Malamig ang simoy ng hangin.Ngumisi si Joshua at tumingin siya ng malamig kay Luna. “Bakit mo ako kinamumuhian?”“Kinamumuhian kita…” Tumawa si Luna at tumingin siya kay Joshua. “Kinamumuhian kita dahil wala kang pakialam sa akin, at wala karin pakialam kay Nellie!”Naglabas ng isang pakete ng sigarilyo si Joshua at sinindihan niya ang isa. “Anong ibig mong sabihin , wala akong pakialam kay Nellie?”Huminto si Luna. “Kung may pakialam ka sa kanya… bakit para hindi mo pinaparusahan si Aura?” Itinikom ni Luna ang mga labi niya at nahirapan siyang magsalita. Nahihilo siya dahil sa alcohol at natumba siya sa direksyon ni Joshua at napasandal siya dito. “Sabihin mo ang totoo… hindi mahalaga sayo… hindi mahalaga sayo si Nellie, at hindi rin ako mahalaga sayo.”Walang balak sumagot si Joshua nung una, pero ngayon at nakasandal si Luna sa kanya, wala siyang magawa kundi tulungan si Luna na tumayo.“‘Wag mo akong hawakan…” ang lasing na pagsabi ni Luna, mahina ang katawan niya. “Mahal mo
Gumising si Nellie ng madaling araw at bumaba siya para kumuha ng tubig, nang bigla niyang marinig ang pag uusap ni Lucas at ng mga katulong.“Importante ang utos ni Sir. Lasing na lasing ang babae.”Biglang nagkaroon ng alarm bells sa isip ng batang babae.Babae, na lasing na lasing?Kinagat niya ang labi niya at lumapit siya ng galit, tumingala siya para tumingin kay Lucas.“Lucas, sino po ang babae na tinutukoy niyo? Anong po ang nangyari kay Daddy?”Napatalon sa gulat si Lucas. “Little Princess.”“Nagtatanong po ako tungkol sa babae, ano pong ibig sabihin niyo na lasing na lasing?”Nagbuntong hininga si Lucas, wala siyang magawa kundi sabihin ang totoo. “Si Luna. Lasing siya at dinala siya ni Sir sa kwarto niya.”Napahinto ang batang babae.Matapos ang ilang saglit, kinagat niya ang labi niya at sinabi, “Edi… maghanda po kayo ng maiinom niya para sa hangover niya.”Pagkatapos, parang may naalala si Nellie na mahalagang bagay, tumingin siya ng inosente kay Lucas. “Narinig
Hindi inaasahan ni Nellie na madali lang susunod ang Daddy niya, natulala siya ng ilang saglit bago siya bumalik sa sarili. Pumasok siya sa kwarto gamit ang maliit niyang mga binti.Umupo ang batang babae sa maliit na upuan sa tabi ng bintana, tumingin siya kay Luna na lasing na lasing na nakahiga sa kama, halata sa mga mata ni Nellie ang pag aalala. “Daddy, bakit po nasa kwarto niyo si Auntie?”Dumilim ang mga mata ni Joshua. “Lasing siya.”“Ah.” tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi. “Malungkot po siguro si Auntie ngayong gabi.”Tinaas ni Joshua ang baso at pinuno niya ito. “Bakit naman?”“Syempre po.” Habang nakaupo, naglalaro ang mga paa ni Nellie sa ere. “Sinabi po ni Auntie na sa tingin niya hindi mabait sa akin si tita Aura, gusto niya pong tapusin ang problema kay tita Aura bago siya umalis, kung hindi, mag aalala po siya.”Pagkatapos sabihin ito, tumingin ang batang babae sa tatay niya, makikita ang sama ng loob sa ekspresyon niya. “Pero kayo po, Daddy? Pinabayaan niyo
Pero kung niligawan ni Joshua si Luna, iba ang mangyayari. Kahit na walang balak ibunyag ni Mommy ang tunay niyang pagkakakilanlan, may chansa na magkakatuluyan sila! Habang iniisip ito, muling hinila ng dahan dahan ni Nellie ang manggas ng Daddy niya. “Daddy, subukan niyo muna po. Pwede ko po kayong tulungan!”Ngumiti at umiling si Joshua. Hindi.”“Bakit hindi po!”Kinagat ni Nellie ang labi niya, tumingin siya ng masama kay Joshua. “Nagaalala po ba kayo na makalimutan niyo po na nagpapanggap kayo at mahulog kayo kay Auntie? Mahina po pala talaga ang pagmamahal niyo kay Mommy! Hindi ko po pala kayo tutulungan na ibalik si Mommy! Hindi niyo po kayang magpanggap para kay Auntie, hindi niyo po talaga mahal si Mommy! Ayaw niyo po kami na magkasama ulit!”Tumahimik si Joshua. “...”Habang kaharap ang hindi mapakiusapan na batang babae, bigla, hindi malaman ni Joshua kung ano ang gagawin niya.Nagbuntong hininga siya, ipinagsalin ang sarili niya ng isa pang baso at inubos niya ito. “
