Share

II. Foreclose

Chapter 2

Foreclose

Kumalat sa sahig ang iba't ibang dokumento mula sa drawer. Hinalungkat ko iyon upang hanapin ang medical records ni Dustine kung meron man, para malaman ko kung ano ang dating sakit niya. Sumasakit ang ulo ko sa sunod-sunod na problema. I already lost my mom and dad. I don't want to lose my brother anymore.

Naubos ang pasensya ko sa kawalan ng pag-asang makahanap ng medical records ni Dustine. Kung totoo ngang ayaw nilang malaman ko kung ano ang sakit ni Dustine noon, malamang ay itinapon na nila ang lahat ng maaaring maging ebidensya. 

Walang lakas na bumagsak ang katawan ko sa kama. Hinilamos ko ang mga palad sa mukha at tumungo. Sa dami ng iniisip ay sumasakit na ang ulo ko. 

Nang imulat ang mata ay sumambulat sa akin ang katotohanang marami pala akong hindi nalalaman. At ngayon, sabay-sabay ko pa yatang matutuklasan.

Nanginginig ang kamay kong pinulot ang isang notice na kapansin pansin ang nakasulat na:

YOU MAY LOSE LEGAL RIGHTS IF YOU DO NOT TAKE PROMPT ACTION NOW!

Ang nakalagay na petsa sa notice ay mag-iisang buwan na mula ngayon!

Tatlong katok ang narinig ko bago bumukas ang pintuan. Sumungaw ang ulo ni Ate Delia sa pintuan kaya't ipinirmi ko ang sarili at hinayaan siyang makapasok.

"Sulat po."

Kinuha ko iyon at agad naman siyang umalis. Nanginginig pa ang kamay ko nang buksan ang maliit na sobre.

Final Notice

DUE TO DELINQUENT MORTGAGE PAYMENTS, YOUR PROPERTY HAS BEEN TURNED OVER TO THE FORECLOSE DEPARTMENT. THE DEFAULT AMOUNT IS P99,200,000 as of July 10 20**. YOUR PROPERTY MAY BE SOLD WITHOUT ANY COURT ACTION.

What the hell! 

Galit, takot, at pagod ang nanunuot sa buong sistema ko. Ni hindi ko maproseso ang lahat ng nangyari sa loob ng isang araw.

Una, isinugod si Dustine sa ospital at malalaman kong nagkasakit pala siya noong ipinadala siya sa ibang bansa, at hindi para 'parusahan' kundi para magpagaling. 

Pangalawa, may malaking pagkakautang pala si Papá sa bangko na umabot sa 100 Million Pesos. Saan ako kukuha ng gano'n kalaking pambayad para lang hindi maforeclose ang mga ari-arian namin? Hindi ko pa alam kung anong mga isinanla ni Papa, ngunit kung ano man iyon, isa iyong malaking kawalan sa amin.

Damn! Bakit wala akong alam? Bakit itinago nila ito sa'kin?

Ngayon, saan ako kukuha ng pera, bukod sa pampaospital ng kapatid ko, but also to pay off the mortgage. Kulang na kulang ang share ni Papá sa kompanya na sa tingin ko'y hindi man lang aabot sa 9 digits, para ipambayad lahat ng iyon! Walang wala na kami noong nagkasakit at nawala siya. Saan na kami pupulutin nito?

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at narealize na sobrang laki ng ibinawas ng timbang ko. Ang itim sa paligid ng mata ko ang magpapatunay na hindi biro ang stress na inaabot ko dahil sa sunod-sunod na problema.

I let my hair hang loose and projected infront of the full body- sized mirror. Lin looked at me as if my head grew bigger. One last glance on the mirror at siya naman ang binalingan ko.

"What's with that stare?" I asked her, raising my brow.

She stood up and pull the blinds down to see the overlooking view of the city. 

"I'm just wondering. Bakit ka nagpapaganda? Lawyer niyo lang naman ang pupuntahan mo..." she said and nodded nang may maisip. "Aha! Pinagagandahan mo iyon, noh? Ano? Papayag ka na ba sa offer niya?"

I rolled my eyes and sat on the swivel chair. Ngayon, ako naman ang nakatingin sa kanya na parang tinubuan siya ng isa pang mukha. "Mygod, Lin! Do you think I'll do that? No way! Kakausapin ko lang siya about the mortgage. I won't trade my dignity for money. Kaya ko namang mabayaran iyon nang hindi dumidepende sa iba. And besides that, I'm not into any kind of intimate relationship anymore."

My words are marked with finality. Totoo naman kasi. I'm not into it. I'm just not into it anymore.

"Because you're still into him?" She said, emphasizing the word 'him'.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Nope. I'm not into him. I was never into him."

She snapped at lumapit sakin atsaka humalukipkip, "Then date Heinn to save yourself!"

That is the least thing that I would do: to date someone just to save my ass from this mess. 

"No. Way."

I stood up and walked out of the office without looking at her.

No, Lin. I'll save myself without using other people. Not Heinn. Definitely not HIM.

My mind was occupied kaya hindi ko namalayan ang kotseng kamuntik nang bumangga sa'kin. Kung hindi iyon nakapagpreno ay baka nabalian na ako ng buto.

"Ma'am, okay ka lang?" Tanong noong driver na muntik nang makasagasa sa'kin.

"I-I'm okay. S-Sorry..."

Pinaandar nang muli noong driver iyong kotse. Gumilid ako para bigyan siya nang daan, at habang papalayo ang kotse ay naaninag ko ang sakay sa passenger's seat, at nasisiguro kong kilala ko ang lulan ng Benz na iyon.

Para akong inugatan sa kinatatayuan ko.

Those pair of eyes. Kilalang-kilala ko iyon. Hindi ako maaaring magkamali.

Mula noong araw na iyon ay hindi na ako tinatantanan ng multo ng nakaraan na paulit-ulit na dumadalaw sa aking isipan.

My mistakes in the past will not define who I am today. I've learned from my mistakes. Nevertheless, I have to say sorry for everything I've caused him. Pero, kung bibigyan ako ng pagkakataong maitama ang mga kamalian ko, I would still do the same thing dahil iyon ang sa tingin ko'y tama. I knew I was wrong all along. Kahit pa mali, paulit-ulit kong gagawin 'yun dahil 'yun ang dapat.

Oo, nagsisi ako. Nagsisi ako dahil sinaktan kita, hindi dahil sinukuan kita. I would always choose to let you go, than to be with me, but will suffer from too much agony and lamentation. No... Never will I choose the latter.

I may have caused you so much pain but I hope one day marealize mo na ginawa ko lang 'yon to save you. Only if you knew that while I was saving you, I had bruises and scars etched in my heart forever.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status