Pumasok din si Lucas sa elevator.Nung bumukas ang pinto ng elevator, napansin ni Lucas na nakalimutan niyang pindutin ang button sa pupuntahan niya, kaya’t tinaas niya ang daliri niya papunta sa sa button ng ika-18 na palapag.Hindi niya inaasahan na nakailaw na ito.Isang tao lang siguro ang pumindot sa button.Tumawa si Lucas at kinuha niya ang prutas at cake sa kamay ni Luna. “Ako na ang hahawak nito para sayo. Ang bait mo talaga, Luna. Akala ko hindi mo alam kung nasaang palapag si Sir, hindi ko inaasahan na alam mo na pala!”Sumimangot si Luna habang pinipigilan niya na kunin ni Lucas ang mga regalo. “Hindi ito para kay Joshua.”Nalaman niya sa counter na nasa ika-18 na palapag si Natasha. Hindi niya alam kung saan matatagpuan si Joshua, at hindi niya rin ito gustong malaman!“Hindi ka nandito para bisitahin si Sir?” Umikot ang mga mata ni Lucas, iniisip niya na matigas lang ang ulo ni Luna. “Sino pala ang bibisitahin mo ng ganito kaaga? May ibang kaibigan o pamilya ka ba
Bumigat ang hangin sa loob ng hospital ward.Tumitig ang malamig na mga mata ni Joshua kay Luna, na siyang nakatayo sa tabi ng pinto.Alam ni Lucas na hindi niya dapat marinig ang mga pag uusapan nila, kaya’t tumalikod na siya at umalis, hindi niya kinalimutan na isara sa pinto sa likod niya.Ngayon at nakasara na ang pinto, naiwan sina Joshua at Luna sa loob ng hospital ward. Walang maririnig sa kwarto kundi ang boses ng news reporter sa TV, na binabasa ang balita tungkol sa Banyan City.Nagkatitigan ng matagal ang dalawa bago sumandal si Joshua sa ulo ng kama, malamig ang mga mata niya. “Nandito ka ng maaga at sadya mong banggitin ang tungkol sa nangyari kagabi. Mukhang nadismaya ka, tama ba?”Nanginig ng kaunti ang buong katawan ni Luna.Tumawa siya ng mahina. “Una po sa lahat, Mr. Lynch, hindi ako pumunta dito para bisitahin kayo. Mali po ang akala ni Lucas at dinala niya ako dito. Ikalawa, nadismaya nga po talaga ako tungkol sa nangyari kagabi. Bilang isang lalaki, mababa po
“Ms. Luna, hindi ko inaasahan na bibisitahin mo ako.” ngumiti ng awkward si Natasha sa direksyon ni Luna. “Alam ko na ang lahat ng nangyari sa birthday party.”Tumingin siya ng seryoso kay Luna. “Dapat kitang pasalamatan. Kahit na iresponsable ang panganay ko, at ayaw niyang bumalik ntong mga nakalipas na taon, masaya ako at matagal mong inalagaan si Nellie.”Tinikom ni Luna ang mga labi niya at ngumiti siya ng mabait. “Dati po akong yaya ni Ms. Nellie, at ito po ang dapat kong gawin.”“Hay.” Gumawa ng dahilan si Natasha para palabasin ng ward ang nurse. Pagkatapos umalis ng nurse, sumenyas siya kay Luna na isara ang pinto. “Bilang isang nanay, responsable rin ako.”“Hindi ko inaasahan na may gawin na masama si Aura kay Nellie… Kasalanan ko ‘to. Nabigo ako sa pagpapalaki sa kanya.”Pagkatapos, tumingala siya at tumingin sa mga mata ni Luna. “Pero may hindi pagkakaunawaan siguro tungkol sa gustong pananakit ni Aura kay Nellie.”Lumubog ang puso ni Luna dahil sa mga sinabi ni Natas
Sumimangot si Luna at ngumiti siya ng maliit. “Paano naman po naging posible ‘yun?”Nakita niya ang balita sa nung nasa supermarket sila ni Neil kagabi, at sinabi doon na sumakay ng eroplano si Aura at naglagay pa ng litrato niya na nakapose sa harap ng university niya sa Australia. Ibig sabihin ay imposible na nandito pa rin si Aura sa Banyan City.“Totoo.” nagbuntong hininga si Natasha. Tumingala siya at tumitig ang namamaga niyang mga mata kay Luna. “Sa totoo lang… hindi isang mabuting tao si Joshua tulad ng pinapakita niya. Pineke niya ang balita ng pagpunta ni Aura sa ibang bansa. Pati ang mga litrato at video ng pagsakay at pagdating niya sa university ay peke.”Sa mga sandaling ito, tumulo ang luha mula sa mga mata ni Natasha, at pinunasan niya ang mga pisngi niya gamit ang tissue. Muli siyang nagbuntong hininga bago siya nagpatuloy, “Ang katotohanan ay, kinulong niya si Aura. Nakakulong siya sa isang lugar kung saan araw at gabi na may nagbabantay. Hindi siya makatakas.”K