Lumalim ang gabi.Habang nakauwi sa hotel room, tumingin si Malcolm Quinn sa malaking screen, malupit ang simangot sa kanyang mukha.Higit sa dalawang oras niya nang hinahanap si Luna ngayon, sinuri niya ang bawat sulok ng hotel.Sa huli, nakita niya ang isang payat na babae sa CCTV recording mula sa camera sa tabi ng kalsada.Lasing na lasing ang babaeng nasa screen, papunta ito sa isang direksyon.At ang direksyon na ‘yun ay papunta sa… Blue Bay Villa ni Joshua.Humigpit ang pag hawak niya sa wine glass.Alam ni Luna na pumunta siya dito para dumalo sa birthday party ni Granny Lynch, pero hindi alam ni Luna na pumunta siya dito para sa kanya.Magkaribal si Malcolm at si Joshua.The Quinn family’s business endeavors didn’t extend to Banyan City.Hindi sakop ng negosyo ng pamilya Quinn ang Banyan CIty.He rescheduled a few meetings just to come here and see her.Nagreschedule siya ng ilang meeting para lang pumunta dito at makita si Luna.That night, he received many overs
“Nasa baba si papa?”Bumaba siya mula sa kama habang suot ang robe sa kanyang balikat. “Maliligo lang ako. Bumangon ka na rin para magbihis. Sabihin mo sa mga katulong na gumawa ng kahit anong gusto mo para sa agahan.”Kumilos ng natural si Joshua na parang hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyari sa kanila.Habang nakatingin sa malapad na likod ni Joshua, kinagat ni Luna ang labi niya. “Joshua.”Tumigil si Joshua.“Ano pa ang gusto mong sabihin?”Bumuka ang bibig ni Joshua, hindi siya na siya tumalikod, at malamig rin ang boses niya, “Matanda na tayo. ‘Wag mong sabihin…”Napuno ng panunuya ang mga labi niya, “Gusto mong panagutan ko ito? Pumunta ka sa akin ng lasing, isa ba itong bagong misyon na binigay sayo ni Malcolm Quinn?”Pagkatapos, bago pa makapagreak si Luna, binuksan ni Joshua ang pinto ng banyo at pumasok siya dito.Habang nakaupo sa kama, tumingin si Luna sa saradong pinto, at pinakinggan ang pagtulo ng tubig, lumubog ang puso niya.Dahil sa malamig na pag
“Ayaw ko.”Sumimangot si Joshua at inalis niya ang mga braso ni Luna sa leeg niya. “Hindi na gagana ang plano mo. Baka kung mas maaga kang nagtanong, papayag ako. Pero pagkatapos nung nangyari kagabi…”Nilapit niya ng mga labi niya sa tainga ni Luna, magkasama ang mababang boses niya at mainit na hininga, “Alam ko na kasama mo si Malcolm Quinn. Sa tingin mo ba ay tatanggapin ko ang isang tao na tapat sa kaaway ko para magtrabaho para sa akin?”Pagkatapos, lumingon ng malamig si Joshua at naghanda na siyang umalis.Pero, inabot ni Luna ang kwelyo ni Joshua, tila may paghamon sa mga mata niya. “Hindi po ba kayo kampante sa sarili niyo?”Sumimangot siya at tumingin siya kay Luna, hindi siya nagsalita.Namuo ang ngiti sa kanyang mukha. “Babae lang po ako, gumawa na po kayo ng background check sa akin, alam niyo na po dapat ngayon ang kakayahan ko. At ngayon po ay natatakot kayo na nanakawin ko ang mga sikreto ng kumpanya niyo, ano pa po ba ‘yun kung hindi kampante?”Sadya niyang sin
Kahit anong mangyari, sigurado si Luna, naapektuhan si Joshua na hindi tulad sa pagpapanggap niya.At least naakit si Joshua sa pisikal na itsura ni Luna, pwede niyang gamitin ang pagnanasa ni Joshua.Sapat na ‘yun!Bukod pa dito, ang kailangan niya lang kapag umuwi siya ay ang anak ni Joshua!Para naman sa kung sino talaga ang gusto ng masamang lalaking ‘yun, wala nang pakialam dito si Luna!Habang iniisip ito, hinalikan ni Luna sa pisngi ang anak niya. “Hindi kita sinisisi.”“Binigyan mo ako ng magandang ideya.”Pagkatapos, huminga siya ng malalim at tumalikod na siya para umalis.“Saan po kayo pupunta?”Habang nakatingin kay Luna, sumimangot si Nellie, at agad siyang naglakad sa corridor.“Uuwi na ako.”Huminto si Luna para ngumiti kay Nellie. “Magkikita rin uit tayo kaagad!”Magkikita rin tayo kaagad?Nagbuntong hininga si Nellie, muli niyang narinig ang mga sinabi ng tatay niya kagabi.Napagtanto niya na may ibang bagay pa na dapat niyang sabihin sa nanay niya.Hali