang mahawakan ko kayo, Mommy.”Naging guilty si Luna sa mga sinabi ni Neil. Kung sabagay, si Nellie ang kayamanan niya, pero pati na rin sina Neil at Nigel.Lagi siyang nag aalala sa sakit ni Nigel at sa kaligtasan ni Nellie, pero hindi niya binigyan ng pansin ang matalinong si Neil.Habang iniisip ito, ginulo niya ang buhok ni Neil. “Pagkatapos gumaling ng kapatid mo, araw araw ko na kayong kasamang tatlo.”Ngumuso si Neil. “Mommy, apat dapat.”Huminto si Luna, ngumiti lang siya. “Tama, apat.”Dapat niyang ipanganak ulit ang anak ni Joshua para maligtas si Nigel.“Baka nga po gusto mo kaming makasama araw araw, Mommy, pero baka hindi po namin gusto na yun ang gawin mo.” ngumiti si Neil at niyakap ang braso ni Luna. “Pagkatapos po gum
“Ako na po ang magbubukas ng pinto.” Inilapag ng nakasimangot na si Neil ang kanyang tinidor at kutsara, ang kanyang maliit na katawan ay tumalon mula sa kanyang upuan at sumugod sa pintuan.“Sino po ‘yan?”“Ako ‘to!” May boses ng batang babae sa labas ng pinto. “Neil, ako ‘to, si Nellie! Pumunta ako sa bahay ni ninang, at sinabi niya na hindi kayo bumalik sa bahay kagabi, kaya’t nandito ako. Hindi ko inaasahan na nandito pala kayo ni Mommy! Dali, buksan mo ang pinto!”Nang marinig niya ang boses ng kapatid niya, nasabik si Neil. Agad niyang binuksan ang pinto at ibinuka niya ang mga braso niya. “Nellie!”Nakatayo sa labas ng pinto si Nelie, suot ang kanyang dress na pang prinsesa, at si Lily. Nakita niya ang kapatid na nakabuka ang mga braso sa direksyon niya, ngunit hindi niya niyakap ito.Suminghot si Nellie. “Ang bango naman!”Nilagpasan ng batang babae si Neil at pumasok siya sa apartment. “Kumakain ba kayo ng agahan? Naghanda ba kayo para sa akin?”“Hindi.” Bumalik si Neil
Tinikom ni Nellie ang mga labi niya. “Mommy, matagal na panahon na po simula nung niligtas kayo ni Daddy, hindi po ba? Matagal na pong gumaling ang sugat niya, hindi po ba? Hindi po dapat bubukas ng madali ang sugat niya, na dapat niyang pumunta sa hospital, hindi po ba?”Habang sinasabi niya ang mga salitang ito, sinuri ni Nellie ang ekspresyon ni Luna sa sulok ng mga mata niya. “Sa tingin ko po, sinasabi lang ‘yun ng mga katulong para may dahilan si Daddy na hindi ako samahan sa agahan.”Sumimangot si Luna habang nilagay niya ang plato sa mesa. “Baka nga.”Pagkatapos, nagstretch siya at umupo siya sa sofa para maglaro sa kanyang phone. Mukhang hindi siya naapektuhan sa balita na dinala si Joshua sa hospital.Kumunot ang noo ni Nellie at tahimik niyang kinagat ang kanyang labi.Sa totoo lang, hindi pumunta dito si Nellie dahil hindi siya kumain ng agahan. Iniisip niya na magiging kabado ang Mommy niya kapag nalaman niya na nasa hospital ang Daddy niya. Kung tutuusin, tuwing napup