“Sa wakas, kasama ko na ulit matulog si Mommy.”Habang nakaupo sa kama, yakap ni Neil ang braso ng Mommy niya. “Simula po nung bumalik tayo, hindi ko na po kayo masyadong nakasama. Araw araw niyo pong kasama si Nellie, at mahirap rin po kahit man lang mahawakan ko kayo, Mommy.”Naging guilty si Luna sa mga sinabi ni Neil. Kung sabagay, si Nellie ang kayamanan niya, pero pati na rin sina Neil at Nigel.Lagi siyang nag aalala sa sakit ni Nigel at sa kaligtasan ni Nellie, pero hindi niya binigyan ng pansin ang matalinong si Neil.Habang iniisip ito, ginulo niya ang buhok ni Neil. “Pagkatapos gumaling ng kapatid mo, araw araw ko na kayong kasamang tatlo.”Ngumuso si Neil. “Mommy, apat dapat.”Huminto si Luna, ngumiti lang siya. “Tama, apat.”Dapat niyang ipanganak ulit ang anak ni Joshua para maligtas si Nigel.“Baka nga po gusto mo kaming makasama araw araw, Mommy, pero baka hindi po namin gusto na yun ang gawin mo.” ngumiti si Neil at niyakap ang braso ni Luna. “Pagkatapos po gum
“Ako na po ang magbubukas ng pinto.” Inilapag ng nakasimangot na si Neil ang kanyang tinidor at kutsara, ang kanyang maliit na katawan ay tumalon mula sa kanyang upuan at sumugod sa pintuan.“Sino po ‘yan?”“Ako ‘to!” May boses ng batang babae sa labas ng pinto. “Neil, ako ‘to, si Nellie! Pumunta ako sa bahay ni ninang, at sinabi niya na hindi kayo bumalik sa bahay kagabi, kaya’t nandito ako. Hindi ko inaasahan na nandito pala kayo ni Mommy! Dali, buksan mo ang pinto!”Nang marinig niya ang boses ng kapatid niya, nasabik si Neil. Agad niyang binuksan ang pinto at ibinuka niya ang mga braso niya. “Nellie!”Nakatayo sa labas ng pinto si Nelie, suot ang kanyang dress na pang prinsesa, at si Lily. Nakita niya ang kapatid na nakabuka ang mga braso sa direksyon niya, ngunit hindi niya niyakap ito.Suminghot si Nellie. “Ang bango naman!”Nilagpasan ng batang babae si Neil at pumasok siya sa apartment. “Kumakain ba kayo ng agahan? Naghanda ba kayo para sa akin?”“Hindi.” Bumalik si Neil
Tinikom ni Nellie ang mga labi niya. “Mommy, matagal na panahon na po simula nung niligtas kayo ni Daddy, hindi po ba? Matagal na pong gumaling ang sugat niya, hindi po ba? Hindi po dapat bubukas ng madali ang sugat niya, na dapat niyang pumunta sa hospital, hindi po ba?”Habang sinasabi niya ang mga salitang ito, sinuri ni Nellie ang ekspresyon ni Luna sa sulok ng mga mata niya. “Sa tingin ko po, sinasabi lang ‘yun ng mga katulong para may dahilan si Daddy na hindi ako samahan sa agahan.”Sumimangot si Luna habang nilagay niya ang plato sa mesa. “Baka nga.”Pagkatapos, nagstretch siya at umupo siya sa sofa para maglaro sa kanyang phone. Mukhang hindi siya naapektuhan sa balita na dinala si Joshua sa hospital.Kumunot ang noo ni Nellie at tahimik niyang kinagat ang kanyang labi.Sa totoo lang, hindi pumunta dito si Nellie dahil hindi siya kumain ng agahan. Iniisip niya na magiging kabado ang Mommy niya kapag nalaman niya na nasa hospital ang Daddy niya. Kung tutuusin, tuwing napup
Pagkatapos ibaba ang phone, naghintay si Luna na matapos kumain ng agahan sina Neil at Nellie bago niya ihatid si Neil sa kindergarten. Hinatid naman ni Lily si Nellie sa Blue Bay Villa.Habang nakatayo sa tabi ng kalsada, pinanood niya na umalis ang kotse na sakay ni Nellie. Huminga siya ng malalim bago niya tinaas ang kamay niya para tumawag ng taxi. “Sa South City Hospital.”Pwedeng iwasan ni Luna si Joshua, pero hindi si Natasha.Kahit na hindi siya kilala ni Natasha tulad ng iba, hindi niya kayang magpanggap na hindi niya kilala si Natasha at hind ito bisitahin.Kung sabagay, siya ang nagbigay buhay kay Luna.Minsang si Natasha ang pinakamalapit sa kanya, mas malapit pa kaysa kay Aura, pero...Dahil sa mga sinabi ni Aura, mas naging malayo na si Luna sa pamilya niya. Sa oras na nawala na sa kanya ang pamilya niya, doon niya lang napagtanto ang katangahan niya.Lagi naman naging malusog at maganda ang kondisyon ni Natasha, pero dahil bigla siyang napunta sa hospital, inisip