“Hindi po ako mula sa Banyan City, at wala po akong kilala maliban sa inyo at sa pamilya Lynch…” sinubukang tumutol ni Luna.Ngunit, bago pa siya matapos, nilagay na ni Natasha ang isa pang card sa kamay niya at sinabi, “Tanggapin mo na rin ang card na ito… Marami ring pera ang nasa loob nito. Sayo na ang parehong card, basta’t tulungan mo akong hanapin ang ebidensya na sinet up si Aura.”Tumingin sa baba si Luna para makita ang dalawang card na binigay sa kanya ni Natasha. Alam niya kung ano ang mga ito. Ang isa ay ang personal account ni Natasha na may laman ng lahat ng kanyang life savings; si Luna mismo ang tumulong kay natasha na buksan ito. Ang isa naman ay ang card na binigay ni Luna kay Natasha bago siya ikasal kay Joshua. Ang laman ng card ay ang lahat ng savings at assets ni Luna. Dati, alam ni Luna na nahirapan ang mga magulang niya sa pagpapalaki sa kanya, pero dahil maaga siyang nagpakasal, hindi niya pa alam kung paano bayaran ang mga magulang niya, kaya’t inipon niya a
Nakauwi na si Luna mula sa hospital. Ngunit, sa sandali na umupo siya, nakatanggap siya ng tawag mula kay Nigel.“Mommy, nahanap ko na ang tunay na mga address. Ang IP address na ginamit ni Aura para tawagan si lola ay mukhang galing sa hospital. Sinend ko na po sa inyo ang lokasyon ng hospital,” ang sabi ni Nigel sa phone.Tumingin si Luna sa address na sinend ni Nigel. Mukhang isa itong mental hospital na malapit sa labas ng Banyan City.‘Totoo ba na hindi pinadala si Aura sa Australia?’ Ang iniisip ni Luna. ‘Dahil nasa Banyan City pa rin siya, bakit gagawa ng pekeng balita si Joshua na pumunta si Aura sa ibang bansa? Nagawa niya pang gumawa ng pekeng litrato at video ni Aura sa pagdating niya sa Australia. Dahil lang ba gusto niyang humanap ng dahilan ng biglang pagkawala ni Aura? Bakit niya pala kinulong si Aura, at sa isa pang mental hospital?”Mas dumami ang mga tanong sa kanyang isip. ‘Kinulong ba ni Joshua si Aura dahil gusto niyang pagbayaran ni Aura ang pagtatangka nito s
Naalala ni Nigel ang mga oras na nagigising si Luna na umiiyak sa kalagitnaan ng gabi. Sa tuwing nangyayari ito, bumabangon siya at inaakbayan niya si Luna sa pagtatangkang aliwin ito.Napakaraming pinagdaanan ng kanyang ina para lang dalhin silang tatlo sa mundong ito. Dumaan siya sa napakaraming paghihirap upang mabago ang kanyang hitsura at ipalagay ang isang bagong pagkakakilanlan. Ang lahat ng ito ay upang makapagsimula siya ng isang bagong buhay, ngunit dahil sa kanya at kay Nellie, kailangan niyang mapalapit muli sa lalaking iyon-ang lalaking nagdala sa kanya ng lahat ng ito sa simula pa lang.“Mommy.” Tumigil si Nigel at huminga ng malalim bago niya tuluyang sinabi, "Mahal po kita."Hindi siya magsasabi ng anumang bagay na ikakabigo muli ni Luna.Hindi inaasahan ni Luna na marinig ang isang taos-pusong pag-amin na ganoon mula sa kanyang karaniwang mahiyain at mapagtimpi na anak. Tumawa siya bilang sagot. "Alam ko. Kayong tatlo ang best things na nangyari sa akin, at gagawin
Huminga si Luna sa kanyang lalamunan. Tama ang hula niya; Nagsimula nang pumasok si Nellie sa paaralan sa parehong kindergarten na pinuntahan ni Neil."Mr. Lynch, naniniwala akong nagkakamali ka po, "simula ni Luna. "Ang pagpupumilit po ni Nellie na pumasok sa school kasama si Neil ay dahil sa pagiging close nila sa isa't isa. Sa palagay ko po, wala itong kinalaman sa akin. Hindi ko po nabanggit kay Nellie ang ideyang ito. "Bahagya siyang ngumisi at idinagdag, “Mr. Lynch, mayroon po akong isang payo para sa iyo: Sa halip po na subukang sisihin ang iyong mga problema sa ibang mga tao, bakit hindi ka po talagang umupo at makipag-usap sa inyong anak na babae upang malaman kung ano po talaga ang gusto niya? Si Nellie at Neil po ay matalik na magkaibigan, at normal po para sa kanila na nais na sabay na pumasok sa school. "Naningkit ang mga mata ni Joshua ng marinig ang sagot ni Luna. Ang babaeng ito ay isang piece of work. Hindi lamang siya biglang tumigil sa kanyang trabaho sa Blue Ba