Pumasok din si Lucas sa elevator.Nung bumukas ang pinto ng elevator, napansin ni Lucas na nakalimutan niyang pindutin ang button sa pupuntahan niya, kaya’t tinaas niya ang daliri niya papunta sa sa button ng ika-18 na palapag.Hindi niya inaasahan na nakailaw na ito.Isang tao lang siguro ang pumindot sa button.Tumawa si Lucas at kinuha niya ang prutas at cake sa kamay ni Luna. “Ako na ang hahawak nito para sayo. Ang bait mo talaga, Luna. Akala ko hindi mo alam kung nasaang palapag si Sir, hindi ko inaasahan na alam mo na pala!”Sumimangot si Luna habang pinipigilan niya na kunin ni Lucas ang mga regalo. “Hindi ito para kay Joshua.”Nalaman niya sa counter na nasa ika-18 na palapag si Natasha. Hindi niya alam kung saan matatagpuan si Joshua, at hindi niya rin ito gustong malaman!“Hindi ka nandito para bisitahin si Sir?” Umikot ang mga mata ni Lucas, iniisip niya na matigas lang ang ulo ni Luna. “Sino pala ang bibisitahin mo ng ganito kaaga? May ibang kaibigan o pamilya ka ba
Bumigat ang hangin sa loob ng hospital ward.Tumitig ang malamig na mga mata ni Joshua kay Luna, na siyang nakatayo sa tabi ng pinto.Alam ni Lucas na hindi niya dapat marinig ang mga pag uusapan nila, kaya’t tumalikod na siya at umalis, hindi niya kinalimutan na isara sa pinto sa likod niya.Ngayon at nakasara na ang pinto, naiwan sina Joshua at Luna sa loob ng hospital ward. Walang maririnig sa kwarto kundi ang boses ng news reporter sa TV, na binabasa ang balita tungkol sa Banyan City.Nagkatitigan ng matagal ang dalawa bago sumandal si Joshua sa ulo ng kama, malamig ang mga mata niya. “Nandito ka ng maaga at sadya mong banggitin ang tungkol sa nangyari kagabi. Mukhang nadismaya ka, tama ba?”Nanginig ng kaunti ang buong katawan ni Luna.Tumawa siya ng mahina. “Una po sa lahat, Mr. Lynch, hindi ako pumunta dito para bisitahin kayo. Mali po ang akala ni Lucas at dinala niya ako dito. Ikalawa, nadismaya nga po talaga ako tungkol sa nangyari kagabi. Bilang isang lalaki, mababa po
“Ms. Luna, hindi ko inaasahan na bibisitahin mo ako.” ngumiti ng awkward si Natasha sa direksyon ni Luna. “Alam ko na ang lahat ng nangyari sa birthday party.”Tumingin siya ng seryoso kay Luna. “Dapat kitang pasalamatan. Kahit na iresponsable ang panganay ko, at ayaw niyang bumalik ntong mga nakalipas na taon, masaya ako at matagal mong inalagaan si Nellie.”Tinikom ni Luna ang mga labi niya at ngumiti siya ng mabait. “Dati po akong yaya ni Ms. Nellie, at ito po ang dapat kong gawin.”“Hay.” Gumawa ng dahilan si Natasha para palabasin ng ward ang nurse. Pagkatapos umalis ng nurse, sumenyas siya kay Luna na isara ang pinto. “Bilang isang nanay, responsable rin ako.”“Hindi ko inaasahan na may gawin na masama si Aura kay Nellie… Kasalanan ko ‘to. Nabigo ako sa pagpapalaki sa kanya.”Pagkatapos, tumingala siya at tumingin sa mga mata ni Luna. “Pero may hindi pagkakaunawaan siguro tungkol sa gustong pananakit ni Aura kay Nellie.”Lumubog ang puso ni Luna dahil sa mga sinabi ni Natas
Sumimangot si Luna at ngumiti siya ng maliit. “Paano naman po naging posible ‘yun?”Nakita niya ang balita sa nung nasa supermarket sila ni Neil kagabi, at sinabi doon na sumakay ng eroplano si Aura at naglagay pa ng litrato niya na nakapose sa harap ng university niya sa Australia. Ibig sabihin ay imposible na nandito pa rin si Aura sa Banyan City.“Totoo.” nagbuntong hininga si Natasha. Tumingala siya at tumitig ang namamaga niyang mga mata kay Luna. “Sa totoo lang… hindi isang mabuting tao si Joshua tulad ng pinapakita niya. Pineke niya ang balita ng pagpunta ni Aura sa ibang bansa. Pati ang mga litrato at video ng pagsakay at pagdating niya sa university ay peke.”Sa mga sandaling ito, tumulo ang luha mula sa mga mata ni Natasha, at pinunasan niya ang mga pisngi niya gamit ang tissue. Muli siyang nagbuntong hininga bago siya nagpatuloy, “Ang katotohanan ay, kinulong niya si Aura. Nakakulong siya sa isang lugar kung saan araw at gabi na may nagbabantay. Hindi siya makatakas.”K
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya